My Birthday Pakontes: Sasali ka ba?



Sa ika-23 ng Marso ay aking ipagdiriwang ang aking kaarawan. Ito ang aking kauna-unahang paggunita bilang isang blogero kaya't nais kong  ibahagi sa ilang mga tambay sa aking masikip na eskinita. 

ISANG MUNTING PAKULO

Inaanyayahan ko ang lahat na makilahok at labis kong ikatutuwa kung lampas dalawa ang makikisakay sa trip na ito. 

Ganito. Dahil bortdey ko naman, it's all about me ang theme. Balato niyo na sa 'kin. Just write 1 stanza with 4 lines na tulang patungkol kay Senyor Iskwater. Again, 1 stanza with 4 lines. Isang saknong ng tula na may apat na taludtod. Ok? (Naninigurado lang) Any medium of communication. Pwedeng seryoso, ma-drama, mahalay o kahit nakakatawa. Kahit ano. Walang mahigpit na rules at ang mahalaga ay nakakatawag ng atensyon at may kakaibang dating. Gets?

Deadline is on March 31 so you still have an ample time.

Prizes? 
Ako ay mamimili ng Top 10 at ang mga ito'y magiging bahagi ng aking next post.

Ang tatlong natatangi ay magkakamit ng...

3rd - Cupcakes + Starbucks GC from Arline of PinkLine

2nd - Sosyal na Book + Starbucks GC from SunnyToast

1st - Php 1000 Cash + Starbucks GC from Archieviner

'Wag na mag-demand ng mas malaking premyo. Wala ka naman masyadong puhunan at tsaka regalo mo na rin 'to. Aarte pa?

It starts now!!! Simple lang, send your entry here sa comment. Bawal ang multiple entries, hindi ako believer ng "More entries you send, more chances of winning...". Ok?

So, sige na, bagsakan na mga repapeeps!
Isip-isip din!

126 (na) komento:

  1. Sa mundo ng bloggin ikaw ay nakilala
    bagamat sa simula tayo ay naging madrama
    ngayo'y nagkakasundo sa lungkot man o ligaya
    kaya naman sa iyon'g kaarawan, binabati kita

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maraming salamat sa buena manong pagsali...

      Burahin
    2. kainis naman tong si Bino nagmumuni-muni pa lang ako eh sya may entry na! ha ha ha ang galing lang

      Burahin
  2. Sayang naman hindi ako makakasali. Wala ako sa Pilipinas. Gusto ko sana ng cupcakes.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pwede yan...sali ka na... pagdating mo, ill give it...or any of ur friends can claim...lol

      Burahin
    2. ay ayaw mo lang sumali eh...hehehe

      Burahin
  3. Sa Iskwater ako nabinyagan ng isang mang hoholdap

    kinuha niya ang aking jacket, cellphone at pati wallet ay kinapkap

    nung nakita kita, ako ay nag alala, malay natin galamay mo sila

    ngunit ako'y mali dahil pinatunayan mo na sa iskwater ay may mababait din pala.

    TumugonBurahin
  4. Ay sayang. I have more than two sana. :( I am desperate for kape at cupcakes pa naman.

    TumugonBurahin
  5. I'd love to join kaso sabaw mode ako lately. Happy birthday Senyor! :)

    TumugonBurahin
  6. Happy Kaarawan sa Gandang hindi DEMURE, kasariang AND/OR , ikaw yun SENYOR :)

    Bibig mo'y walang preno, mula sa puso lahat ng kwento alam mong hinde ito imbento ang umarte basag ulo

    Sumulat ako kay Ate Vicki, at humiling para sa aking besi, at ito ang kanyang sinabi... "wag ka nga Beki, siya kasi itong choosy!"

    Si Ate VIcki ba'y iyong binully, na ang iyong wish ay maging yours truly? Iba ka talga Oh Bessy...






