When Iskwater Meets EssayniPayoyo

Isinumpa ko sa bawat sulok ng aking eskinita ang pagbibigay-pugay sa ilang mga hinahangaang blogero.

Sa bilis ng takbo ng panahon, hindi ko namalayang ikapitong idolo na pala ang aking itinatampok ngayong buwan ng Hunyo. 

Halina't samahan niyo akong kilalanin ang natatanging babaeng may bayag. May angas at tunay na pangahas ang hambalos ng kanyang panitik. Walang pagkukunwari at may pinanghuhugutan kaya naman wagas ang aking respeto at paghanga sa binibining ito. Not to mention, ang ganda niya mga parekoy! Artistahin! Naks!


Full Name:
'Wag na. 'Wag na full name, hahaha! Kilala ako ng lahat at ng Google bilang si Essa Pajarillo. EssayniPayoyo sa blogosperyo. Pero yung nakalagay sa Birth Certificate, punyeta, 'wag na (Ayy teka, okay lang bang magmura?)
Age:
22 
Sex:
Babae
Location:
Quezon City
Civil Status:
(at FB status) Single NA *sabay hikbi*
FB E-mail Address:
Di ko maalala anong email yung nandoon, kaya pakitipa na lamang ang “Essa Pajarillo” sa search box
Twitter Account:
@essablurtsout

 --- o 0 o ---
Ihanda na ang San Mig Light... Mahaba-habang inuman/kwentuhan... 

Kumusta ka naman?
Sakto lang, Sir. Kape kape, yosi yosi, muni-muni. Sakto lang.

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
'Di ba obvious sa unang email ko sa’yo? Kinabahan ako. Naisip ko agad kung bakit ako eh andami mong sikat na kakilala. Ilang taon na nga rin akong nagba-blog pero kasi itong pagpapa-interbyu eh isang hakbang palabas ng pagiging anonymous (para namang anonymous ako eh noh) at palabas ng maliit na sulok ko sa blogosperyo. Gawa nang inaagiw at inaalikabok na ang lungga ko, at kakabalik ko pa lamang mula sa ilang buwang pakikipagsapalaran sa isang magastos at masakit sa bangs na larong nagngangalang “REYALIDAD”, magandang simula na muli siguro ito upang ipangalandakan na buhay na ulit ako.

Why EssayniPayoyo?
Mga nickname na na-accumulate ko sa kabuuan ng buhay ko. 'Yung “Payoyo”, 'pag bulol kasi ang bata, Payoyo ang pagkakasabi ng last name ko.

What’s with the blog name, “Babae Pala si Satanas”?
Ah, 'yon? Nasa profile ko na ang kuwento. Appropriate bilang title ng blog kong walang laman kundi rants, mga naiisip ko sa araw-araw, mga hinuhugot kong lamang-loob at ipinapaihaw sa mambabasa. Wala kasi akong balak magkunwari sa blog. No holds barred ba.

When did you start blogging?
Tagal na. 2007 pa yata. Sa Myspace. Tas napunta sa Multiply. Tas kasabay noon sa Friendster. Tas nagkaroon ng seryosohang blog noong 2010 sa Wordpress.

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Nung una, napilitan lang ako mag-blog. Sa panahon kung kailan tipa ka na lamang ng tipa, ang sakit na sa kamay na magsusulat ka ng ga-pahinang mga rants mo sa mundo at sa leche mong lablayp. Sinimulan ko magpaskil sa Wordpress noon kasi naubos na ang pahina ng ika-lima kong Moleskin (nakanan!) na journal. Sabi ko wala pa akong pambili ng bago, kaya ayun, napuntang online.
 
Nung nakapagpost na ako ng iilan, may mga nagkokomento na. 'Yung mga tipo pa ng komento na pinag-isipan at mukhang binasa talaga nila yung mga pinagpapaskil ko. Hindi ko pinangarap na may magbabasa ng mga posts ko, bonus na lang iyon, pero 'yung may mag-aabalang magbasa ng gawa mo at mag-iisip ng matinong komento rito, ang nakapagpa-“Hala sige, panindigan mo na yan, Essa” sa akin. Ngayon, kahit walang sense na komento, naa-appreciate ko kasi yung ultimong pagdaan sa lungga ko eh malaki nang bonus iyon. Ang pag-a-abala mong pagsilip at agarang pag-exit sa blog ko ay gantimpala na. Nagba-blog ako para sa sarili ko, pero mas na-i-inspire akong magpaskil kapag nakikita kong may nagkakamali ng click na link at naliligaw sa blog ko.

