Sarcastico y Gancho


Sa ngayon, ang nais ko ay maipahayag kung gaano mo ako napahanga sa taglay mong mga ginintuang katangian. 

Ilan lamang ang mga sumusunod:


1. Isa kang Emo

May tamang panahon ang lahat. Hindi lang sa'yo umiikot ang mundo. Kung sa tingin mo ay napakabigat ng dinadala mo, sige lang, damhin mo pa ang bigat.'Wag kang mamili ng oras o lugar at hawaan mo kami ng kalbaryong mayroon ka. Pagkatapos nito, ano? Magiging masaya ka na ba? Kasi kung hindi, sige pa! Ipalaganap mo pa ang kalungkutan. Nakakapagod din kasi ang pagiging masiyahin.

2. Papansin kang Walang Humpay
Hiyang-hiyang ako sa pagkapatay-gutom mo sa atensyon. Laging ikaw ang bida. Bawal ka bang makiramdam o makinig? Sige lang, bumangka ka lang. Natutuwa ang lahat sa'yo. Wala na nga silang masabi dahil bigay-hilig lang sila sa trip mong pagpapasikat. Nasa iyo ang lahat. Sa lahat ng paksa, may hirit ka. Ayaw kong isiping nagmamarunong ka pero ano ba talaga ang gusto mo? Ang mapansin? Tapos? May pabuya ba? Saludo ako sa'yo!

3. Timawang Patay-Gutom
Kahanga-hanga ang iyong pagiging masinop sa mga tira-tirang pagkain. 'Yung totoo? Gipit ka ba o sadyang may ugaling timawa? Ayos lang 'yan! Kaysa naman itapon, itabi mo na. Nawa'y makatulong sa ikaaangat ng estado mo sa buhay. Kung ganyan ang iyong libangan, binabati kita dahil ikaw ay kakaiba. Maaaring ikaw ay may nakaraang napakadilim at minsang napagkaitan ng karangyaan sa hapag kung kaya't ang asal mo ay iba sa pangkaraniwan. Nakakabilib ang tibay ng iyong dibdib at kapal ng iyong apog.

4. Manggagamit na Sugo
Nakakatuwa at ikaw ay hindi likas na malikot ang kamay. Hindi magnanakaw. Mabuti na lang at mapanlamang ka lang sa kapwa. Gamit ang iyong mabulaklak na pagsasalita at pagkuha ng tiwala, sino ang mag-aakalang ikaw ay tila isang tukong may mahigpit na kapit. Isa kang parasitikong hindi tatantanan ang sinumang mabiktima habang ikaw ay may mahihita pa. Magsisimula sa simpleng paghingi hanggang sa mauwi sa tahasang pambuburaot. 'Yan ay isang pambihirang kakayanang hindi ang lahat ay biniyayaan.

5. Nuknukan ng Sinungaling
Sa suot mong maskara ay nasasalamin ang hiwaga ng iyong pagkatao. Mahusay ang pagkakagawa ng bawat katangian mong inaakala ng iba ay totoo. Sa bawat kilos at salita mo ay ang pagnanais na mapaniwala ang lahat na ikaw ay may malinis na motibo. Ano ang iyong intensyon sa likod ng iyong mapagkunwaring pagkatao? Ang manlinlang at gaya nila ay manlamang? Maraming salamat sa iyong talentong ibinabahagi. Kaya mong baluktutin ang katotohanan sa ngalan ng iyong lihim na tanging ikaw ang may batid. Magaling!

Kung sino ka man, alam kong alam mong ikaw ang aking tinutukoy. Taglay mo ang mga bertud na aking nabanggit. Pinakyaw mo ang lahat.

Isa kang bayaning dapat tularan. 

Huwaran ka! 

31 komento:

  1. ui sir sino kaya yan? hehehehe : )

    TumugonBurahin
  2. oh no... i know of someone...pero baka iba nman to..lol... award-award sa taong to!

