5 Types of Tontaness


Ito ay kathang nagbibigay pugay sa katangahan...

Let me give you some obvious descriptions of Tontaness in various forms.

1st - Booba/GLP

This is our local version of Dumb Blonde. Try to observe some of the people you know na Cap Z ang dudang, most of them - walang sustansiya kausap. Kung meron man, limited topics lang on Fashion, Showbiz or anything about chizmiz. Hindi lang naman sa breast size limited ang qualification (kaya nga Booba *slash GLP  or Ganda Lang ang Puhunan). From the word itself, usually 'pag magaganda, walang laman ang kukote. I don't wanna be  too harsh pero matumal talaga ang mga may mala-artistang face na, super brainy pa. It happens pero 1 in every 3,203 people ang ratio nito. 

2nd - ME-MA Don-Don

Me-Ma is a colloquial term for "May Masabi Lang" and Don Don is short for Dunung-dunungan. These are the dumbfounded pals na in denial pa at taglay nila ang agimat ng kawalang saysay. Sila 'yung mga Shungaerz na parang si Kuya Kim Atienza na kung umarte ay maraming alam pero wala rin namang substance. Most of the time jimbenters  o gawa-gawa lang ang mga hanash nila sa buhay. Dapat mag-ingat sa mga taong ito at sa mga dala nilang information. In conviction sila magbitiw ng mga aakalain mong legit na trivial details pero ang totoo ay fabricated lamang.

3rd - PANI PEOPLE

When I said that stupidity is contagious, I meant it... Pani stands for "Paniwalain". Kumbaga sa kantang 'Bahay-Kubo, sila 'yung next to kundol which is Patola or simply - MAPAGPATOL. Ang pagiging Pani ay isang resulta ng kadalasang pakikipag-usap sa mga Me-Ma Don Don. 'Yan, nakakahawang katangahan talaga. Sila ang mga may scarcity sa stock knowledge kaya kung ano lang ang marinig o mabilisang mabasa, more store na agad ng info sa tiny hypothalamus nila for future use. Madali silang mapaniwala. Gullible lang! 

4th - GERMAN

German represents a foreign language that the brain uses when absorbing information. Sa kung anung kadahilanan na hindi ko maintindihan, may mga friends talaga tayo na super 1 km per hour ang speed ng pick up. Ito 'yung mga friends nating kasama natin usually sa any outdoor events at kapag kinuwentuhan mo ng stories or even jokes, it usually takes them 24 hours (minimum) bago ma-gets at mag-react. May ibang lenguawaheng gamit ang brains nila. One time, I had this friend and after kong mag-joke, silent lang at more changed the topic siya. The day after, I got a text from her saying that the story was superbly funny. Ganun katagal niya naproseso ang punchline ng stroy. Oh yes! One more thing, mapanlinlang sila, it's either no reaction ang drama nila or more change the topic para hindi halatang nga-nga sila. Maraming ganyan, pwamiz!

5th - UBERLY NICE BACKSTABBING BI*CH!

Sa mga taong dalawa ang mukha, I consider them as Tan-G-A as well. Mga feelingera na walang hangganan ang Traitorness. Sila 'yung super angelic in front pero devilish when you're not around. Attitude problem ito so usually sila 'yung walang masyadong permanent friends. Kaya dapat  mag-ingat sa mga new friends na sobrang clingy at assumerang froglets na close kayo. Usually ang victims nila ay ang mga previously enumerated types.

Mahaba pa ang listahan ng Dumbness Kingdom at sa dami ng classifications ng mga species na ito, may cross breed na rin na nagaganap. Malapit na nilang ma-invade ang universe at tuluyang palawak ng palawak na ang nasasakupan nila. 

Dito lang sa Pinas may PartyList sila. Would you believe si Mikey Macapagal Arroyo is in Congress representing the Tricycle Drivers?!? Nakakatanga lang diba? 

Kaya nga look around... The moment you see people around you who belong to the family of Tontaess, hug them.... caress them... pamper them... That means a lot to them... When they ask why, tell 'em we simply care... For real!

Without Stupid People we won't know how good it feels not to be like them!

36 (na) komento:

  1. hahhaa,, potek. dami kong kakilalang booba/GLP. hahaha
    German. meron din, marami na kong guest na dinala ko sa bundok. mga pentium poor ang processor ng utak nila. parang PC de Uling. hahaha

    TumugonBurahin
  2. Ang ganda ng pagkakasulat mo Senyor.

    The masa effect ng language made it more appealing at madaling maintindihan at ma-relate.

