Antoxickness at Its Best


Gusto mo ba ng...

Nakakatawa?
Pumunta sa Comedy Bar o kaya ay bumili ng books ni Gary Lising o ng Pugad Baboy. Pwede ring makinig sa Tambalang Balahura at Balasubas o kay Papa Jack ng Love Radio. Manuod ng Mr. Bean series or Bubble Gang every Friday.

Ma-drama at Nakakaiyak?
Abangan tuwing Sabado ang Maalaala Mo Kaya sa Kapamilya network o ang Wish Ko Lang sa Siyete. Pwede ring dumalo sa simbahan ng funeral mass at makidalamhati sa mga kaanak ng pumanaw.

Something Religious?
Magsimba tuwing Linggo o basahin ang Bible (cover to cover).

Informative?
Pumunta ka sa website ng Guiness o Wikipedia. Gawing tambayan ang library o bookstores nang makapili ng mga babasahing ayon sa sariling interes.

Romantic at Nakaka-in-love?
Bumili ng Precious Heart Romance pocket books o Nicholas Sparks novels. 

Istorya ng Kabastusan at Pampagana?
I-type sa Google ang mga mahahalay na salita at matagumpay na makikita ang mga super effective at inspiring porn stories. Go to images upang maging well motivated.

Current Events and Politics?
Pumunta sa pinakamalapit na newspaper stand at makibasa kung walang pambili o hindi kaya'y makinig sa kahit anung himpilan ng AM radio.

Adventure?
Maglakad ng walang tiyak na patutunguhan. Medyo nakakapagod ngunit sulit. Maaring subuking tahakin ang kahabaan ng EDSA from North to South at bilangin ang mga sasakyang kulay dilaw. 

Pictures and Artworks?
Bukas ang National Museum mula Martes hanggang Linggo.

Iba't ibang Pagkain?
Libutin ang Pinakamalapit na SM Food Court.

Nakakagigil na galit?
Tumambay lang sa Iskwater na looban at abangan si Senyor upang makipaghalhalan ng walang humpay. Huwag tumigil hanggang walang napipikon kahit umabot sa pisikal na sakitan.

Simple lang naman ang buhay at hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ang karamihan, ginagawang komplikado ang lahat. Mahilig maghanap ng wala at magtanong ng mga bagay na pwede namang gamitan ng common sense.

Laging naghahanap ng wala at laging pinagdidiskitahan kung ano ang kulang. 

'Wag masyadong magpakamalalim dahil sa maniwala man o hindi, nasa kababawan ang tunay na kahulugan ng kaligayahan. 

Ang sarap matulog 'pag inaantok.

31 komento:

  1. Wag masyadong magpakamalalim dahil sa maniwala man o hindi, nasa kababawan ang tunay na kahulugan ng kaligayahan.
    ---> tumpak ka dito Senyor :) Life is really simple, but we insist on making it complicated. Hindi ba?

    Istorya ng Kabastusan at Pampagana?
    I-type sa Google ang mga mahahalay na salita at matagumpay na makikita ang mga super effective at inspiring porn stories. Go to images upang maging well motivated.
    --> Wahahaha! ang kulet. *ehem* *ehem* naubo ako. XD

    TumugonBurahin
  2. So mayroong inspiring porn stories?


    Hello Senyor.

    TumugonBurahin
  3. kamusta naman yung sa adventure.. edsa? maygulay.. super adventure ngaun.. hahhaa

    tama ang buahy ay simple lang wag gawing kumplekado..

    TumugonBurahin
  4. nasa kababawan ang tunay na kaligayahan..- winner! hahaha.bet ko ang huling linya at napatumbling ako samagbilang ng sasakyang dilaw.. haha.
    -cheenee

    TumugonBurahin
  5. HAHA. oo nga naman. little things and simple joy. :)

    TumugonBurahin
  6. Always look at the bright sides of life:)

    TumugonBurahin
  7. Pantasya dot com? 'Di kaya'y jonDmur dot blogspot dot com hehe..

    Simple lang ang buhay tumpak.. sabi sa entry na ito kaya mong gawin ang akala mo'y mahirap na hindi ka pagpapawisan at gagastos... pagpapawisan pa rin sa erotic stories..

    TumugonBurahin
  8. Tama. :) Minsan naman talaga masarap tumulala lang. :)


    http://www.dekaphobe.com/

    TumugonBurahin
  9. Simple lang talaga ang buhay at bagay bagay. at kadalasan, tulad ng maraming bagay din, kanya kanya lang din talaga ng trip. :)

    TumugonBurahin
  10. 'Wag masyadong magpakamalalim dahil sa maniwala man o hindi, nasa kababawan ang tunay na kahulugan ng kaligayahan. - Big check.. :)


    TumugonBurahin
  11. Sa sobrang simple ng buhay, ang iba ay naboboring na at gumagawa ng ikapoproblema nila. Sa ibang tingin, ang kasimpehan ng buhay ay ang pagiging kontento, ang paghangad ay paglawig sa kasimplehan. Madalas nakakastress pa. Di ba nga, kung nagugutom ay kumain, uminom kung nauuhaw, umutot kung nauutot. Huwag pigilin ang utot, lalabas sa bibig.