    TumugonBurahin
  7. Si Senyor minsan malalim magsalita
    Ako'y hirap gunitain kanyang mga akda
    buhok nya'y mahaba ka akit akit ang mukha
    ehemplo ng mga blagero ipag bunyi parang si indio

    -----

    wahahahha! naubos utak ko dun senyor ah nyaha!
    3 in 1 + 1 Happy kaarawan! pa ice cream na yan ! ^_^

    TumugonBurahin
  8. pasensya na Senyor at ako'y di marunong gumawa ng tula kaya babatiin na lang kita: Maligayang Kaarawan, sana'y maraming pagpapala ang sumaiyo sa taong ito at sa mga taon pang darating. hapi bertdey!!! good luck sa mga sasali! :)

    TumugonBurahin
  9. likha ng iyong mapaglarong isipan
    sa dami ng iyong alam
    kalungkutan ay walang puwang
    ikaw na senyor Iskwater ang ngalan.
    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


    hava birdie (in advance) para sa nag-iisang senyor ng lahat!!!

    TumugonBurahin
  10. di ako marunong senyor. advance happy birthday nalng

    TumugonBurahin
  11. nosebleed... kelangan talaga tagalog... waaahh!!!
    Maligayang kaarawan senyor! hahaha!

    TumugonBurahin
  12. Sabi mo ikaw ay salat
    Sapagkat sa skwater ikaw'y namulat
    Ngunit paka isipin at dili diliin
    Na sa kaibigan pagkayaman yaman mo din

    Maligayang Kaarawan Senyor!

    TumugonBurahin
  13. Hindi ko alam kung anong meron ang utak mo na wala kami
    Sa umaapaw mong mga ideya para ka nang isang dictionary
    Kahit wala namang pakontes, mga blog entry mo ay pamatay
    Hindi tulad nang sa akin, walang kulay, walang buhay.

    *********

    Happy Birthday Senyoooooor!!!

    TumugonBurahin
  14. Happy happy happy birthday! Sayo ang inuman! Sayo ang pulutan! Happy happy happy happy birthday! Sana ay malasing mo kame!! Hehehe uy! Hindi pa ito ang entry ko ah!! Ito po ang link sa aking entry:

    PINDUTIN ITO NG MAGTUNGO SA AKING ENTRY

    Kahit anong medium of communication naman di ba? Eh hindi pwede mag post ng picture dito sa comment!! (:
    MALIGAYANG KAARAWAN!!!

    TumugonBurahin
  15. Kakarerin ko eto kasi may kasamang "book" sa mga prizes - LoLs...I'll definitely send my entry. You've devised a contest that is within my comfort zone (yabang mode) kaya apart from creating a beautiful entry, it should also mirror everything or at least what I know about you despite a short span of time na nagkasama tayo sa Pinas during my vacation. Kaya...Senyor ng mga Iskwater..LoLs makakaasa ka na pag iigihan ko ang pag iisip ng entry ko. I'll submit my entry one of these days but not later than the deadline.hahahaha!

    Advance HBD sa isang loud ngunit tunay na may pusong bagong kaibigan at naging confidante!

    Stay blessed

    TumugonBurahin
  16. maligayang kaawaran sayo kaibigan ko,
    ipagdiwang mo ang yung kaarawan suot ang damit na biyaya sayo.
    ito ay ang damit na suot mo
    mula nang ikaw ay isinilang sa mundong ito,

    Hubad -

    hahahaha, pano ba lets say manalo man ako? nasa cebu ako, papadala mo ba dito? hehehe
    maligayang nalalapit na kaarawan sayo, patuloy mo lang ang pag follow sa walang kwentang blog ko. :-)

    TumugonBurahin
  17. mapapasubo ba ako sa tula hehehe try ko gumawa....

    advance happy bday ^^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hehehe di talaga ako makabuo hahaha... isip isip muna.... natuyo yata utak ko hehehe....

      kahinaan ko talaga ang tula hehehe

      Burahin
  18. Ang taong iskwater ay walang matinong bahay
    Pero ng sa blog ikay magtambay,
    Aba! Senyor Iskwater, pangalan mo'y popular agad-agad
    Paghanga namin sayo, sagad!..tanong mo pa kay God! Hehe..

    maligayang kaarawan po senyor!
    nagmamahal, ang inyong alipin

    hazel vega

    hehehehehe tanx!!!