    Parang nasapul ako dun sa isa..sa number 4, pero di naman 24 hours kabagal ang sa akin hahaha...mga minutes lang or most likely it happens because I didn't correctly hear what has been said.

    Agree ako sa super cali fragilistic -pagka plastic ni Mikey Arroyo- partly list ng mga tryke drivers? Really....kelan pa siya naging masa? at malapit sa masa?

    Anyway, congratz sa nice post na eto. May bite!

    TumugonBurahin
  3. Hindi ako nag-skipread. oh ha! at talaga naman, ako naman may patola moments.. ang gullible ko kasi eh. Muntanga lang...

    TumugonBurahin
  4. Repost to diba, nabasa ko na to dati.. anyway, di mo irerepost to kung walang pinaghuhugutan hahaha, medyo harsh ka dito mare :P yung 5th ang panget ng ganung type, dapat iwasan.

    TumugonBurahin
  5. Waah Senyor! ang sarap na almusal neto hahaha :D

    #1 - may kilala akong ganyan. artista siyang babae hahaha. may commercial siyang beer :D

    #2 - yan ung mga kuryente people. meaning false facts ang hatid.

    #3 - may kilala din akong ganyan dati. pero looks like natuto na syang lumugar ngaun.

    #4 - ay grabe naman sa kabagalan pumik-up hahaha. gaano ba kaliit ang brains nyan? XD

    #5 - madami din akong kilalang ganito hahaha :D

    TumugonBurahin
  6. Minsan, mapagpatol ako. LOL!

    yong 5th ang mahirap. Kaya, mahirap magtiwala agad lalo na yong feeling feeling close at hindi mo pa talaga lubusang kilala kasi madalas sila yong naninira sayo. Hirap talaga magtiwala sa panahon ngayon, hindi din naman lahat. Piling-pili lang talaga.

    TumugonBurahin
  7. buti na lng...maganda na ko...may utak pa...hahaha...luvurself...:)

    TumugonBurahin
  8. sa lahat ng mga yan, ang pinaka ayaw ko ay yung pang-LIMA
    grabe!!! sarap soplakin ng mga yan :)

    TumugonBurahin
  9. yong sa german may ganong friend ako! hahaha as in swak yang text drama! lol at yang pang lima ay nakoh!!! presently!! as in meron meron talagang ganyan! hahaha tinatawag nga namin yan ng friends ko na kagat ng buwaya!!!

    pero minsan talaga nagloload ang utak ko (pero ndi naman ganon katagal at parang tatakbo pa ng ilang kilometro hahaha ) kapag ang kausap ko lahat bakla hahahaha syempre may sariling language at naman diba!!! humahabol utak ko sa bilis ng bibig nila! kung maingay ang mga babaye pwes ano nalang kaya sila!!! hahahaha

    TumugonBurahin
  10. idagdag mo na ako na isa sa mga under nung pangalawang kategorya.. hahaha

    TumugonBurahin
  11. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  12. Ouch at Booba. Haha!

    Oh well, I never really claimed to be extraordinarily brilliant but I don't consider myself tonta either (maybe I'm in denial). I often get misjudged because I don't attempt to impress people with the things I have an understanding of. I'm just too old for that sh*t.

    I don't make it a habit to make fun of tonta people like myself because I'm not arrogant nor condescending. I also do not associate myself with those who think they are better than others simply because they deem themselves smart(ish).

    At least I got a nice rack. LOL.

    TumugonBurahin
  13. Plastik naman kung idedeny ko na isa o dalawang trait jan wala ako..nyaha
    Well, hirap naman kung lahat ng tao matatalino.

    TumugonBurahin
  14. new friends na sobrang clingy at assumerang froglets na close kayo- madalas nga mga backstabber to.

    hungsakit nung German.. kasi me pagkaganun aketch .. pero di naman 24 hrs... kasi pag di ko talaga ma gets yung patawa mangungulit ako at itatanung ko bat nakakatawa yun kahit na magmukhang tannga kesa naman makikitawa tas di ko pala alam ang tinatawanan ko.

    TumugonBurahin
  15. paano ba yan patola din ako at minsan phlegmatic din. Pero dun sa unang category marami naman akong nakilalang pretty na matalino pa. Yun nga lang minsan hindi nila masyadong ginagamit ang talino in public kasi ganda pa lang pasado na.

    TumugonBurahin
  16. Grabe ito ha patama sa akin hehehe, nagpapaka trueness lang hehehe.
    Minsan talga may pagka bobaness din ako aaminin ko yan, yan na yta ang hirap sa housewife dina masyadong nahahasa ang hutak hehehe.