    TumugonBurahin
  12. yeah yeah yeah...so true...nasa simple or nasa libre ang kasiyahan...agree ako sa post na to...simple lang buhay...dapat simple lang din dapat ang approach...;)



    xx!

    TumugonBurahin
  13. nasakop mo lahat dito, adre.. hehehe.. natuwa ako dun sa paghahanap ng malungkot..

    TumugonBurahin
  14. habang naririnig ko ang iyong masayang pagtawa, ginagawa ko ang comment kong ito...

    I would definitely always remember this post of yours. Ito ang lagi kong tatandaan sa tuwing trip kong pahirapin ang buhay ko..lols :D

    Masaya ako at nakilala ko ang isang tulad mong may simple at praktikal na pananaw sa buhay. Kipitap!

    TumugonBurahin
  15. Tama lang dahil karamihan sa buhay, mas masaya ang libre. Ang tao kasi laging naghahanap. Gusto kong makahawak ng snow eh di nagbukas ako ng ref, ay!, no frost nga pala ito, lol! Nagpapatawa po lamang.

    TumugonBurahin
  16. haha syang tunay senyor! lalo't nasaatin na lahat halos gagawin na lang natin ee
    pumili,
    hmmm msasabi kong nagawa ko na lahat ng to haha, lam mo naman ang buhay tambay
    pero lately ung third ung pingatutuuanan ko ng pansin ee
    at maipapayo ko sa lahat!

    TumugonBurahin
  17. Nasa kababawan ang tunay na kaligayan! Agreeng agree ako diyan Senyor:)
    Magpakababaw tyo! Now na.

    TumugonBurahin
  18. Simple lang naman ang buhay... Agree! Pero wag naman nating gawing "instant noodles" sa kasimplehan ang buhay, kung pwede ka namang magluto ng isang masarap na pansit!

    Yon bang hindi ka na nag-iisip dahil meron namang instant! Wag naman sanang ipagkamali ang simple things sa instant things... Mas gusto ko ang simpleng buhay na kumpletos rekados... and that what makes life exciting.

    Hindi bat mas masarap pa rin ang first hand experience kesa nabasa mo lang o napanood? Yong sarap na sarap kang magkwento kasi naexperience mo, hindi hiram!

    Mas gugustuhin kong makipagkwentuhan kay Senyor at tumawa ng wagas kesa manood sa comedy bar na alam mong anytime soon may punch line. Mas gusto ko pa rin ang impromptu... yong may element of surprise... Sabi nga nila, Life is full of surprises... at yon ang inaabangan ko, hindi instant, hindi make believe, hindi fabricated, hindi hiram o nakaw na sandali... Ito ang definition ko ng simple... hindi ko alam kung kababawan ito... ang alam ko lang... sa ganito ako masaya!

    TumugonBurahin
  19. Pano kung gusto mong mag sapin sapin? hahaha

    TumugonBurahin
  20. Wow...bow ako sa comment ni Mar!

    Kaya no comment na ako :)))) sumasabaw lang ako hahaha!

    TumugonBurahin
  21. Tama nasa kababawan ang tunay na ligaya tignan mo tayo dito sa office ang sasaya natin diba LOL

    TumugonBurahin
  22. nasa kababawang ang kaligayahan, lalo na pag binigyan ka ng piso pambili ng yosi, masasayahan kana. hehe.

    libotin ang buong mundo nang naglalakad lang. wag sumakay ng barko o eroplano.

    TumugonBurahin
  23. mas gusto ko ngayon ang comedy... gusto ko kasi ung tawa lang nang tawa...

    ayaw ko munang mag emote... kaya nga iwas sa MMK

    gusto ko rin sana ang sapin sapin hehehe

    Tama ... simple lang ang buhay... kaya wag gawing kumplikado....

    TumugonBurahin
  24. Sabi nga nila, tao lang ang nagpapakumplikado sa buhay. Kaya, enjoy enjoy na lang kesa mag emo. Hehehehe

    Porn site? Hmmmmm madami nga dyan. Lol

    TumugonBurahin
  25. infairness walang sabaw kahit walang humpay ang hikab senyor
    Tama ang simple ng buhay tayo lang ang kumplikado... pati fb may complicated na din hehehehe

    TumugonBurahin
  26. Dami ngang simple sa buhay... minsan nga lang mas hinahanap ng mga tao ang komplikado. Anyway, kanya-kanyang trip talaga. Di natin masisisi ang iba.

    TumugonBurahin
  27. hahaha dami kong tawa sa mga rekomendasyon:) (laughing trip tlaga- keep on posting :)

    TumugonBurahin
  28. salamat sa tips! Mag ssearch na ako sa google agad agad haha lol!
    Perstaym here. Basa basa muna :)

    TumugonBurahin
  29. Like sa Istorya ng Kabastusan at Pampagana? hahahaha..
    Pahingi nga ng mga keywords? like erotic stories..

    TumugonBurahin
  30. Kanina pa ko nagtatanong kung nasan yung kaligayahan. Nasa ibabaw lang pala. Hindi ko rin gusto ng komplikado, pero di ko alam bakit dun ako nakasawsaw ngayon.

    TumugonBurahin
  31. tama nga naman ;)


    good morning po!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...