Santa Santita


Demonyo at mapagsamantala,
Kasumpa-sumpa't nakakairita!
Sa mapanirang istorya'y bida ka,
Kahit puro imbento, mabenta pa.

Hiyang-hiya sa'yo si Hudas,
Sa diskarte mong ma-boladas;
Hanep na daldal, iyong alas,
Hatid na kwento puro malas.

Mas masama ka pa sa Diablo,
Karma ka ng angkan niyo!
Simulan mo na ang pagtakbo,
Hinahabol ka ng konsensya mo.

Ang amo mo ba'y si Satanas?
Sa impyerno ba, ikaw ang batas?
Doble Cara ka at talipandas,
Kasinungalingan mo ay wagas.

Ikaw si Lucifer na tunay at bago,
Bertud mo ang dilang may asido;
Mga kubling lihim na ngayo'y bistado,
Magtago ka na sa itim mong mundo!

28 komento:

  1. parang napakanta ako dito senyor! ndi napatula!! hahaha rhyme na rhyme eh!! hahaha lol

    TumugonBurahin
  2. pwede ngang lagyan ng tono o kaya i-rap ni Gloc 9!

    pero grabe ang mga salitang ginamit ah.

    TumugonBurahin
  3. Doble cara naku maraming naglipanang katulad nyan.. buti nalang dati mo ng kaibigan, ngayon ay siguradong malayo na't iyo ng iniwasan. Mag iingat sa susunod, wag papalinlang sa mga katulad nyang kakaiba ang katauhan. Maganda sa panlabas ngunit kay panget ng nasa kaibuturan.. harharr

    TumugonBurahin
  4. Isa ito sa pwedeng maging hit na hit na kanta. Lalapatan lang ng tono kakantahin ni Gloc 9 o kaya ng Salbakuta. Malalim at may pinagdadaanan. Very talented!

    TumugonBurahin
  5. senyor... share ko sa wall ko ha? grabe! naglipana pala tlg mga ganito... i so love this! galing mo! :)

    TumugonBurahin
  6. grabe senyor ang lalim! hehe yung mga salitang ginamit mo kakaiba : )

    sarap talaga tumambay dito sa mundo mo.

    TumugonBurahin
  7. malalim ang pinaghugutan.hehehe. astig mo talaga senyor. isa kang makata.

    TumugonBurahin
  8. Napa nga nga ako sa hagupit at bigat ng mga salitang nagamit mo Sir Iskwater. ..

    TumugonBurahin
  9. sinong peg mo dito at nakagawa ka ng ganito

    TumugonBurahin
  10. Masyadong madugo ang mga salita mong tinuran dito hahaha! May pangil at may poot - hahaha! poot talaga - hahaha!

    Kung sino man yan Senyor ipagpasadiyos mo nalang, one rant post I guess is enough. Iwasan ang stress. hehehe!

    Good vibes :)))

    TumugonBurahin
  11. haha dame ko pwede pagsabihan neto hahaha,
    mukang my pinaghuhugutan to ahh!

    TumugonBurahin
  12. "Negative"

    yan na yung comment ko. hahaha .. Promise kept :p

    TumugonBurahin
  13. Talas ng mga salita ah! Haha. Inferness, imbyerna talaga yung mga ganyan.. Anyways, sana GV ka na ngayon, haha

    TumugonBurahin
  14. eto na lang po muna ang tugon ko sa post mong halimaw na ito:

    http://tksalaulasatinta.blogspot.com/2011/09/na-kung-bakit-ako-ang-ipinalit-kay.html

    :)

    TumugonBurahin
  15. imishew tooooooo ,
    mare may pinapatamaan ka ba? hahahahah

    TumugonBurahin
  16. Dama ko ang iyong pagka-muhi!

    tama lang yan na i-expres mo, but pagkatapos wag ng paglaanan ng pansin... it's not worth it...

    TumugonBurahin
  17. astig naman... napa wow ako sa post mo na ito... hehehe

    buti ka pa may talent sa tula ^^

    TumugonBurahin
  18. First time visiting your blog... Grabe pwede ka na maging makata... Nosebleed ako sa iba mong posts. Galing!

    TumugonBurahin
  19. wow.. ang lalim ha?? parang may pinaghuhugutan.. galing!! talentado ka talaga senyor.. hanggang sa muling pagkikita.. subukan ko kung makakasama pako sa 2nd project ng pbo.. baka kasi lipad ko na yun.:(

    TumugonBurahin
  20. maraming ganyan kahit saan
    hindi mo sila maiiwasan
    gawi nila'y di dapat parisan
    sila'y lason sa mundong ginagalawan.

    TumugonBurahin
  21. ang kulit din ng isip mu no senyor

    TumugonBurahin
  22. kasunod po ba to ng post mo last time? :P chillax kuya :)

    Myxilog

    TumugonBurahin
  23. Sino si Santa Santita... (: Grabe naman.. feeling ko kung mas masama pa siya sa Diablo.. or kay Satanas.. ibig sabihin hindi siya hahabulin ng konsensya.. kase wala siya nun..

    TumugonBurahin
  24. Demonyo, Hudas, Diablo, Satanas, Lucifer... Pinakyaw na ah! Matindi ang nagawa ng taong ito (tao nga ba?) sayo at napatula ka! Hinahon lang Senyor... nakakatanda agad yan hehehe

    TumugonBurahin
  25. sino kaya sya??
    Dala na nya lahat ng nakapangingilabot na nilalang..
    Anyway, I doubt kung ramdam nya ang talim ng salita. Di na makaramdam ang mga walang konsensya..

    Pero 'thumbs up' sa rhyme! Galing!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...