    TumugonBurahin
  17. Katuwa naman ang post na to. Pero sa aking dalawang uri lang ang tanga sa mundo: yung isa nakakatuwa, yung isa hindi. Yung nakakatuwa ng uri yung kaya kong maging friend kasi yung katangahan nila eh nagdudulot ng saya at funniest moments sa barkada. Yung isang uri naman yung hate na hate ko, eto yung mga mapagpanggap. Feeling all-knowing pero mali-mali naman yung information na alam, tapos aawayin ka pa pag di ka maniwala sa kanila. Kaloka lang.

    TumugonBurahin
  18. Grabe tawa ko dun sa friend mo under german wahaha 24hours talaga kulit!! Medyo under pani ako kaya iwas na iwas ako sa mga mema don don. Hehe

    TumugonBurahin
  19. natawa akong maigi dun sa 24 hours bago nakuha yung joke. minsan ganyan din ako kaya lang mga 24 minutes naman. ganyan.


    Mas ma-appeal parin sakin ang brainy kesa sa pretty :)

    TumugonBurahin
  20. Ouch at #5. Somebody just stabbed me in the back. Multiple times. :(

    Hello Senyor!

    TumugonBurahin
  21. haha very informative post! haha
    dame ko term na kuha dito ahh ahaha
    siguro ako ee mema, pani at german rolled into one hahaha

    TumugonBurahin
  22. kumusta naman ang lalaki na walang brainy ateh? lol

    TumugonBurahin
  23. May types pala ang katangahan, see, hindi ko alam yan, lol! Pag medyo tatangatanga, I do the same para hindi sila masaktan, another lol!

    TumugonBurahin
  24. feeling ko.. feeling ko.. ako lahat ito. except sa una.. kase impossible akong maging booba or ganda lang ang puhunan... pero natamaan ako sa the rest.. kahit medjo pumaling yung description pero somewhat...

    TumugonBurahin
  25. omaygad at nakalimutan kong itanong..ano ang totoong meaning ng totaness.

    TumugonBurahin
  26. Hi senyor!!!! Missed you much! And I LOOOOVEEE THIS POST! hahaha!

    Tontaness in various forms pala. Iba't ibang species pala ang mga hayop na yan, hanep ah! hahaha!

    1. Booba/GLP- I have a close encounter of this kind. Siya yung si Miss Marijuana, yung part-time syota ko kapag pareho kaming nasa trabaho (oo, naki trip na din ako sa mga katangahan niya. hahaha!). Ok naman siyang tao (minsan) pero wala ka talaga mahuhugot sa kukote niya. Minsan yung gusto ko makausap siya about principles in life, or religion, or social issues. Well, nakipag usap na lang sana ako sa pader. Ganda niya, but she's just like a sex doll- good for fucking, and for fucking further.

    Nabigla nga ako nung minsan nabanggit lang niya sa akin yung news na nag resign yung former pope. Akala ko mahuhulog ang langit dahil updated siya sa current news. But other than that, well, fashion at pagpapaganda at pakikipaglandian ang expertise niya. Well, at least I learn something from her, hehehe!

    2. Don Don din siguro ako. Kita mo naman kung paano ako mag explain ng facts at concepts sa comment boxes, na akala mo eh propesor ng isang pamantasan. Hehehehe! Sa totoo lang senyor, hindi naman ako bobo, pero may konting katangahan din akong taglay. Pero dun sa mga todo Don Don, eh bilib naman ako sa galing nila makisakay ng mga usapan.

    3. But I think mas swak na swak ako sa third kind, yung mga gullible. Sa inner circle ko tatlo kaming matalik na magkakaibigan. Madalas yung dalawa, nageenjoy silang pagtawanan ako kasi mabilis ako mauto sa mga raket nila. Ganon ang friendship namin- I am stupid, I make them happy. I try to be smart, their lives become boring. So I do my best to make them happy. hahaha! Ewan! Nakaka-asar pero ganon ang pagmamahalan namin sa isa't-isa- alaskahan lang. Hahahaha!

    4. Ahahaha! German talaga! Gullible ako dahil german ako? ganon? hahaha! In defense sa mga ka-uri ko, well allow me to say that we have different mental processes and a different ways of conveying messages. People like us 'germans' we convey our message and communicate its meanings in our own way. So if a certain message or meaning is conveyed in the same manner we communicated it, then the brain will easily process that and it will reach the appropriate destination within the grey matter. Now if such message was delivered in a manner different from ours, then it becomes foreign, and since we are so used to our own way of communication we will have difficulty processing the message in the brain. So I beg to differ. this is not stupidity but a mere incompatibility in conveying messages and differences in ways of communicating. I rest my case.