Among all your posts, ano ang iyong most favorite so far? Why?
Tatlo ang “most” ko eh, ayos lang ba? Ito yung mga nagpadugo ng utak ko, nagpasakit ng puson ko tas nagpatuyo sa puso ko. Buhos-buhos:

Mahalay? Hindi. Magulo? Oo. Noong ginawa ko kasi ito, gupong-gupo ako sa emosyon. Malaking parte ng blog ko ang mga akda at rants tungkol sa isang taong inikutan ng mundo ko sa loob ng mahabang panahon. Personal, oo. Isa 'to sa mga paborito ko kasi alam kong sobrang vulnerable ko nung panahong ito.

Paborito dahil isinulat ko ito pagkatapos ng matagal na panahong nawala ako sa sirkulasyon. Ang sarap kasi nung magsusulat ka tas aagos na lang yung mga salita ng tuloy-tuloy. Ang akdang ito ay nagawa sa ganoong paraan: hinayaan ko ang mga daliri kong lumipad paroo't parito sa keyboard.

Paborito dahil, kahit sa labas ng blogging, 'pag iniisip ko ang pinaka-paborito kong pagkakape time, ito yun. Mabuti na lamang ay naitipa ko yung laman ng utak ko nung mga panahong iyon.

What are the challenges when you were starting  to blog?
Maliban sa pagiging sabaw, tingin ko isang masakit sa bangs na pagsubok eh 'yung huhusgahan ka. 'Di maiiwasan iyon, oo, at naintindihan ko iyon. Naiintindihan ko na maaaring may pare-pareho tayong kinalakhang values pero may iba-iba tayong prinsipyo ---- kung saan papasok ang isa pang pagsubok: Ang paga-akala ko noong lahat – LAHAT – ng nasa blogosperyo ay bukas ang isipan sa mga bagay-bagay na mababasa nila.

Ganoon kasi kataas ang antas ng blogging para sa akin. Napakalaking venue nito upang makapagpahayag ka ng nais mo. Naiintindihan ko rin na sa marami ay may panuntunan sa kung ano ang dapat at hindi mo dapat i-blog. Pero kasi magkakaiba tayo ng depinisyon sa mga bagay-bagay. Bastos at gago ako para sa iyo, maaring outspoken lang ako para sa ilan, maaaring may magsasabing papansin lang ako. Maaaring pang-porn 'yung tingin mo sa mga ipinapaskil ko, maaaring nakaka-turn-off 'yung sangkatutak kong pagpa-“Pa*&u*, pero iba ang depinisyon ko ng porn/bastos at iba ang nakaka-turn-off para sa akin at para rin siguro sa iba. Madalas magkakabangga 'yung kanya-kanyang “ethics” para sa pagba-blog at sa pagpapaskil sa Web, at ang kalayaan sa pagpapaskil ng kung ano. 

May napakakitid na pumapagitna sa dalawang iyon na kung iintindihin ng iba’y peace peace naman na tayong lahat: RESPETO. Respeto sa ipapaskil ng isa. Respeto sa magiging opinyon ng isa sa ipapaskil na iyon. Pag naisabuhay mo iyon at nai-practice mo sa blogosperyo, wala nang bangayang mangyayari sa comments section at wala nang mga hinayupak na maga-Anonymous at 'di magpapakilala dahil nega at against sa akda mo ang ipinaskil nilang komento.
 
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Ang direksyon ng “ka-blogstugan” ko ay naitakda na ng titulo nito. Isang malayang pagpapahayag ng sarili, bagama’t maaaring salungat sa kung saan komportable ang nakararami. Maraming nagsasabing nakaka-intriga ang titulo ko. Tingin ko hindi ito nakakaintriga, ibig sabihin lamang noon ay hindi kasi tayo sanay sa ideya, at maaaring hindi rin ine-entertain ng iba ang ideya, na maaaring babae nga si Satanas. Minimithi ko na ang blog ko ay makapagparating ng ilang mahalagang mensahe: Na may mga tipuhan ng pagba-blog na buwis-buhay dahil may mga isyu, personal man o hindi, na matatalakay na kadalasan ay ayaw harapin ng marami, o ayaw tingnan sa ibang aspeto. Na may mga panulat na maaaring madilim para sa nakararami pero sa iba’y maaari itong tipo ng pagkapit sa kakaunting liwanag na kayang dagitin ng mga daliri ng isa.

