My A to Z: Senyor Iskwater Edition

Nakakahiya naman kung hindi susuklian ang tagging efforts ng dalawa sa mga Dyosa ng blogosphere na sina Mommy Joy of Joy's Notepad and Mel of Mel's Hidden Passion.

Kahit hindi ko masyadong libangan sa aking eskita ang selfie moments, more more grab na ako ng opportunity na ito. Pampadagdag post din. I know 99.9% of readers will skip read.

This is it!

A. Attached or Single? 
Attached to singlehood. Suki ako ng nabibiling pagmamahal. 'Yung per kilo!

B. Best Friend? 
Isa lang? Wala. Wala na. It's either I'm a loner or masama ang ugali ko.

C. Cake or pie? 
Pie. 'Yung sosyal at pangmayaman. Caviar Pie!

D. Day of choice? 
Friday! May work pero excited sa weekend kahit wala namang ganap at nga-nga lang sa bahay.

E. Essential Item? 
Internet connection. Hmmmnnn... Item ba 'to? I just know it's next to Shelter, Clothes and Food.

F. Favorite color? 
Green. Ever since Bioman days. I love Green 2!

G. Gummy bears or worms?
Gummy din ba 'yung worms? Sige, gummy bears na lang.

H. Hometown?
Barangay 176 Bagong SIlang, Caloocan City! Hello friends out there!

I. Favorite Indulgence? 
Ano muna 'yung indulgence?

J. January or July? 
Bakit walang June? January na lang. I love beginnings.

K. Kids? 
I love kids. The cute ones.

L. Life isn’t complete without? 
You. Whoever you are, complete me! Now na!

M. Marriage date? 
Never. Kung same sex, mas keri para experimental!
 

N. Number of brothers/sisters?
1 brother. He's older. College graduate. Unemployed. 
Motto niya in life: "Chill!"

O. Oranges or Apples?
Apples na kulay orange. May ganun, pwamis!

P. Phobias? 
Snake. Literally and figuratively.

Q. Quotes? 
Plural dapat? Hala... 
Ganito: 

  • Don't push the river, it flows by itself...
  • Live simply so others may simply live...

R. Reasons to smile? 
Smile din. Tsaka pala orgasm. Hihihihi... Sinong hindi mapapangiti?

S. Season of choice? 
Summer. Masarap ang nag-iinit.

T. Tag 5 People. 
Sunny Toast, Cheeky Piggy, IamMecoy, Arline, Archieviner, Super Mario, Balut Manila, Gracie's Network, Jei Son, Glentot of Wickedmouth, Aldrin of Blindpen, Lili of Thinking Out Loud, JH Alms, Pao Kun, Bagotilyo, Bino of Damuhan, Madz aka Hartless Chick, Cheenee of Kwentong Palaka/Da Secrets, Jay of OrangeWit, Gaston of M2M Experience, EssayNiPayoyo, Bulingit, Joanne, Zai, Raffy, Caryl, Jonathan of Metaphorically Speaking, Marge of Coffeehan, MichyMoo of Dekaphobe, Empi, Nutty and all the bloggers friends in the world. 

Ayyy, 5 lang pala!

U. Unknown fact about me? 
I have a secret life.

V. Vegetable? 
Asparagus and Zucchini. Ang sosyal ko diba?
Ano kaya lasa nila?

W. Worst habit? 
I don't wanna share. Bastos eh...

X. Xray or Ultrasound? 
Ultrasound. I want to know the feeling. Pati Pap Smear and Raspa!

Y. Your favorite food? 
Sherbet. Ice Cream ito ng mga mayayaman. FYI beggars!
Masarap kaya ito?

Z. Zodiac sign? 
Aries. It's the best among the re(e)st! 

23 komento:

  1. Hahahaha, 5 lang naman dapat e tag, bat andami, :D

    Ayos din tong A-Z ahh, magaya nga, jowk! :D

    Share mo na yung hobby mo, sharing is loving daw sabi nila, hahaha

    TumugonBurahin
  2. dat letter R.. the best.. hehehehe

    TumugonBurahin
  3. Hindi ako nag skip read, good to know something more about Senyor. Love ko yung veggies and sherbet at hindi po ako mayaman.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Bakit bigla akong na-tag dito? Wala siya nung una ah.

