Distancia Amigo

Paano papatawarin kung walang paumanhin?
Nasaktan ngunit handang lumimot, paano sasabihin?
Wala ni isang paliwanag ang kayang iparating,
Sapat na kayang talikdan at ang lahat ay limutin?

Mga maling nagawa, dapat pa bang itama?
Hindi pa ba sapat, mga sugat na nakuha?
Hinilom ng panahon ang distansyang napala,
Ngayon, tanong ko - ikaw na ba ay handa?

Mawala man ako, tuloy ang buhay mo,
Mag-isa man hanggang bukas, iikot pa rin ang mundo;
Sa mga aberya at naihatid na gulo,
Ayaw na bang ayusin? Ito na ba ang dulo?

Marahil ay nagsawa at ikaw ay napagod,
Sa tulad kong timawa at ubod ng hambog;
Hayaan man kitang lumayo at tumalikod,
Ako'y hanggang sa huli - naglulumuhod.

22 komento:

  1. ang lalim senyor, lalim ng pinaghuhugutan :)

    TumugonBurahin
  2. Ay in Filipino, nagdugo ang ilong ko, lol! Kidding aside, the poem speaks in volume : Forgiveness, negligence, giving up, callousness and others. Napapanahon!

    TumugonBurahin
  3. oh senyor. hang in there. let's have coffee na nga talaga.

    TumugonBurahin
  4. From a broken heart? I wish you a life full of love , peace and joy:)

    TumugonBurahin
  5. NOsebleed nga! Sorry na Pwede ba? hehehe

    TumugonBurahin
  6. Ayaw ko lumayo, kahit ipagtulakan mo ko hahaha... Sorry seems to be the hardest word to say yeah? Pasasaan bat maayos din yan... ay teka lang fiction ba to? hahaha

    TumugonBurahin
  7. mejo relate todamax nanaman ako dito ahh!
    naku sorry? madali lang sabihin ung, ang mahirap patunayang
    na nagsisisi kang talaga sa nagawa mo of at least tinanggap mong mali ka!
    haha anyway sorry senyor kung may kasalanan mana ko hahaha

    TumugonBurahin
  8. Pahiram nga't ng maipadala ko dun sa kaibigan koh HAMBOG! lolz todo relate lungs sensya na...

    TumugonBurahin
  9. I don't like poems. I don't like the meters, and the rhymes, and the discipline behind each written line. I don't like structure, and that's basically why. Poems suck. However, this piece drove something home. This had that "relate ako" feel to it, and I had to read it twice just to prove myself wrong. No. This is for me. This is for him. That there is true, and for that, I am appreciative.

    Thank you for dropping by. I have read some other poem blog, replete with "prize winning poems" and shit, but I never subscribed. Your writing, however, requires very little reading effort, is of humble construction, and seems like it lacks that uptight air that is common among strict poets. I can read your poems. Thank you.

    Muahnes from Pasig Cirehhh!

    TumugonBurahin
  10. babalik yan. hindi na kailangang magmanikluhod.

    TumugonBurahin
  11. sobrang gusto ko to. yang mga tulang may rhythmic pattern at rhyme scheme, tapos medyo melodramatiko, bentang benta sa kin! winner!

    TumugonBurahin
  12. Senyor, nariyan lamang si Amihan kahit hindi ka maglulumuhod. Dahil kung sino man ang pinapatungkulan ng tulang ito tiyak tatangayin s'ya ni Amihan pabalik sa iyo.

    TumugonBurahin
  13. Gusto ko siyang i rap! With julie ann hahahaha!

    TumugonBurahin
  14. wow. Nawiwili ka sa pag tula. Sabi mo ata noon hindi ka magaling mag gawa ng tula, pero tingnan mo, ang galing mo mag compose.

    Teka, may kaaway ka na naman? haha.

    TumugonBurahin
  15. sarap ng content ng tula.. parang straightforward 'yung dating ng idea sa akin, interesting.. tungkol sa hindi magandang ending ng isang relasyon, tama ba? tsaka saludo din ako sa tiyaga mo sa rhyming.. hehehe

    TumugonBurahin
  16. so deep.. astig...ikaw na!! makatang makata!

    TumugonBurahin
  17. na-appreciate ko 'to sobra :)
    galing ng pagkagawa, simple pero may lalim!

    "can relate" lang din ako :)

    TumugonBurahin
  18. lumuhod ka sa harap ko. at kainin mo to (Pizza eating contest) lol

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...