    TumugonBurahin
  19. Kaya pala maaga ko pumasok ngayon...hahahaha

    http://bloggercrazykat.blogspot.com/2013/03/dahil-birthday-ni-senyor.html

    TumugonBurahin
  20. hindi ako mgaling gumawa ng tula. Susubukan kong sumali. lol

    Advance happy birthday senyor :)

    TumugonBurahin
  21. waaahhh.. ang sayang sumali.. pero napressure ako sa mga nabasang kong mga naunang entries... ang gagaling... hehe!

    ilang buwan na akong tamad mode pero sige... i will do my best for u senyor... ;)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sali ka na lori...hintayin ko yan ah...

      Burahin
    2. ako'y nangamba sa una nating pagkikita...
      sobrang hiya nang akalaing si Kuya Mar ka...
      ngunit pangamba't hiya'y napawi...
      dahil sa talino at tawang iyong laging binabahagi...
      ~~~
      eto lang ang kinaya ko... matagal-tagal na rin at hindi na ako marunong tumula...
      ~~~
      Happy Birthday Senyor! enjoy your day! mwahugz!!!!

      Burahin
    3. sorry i skipped... 25th entry... tnx tnx...

      Burahin

  22. Nawawala yata comment ko dito: actually, Iam just dropping by to see the reply.
    Anway, I will try:)

    Senyor eskwater, ngiti binibigay
    Kahit ang paligid ay puno ng ingay
    Mundo ko ay iyong kinulayan
    Tulad ng bahaghari sa kalangitan.

    Happy birthday:)

    Kasingkulay ng baghari

    TumugonBurahin
  23. Ay sori, yong last sentence after happy bday ay di kasama sa comment. Di ko pala nabura. Hi hi

    TumugonBurahin
  24. ay cute! :) ang hirap naman po sumali kapag hindi makata. huhuhuh


    from Myxilog with love <3

    TumugonBurahin
  25. Halika, magtampisaw tayo sa isa't isa
    Sanayin ang mga sarili kung saan tayo bihasa
    Magpatianod sa kanal ng ating mga ideya
    Halina't ipasyal mo ako sa iyong eskinita..



    At dahil bagong dayo at kakahalukay lamang po ng iyong mga akda upang may masabi man lamang, pinatulan ko na 'to Sir. Hindi talaga ako magalang (tanong mo sa marami dyan), pero dahil birthday, aba'y kingina, gow sagow! :))

    - Essayni Payoyo po ng http://babaepalasisatanas.com

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sa unang pagdaan at sa paglahok!

      13th entry

      Burahin
  26. Matagal-tagal na rin nang sumulat ako ng tula para sa isang tao.
    Tulang may taludtod at salitang nang-iinganyo,
    At ikaw ang bumuhay sa dugong makata,
    Pagkat ngayon ay araw mo, araw ng iyong kapanganakan.

    Isang masigaasig na kaarawan Senyor Iskwater!!!
    :D

    TumugonBurahin
  27. maligayang kaarawan senyor :) ipopost ko ang aking entry bago mag march 31 :) sn makagawa ako pabirthday sau, pampadagdag ngiti lol. hindi tlg ako makata :)

    TumugonBurahin
  28. nakakapressure naman ang mga sumasali.. pero try ko. sabaw pa ang utak ko e. hahaha. Happy Birthday!

    TumugonBurahin
  29. Sa kanyang bawat salita nababanaag ang katalinuhan,
    Higit sa katatawanan, dala nya'y aral at karunungan.
    Sa kanyang mga katha, siya tunay na pilipinong makata,
    Makilala ka pang lubos yan ang dalangin ko sating may likha.

    waa sabaw talaga ko senyor mejo me sakit lang haha
    happy birthday natutuwa kong makakilala ng tulad mo!