      Burahin
  4. Ohemgee! Bakit ko to binasa eh nakita ko name ko ha ha ha. At binilang ko talaga buti na lang wala ako sa 1st 5 may reason para hindi gawin ha ha.
    Seriously THANK YOU senyor sa pag tag sakin. Sobrang love kita at kahit naka mobile ako now nagbabasa ako ng post mo at nagko.comment oh kahit hirap na hirap.ha ha. Sensya na ha pag may typo.error wag scrutinie ha hmn... :P
    Naaliw ako sa a-z mo very amusing ang details dami kong ngiti at taas kilay ha ha. Juice koh pareho tayo sa 'P' nangilabot ako sa picture waaah (nginig).
    Parang exciting namang gawin.neto... esep esep.din pag may time ;)

    TumugonBurahin
  5. Hahaha, hindi ako ng skip read! XD

    Wow, yamans Caviar Pie!

    Green 2 yata yun Senyor, not Green 3. Si Blue 3 ang nagma-may ari nung #3 sa Bioman.

    At ang dami mong tinag XD

    TumugonBurahin
  6. No skip reading for me. And after weeks of hiatus, I'm here again to give a comment-overkill. And this comment will be about you. Hehehehe!

    A. You know Senyor, you shouldn't limit love. I mean be confident and proud of your independence and emotional self-reliance. Yung nagsasabing ang pag-ibig ay para lang sa certain age at certain phase in life are those people who lack creativity and hopes. Unless you were called to be a blessed single siyempre. But i'm not even sure if it's your choice or if you have given up on love.

    B. Perhaps you're misunderstood? I don't see you as a person who doesn't get well with others. Siguro ikaw yung tipong hindi basta basta magtitiwala sa tao and you put certain limitations sa relations, like your 'friends' are categorized as acquaintances, companions, colleagues, and members of inner circles. And since you said walang tao sa inner circle mo, don't you get lonely or frustrated? Especially for people like you na opinionated. Most of the time, jerks will misunderstand your perspective. You would need a real friend na kakayanin ang powers mo.

    C. Expensive taste naman! Caviar talaga ah. hahaha! Tasted some. It failed to meet my expectations. Parang mga malalansang tapioca na sumasabog sa loob ng bibig kapag kinain. Freaky, but if well served, tasty na rin. Cake pa rin ako. Weakness ko ang matatamis.

    D. Homeboy lang ang peg. Hehehe! Pero hindi ba mas maganda naman magstay sa loob ng bahay after a nerve-wrecking day? Ako nga eto, day off nasa bahay maghapon hanggang gabi. Twice or three times a month lang siguro ako mag nightout, lalu na kung may time at pera.

    E. Internet talaga no? I think it has become a necessity due to the fact that our relations and social life have been transformed in an innovative way. But nothing beats a vis-a-vis conversation and a close and actual inter-personal relationship.

    F. Green minded eh. hahaha! Biro lang! Green talaga ha, pang Miss Earth talaga ang personality hehehe. They say that people who love green have a good sense of balancing their emotions and intelligence. They have good judgements. They are good counselors and good listeners. Relaxing din ang colour green, so i guess you emit a sense of peace, nurture, and relaxation. Pero sa mga recent posts na nabasa ko, there a hue of rage and fury, parang si Mother Nature na nagwawala. maybe that's the extreme opposite kapag binadtrip ka.

    G. Nah I think gummy worms are a lot better to chew than gummy bears.

    H. Shouldn't you be more careful in giving out your address? Baka sugurin ka ng mga stalkers. Hahahaha!

    I. Indulgence- The act or an instance of indulging; gratification.

    J. Bakita nga ba January at July lang? What's so important with the two months?

    K. Hindi mo ba matatanggap yung mga ugly ducklings at cute lang talaga? Alam mo ang mahirap tiisin, yung mga hyperactive na mga bata. Yung mga pinanganak na may sugar rush na agad kahit wala silang kinakain na matamis.