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Sa galing ng panulat, madami 'yan. Lalo na pagkatapos ng dalawang Kamalayang Malaya, isang patimpalak ng palakasan ng pag-utot ng mga salita. Marami akong trip na mga blogista, lalo na 'yung mga nasasakyan ko. Pero ito ang Top 3 ko:

Isa ako sa mga pan nito, simula pa lamang ng magsimula ako. Hayup talaga 'to magsulat, pati sa personal. Ang bilis ng utak. Witty. Sino ba naman ang kayang pagsabayin ang essence ng physics at blogging sa dalawang sentences, sa paraang pa-fliptop pa ang pagkakasabi sa bilis ng ideya? Punyeta. (At dahil nambola na naman ako, makahingi nga ng suhol)

Sucker kasi ako sa mga blogs na feeling ko pribado. Konti lang ang nakakaalam (ata). Noong nasa Wordpress ako, napasok ko ang blog niya (na noo’y pakiramdam ko’y pribado), nahalukay, at simula noo’y literal kong hinahanda ang sarili ko bago itipa ang url niya. Galing na galing ako rito. Sabi nga ni Sir Duks, may mga blogs talaga na nalulunod ka. Sa blogs ni Ewk (oo, blogs, kalat-kalat 'yan, ewan ko d'yan, parang may tinatakasang nakaraan, hahahaha), nalulunod ako. Pakiramdam ko tuwing may akda siyang binabasa ko, napaka-vulnerable ko, parang hawak-hawak niya 'yung puso ko sa kanyang kamay at kayang-kaya niyang pigain, palobohin, pasabugin at kung anumang trip niyang gawin dito.

Hindi ako nagjo-joke. Hindi ko gaanong nasasabi sa kanya na hanga ako sa mga pinagsususulat niya. Nagle-level-up. LumiLIRA na ang dreadlocks --  este deadlocks -- at abs (na ngayon ay history na) niya. Madalas ko rin siyang namumura, sa web man o sa personal, pero tingin ko'y batid naman niya na 'pag may hinanaing ako sa mga akdang nais kong isulat o naisulat ko na, isinasangguni ko sa kanya. Pati na rin sa mga iba't ibang shizzat sa buhay, busy man eh ang kanyang 'Mander din ang nakakausap ko. Hanga rin ako sa walang pagrereklamo niyang paghila ko sa kanya sa tabi upang makausap 'pag nagkikita kami. Totoong tao, sa loob at labas ng blogosperyo. Malibog nga lang. 

Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
Iyong pagsali ko sa Kamalayang Malaya: Daloy Diwa. Doon nagbago ang pagtingin ko sa maraming aspeto ng pagba-blog. Basta. Mahabang kwento.
 
Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Isa lang ang nais kong baguhin, hindi sa blog ko mismo, kundi sa paraan ko ng panulat. Kailangan kong matutunan ang paggawa ng akdang maikli at siksik. 'Di yung mahaba. 'Di 'yung tatamarin ako, pati ang mambabasa kung mayroon man, na tapusin. Malaking pasasalamat ko sa mga nagbabasa ng mga mala-nobela kong mga pinapaskil, pero seryoso, kailangan kong iklian kasi parati akong nakaka-encounter ng, “Ang haba naman ng post mo!”. Charot!

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Pagmu-muni-muni pagkatapos (at habang) nagyoyosi. O kaya pagkatapos ng pag-inom o pakikipagtalik. Kadalasan hinihintay ko 'yung panahong literal kong nararamdaman na sasabog na ako, kaya kailangan ko na talagang magpaskil noon. Pag 'yung mga saktuhang posts lang (meaning yung mga mema post lang), 'yung mga una kong maiisip pagkahawak ko sa tasa ng kape, 'yun yung ginagawan ko ng entry.

For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
Pinapakiramdaman kung binuhos ba ng tumipa 'yung lamang-loob niya sa ipinaskil niya. Ewan, mararamdaman kasi yan eh. Sa hampas pa lang ng unang sentence, o sa sampal ng unang paragraph, mararamdaman na yan kung nag-ala-exorcism ba yung blogger upang mailabas lang 'yung emosyon at ideya ng isinulat niya eh. OA lang ako mag-describe, pero totoo 'yon. Nararamdaman 'yan.       