    TumugonBurahin
  30. di talaga ako makabuo .... isip isip muna si ako hehehe

    Happy Happy Birthday ^_^

    TumugonBurahin
  31. Maligayang kaarawan sa nag iisang Senyor Iskwater :) more blessings and birthdays to come, siempre good health sayo. hugs!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Alam nyo itong taong to, sa blogesperyo ko lang namet to
      di ko pa namet ng personal pero napahanga kaagad ako.
      Bukod sa malaman ang utak ay sobrang hanga rin ako sa dedikasyon at oras na ginugugol nya sa isang grupo na ang pangalan ay PBO.
      Sa twitter unang nakakulitan puro positibo ang para sa akin ay kanyang mga tinuran di ko alam kung respeto ang tawag dun tas sabi nya nag aalangan din syang tawagin akong "Gracie" nun.
      Baka siguro nung nalaman nyang ako'y ilang taon kaya siguro sya nagkakaganun!

      Haha.. sayang apat na saknong lang ang pwede pero i'll break the rules, lagyan ko ng extra ha total birthday mo pa naman (oo hanggang ngayon hehe)

      Gusto kong balang araw sya'y makasalubong
      maimbitahang magkape, kumain at bigyan ng pasalubong
      Kaso alangan ako baka ako'y magpanic,
      mabubulol ako o kaya'y mabablock out, walang masabi dahil walang maisip!

      Anyway Senyor nababaitan ako sa iyo,
      thru twitter at dito sa blog mo ay ramdam ko ang sinsiridad at kabutihan mula sa kaibuturan ng iyong puso.
      Wish ko lang sana'y maramdaman din iyon ng iyong sinisinta,
      helloueerr kung inip ka aba'y kami rin inip na inip na ika'y magkasyota!

      (Sana kahit di ako manalo "kasi nagbreak ng rules" ay may badge man lang na sumali hahaha biro lang Senyor. Salamat sa pagremind nitong pakontes mo via twitter kaya ako ngayo'y humabol at pumatol ;) God bless you more!

      Burahin
    2. 31st entry... the longest so far... tnx tnx

      Burahin
  32. Akala ko'y lalaki nung una pero nang makita, ikaw pala'y si SenyorA
    Iskwater daw pero sa jeep ni ayaw makipagsiksikan.. hmp, echosera!
    Grammar nazi, fashion critic at pati cup size ko'y pinuna.. hay, attitudera!
    Pero deadma lang dahil love kita at sense of humor mo ay bumabandera!

    Oh yan teh! Sorry ka, hindi ako poet kaya binakla ko na lang, hahaha!

    Hapi Bortdey!

    TumugonBurahin
  33. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  34. --------------------------------------------
    Ika’y may bilbil, ngunit ito’y nakatak-in
    May tatlong palapag, na parang sapin-sapin
    Tunay na may alindog, tiyak itlog mo’y aalog
    At kakalog-kalog, tiyaking wag malalamog
    --------------------------------------------
    di po sakin yan... nkita ko lang kung san...
    peru pwde na din...?
    Happy Birthday Po! More Power and Godbless!
    Muahgxz! :*


    -jardie

    TumugonBurahin
  35. Nagbabalik na alaala tuwing blog mo'y nakikita
    Chikahang walang hunmay umaabot hanggang umaga
    Sana ay muli kang makita
    Nang masabi ko sa'yo ang lubos kong paghanga

    TumugonBurahin
  36. Eto po ang aking entry na pinamagatang "Minsan, Isang Tamod"  

    Minsan, isang tamod
    Sadyang ipinutok sa loob
    And nine months after
    Iniluwal si Senyor Iskwater  


    Happy Birthday!!!

    TumugonBurahin
  37. Senyor, hindi man tayo masyadong close,

    ako nama'y bilib sa'yong mga nako-compose.

