'Pag May Panahon

Kailan makakamtan ang maalindog na katawan?
Kailan matitigil, katamaran at katakawan?
Hangga't walang sakit na nararamdaman,
Wagas na kapabayaan, 'wag sanang pagsisihan.

Sa yosi at alak ay ayaw papigil,
Mga maling gawi kailan ititigil?
Tadhana ay handang gumanti't maningil,
Hihintayin pa bang buhay ay makitil?


Lakad-lakad, galaw-galaw - matutong mag-ehersisyo,
Masustansyang pagkain, maging bagong bisyo;
Itakwil lahat ng bawal, ituwid ang huwisyo,
Lumayo sa panganib, lumayo sa perwisyo.

Kung ano ka bukas ay sariling desisyon,
Hindi isang sugal ang pagkakataon;
Kalusugan mo'y ingatan, simulan na ngayon!
Gising-gising din, 'pag may panahon.



30 komento:

  1. Mahusay. Simple pero merong laman. ;)

    TumugonBurahin
  2. Magaling.. good luck sa iyong entry.

    Madaling sabihin lalo isulat ang mga bagay na nais nating makamtan ano, pero napakailap at kay hirap gawin o baguhin kapag nakasanayan na. Ngunit di naman huli ang lahat, isipin nalang natin habang buhay may pag asang magbago. Paunti-unti, dahan-dahan.. makakamit din ang mga mithiing yan! Determinasyon. Disiplina sa sarili. Go na yan!

    TumugonBurahin
  3. Nice! galing, kakatuwa ang rhyme pero di dapat ngitian o tawanan lang... iisa lang talaga ang magiging katawan natin kaya dapat seryosohin ang pagdidisplina sa sarili! Thumbs up Senyor!

    TumugonBurahin
  4. Ganda naman ng rhymes, parang puwedeng i-rap. Good luck!

    TumugonBurahin
  5. ang galing :) malaman.

    TumugonBurahin
  6. Galing at may aral. Good luck.

    TumugonBurahin
  7. Ang ganda ng yung tula.. malupit sya at may aral na makukuha.

    TumugonBurahin
  8. Ang husay! Good luck! Congratz in advance! :)

    TumugonBurahin
  9. maganda ang pagkakagawa, goodluck sa entry mo..

    TumugonBurahin
  10. haha natatamaan na ko sa mga poem na ganyan haha
    parang sinasabi na mag diet na ko
    ganda lalo ung last talata

    TumugonBurahin
  11. pinaparinggan mo ba ako? lol

    mahirap talagang gawin. ako nga naturingang may running blog nahihirapan pa rin akong maging healthy buff :(

    Good luck Senyor! sayo na yan!

    TumugonBurahin
  12. hahaha, e tigil na ang bisyo,
    kayo lang ang niloloko nito,
    wala kang mapapala,
    kundi kasiraan lang ng ulo.

    char.

    TumugonBurahin
  13. Pang Fitness First ang Poem na to! Ang galing... Make this world a fitter place!

    Saludo ako dyan sa Healthy Lifestyle!

    TumugonBurahin
  14. Ngano laging nisugod man ug sigarilyo when you know better.

    Ask translation sa PM ha? :)

    TumugonBurahin
  15. Woot? sumali ka din pala sa pa contest ni Miss Iya hehe!

    Tamang ehersisyo, lifestyle at diet, yan ang susi sa isang malusog na pangangatawan :)

    Goodluck!

    TumugonBurahin
  16. nangiti ako habang binabasa ang tula, siguro nga dahil sa rhyme, galing!

    good luck sa entry mo Senyor! :)

    TumugonBurahin
  17. tinamaan naman ako dito ser. eto na galaw galaw na nga.... pero yung yosi pwede paunti unting bitaw lang? :) good luck sa entry mo..

    TumugonBurahin
  18. mainam na paalala 'to sa mga medyo nakakapagpabaya na sa kalusugan (tulad ko.. ibig sabihin lang eh nasapul din ako.. hehehe).. good luck sa entry mo, adre.. sa husay nito eh nakikini-kinita ko rin na may ilalaban din 'to sa patimpalak..

    TumugonBurahin
  19. Congrats senyor! I-claim na agad ang adidas running shoes!

    TumugonBurahin
  20. congratz po! ganda ng tula at ang pagkakasulat ng bawat letra.. kaya pala nanalo ..

    now I'am your new follower :)

    TumugonBurahin
  21. at congrats sa pagkakapanalo, adre.. hehehe.. galing..

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...