    TumugonBurahin
  7. Part II


    L. Nasan na nga ba si You? Baka na traffic lang sa EDSA, or naligaw.

    M. Isn't there any hint of romanticism left in you? Never talaga ha. Same-sex gawin pang experimental, hahaha! Anyway, with the new set of legislators in the country, i believe that same-sex marriage is still miles away. Dito sa Italy, despite the strong presence of bigots, conservatives, and the Vatican, eh may malaking major step na after ng isang ruling ng Constitutional Court.

    N. Cool naman ng kapatid mo. hahaha!

    O. baka color-blind ka lang.

    P. Try overcoming your phobia. Punta ka sa zoo, tapos try mo humawak sa sawa or kahit anong snake meron dun. Face your fears sabi nga nila.

    Q. Nice quotes.

    R. Who would never smile on orgasms?! Ah yung asawa nung mga senador who proposed to remove the terms 'satisfying sex'. They're definitely not having one. Hahahaha! Orgasm makes me think of soprano singers belting out coloraturas and arias.

    S. Ah, nako can't stand the heat. Buti kinakaya mo.

    T. Senyor you're not following instructions.

    U. What secret life would that be? Superhero ka din ba?

    V. Sabay tanong kung ano ang lasa, eh! I think they're best when boiled and then with some olive oil and parmesan cheese.

    W. Napapaisip na tuloy ako kung anong habit yun.

    X. Isa na ba yan sa mga deepest desires ng puso mo? Hahaha!

    Y. Para namang Halo-halo. mag halo-halo na lang kesa sa sherbet na yan. Yun lang din naman yun. Pinaganda lang ang pangalan para magmahal pa ng kaunti.

    Z. I think it's really funny how people are conditioned by the positions of the stars, planets and many other cosmic beings, and at the same time I am surprised at how these zodiac signs can really tell something about one's personality. And yes, you're the finest of all.

    TumugonBurahin
  8. In fairness binasa ko frm a to z. Di ko lng kya magcomment ng mhaba gmit ang phone

    TumugonBurahin
  9. hala.. ano ba ito. yung tatanungin mo sarili mo? ayaw, hehe bka andami ko namang maamin ;p thanks po sa tag.. binasa ko lhat. para un mas makilala ka pa in a way ^__^

    TumugonBurahin
  10. adiktus ka sa maalat that you ended up liking caviar?

    TumugonBurahin
  11. I wish i was tagged here though. Mwahaha. Will have my A to Z, still! Haha.

    TumugonBurahin
  12. Hahahaha natawa ako sa caption ng veggies mo!

    Gusto ko ang motto ng kuya mo: "chill!" ;)

    At andun ako sa 0.1 ng mga readers mo.

    TumugonBurahin
  13. ang sosyal sa veggies..... hahaah. meron ba nun sa local palengks or kelangan sa supermart bilin?

    TumugonBurahin
  14. C. I love caviar on sushi.

    T. Buti na lang hindi ako sa top five. Kahit top 10, di ako nabilang doon. hehehehe.

    TumugonBurahin
  15. Thanks senyor. I really enjoyed reading your A-Z. Pareho pa tayo ng sagot sa ibang mga tanong:)
    Lapit kang pala home place mo. Mabiisita ka nga. Hi hi
    Nice to know you more:)

    TumugonBurahin
  16. ahaha natuwa naman ako sa mga sagot mo haha
    at ang honest ahh anu naman kaya ang habit mo at ang nabibiling
    pagmamahal talaga?
    haha naalala ko din ung kwento mo sa brother mo, mejo nakakarelate ako ee

    at ang quotes ganda ahh

    TumugonBurahin
  17. wagi ang comment ni mr.t! haha..

    TumugonBurahin
  18. at inisip ko talaga ang worst habit :)

    akala ko pipino, zucchini pala. ang beggar ko lang. hehe

    at hayop talaga ang mga ahas na yaaaaaan!!!!!!!!!

    TumugonBurahin
  19. naintriga ako sa worst habit...ano yun?! ano yun?! hehe...

    TumugonBurahin
  20. Ibang gummy ang naiisip ko.. hay erase erase to kasi ang green leafy vegetables ng mga sagot ehehehe.. sosi pero di pala alam ano lasa? kulit! naka-tag ako? 5 lang diba sus sige Salamat sa mention nalang hehehe

    TumugonBurahin
  21. yung ice cream parang bola lang.hehehe XD

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...