    Sana bago ka magmenopows,

    makita ka ng upclose.

    ----------------


    haha. pwede na ba yan? happy birtday!!!

    TumugonBurahin
  38. Senyor, umaapaw ang enerhiya.
    Senyor, ang siyang nagpapasigla ng bawat isa.
    Senyor, ang balahura.
    Senyor, ang tanging nagpapaingay sa mundo ng bawat bloggero’t bloggera.


    ***pampagulong entry. :)

    TumugonBurahin
  39. Walang upa kaming nananahan sa bawat mong naisusulat –
    Nakiki-agwat sa espasyong kinatitirikan ng iyong buhay, pag-ibig at pangarap;
    At sa kani-kaniyang malayang pananatili sa marangya mong kaisipan,
    Hindi kaya kami ang iskwater sa sulok na ito ng iyong panitikan?

    -Maligayang kaarawan!

    TumugonBurahin
  40. "Viva Senyor!" ang aking papuri (este pagbati)
    Ikaw na kasi ang dalisay, mayumi at pagkaminsa'y talandi
    Susmeng pa-bertdey lang, may pa-kontes pang ganire?!
    Pero sa dami ng sumali, bonggels! Ikaw na ang waging-wagi!

    TumugonBurahin
  41. Puno ng ideya, pagmamahal at positibong enerhiya
    Yan ang tipo ng taong pinalaki ng tama
    Patuloy mo sana kaming pasiyahin sa iyong mga istorya
    Mga storyang mula sa puso nang isang taong minahal ng lubos ang kanyang Ama

    Happy birthday Senyor and I'm sure your father is proud of you!

    :)

    TumugonBurahin
  42. hindi mo pinansin ung akin... :( tampo na ako...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ay sorry hindi ko nabalikan kasi nandun sa taas...hahaha 25th ka... tnx nmn...

      Burahin
  43. Ginoong Senyor Iskwater ang cute cute mo,
    Nakakatuwa mong post nagagalak ako.
    Laging inaabangan ang mga ilalathala mo,
    Sa pagbasa nito'y buo na ang araw ko.

    TumugonBurahin
  44. Sa likod ng iyong matatamis na ngiti ako’y may nakikita

    Isang taong may sense , malalim, at marunong magpahalaga

    Magaling kang makata pero alam mo bang ako’y mas humahanga

    Sa buhay mong maituturing higit pa sa isang magandang akda


    Happy birthday senyor :)

    TumugonBurahin
  45. a striking persona bursts from a bolt of lightning causing trembles and quakes
    his mere presence's electrifying, causes uproar, turns order into a rubble
    his wits shouts mockery and becomes his polemic, he redefines rhetorics
    as the might of the lexicon, grumpy and grouchy evolves into crunchy...

    TumugonBurahin


  46. pag akoy puno ng worries , i just read iskwater stories
    mga chika'y pasok sa banga may sukat man o may tugma
    Sa husay ng 'yong mga gawa si Palanca pa mahihiya
    Sa blog mong totoong winner... Senyor Iskwater Pwede ka bang mag pa dinner?




    TumugonBurahin
  47. mataba ang iyong isipan
    kasing tiyabi ng iyong katawan
    ayos lang yan kaibigan
    yan ang batayan ng ka-sexy-han



    at ito na ang composure ko, ang tulang yan ay hatid sa iyo ng Pridyider, kailangan ko ng laman... Charuz!

