SAKTO LANG

Manhid ka. 
Walang pakiramdam. 
Hindi masaya. 
Hindi malungkot.

Kung ano ka ngayon ay sarili mong pagpapasya.
Pagpapasyang maaring maging pabago-bago depende sa lagay ng panahon.

Natuto kang mag-isa.
Natuto kang lumaban at tumayo mag-isa.
Sa gitna ng mga panghuhusga, wala kang kinapitan.
Hindi ka naghanap ng kakampi.

Alam mo ang pakiramdam na minsang talikdan ng sarili mong bayag.
Alam mo ang pakiramdam na pati ang sarili ay pagdudahan.
Minsan ay walang natirang lakas dahil inubos lahat ng luha.
Ikaw rin ang sumagot sa iyong tanong - kaya mo dahil kinaya mo at kakayanin mo!

Kung ano ka ngayon ay sarili mong pagpapasya.
Kung nasaan ka man ngayon ay dahil may kahapong ayaw mong balikan.
Napagod ka ng yumuko at natutong nakatingala kahit sa mapanghamong sikat ng araw.

Hindi ka na nahihiyang magdala ng payong.
Sa muling pagdating ng ulan - handa ka na!

Oo, manhid ka dahil pagod ka ng masaktan.
Mali silang isiping wala kang pakiramdam. 
Isang malaking akala ang sabihing hindi ka masaya. 
Desisyon mo ang hindi maging malungkot.

Tulad nila, ikaw ay ikaw dahil may pinagdaanan ka.

Perpekto? Hindi. 
Mas piniling mabuhay ng sakto lang.

22 komento:

  1. Marami pa rin sa atin ang hindi sakto. Marami ring may kulang. Pero dahil siguro hindi makuntento sa anong meron sila

    TumugonBurahin
  2. Tama ito, maaari kong gamitin at paalala sa araw araw. Sakto lang, sakto lang.

    TumugonBurahin
  3. Magandang pagpapahayag ng saloobin senyor. ako mas ok nako sa sakto lang din at least kung may kulang pwedeng punan at magbago para mas maging magaan ang pakiramdam. kung may sobra pwedeng bawasan lalo kung ito'y negatibo. pero kung positibo naman, aba'y magpasalamat sa Panginoon sa biyayang iyong nakamtan, pwede mo ring ipamahagi sa ibang mas nangangailangan... hindi lahat ay mayaman sa eksperyensya, tibay ng kalooban at angking kaalaman. I, thank you hehe.

    TumugonBurahin
  4. Tama lang, okay lang, karaniwang sagot pag wala namang may sakit sa pamilya o malaking utang. Ibig sabihin ito yun normal na buhay.

    TumugonBurahin
  5. Steady lungs... yung wala ka ng ibang hinahangad pa... basta maayos naman ang lahat sa sarili at paligid mo. Sakto lang... :))

    TumugonBurahin
  6. banges! nanunuot sa buto... ansabeh? haha. seryoso, ang galing. Simple pero rock :)

    TumugonBurahin
  7. banges! nanunuot sa buto... ansabeh? haha. seryoso, ang galing. Simple pero rock :)

    TumugonBurahin
  8. Tama. Anuman pinagdaanan natin ay tayo mag decide pano mag react. Kung nasaktan tayo ay ipaubaya sa Diyos ang lahat. Keep on going, trusting, living, loving,searching and smiling no matter what. My motto" the best is yet to come."
    Have a nice day senyor.

    TumugonBurahin
  9. tagos sakin ang post mong to senyor! sakto ee! sapul na sapul!
    galing mo talaga!!

    TumugonBurahin
  10. may mga bagay na minsan na wag na lamang pansinin dahil alam mo maaapektuhan ka sa bagay na iyon..

    TumugonBurahin
  11. Medyo natamaan ako ah. Sa ngayon kasi, kuntento na rin ako na sakto lang ang buhay ko sa lahat ng aspeto. Pero mukhang magbabago na rin 'to, minsan kasi mas masaya maging risk-taker :)

    TumugonBurahin
  12. Sakto, yung isang bote ng soda na pamatid uhaw :)

    Ano man ang ating pinagdadaanan
    siguradong lilipas din yan
    sa bawat paglubog ng araw
    Sa bawat pagsilay ng bukang liwayway
    naipipinta ang iba't ibang kulay ng buhay.


    (Sabi mo sakto lang, pero ang totoo nyan, puno ng emosyon ang hinabi mong tula. Napagaling ^_^ )




    TumugonBurahin
  13. Imissew senyor! Sakto na sakto hahahahav:) .....

    TumugonBurahin
  14. "Hindi ka na nahihiyang magdala ng payong.
    Sa muling pagdating ng ulan - handa ka na!"

    - Literal para sakin 'to! :)

    TumugonBurahin
  15. "Desisyon mo ang hindi maging malungkot."

    Ano nga kayang damdamin ang nasa pagitan ng saya at lungkot? Saktong napaisip ako.

    TumugonBurahin
  16. tama, nasa sayo ulit ang desisyon, kahit mag hangad ka na maging perpekto, wag kang umasa, hindi kahit kailanman matutupad ang hinahangad mo, dahil walang perpekto sa mundong ito. char

    TumugonBurahin
  17. Sakto lang... kapag yan ang pinili nating buhay, at yan din pinili nating gawin sa buhay, yan din ang magiging kahihinatnan ng ating buhay. Tama nga naman. Sakto lang.

    TumugonBurahin
  18. Dropping by again to tell you that you really have to made your A-Z kasi dalawa na kami ni Mel nag tag sa yo. Hi hi

    TumugonBurahin
  19. ang seryoso..keri lang ang sakto pero mas bet ko kung sobra ng konti...

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...