    5. I try not to be one of those back-stabbers. well, may mga blind-items ako (at marami pang dadating). Back-stabbing din ba yun? Pero ang object naman ng mga blind-items ko eh yung makakapal na sa kapangyarihan at kagaguhan eh. Hindi yung character assassination ng mga kinakaibigan ko. Although may naging kaibigan akong ganyan. Nakita ko din yung pattern na napaka clingy niya sa isang tao tapos walang tumatagal sa kanya. Ewan!


    Hahaba talaga ang listahan at lalawak pa ang kaharian nila. Their Dark Lord of Ignorance is reeking of foul arrogance, delusions, and absurdity (Arroyo and Co.).

    At sabi nga nila, there are two things infinite- the universe and stupidity, the latter seems to be greater than the former. Pumasok ka lang sa Congress at Senado, you'll know what I mean. Balikan lang natin ang issue ni Katrina Halili at Hayden Kho. Does that really deserve a Senate hearing/investigation? nakisali pa ang ilang epal mula sa executive branch.

    "Without Stupid People we won't know how good it feels not to be like them!"- one of the best statements I've ever heard!

    TumugonBurahin
  27. Ako karaniwan I play Patola to one person I know who is so Mema. Hinde rin nman kasi siya papayag na hindi siya bida. So I am usually inclined to give way. Sakto tong post na to,

    TumugonBurahin
  28. minsan, ayaw ko sa memadondon.... kainis kasi e......

    TumugonBurahin
  29. Bakaka guilty naman ng post nato. Di namn kasi ako brightchild ng ipanganak. Pero in fairness half day lang nakaka gets na din ako. Di aabot ng 24hours

    TumugonBurahin
  30. hahahahahah! gullible pa man din ako minsan >.<
    ang dami kong tawa.. gusto kong ung friend mo na un ha? :)

    TumugonBurahin
  31. awwts, tumama...lols!
    anyway, minsan naman din kasi tayo rin ang nagdedesisyong magpaka tonta e. sometimes, it's a way of fitting in a group. I sometimes am a PANI PEOPLE base on your description, and oftentimes I transform myself into that para lang sa pakikisama...hehehe..ewan! pero regarding jan sa election-thingie-shit, marami tlagang tatanga tanga at paniwalain, but exempt me from them. :)

    TumugonBurahin
  32. Bravo! Galing naman ng pagkakasulat ^^

    at naaliw ako hehehe


    feeling ko isa ako sa german... minsan kasi late reaksyon ako hehehe

    TumugonBurahin
  33. First blog stop ko this morning... nganga ako pwamiz, hehe
    first time to hear these terms and after 2 years, i mean 2 hours ay pino-process ko pa rin, hehe just kidding!
    Mikey Arroyo, tricycle driver reps. ah ah, aangal talaga ako dyan!

    TumugonBurahin
  34. 1. Booba/GLP
    ok lang sila sakin tanggap ko sila. wag na lang siguro masyadong jo-join sa mga nose bleed convo ha ha ok lang sakin silang magpa-cute hi hi hi

    2. ME-MA Don-Don
    Asar na asar ako dito sa ganito eh. Lalo na yung nangongopya ng mga status ng ibang tao sa social media tapos ipo-post sa wall nila na as if sila ang original or thoughts talaga nila yun haist!

    3. PANI PEOPLE
    Yung mga mazed na amazed sa mga bagay na hindi naman amazing or hindi nangyayari or hindi nag-e-existLOL!

    4. GERMAN
    kasama kamo sa outdoor events? yung tipong sabi ng photographer eh "jump shot!" at ilang beses na sinabi before the shot na "ready?". Pag tingin mo sa shot eh hindi umangat sa lupa at naka "japan-japan" pa. Tapos magtatanong na "bakit iba ang pose ko?" LOL!

    486 pa lang kasi ang processor - hindi pa na upgrade :P

    5. UBERLY NICE BACK STABBING BIaTCH!
    Eto gusto kong dunggulin ang nguso ng mga ganito eh ha ha ha :P

    at si mikey arroyo? sinira mo naman ang araw ko sa pag mention ng name na eto! "@#$%^&" !!! sa kanya!

    Sooo love this post Senyor! isa pa ngang ganito :)

    TumugonBurahin
  35. lakas talaga makatanga slash makakupal yang Mikey feeling wanna be lower. Ang sarap nyang ibaon ng buhay at espaltuhan ang lupa para hindi na makaahon pa.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...