Ang simula ng buwan ay tila isang bisyo na sa aking masikip na eskinita upang magbigay pugay sa isang hinahangaang personalidad na taga-labasan. Isang kapwa blogero.
Mula sa hanay nina Glentot of Wickedmouth, Archieviner of Chateau de Archieviner, Pao Kun of To infinity and beyond! Pangkalawakan! at Lili of Thinking Out Loud, ikinararangal kong ipakilala...
Blindpen of Kwentista Blog
Mataas ang respeto at paghanga ko sa malikot at may saysay na kaisipan niya. Lubos ang aking pagkamangha na sa kabila ng kanyang murang edad ay may kakayahan siyang maglahad at humabi ng mga kwentong may lalim at tunay na may pinanghuhugutan. Isang talentong hindi angkin ng lahat ng mga makabagong blogero.
Halina at mas kilalanin natin siya...
Full Name: Aldrin Cuevas Espiritu
Age: 21
Sex: Lalaki
Location: Muntinlupa, Rizal, Pilipinas
Civil Status: Single
FB E-mail Address: aldrinespiritu29@gmail.com
Twitter Account: @acedrinn
Kumusta ka naman?
Ayos lang. Ito naghihintay lang ng trabaho haha. Joke, April ko talaga balak mag-apply so busy month ahead sa akin, kapag nasimulan ko kasi 'yan wala talagang tigil hanggang may trabaho na akong makuha.
Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
Una, na-eksayt ako. Tapos biglang napaisip, marami nga palang readers si Senyor, karapat-dapat ba talaga ako sa interview niya?
Why Blindpen?
Malayang pagsusulat. 'Yung totoo hindi bastang naging lightbulb 'yon sa ulo ko, nung nag-iisip kasi ako ng gagamiting username sa isang forum site kung saan pwedeng sumulat ng mga maikling kwento, napatingin ako sa nakatambak sa sulok na skateboard ko, ang tatak ng skateboard deck ay Blind. Ganun, sinama ko na yung Pen dahil sa hilig kong magkalat sa pagsusulat.
What’s with the blog name, “Kwentista Blog”?
Dati kasi pinakakorning title ever known to blogging 'yung gamit kong blog name "magbasa muna tayo". Naisip ko dahil hindi naman ako nakakakuha ng hits eh wala naman talaga akong readers, parang nagkukwento lang ako sa kawalan. Sabi ko, ok lang yan, gagawin ko na lang ang hilig kong gumawa ng mga maikling kwento kahit pa wala namang may pakialam, magkukwento ako ng magkukwento sa blog ko. Blog ko, tinawag kong Kwentista Blog.
When did you start blogging?
2011. 'Yung kakilala ko kasing sumusulat din sa isang forum site, nabasa ko yung entry n'ya sa Saranggola Blog Awards, sabi ko, galing mo talaga idol! Sabi niya subukan ko rin daw, bukas naman para sa lahat ng mahilig sumulat ang timpalak. Nauto ako kaya gumawa nga ako ng blog, dun ko nalamang next year pa pala ang sunod na contest kaya pinagpatuloy ko na lang ang blogging, dito na ako sumusulat.
Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Marami na eh, mga bloggers din. Sa lawak ng blogosperyo may makikilala ka talagang magagaling tulad ni RED, Panjo,Amphie at madami pa. Mga simpleng nagsusulat lang dahil 'yon ang hilig nila, hindi para makakilala ng maraming kaibigan at sumikat. Mga idolo ko at tinitingala.
Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
Kung post ko, 'yung "Saan Tayo Papunta". Nagawa ko kasi ng saglit lang pero andami-dami kong nasabi at nailarawan sa kwento. 'Yung ganong mood ng pagsulat at kakaibang ideya, hindi ko alam kung hahawa pa ulit sa 'kin haha. Sa post naman ng ibang blogger 'yung "Sa Wakas" na sinulat ni Panjo sa www.tuyongtintangbolpen.com. Ang galing kasi tagung-tago 'yung kwento, dun palang ako nahuli talaga ng ending, kasi 'pag nagbabasa ako hinahanapan ko ng butas, 'yun bang clue para sa magiging twist.
What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Para sa akin ang challenge is 'yung sasabawin ka at tatamarin. Nagsisimula pa lang, tamarin na? Hindi pa nga ako naka-100 posts. Kapag puro literary outputs talaga ang entry na ginagawa, walang random, walang etc. etc., walang repost, at walang kung anu-ano eh sasabawin ka talaga. Binigyan ko ng challenge ang sarili ko, quota system, 5 entries/month haha. Hindi na masama.