    TumugonBurahin
  3. mahirap ang "kaibigan" na ganyan, kelangan iwasan; di man nakakahawa ay siguradong makakaapekto pa rin.

    TumugonBurahin
  4. Pabayaan mo na sya senyor. Ganun sya masaya eh. Supportahan nlng natin.

    TumugonBurahin
  5. haha may pinaghuhugutang pag kamuhi ba to!
    haha well di maiiwasang makakilala ng mga taong ganyan eeh
    best way ee pag dasal na lang natin sila hehe
    safe answer diba?

    TumugonBurahin
  6. May mga kilala akong ganyan pero hindi naman lahat sa iisang katauhan. Kawawa naman itong taong ito, sagana!

    TumugonBurahin
  7. awts sakit!

    tagos sa buto naman neto Senyor >,<

    TumugonBurahin
  8. Aaaw ang bibigat Senyor! Kung alam man ng taong eto na sya yun juice kooh tablan kaya sya?

    TumugonBurahin
  9. sino ba to? un pala ako oh hahaha.

    di naman ako patay-gutom lol

    TumugonBurahin
  10. sa palagay ko adre, hindi uubra 'to sa pinapatamaan mo dahil sa #2.. hehehe

    TumugonBurahin
  11. Ang juicy ng blind item Senyor.. wala bang clue?

    TumugonBurahin
  12. aray naman teh! chos... sinetch itey?

    TumugonBurahin
  13. Mga Tugon
    1. natawa ako sa number 2. may biglang nag register sa isip ko...

      Burahin
  14. Who is the lucky guy? Tsk...tsk...tsk.

    TumugonBurahin
  15. sino sino kaya ang tatamaan hahaha ^^

    okay ang mga nakasulat ah... may masasapul talaga dito....

    TumugonBurahin
  16. Oo nga...name drop na Senyor...lols...ang bibigat ng mga salita dito hahaha.. Pero sabi mo nga sa twitter ay... tut! tut! tut! este twit! twit! twit! hahahahaha...atin nalang yun...hahahaha..

    Pero ang totoo lahat ay kathang isip mo lang di ba..pero pwede ring may matatamaan dito sa post mo hahahahaha!

    Isa ka talagang alagad ng panulat na may mga provocative write ups - lumalabas talaga ang isang karakter na mapanuri at mapagmasid sa iyong kapaligiran at sa mga taong iyong nakakasalumuha sa paligid ligid...parang aliping sagigilid lang hahahaha

    Nice post Senyor! Malaman at punong-puno ng emosyon!

    TumugonBurahin
  17. Timawang patay gutom! Ako yan hahaha kasi kapg kumakain kami sa labas at maraming sobra pinapa take out ko tlga heheeh, masayangin lang ako sa mga pagkaing nasisira.
    Napagkaitan ng karangyaan, siguro nang konti kasi nung bata kami kailangang naka budget lahat hihihihih.

    TumugonBurahin
  18. toinks hehe. ako saludo ako sa mga emo.. hehehe!

    TumugonBurahin
  19. haha! ako ata yung patay gutom! XD may pinagdadaanan si kuya? XD chillax :-*



    Myxilog

    TumugonBurahin
  20. may ganyang klaseng tao pa bang nag-eexist ngayon?
    grabe naman yan senyor?
    no offense pero lumaki din naman tayo sa looban pero hindi naman tayo ganyan kagarapal?
    :(

    TumugonBurahin
  21. Kulang ang post, dapat tinapos mo na, 'pwede ka ng magpakamatay.'

    TumugonBurahin
  22. baka may aso lang sa bahay kaya kumukuha ng mga tirang pagkain.

    TumugonBurahin
  23. masakit yung no. 1 bull's eye
    from 2 to 5 hahahaha sarap e share tong post nato sa FB ko kaso baka gerahin ako ng mga tatamaan..
    chilax lang po sir..

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...