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Oo. 'Yung totoo, oo. Kahit nga sa’yo nag-skip read na rin ako minsan eh. (Totoo raw eh, ayan, honest nga). Kahit sa ibang bloggers na kakilala ko na sa blogosperyo man at pati sa personal, napa-skip read na rin ako sa kanila. Natural lang 'yan. Pwede rin ninyong gawin 'yan sa blog ko. No hard feelings, ma’men.

Anung comment and hindi mo malilimutan?
'Yung mga comment na hindi ikinomento sa mga akda ko pero nakarating sa akin na sinabi ng ilan tungkol sa mga ipinaskil ko (Teka, napapangiti ako... Ayan, natatawa na ako. Pigilan mo, Essa, pigilan mo!). Muli, no hard feelings. Natural lang ulit 'yan. Ginagawa naman ng lahat yan. Muli, may kanya-kanya tayong trip at 'di trip. 

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Napaisip ako sa commentator, hahahaha!
Paborito?
Sarili ko. Ang sarili kong mga comment sa mga ipinaskil ko ang epic na halimbawa ng mga komentong hindi naipaskil sa blog ko. Ang pinakaepal, pinaka-nakakabadtrip, pinakanakaka-flatter na taga-comment ng mga akda ko ay ang sarili ko. 'Yung mga tipong, “Ang gago ng sinulat mong ‘to, Essa,” o “Oi, pwede 'yan, pwede 'yan ah.”

What do you hate most about blogging?
May mga pagkakataong napagtatanto kong ang mainstream na ng blogging. At siyempre, magulo akong kausap dahil ang punto kong ito ay against sa ideya kong ang blogging ay isang venue upang magpahayag. Basta, basta…. Hirap i-explain! Ewan ko kung may makakaintindi at makaka-relate sa mga panahong napapaisip akong ang mainstream na ng pagba-blog.

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
Sir, hangga’t may mga salitang hindi ako patutulugin sa gabi, tuloy lang. Natural lang na magbabakasyon sila sa pambubulabog sa iyo, pero hindi sila tuluyang mawawala. Akala ko dati nawawala 'yang mga halimaw na 'yan. Changgala, 'di rin pala. Kaya hanggang may emosyon ka, hanggang may maibabahagi kang sarili mo, go lang ng go.

What will make you quit blogging?
………
*matapos ang dalawang oras na pag-iisip*
………
Wala. Sarili ko. 'Pag sinabi ko nang ayoko na. 'Di ako mapapa-quit ng kahit ano, at kahit sinong, shizzat. Sarili ko lang ang makakapagpahinto sa akin.

How do you want to be remembered as a blogger?
“Sinong Essa? Si Taning/Satanas lang kilala ko eh! 'Yung epal na nagba-blog tas uma-attitude ata!” Mas gusto kong people expect the worst of me, para wala akong pangangalagaang expectations.

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Sa mga regular at di regular na bumibista sa lungga ko at nakiki-kape, una sa lahat, salamat. Sobra. Alam niyo 'yan (at kung hindi man ay ngayo’y alam niyo na). Pangalawa, di ako hihingi ng paumanhin sa mga ipinaskil ko o sa mga ipapaskil ko, dahil hindi ako hihingi ng paumanhin for the person that I am. Pangatlo at pinakamahalaga, 'wag kang matakot na ibulalas sa mundo 'yung laman ng ga-melon mong kokote. 'Wag mong iisipin na huhusgahan ka ng iba, kasi sa pagtatapos ng araw, ang pinaka-kritiko mo ay ang sarili mo. Sa iyo ang espasyo na mayroon ka, gamitin mo ito sa paraang nais mo. Pero gaya ng HirayaManawari at Wansapanataym, may moral lesson at iyon ay kailangang matutunan mo ang pagrespeto. Kailangang matutunan mong
a) respetuhin ang sarili mo,
b) umani ng respeto na kusang ibinibigay ng iba at maging deserving nito, at
c) respetuhin ang iba. 
Sirang plaka na ako kakaulit nito.

When do you say that someone is a bonafide blogger?
Simple lang -- Kapag ang isang "nagpapaskil" ay nagsimula nang panagutan ang mga ipinapaskil niya.

