Hindi Inakala


Maliban sa ganda, ano pa ang hindi inakala?

Sa muling pagtahak sa mundo ng pagsusulat, na ngayon ay maligalig na paggalaw sa malayang espasyo ng blogosperyo upang maipahayag ang saloobin, kaisipan at kasabawan, nakilala ang ilang mga personalidad na ngayon ay itinuturing na kapamilya, kapatid at kapuso - pagkakaibigang hindi inakala!

Sa matapat na paglilingkod at kawang-gawa, naihatid ang ilang ngiti sa ilang mga kapuspalad nating mga kababayang minsan ay tinalikuran ng karangyaan at kakayahang mamuhay ng matiwasay - kaligayahang hindi inakala!

Sa daigdig na hindi patas at sa lipunang tunay na mapanghusga, hindi man naging palagiang pantay ang takbo ng gulong ng buhay, naging wais at nagpakabuti bilang tao dahil sa paniniwalang ang matuwid na prinsipyo ay ang nagbibigay kahulugan sa tunay na kulay ng buhay - talinong hindi inakala!

Sa patuloy na pagmamahal sa pamilya sa kabila ng kinalakhang pagkukulang maging sa mga pangunahing pangangailangan, walang katumbas ang bawat tuwang sa kanila'y naibibigay at  ang tanging sukli ay mahigpit na yakap maiparamdam lang ang wagas na pasasalamat - kapayapaan sa dibdib na hindi inakala!

Sa bawat galos na hatid ng sugat sa bawat pagkakadapa, bumangon hawak ang tibay ng pag-asang kahit ang karimlan ay may wakas at ang masidhi at mahigpit na kapit sa Kanya ay may kapalit na walang hanggang pagdiriwang - biyayang hindi inakala!


Marami pa... Daming hindi inakala!

29 (na) komento:

  1. well agree naman ako dito, mga bagay na di mo inaasahan i think eto un isa sa mga rason bakit masarap mabuhay ung meron isang bukas na di mo alam annu pang mangyayari

    TumugonBurahin
  2. Ang lalim ng tagalog:) pinagiisip skong mabuti:)
    Anyway, the best is yet to come. The whole world is open for us to explore:)
    Saludo ako sa yong kaisipan kabayan. Sabay nating lakbayin ang kinabukasan:)

    TumugonBurahin
  3. At sa bawat litra at bigkas ko sa entry mo na 2! ikaw na tlga! naintindahan kong di inakala! ikaw na! hahahaha! love yah!

    TumugonBurahin
  4. Mga bagong kaibigan din ang hindi ko akalaing makukuha ko from blogging.. Miss you, Senyor!

    TumugonBurahin
  5. astig nito senyor!

    madalas eh talaga namang sugar-coated ang life...
    :)

    TumugonBurahin
  6. Tatlong beses kong binasa para maunawaan. Kailangan ko ng refresher course. Napakagandang mensahe!

    TumugonBurahin
  7. Dinudugo ako sa posts mo, Senyor.hahaha! :)

    Pero sa totoo lang, maraming sorpresa ang buhay na bigla-bigla na lang dumarating. Minsan pa nga may nakukuha kang magandang balita sa gitna ng ka-emohan. :) Did that make sense? haha!

    TumugonBurahin
  8. all great things are better unexpected...:) un lang...:) hehehe


    xx!

    TumugonBurahin
  9. marami talagang pangyayari sa buhay natin ang hindi natin inaakala.. mapa sama man ito o mabuti.. ang mahalaga nakatayo paden tayo at naka apak sa lupa. ^_^

    TumugonBurahin
  10. Positibo. Good vibes, sarap basahin senyor malalim man ang mga katagang ginamit pero swabe. Nakakaantig ng puso, ramdam kong may isa dun na sapul ako hehe.

    Biyayang di inakala, yan ang nais ko sa mga panahon ngayon.. mag ipon ng maraming lakas at pag asa at siempre wag bumitiw sa pananampalataya sa Kanya. Tama lilipas din ang unos at sisibol muli ang araw pagkatapos ng karimlan.

    TumugonBurahin
  11. Karamihan ng mga bagay na magandang dumarating sa buhay ay hindi natin inaakala. Parang mga regalo na surpresa. Mas masarap kesa yung inaasahan nating ibibigay sa atin.

    TumugonBurahin
  12. marami na ang namatay sa maling akala. hihihi

    TumugonBurahin
  13. marami talaga ang hindi mo aakalain. ang akala mo'ng simpleng pagbablog ay magbubukas ng mga oportunidad na makatulong at magkaroon ng ilang kaibigan

    TumugonBurahin
  14. Ang dami mong blessings Senyor.. Blessings in Disguise man yan o hindi mo inakala, deserving ka sa lahat ng yan!

    TumugonBurahin
  15. Marami talagang bagay ang bigla na lang dumadating o di nama'y bigla na lang nating napagtatanto. Kung tutuusin, kahit mismo ang buhay natin ay hindi rin natin inakala. Pero senyor, masaya kami para sa'yo. Sa bawat gulo nakakahanap ka ng mga magagandang bagay na hindi inakala.. :) Magtuluy-tuloy pa sana iyan!

    TumugonBurahin
  16. Binagalan ko ang pagbabasa kasi kalalim ng Tagalog at kailangan kong intindihin ng mabuti :) Marami talagang hindi natin ina-akala, kaya dapat laging bukas ang isipan natin - sa mga tao, sa mga pangyayari, sa madami pang bagay.

    Happy for you Senyor! Gow! Push! :)

    TumugonBurahin
  17. ^__^ biyayang hindi inakala ....

    this is a totally feel-good-post senyor!
    hello po!

    TumugonBurahin
  18. akalain mo? hehehe.
    alam mo naman ang
    level of thinking ko pang housewife lang, akalain mong maiintindihan ko ang mensahe mo? hehehe.
    nways magugustuhan ka ni madam imee marcos, mahilig yun sa mga magaling sumulat eh ipakilala nga kita:)

    TumugonBurahin
  19. Lagi talagang may mga bagay na hindi mo inaakalang darating... Mga simpleng bagay na inumpisahan mo, hindi mo alam malayo pala ang mararating... Nuksss nakilalim kunwari yung salita ko hehehe pero totoo naman talaga di ba... At masaya kaming lahat na isa ka sa mga nakilala naming kaibigan dito! :)

    -iStep
    http://traveliztera.com

    TumugonBurahin
  20. Nung minsan papunta ako sa Coffeebean at nakita ko sa pila si Traveliztera. Starstruck na hindi ko inakala! LOL

    TumugonBurahin
  21. post na hindi inakala! maraming aral na di inakala!

    :)

    TumugonBurahin
  22. mainam 'yan, adre.. mas masarap matulog sa gabi.. :)

    TumugonBurahin
  23. email sent na nga pala, adre.. pasensya na sa ilang araw na 'di pagbisita sa mga blogs nitong mga nakaraang araw..

    TumugonBurahin
  24. ito yung tipo na nosebleed na di inakala. :D lol parang something good will come out of everything that were experiencing so hold on. :)

    TumugonBurahin
  25. Ang galing!

    Disloyalty na hindi mo inakala.

    TumugonBurahin
  26. -kapayapan sa dibdib na hindi inakala! galing nito senyor. dadating din sa akin ang kapayapaang ito.

    akalang hindi inakala. may ganun kaya? :)

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...