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Parehas lang kung ano ngayon. Nakakapagshare at nakakasali.'Yun na ako.
Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
RED (http://angatingpagitan.blogspot) - hanga ako sa style niya ng pagsulat. Kakaiba at napabilib ako sa una kong basa.
Panjo (http://tuyongtintangbolpen.com) - anlawak kasi ng pananaw niya sa buhay at mga bagay-bagay
Lahat po 'yan ay kanilang mga kakayahan na gabi't araw kong hinihiling na sana'y meron din ako.
What is your most unforgettable moment as a blogger?
'Yung finally merong nakaisip magbasa sa aking blog, tapos bumalik-balik pa ah haha. 'Yun 'yung nagkakilala kami ni Sir JonDmur sa blogging. Salamat, salamat kaibigan!
Kung may babaguhin kasa iyong blog, ano o anu-ano?
Aww wala akong maisip na pwedeng baguhin. 'Yung ads nalang, choosy na kasi ang nuffnang, lalabas lang ang ads kung -2k hits/day ka na. Baka lolo na ko, hindi pa lumitaw ang ads d'yan.
Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Karaniwan eh nagdadrafts ako ng mga title na pumapasok lang sa isipan, pwede ring narinig sa kanta o sa TV. 'Pag may oras na, pwede na akong mamili sa kanila kung ano ang gagawan ng kwento o tula. Kaya halos lahat ng entries ko, hindi mawari kung saang lupain hinugot ang title.
For you, paano mo masasabing ang isang post ay worth reading?
Para sa 'kin hindi ko agad masasabi eh. Kailangan ko munang basahin ang isang post at sa huli na itanong sa sarili kung worth reading ba? Para sa akin 'yung worth reading eh yung nag-reflect ang author sa post kahit pa random post lang 'yan. Kapag kung anu-ano lang ang sinasabi na wala namang kinalaman para mas makilala pa natin siya at ang pagkatao niya, ayun 'yung hindi worth reading (para sa akin lang po ah).
Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo!
Hindi. 'Pag nasimulan na, tuloy lang, pero kapag talagang naabala at naputol ang pagbabasa, hindi na 'ko mag-i-skip, hindi na lang tatapusin at hindi na lang ako mag-co-comment.
Anung comment and hindi mo malilimutan?
'Yung mga comments ni Sir JonDmur sa SBA2012 entry ko. Kailangang kailangan ko kasi ang lahat ng luck na pwedeng maibigay sa akin. Pinuntahan niya lahat at ginudlak ako.
Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Si Richard este Rixophernic. Intindi niya kasi ang pagiging sabaw ko at nand'yan siya 'pag meron akong bagong kinalat.
What do you hate most about blogging?
Wala naman. Ang ayaw ko lang siguro sa blogging eh hindi ko ito magawa using mobile. Kung dun ko man sinulat sa mobile, i-po-post ko pa 'rin gamit ang computer. Eh, wala po kasi akong sariling laptop o PC hehe. Kaya nga po hindi ako makapag-comment ngayon sa mga katha ninyo.
Gaano mo katagal nakikita ang iyon gsarili sa mundo ng blogging?
Hangga't may pwedeng i-kwento nandito po ako.
What will make you quit blogging?
Ang madamot sa time na lablayf yata. Haha joke. Wala siguro. Kung mapapatigil man ako ibig sabihin, it's a matter of life and death na ang kinakaharap ko. (Ganun talaga?) haha
How do you want to be remembered as a blogger?
'Yung blogger na imbes na i-post ang piktyur niya at dumaldal tungkol sa experiences niya sa zipline, sa hiking, sa pamamalengke at kung gaano kaganda ang gerlprend ay gagawa na lamang ng isang maikling kwento, tula o 'di kaya'y sanaysay na sumasalamin din sa mga karanasan sa buhay. Ganon lang, remember me as a kwentista.
Mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin.
Salamat po sa pagbabasa ng mga naikalat ko. Doon lang eh masaya na po ako. Madamot ang panahon at oras, pasensya na kung hindi ko mabisita ang mga tahanan ninyo. Sana po eh 'wag ninyo pong isipin na ginagawa ko ang lahat ng ito para makilala o anumang tulad non, ako naman IRL (in real life) eh 1 of many lang din. Ginagawa lang po ang hilig at sinusubukang makipagsabayan.
Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
'Yan po 'yung lugar na makalat, madumi, magulo, at nanganganib malagas sa kapangyarihan lamang ng isang palitong posporo. Pero para sa ilan ito ay paradiso, dito matatanaw mo ang buhay bilang easy lang, diskarte ang kailangan, at lahat ng nandoon ay kayang makipagsabayan sa anumang hamon sa buhay.
Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Oo naman! Proud to be taga-looban. Isa rin sa mga batang naglandi ng lupa, batang ginagabi sa videohan. Hanggang sa ngayon hindi pa natapalan ang butas sa bubungan haha :)
Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? - Kapuso
Jollibee o McDo? - McDo
Boxers or Brief? Brief
Lights On o Lights Off? Lights Off
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Kiray
Hinaharap o Behind? Behind
MagandangTanga o Matalinong Ugly? Magandang Tanga
Younger or Older? Younger
Payat o Mataba? Mataba
Smoke or Drink? Smoke
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Kiss w/o Sex
Mabilisan or Take your Time? Take Your Time
To Eat or To Be Eaten? To Eat
Madam Auring o AlingDionisia? Madam Auring
Maikli o Mahaba? Mahaba
Final Message?
Maraming salamat ulit kaibigan at nabigyan ako ng pagkakataong masagot ang mga tanong na ito at mailathala sa blog mo. Apir!
***
Sa aming maikling kwentuhan ay nasalamin ang pagbuo ng isang matibay na relasyon - pagkakaibigan (hoping lang?). Tulad niya, kaisa ako sa pagnanais na bumuo ng isang pook-sapot na tambayan upang magkalat ng ilang kaisipang matagal ng nananahan sa kaibuturan. Wow, heavy noh?
Please have time to visit his blog!!!
You will certainly enjoy... Click the link below... Now na!
"Hindi ka pwedeng mabuhay sa takot. Hindi ka pwedeng umasa na lang kung saan ka tatangayin ng pamumuhay. Sabi nga nila, mananatiling buhay lang ang takot sa dibdib kung hindi mo sisimulang sumubok. Ganon din para sa akin sa pagsusulat at pamumuhay, wala kang dapat ikatakot, ikahiya, at ikabahala. Ang karanasan ang uukit at patuloy na maga-angat sa 'yong katauhan." - Blindpen
taga muntinlupa ka din pala eh. san ka sa munti? alabang at bayanan ako eh hahaha.
TumugonBurahinnice interview senyor as always!
at si panjo din paborito nya! the best un!
dine lang sa may bayan tol Bino. Lakad distance lang pagbaba mo ng OLACS :)
Burahinah lapit lang pala eh. hehehe
Burahinayun oh! :) Wala ka namang galit nyan sa mga travel bloggers? ;) Haha!
TumugonBurahinNayswan karatig! Pagkahusay din ng depinisyon mo ng iskwater! ;)
Ipagpatuloy ang paggawa ng mga kwento!
haha no disrespect intended tol pao ah.. salamat ^__^
Burahin21 pero ang mga sagot, malupit. Hinahasa ng panahon, kakikitaan ng talento, isang taong kalulugod lugod sa mundo ng pagsusulat.
TumugonBurahinsalamat kaibigan ^__^
BurahinHuwaw, siya pala si Blindpen aka Aldrin. Minsan na rin yata akong napadpad sa kanyang blog. Ay uu, nung kasagsagan ng pagsa-submit ng entries sa BnP yata un.
TumugonBurahinGujab Senyor for the very nice interview. Ang masasabi ko lang sa kanya is WOW! talo pa niya ako sa husay nyang magsalita at sumagot sa mga katanungan.
sa Bnp nga po yon tol fiel ^__^
Burahinartistang artista ang peg ha. hihihihi
TumugonBurahinang bata pa pala ni ace hahaha matured ang utak in fairness tama nga sobrang likot ang utak lol alien na alien lang ha hihihihi
buwan2x ba ito senyor? or random lang?
isip bata lang po ate lala hakhak ^__^
Burahinoks na oks ah! kahit ako humahanga sa kanya...
TumugonBurahinnag enjoy ako s apost na ito... kasi mas nakilala ko ang isa sa mga magaling na blogger/writer
maraming salamats sir JonDmur *saludo*
BurahinYung mga favorite bloggers niya di ko pa kilala hehehe!
TumugonBurahinNice one, wala naman ako masabi kasi sabi nga niya siya ay 1 of the many lang naman.