    TumugonBurahin
  48. ndi ko alam if may sense ba ito ahahahaha


    sa isang iskwater area
    si senyor ay sinasamba
    ganda niya ay pambihira
    taob ang ganda ni dionisya

    TumugonBurahin
  49. Noong naglakwatsa sa blogosperyo ako'y napapindot at mayroong lugar na natuklasan
    May bahid ng duming paraiso, makalat na paradiso, lugar na tinawag din nilang looban
    Lugar kung saan nangangamoy ang katotohanan at kalat lamang ang kaplastikan
    Lugar na pinapanatili ng may malusog na isip kong kaibigan, Senyor Iskwater ang pangalan

    pasensya na sa nakayanan kaibigan. maligayang kaarawan kahit super late na ^__^

    TumugonBurahin
  50. ikaw na taga barangay 176
    ang tanging petite na siksik
    masayahin, matulungin at mabuti
    ang tulad mo ay kapuri-puri

    TumugonBurahin
  51. Kahit sa patpat na kawayan sayo ay bibigay.
    At para bang laging naghahamon ng away;
    Lubos kang maningning, sa talinong taglay.
    Walang humpay na tuwa, sa amin ay binibigay.

    VIVA SENYOR!

    TumugonBurahin
  52. Unang empression ko sayo ay mapanlait na nilalang
    Nang makilala ka nang personal may pagkatotoo nga naman
    Hindi ka nakontento at akoy inakusahan na malanding kaibigan
    Pero ayos lang yan, isang kape lang ang katapat at mawawala na ang tampong nararamdaman

    TumugonBurahin
  53. As promised Senyor! My entry hehehe

    Sa bulwagan ng White Cross aking nabungaran, Taglay ang kadaldalan at kanyang katabilan.

    Laging bangka sa kwentuhan sa kahit anong umpukan, dulot ay saya magsara man ang tindahan.

    Ngunit paglipas ng araw at kabilugan ng buwan, higit na nakilala ang taglay nyang katauhan.

    Kaingayan ba ay kababawan? Aking katanungan, Dahil laking iskwater man, may angas ng kalaliman, pananaw nya at kaisipan!

    TumugonBurahin
  54. Sa isang saknong na may apat na taludtod,
    Isang Senyor ang ipapakilala sa inyo.
    Subalit kulang ang sukat at 'di pa nakakadaong palad,
    kaya ang pagpapakilala ay saka na!

    TumugonBurahin
  55. Eto na! Siyempre di ko papalampasin ang pagkakataong makipagtagisan ng talastasan sa mga makatang nauna na sa akin sa pag sumite ng kanilang mga entry. Sadyang hinabaan ko kasi sayang ang mga ideya na sumisirit sa aking kaisipan. Pakiwari ko'y ang pinakahuling nagsumite ng entry. Ika nga'y "Save The Best For Last". Sana'y mapansin ng hurado or mga hurado mo ang aking pinag-isipang lahok. Gusto ko ng libro!!!!! Brasuhan na eto..Papanalunin nyo ako hahahaha!

    HETO ANG AKING LAHOK

    "Lagi mong ibinibida na ika’y Senyor na sa iskwater nagmula nakilala naman kita na may pusong mamon man ngunit dakila;
    Minsan kong napagtanto kung ikaw nga ba'y talagang dukha ngunit ang mga salita mo nama’y sadyang ubod ng talinghaga;
    Mapagpanggap man na sabihin mong di ka kagalingan, nangingibabaw ka naman sa tuwing may bangkaan ng kwentuhan;
    Oo nga't ika'y naturingang galing sa medyo mabahong looban 'singbango naman ng sampaguita tuwing bubuga ka ng katwiran"







    TumugonBurahin
  56. Gusto ko lang naman ang libro ni C.S. Lewis na "The Screwtape Letters" - kung di man ako manalo, tumatanggap naman ang iyong abang lingkod ng regalo - bwahahahaha!

    I'm dying to have and read that book - hehehehehe!

    TumugonBurahin
  57. Sa t'wing ako'y namamasyal sa labas ng aking munting syudad
    Ako'y lubhang natutuwa na sa makulay mong mundo'y napapadpad
    Nakaka-aliw, nakakabaliw mga kwento mong hatid ay realidad
    Praktikal na aral ng buhay aking natutunan ay hitik at sagad!

    MALIGAYANG KAARAWAN kapatid... nawa'y datnan ka ng sapat na pagpapala mula sa Poong Maykapal....

