I AM MOVING (ON)


Dahil sa labis at dalas na nararanasang pag-ulan, ang inyong lingkod ay nagpasyang lisanin ang eskinitang kinatitirikan ngayon ng aking barong-barong. 

Ngayon na ang tamang panahon at sa tingin ko ay handa na akong sagupain ang masalimuot na pamumuhay sa siyudad ng Makati. Oras na upang isilid sa kahapon ang mga alaala pati na ang mga taong nakilala sa Pasig. Baon ko ang napakabigat na dalawang basyo ng lumang gulong patungo sa panibagong looban. 

Simple lang at walang paligoy-ligoy, ako ay humihingi ng tulong sa mga mambabasa kong higit na yata sa siyam. Maaari sana'y ipagbigay-alam sa akin kung kayo ay may alam na paupahan sa Makati. Kahit studio type. Hindi naman ako pihikan basta sana ay swak sa budget.

Ang ilan sa mga requirements ko ay ang mga susmusunod:

  • May signal ang Globe, Smart at Sun
  • May sariling palikuran 
  • Dapat may shower (nakakapagod na ang de tabo)
  • Hindi kupal ang Landlord/Landlady
  • May malapit na 7-11 or MiniStop
  • May yummy na neighbor (at least 3)
  • May malapit na Laundry Shop, Carinderia o Fast Food at simbahan
  • Walking distance o 1 ride papuntang Ayala
  • Hindi madalas ang Riot (acceptable ang at least 2 a month)
  • May adjacent na Basketball Court (hmmnnn...)

Wattcha w8ng 4??? Refer na kung may alam ka! Go!

Tatanawin kong isang malaking utang na loob!



23 komento:

  1. May yummy na neighbor (at least 3) - panalo haha! nag pasig ka din pala **small world talaga** kaka alis ko lang sa pasig sa Pineda.

    magtatanong ako sa mga kakilala ko sa makati kung meron swak sa requirements mo senyor hehe...

    TumugonBurahin
  2. Ipagtatanong-tanong kita kapatid pero palagay ko mahihirapan tayo sa #4. Karamihan ng landlord/lady ngayon eh mga kups lolz

    TumugonBurahin
  3. natawa ako sa may malapit na basketball court!!!!

    goodluck sa panibagong titi-rahan mo. charrr

    TumugonBurahin
  4. haha. akala ko seryoso at first, yun pala funny pa rin sa pahuli XD lalo na sa yummy na neighbors XD

    TumugonBurahin
  5. harinaway mahanap mo ang lugar na sakto sa mga kondisyon mo ;)

    TumugonBurahin
  6. hindi ko maipapangakong may mga ganyan sa mai-rerefer ko, ok lang? hahaha.. You can ask Jenn sa AR...hehe

    TumugonBurahin
  7. Sorry la kong alam:) but good luck:)

    TumugonBurahin
  8. You don't need a long recommendation from me. I know nothing of that area. But i do know someone who would be very willing to hep you. She'sthe one and only, our nanay de familia of the Senate- Mommy Nancy Binay! Lapit ka lang daw sa erpat niya. Hahahaha!

    TumugonBurahin
  9. Gusto ko yung mga requirements mo. Inisip ko tuloy kung lahat ba ng iyan eh nasa paligid ko and most are not. I am surrounded by not so interesting things, lol!

    TumugonBurahin
  10. Ayos ka din Senyor ha. Kumusta mo ko kay Nancy kung sakaling makikita (pun not intentional) mo siya....

    TumugonBurahin
  11. panalo ang lahat ng requirements mo senor, lalo na sa malapit sa basketball court.:)

    TumugonBurahin
  12. Hahaha, natawa ako sa mga requirements mo Senyor :D

    Naku, wala akong mare-recommend sayong apartment eh... malayo ako sa siyudad nakatira XD

    TumugonBurahin
  13. haha natawa naman ako sa 7th at 10th
    haha good luck senyor want ko din maranasan
    yan someday!

    TumugonBurahin
  14. mukhang mahirap 'yung requirements, adre.. hehehe..

    TumugonBurahin
  15. meron malapit sa fire station ata. nakalimutan ko ang area. hehehe

    TumugonBurahin
  16. mukhang madami ang mga kailangan ha... sana makahanap ka kaagad ng malilipat mo senyor...

    TumugonBurahin
  17. Bat di ko naisip yung may yummy na neighbor na requirement. Maisali nga yan sa requirement pag lumipat na ko haha...

    Natawagan mo ba yung number na binigay ko?

    TumugonBurahin
  18. ang hirap ng requirements mo bro. pero im sure makakakita ka ng at least meron sa 7 sa lahat ng nilista mo. Good luck. :D

    TumugonBurahin
  19. kala ko mag aabroad kana hehe.. dito kana lang lumipat dami bakante dito hihi

    TumugonBurahin
  20. haha magugulat ako kung wala sa req mo yung yummy na neighbor... nakalipat kana ba?

    TumugonBurahin
  21. Dear Iskwater,

    Sana sa mga oras na ito ay naka-relocate ka na sa bago mong tirahan.
    Sige ka baka maabutan ka pa ng demolisyon :)
    Akala ko naman kung anung post yung MOVING (ON).... hahaha! Pero gusto ko lang ipagbigay-alam sa iyo na nakakaaliw ang mga post mo, astig! Pagbutihan mo pa.

    Sheriff Ube!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...