Pero siya yung taong living and seizing the moment - opinyon lang
awww ganon na nga siguro sir Jay.. pero 1 of many 0 lang talaga ^__^
Burahinay may 0 tlaga? i deleted the zero akala ko typo...lol
Burahinyung manner nia ng pag-iisip ay mature na mature. Saka unique rin since sabi nia na mas prefer nia ang mga maikling kwento rather than sharing experiences and stuff.
TumugonBurahinno disprespect intended po dun sa nasabi kong yun ah? para pala akong nangaasar sa part na yun.. sori po..
BurahinSaan galing yung richard? ahaha. walang ano man Aldrin. Tulad nga ng sinabi ko kapag nagco-comment ako sa mga kwento mo gusto ko yung ume-erik matti lang na story yung kailangan magisip ka kung ano talaga ang nagaganap sa kwento na sinulat mo hanggang sa paghimay-himay mo eh malalaman mo kung ano ang totoong ngyari sa kwento.
TumugonBurahinnahugot lang sa kalaliman ng pinagsamahan kaibigan.. salamat kaibigan, nawa'y hindi tayo maubusan ng alas para maging proud sa atin si erik hahaha ^__^
BurahinI feel old already.hahaha! :) Nice one Blindpen! :) Will check out your blog.
TumugonBurahinand i feel lucky hehehe... salamat po mich ^__^
Burahinsa dami kong utang ke blindpen, dito na lang ako kukuda....
TumugonBurahinthanks at naishare mo sa amin kahit yung mga little details of your life....
you had me at BLUR... ahahahaha..
*bear hug*
wala naman akong listahan pwede mo na ngang takbuhan kaibigan hehe.. salamat din dahil and'yan ang mga tulad mo ^__^
BurahinSalamat Senyor sa pagbibigay pugay sa mga blogger na katulad ni Blindpen. Meron palang ganito dito. :)
TumugonBurahinkakatouch (feeling lang) HAHAHA. inggit ako. feeling kong may gumawa rin sakin ng gnito (nagpaparinig)
TumugonBurahinthanks for that long introduction on him...hehehe definitely will check into his blog...nakaka curious lang din...ikaw na ang may peg na ganyan...sana ma enterbyu din ako...hahaha chos lang! miss you more!...:)
TumugonBurahinxx!
salamat naman po at hindi nilangaw lang ang interview sa akin ni Senyor.. salamat po sa inyo! ^__^
TumugonBurahinsalamat sa interview na to nakilala ko si Blindpen! Taga Rizak din pala sya :)
TumugonBurahinbongga ang interview posts mo sana more more pang ma feature, ako pang September ha :) Parang Vogue issue lang :)
hehe naka sched na ah... salamat tol ou dito lang, dating pinagitnaan ng McDo at Jollibee ^__^
BurahinEto pala si blindpen. Minsan narin akong nadadalaw sa blog site nya. 21 palang sya pero mga post nya pang manunulat na talaga :) Rizaleneo din?
TumugonBurahinRizal street lang sir Archie hehehe.. uy baka maniwala ako, halata namang pang baguhan lang mga gawa ko eh ^__^
Burahinhmm ito pala ung isa sa madalas ko marining na blogger,
TumugonBurahinnice sayo ko din ata narinig to ee,
well kahanay ba naman nina glenn at pao malaman magaling tlaga
siya!
natatawa talaga ko sa fast talk
Nabasa ko na ang iba nyang kwento at talaga namang may iiwang ukit sa puso at isip...
TumugonBurahinat ang bata pa pala nya.. hahaha pero ang laman ng mga sagot nya...
nice yung mga ganito... masaya makakilala ng bagong kaibigan.. (:
TumugonBurahinMahirap talaga bumitaw sa binabasa kapag nasimulan mo na, nakakabitin. :) LOL sa to eat or to be eaten! :P
TumugonBurahinfrom Myxilog with love <3
nice knowing him through your blog:)
TumugonBurahinMy suggestion akong dapat mong ifeature next... :D
TumugonBurahinnakakatuwa ung mga ganitong paandar mo senyor, kasi pinopromote mo ung mga blogs, at the same time, binibigyan mo kaming mga baguhan ng idea kung sino sino pa sa blogsphere ang dapat naming abangan. Cheers and keep up the good work senyor, and anyway, belated happy birthday uli :)
TumugonBurahinnaku at na-mention pa ako dito ni kabayan. salamat. yung bayad usap tayo mamaya.
TumugonBurahinnakakapiga talaga ng utak pag kwento ang sinusulat. pero itong batang to parang kumakain lang ng mani pag nagsusulat.
Nora o Vilma? Lagot ka kay Gov kung pinili mo si ate guy. :)