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Iskwater [pangngalan]. Kalayaang tumoma, magsigawan, magmurahan, magyosi; Karumihan, madumi; Gusgusin, dugyot; Buntisan doon at dito; Gangs, frats; Kalayaang walang sinasanto ni Barangay Kagawad o Barangay Captain; Kalayaang ang hangganan ay naaayon sa iyong mga prinsipyo; May mga himalang itinatago sa mga eskinita at bahay-bahay.

Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Oo. Walang kibot kong sinasabing iskwater ako. Maraming bagay sa buhay ang natutunan ko sa labas ng mundong pinagpagurang itayo ng mga magulang ko para sa akin. Madalas akong sinasabihan ng pamilya kong mukhang iskwater ako, ugaling iskwater ako. Naturingan akong rebelde. 'Di ko sila masisisi. Sadyang may mga aral na madadampot lamang kapag naglakad ka sa eskinita ng mga barong-barong at kapag inilublob mo ang iyong mga kamay sa kanal. Maraming mga diskusyon ang dumaan pero siguro, hindi nila lubos maintindihan na sa gulo ng iskwater kong buhay, naroon yung mga shizzat na hindi ko matututunan kung hindi ako lumabas sa mundong gusto nila para sa akin.

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)

Kapamilya o Kapuso? Kapamilya 
Jollibee o McDo? Mcdo
Spit or Swallow?  Swallow 
Lights On o Lights Off? On! On, please, on! Hahaha! 
Nora o Vilma? Vilma
Bentong or Dagul? Bentong
Face or Body? Face
Gwapong Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong ugly 
Younger or Older?  Older
Payat o Mataba? Sakto lang
Smoke or Drink? Smoke
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Sex w/o kiss
Mabilisan or Take your Time? Take your time *sabay ngiting malisya*
To Eat or To Be Eaten?  To be eaten *with matching ngising aso*
Madam Auring o Aling Dionisia? Madam Auring (na may bagets na jowa)
Maikli o Mahaba? Ayyyyyyy :”))
 --- o 0 o ---
Mahaba-habang kwentuhan...
Labis ang aking pasasalamat sa pagkakataong mas lalong makilala ang babae sa likod ng "Babae Pala si Satanas". 

Mas tumaas ang antas ng aking paghanga kay EssayniPayoyo dahil sa sisksik na sustansiyang taglay ng mga kaisipang kanyang naibahagi.

Please check out her blog at tulad ko, humanga sa ilan niyang mga posts na may madidilim na tema ngunit sumasalim sa katotohanan. One word to describe her - MABANGIS! 

(Click this link...)



"Tanggapin mo sarili mo. 'Pag nagawa mo nang matanggap at ma-appreciate lahat ng kalakasan at kahinaan mo, yung sense of style mo, yung tipuhan mo ng pakikitungo sa iba't ibang tao, yung mga trip mong ginagawa at di ginagawa, yung mga gusto mong mangyari sa buhay mo --- 'pag natanggap mo na lahat iyon --- everything else follows." - Essa Pajarillo

29 (na) komento:

  1. Buti na lang kapamilya sya lol. Magandang panayam at hanga rin ako kay duking na sa ngayon ay di ko malaman kung nasaan na.kudos!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha. un din una kong binasa buti kapamilya sya. balik ako may di ko pa nabasa lahat..

      Burahin
  2. ngayon ko lang nksalubong sa blogging sina essa at joeyvelunta. looking forward na mas makilala pa sila kaya salamat ng marami sa post na ito. ^__^

    TumugonBurahin
  3. haha wow 7th na pala!, at in fairness chute si ate!
    hehe, well anu pa nga ba? katulad ng mga nauna walang duda! isa sa the best yan!
    at grabe tagal na nyang blogger ahh!

    TumugonBurahin
  4. idol ko rin to ah! isa ito sa mga blogerong nag inspire sa akin na mag blog, sa pamagat pa lang ng blog na Babae pala si satanas, nakuha nya kaagad ang kiliti ng utak ko.
    ang ganda nya pala, (isa rin to sa rason kung bakit ako mahilig mag blog hop hahit hindi pa ako ng bablog, naghahanap ng mga magagandang babae sa blogosphere :D)
    Gusto ko rin yung apat na taon sa kama, naiimagine ko yung mga ginagawa nila nang silay magkasama, hindi lang sa kama, kahit saan, basta, basahin nyo yung article. :D

    TumugonBurahin
  5. wow. she's my idol now too. not only she babaeng may bayag, she got kahones as well.