    ,,, tulad ng aking sinasambit sa tuwing ang mga kapatid na blogero ay may ganitong patimpalak o gimik, ang aking paglahok ay hindi dahil sa nakalaang pa-premyo bagkus mas mahalaga sa akin ang makapag-bigay ng suporta. Ngunit kung ako'y mananalo = aba'y mas masaya! ika nga ni Pareng Jay BRASUHAN na to! ha ha ha. Wish ko talaga magkita na tayo Senyor - luv u!

    mula sa syudad ni Balut Manila

    TumugonBurahin
  58. Award ka mudak, i-push lang ang pag-talak!
    kumuda, umakda at umattack sa pag-balahura!
    more give love ng golden nuggets ng wittiness,
    anditiis lang kami, waitsung for more crunchy-ness.

    ----

    Happy Birthday Senyor! :P

    TumugonBurahin
  59. If I were to judge your contest, (i-impluwensiyahan ko lang ang mga hurado mo kung makakapang influence nga ako) LoLs! My TOP 3, TOP 5 and TOP 10 - are the following:

    TOP 3

    1. 16th entry - panalo si Joanne sa akin kasi entertaining ang banat niya
    2. 39th entry - syempre gusto ko ang libro kaya inilagay ko ang sarili ko sa number 2 - bwahahaha!
    3. 37th entry - si Mar ang choice ko sa TOP 3

    TOP 5

    4. 15th entry - Mecoy
    5. 27th entry - si Moises ng Bagotilyo


    TOP 10

    6. 6th entry
    7. 33rd entry
    8. 35th entry
    9. 3rd entry
    10. 7th entry

    Kaya lang siyempre, tatlo lang naman ang mapapalad na mananalo tsk..tsk..tsk.. sana may consolation prizes man lang hahahaha..pa coffee sa DUSIT THANI - (sosyal na coffee yan hahaha!)

    Anyway, good luck sa aming lahat, kung sino man ang mapipili ng mga judges ay tiyak na deserving , entertaining, may impact, at may puso ang kanilang akda.


    HAPPY BIRTHDAY ulet :) Senyor!

    TumugonBurahin
  60. Noong unang napadayo sa iyong Squatter's Area,
    Ang larawan mo kaagad ang siyang aking nakita.
    Nabigla at napasabing parang ang laki mo sobra,
    Pagkita sa personal, mas nakazoom-in ka pa pala.

    ................
    ................
    ................
    ................

    Hahaha! Peace Senyor! wala akong maisip e. Banned na ba ko dito? lol

    May kasunod yang sa taas:

    Subalit nabigla nang mas nakilala pa
    taglay na ugali'y talaga namang pambihira
    Kabaitan at katalinuha'y di maikukumpara
    Sinuman ay magsasabing: "Senyor, IKAW NA TALAGA!"

    HAPPY BIRTHDAY SENYOR! :D

    TumugonBurahin
  61. Sa una akala ko'y tibo dahil sa laki ng kanyang dodo
    Sa buhok na kahawig ni Janice de belen kala mo'y ungas ngunit puso nya'y wagas
    At kung iyong lubos na makikilala ikaw ay mapapa Oh may gash!

    Thanks for the friendship senyor. HBD :P

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa una akala ko'y tibo dahil sa laki ng kanyang dodo
      Sa buhok na kahawig ni Janice de belen kala mo'y ungas ngunit puso nya'y wagas
      Kung iyong lubos na makikilala ikaw ay mapapa Oh may gash!
      At kung iyong makikita sya ay malaking bulas!

      haha. Dyuk lang ah. wala kasi akong maisip e :P

      Burahin
  62. Oh Senyor at ang bibig niyang matabil
    Halos kasing laki na ng kanyang bilbil
    Oy wagas ka naman kung makapanghusga
    Hindi man personal na kilala siya'y may gandang di mo inakala

    Happy Birthday Senyor!

    Huli man daw at magaling, maihahabol pa din :))

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...