    TumugonBurahin
  6. Matalino na, maganda pa at 22 pa lang, ibang klase ang mga sagot, kailangang mabisita.

    TumugonBurahin
  7. Salamat Senyor sa pagpapa-kilala sa babaeng satanas :)

    TumugonBurahin
  8. ngayong ko lang din siya nakita! salamat sa link :)) gusto ko yung fast talk! lakas maka-boy abunda. dapat marami pang ganun! ahah :D

    nakakatuwa yung mga ganto.parang may nakukuha kang ibang info sa ibang blogger (stalker lang ang peg ko)

    TumugonBurahin
  9. Oist Payoyo naghahanda na si Clark ng panaksak pagkapunta mo sa bahay hahaha. At ako naman ay naghahanda na ng bolpen at papel pa-otograp. Yung malaking pader na maraming nakasulat sa bahay pwede ka rin dum pumirma. Artista ka na eh hahahaha.

    Bawas-bawasan mo na ang mura sa blog mo (teka mukang wala na pala) kasi madami nang dadayo doon.

    Hindi ako malibog, Madumi lang ako tingnan pero malinis ako magmahal.

    Magandang araw senyor!

    TumugonBurahin
  10. First impression ko on her, natakot ako sa ginamit nyang title for her blog >_<

    Pero nice interview portion. Nice meeting Essa :)

    TumugonBurahin
  11. teka lang, napalunok ako sa part ng spit or swallow eh~ hahaha! ok, tuloy sa pagbasa.

    TumugonBurahin
  12. At babae pala si satanas... interesting ang apat na taon sa kama, Uy Kumusta na at Great Taste white o Kopiko... kailangan ko ng kape pag binasa ko tong mga mga entry nya...

    TumugonBurahin
  13. Iba ka talaga kambalelong. V.2.0 - fiercer and bold. lolol -mjgc

    TumugonBurahin
  14. natuwa ako. muling nagbalik sa akin ang pga panahong ako'y aktibo pa sa mundo ng blogging. Si ma'am essa, isa sa mga blogger na hinahangaan ko. may tamis at anghang ang mga salitang binibitawan. saludo ako.

    senyor, mula sa Fb ni sir Joey at napunta ako dito.. kumusta na po..

    magandang araw sayo :)

    TumugonBurahin
  15. gusto ko yung... pa-yosi yosi lang.. ehe... namimiss ko na ang yosihan natin....

    hanggang sa muli... :D

    TumugonBurahin
  16. hindi ko alam kung bakit ang daming naiilang tsaka natatakot kay payoyo.. eh ang sweet-sweet nga ng dating niyan sa mga sabak ng BMIM.. hehehehe

    sa

    TumugonBurahin
  17. napaka-interesting naman niya as a person :)

    TumugonBurahin
  18. Very interesting personality. Astig na astig ung mga sagot. Kick ass...hehe maka visit nga ng site nya....:)


    xx!

    TumugonBurahin
  19. Sa wakas nabuklat na sa ibang paraan ang pagkatao ng isa sa mga idolo ko. :)
    Buti nalang at may ganitong lumitaw..
    Salamat po!

    TumugonBurahin
  20. A very interestin person. I swear, nung firsttime ako tumambay sa blog niya, akala ko lalaki ang sumulat. Yun yung impression ko kasi astig na astig ang dating.

    TumugonBurahin
  21. Ayiii, salamat po sa oportunidad! At sa mga nagtiyagang magbasa ng maikli --- este mahabang --- kwentuhan, maraming salamat din, mga ma'men ;)

    TumugonBurahin
  22. gusto ko yung preparations nya bago sumulat.. :naughty:

    TumugonBurahin
  23. sinubukan kong bumisita sa pahina niya ngunit hindi ako makapasok. domain is for sale daw? hayyy..

    TumugonBurahin
  24. Hindi mo lang alam Essa pero isa ka sa mga nag-inspire sa aking mag-blog kahit na mukha akong tangang nagpopost, kahit pakiramdam ko e wala naman talagang kwenta. Salamat! *late lang?*

    TumugonBurahin
  25. Thanks and that i have a dandy give: House Renovation Canada home improvement near me

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...