My Birthday Pakontes: The Announcement


The results are in!!!

Maraming salamat sa aking idolong si Glentot of Wickedmouth sa walang palag na pagtanggap upang maging natatanging Hurado sa aking Birthday Pakontes na nilahukan ng 44 entries from all over the world of blogging

Maraming salamat sa 3 Major Sponsors na kailan lang nila nalamang sila ay kailangang magpaluwal ng munting halaga upang masakyan ang trip kong maging masaya through bringing out the hungry poets in you.

Maraming salamat sa mga pumatol at nagpaka-makata. Sobrang super appreciated ng inyong lingkod ang effort. Kahit ang ilan ay lubos na panlalait sa aking pagkatao, natuwa pa rin ako dahil sa huli, hindi naman kayo nanalo! Ang lagay ba eh may pabuya ang panlalaglag kay Senyor Iskwater? Tandaan: Babalikan ko kayo! *halakhak ni hudas*

But wait, let me explain and be defensive for the last time! Upang maiwasan ang biases or just to be fair, during the judging, walang alam ang ating hurado sa kung sino ang may-akda ng bawat entry. I only sent him the list and hid the comments on the previous post where all entries are written. Basta, ganun! Ni kahit ga-patak na impluwensiya from me - wala talaga. Promise!

Kung ramdam mong ikaw ay dapat na nasa mas mataas na puwesto sa patimpalak na ito o 'di kaya'y dapat ay nanalo, isang tao lang ang dapat resbakan. Si Master Glentot lang!
Ayon sa kanya, siya ay may naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi. Ilan ay ang mga sumusunod:

  1. Patungkol kay Senyor Iskwater.
  2. Isang saknong o apat na taludtod.
  3. Nakakatawag ng atensyon at may kakaibang dating.
  4. Must capture the essence of Senyor Iskwater and his blog in just four lines.
  5. May mga poems na OK sana pero hindi ko napili dahil:
    • Not a poem in itself, more like a stanza in a poem, so it sounds unfinished.
    • Attempts at humor na hindi nag-work.
    • Wrong spelling!
    • Started out na may pattern at rhyme tapos biglang nawala, it sounded awkward kapag binasa.
    • 'Yung iba sadyang pang-Linggo ng Wika ang dating. Boring!
    • Ang mga napili ko ay kahit 4 lines lang, it's a complete poem in itself.


Drum Roll na!!!
Narito ang mga nanalo sa raffle(J/K):

 Lagi mong ibinibida na ika’y Senyor na sa iskwater nagmula nakilala naman kita na may pusong mamon man ngunit dakila;
Minsan kong napagtanto kung ikaw nga ba'y talagang dukha ngunit ang mga salita mo nama’y sadyang ubod ng talinghaga;
Mapagpanggap man na sabihin mong di ka kagalingan, nangingibabaw ka naman sa tuwing may bangkaan ng kwentuhan;
Oo nga't ika'y naturingang galing sa medyo mabahong looban 'singbango naman ng sampaguita tuwing bubuga ka ng katwiran.

***
9th Place - Mar of UNPLOG
Sa bulwagan ng White Cross aking nabungaran, Taglay ang kadaldalan at kanyang katabilan.
Laging bangka sa kwentuhan sa kahit anong umpukan, dulot ay saya magsara man ang tindahan.
Ngunit paglipas ng araw at kabilugan ng buwan, higit na nakilala ang taglay nyang katauhan.
Kaingayan ba ay kababawan? Aking katanungan, Dahil laking iskwater man, may angas ng kalaliman, pananaw nya at kaisipan!


***
Noong naglakwatsa sa blogosperyo ako'y napapindot at mayroong lugar na natuklasan
May bahid ng duming paraiso, makalat na paradiso, lugar na tinawag din nilang looban
Lugar kung saan nangangamoy ang katotohanan at kalat lamang ang kaplastikan
Lugar na pinapanatili ng may malusog na isip kong kaibigan, Senyor Iskwater ang pangalan.

***
Sa likod ng iyong matatamis na ngiti ako’y may nakikita
Isang taong may sense , malalim, at marunong magpahalaga
Magaling kang makata pero alam mo bang ako’y mas humahanga
Sa buhay mong maituturing higit pa sa isang magandang akda

***
Akala ko'y lalaki nung una pero nang makita, ikaw pala'y si SenyorA
Iskwater daw pero sa jeep ni ayaw makipagsiksikan.. hmp, echosera!
Grammar nazi, fashion critic at pati cup size ko'y pinuna.. hay, attitudera!
Pero deadma lang dahil love kita at sense of humor mo ay bumabandera!

***
Halika, magtampisaw tayo sa isa't isa
Sanayin ang mga sarili kung saan tayo bihasa
Magpatianod sa kanal ng ating mga ideya
Halina't ipasyal mo ako sa iyong eskinita.
Judge's Remark: Descriptive kahit hindi ginamit ang salitang “iskwater”.

***
4th Place - Mishel of MISHELANDIA
Kahit sa patpat na kawayan sa'yo ay bibigay.
At para bang laging naghahamon ng away;
Lubos kang maningning, sa talinong taglay.
Walang humpay na tuwa, sa amin ay binibigay.
Judge's Remark: Simple truths summed up in four lines.

Dahil sa labis na pagkagalak, magkakamit ng Starbucks GC ang mga nasa ikaapat hanggang ikasampung puwesto. Simulan niyo na ang paghagilap sa 'kin. Game!

Mas Malakas na Drum Roll!!!
Congratulations sa ating mga Major, Major Winners!!!


Prize - Cupcakes + Starbucks GC Courtesy of Arline of The Pinkline


Prize - Sosyal na Book + Starbucks GC from Kebler of SunnyToast

Prize - Php 1000 + Starbucks GC from Arvin of Chateau de Archiviner

Dito natatapos ang aking pakulo. Kitakits muli sa susunod na taon o sa susunod pang pakontes dito sa aking tambayan.

Mangyari po lamang na maghintay sa aking pakikipag-ugnayan sa mga nagwagi upang makuha ang inyong premyo. Ok?





32 komento:

  1. Wow, pasok sa banga pa rin hahahaha..Kumapit pa ako sa pang 10th place.

    Honest to goodness, para sa akin ay sobrang haba bawat taludtod na ginawa ko na posibleng gawin nang 2 stanzas. Ito marahil ang isa sa naging danger sa ginawa ko hahaha. Magkagunpaman, nagpapasalamat pa rin ako dahil napabilang ako sa sampung matitinik sa larangan ng paghabi ng isang saknong ng tula.

    CONGRATS to all the winners especially sa TOP 3. AND thanks to Glentot! Tot! Tot! hehehe!

    TumugonBurahin
  2. congrats sa lahat ng winner!!! wooohhooo!! drum rolls malakas ng malakas at sabay na ang mala fireworks2x pa! yeeehheeyy!!

    TumugonBurahin
  3. congrats sa mag winners! haha di ko tanda ung akin haha kahit naman mageffort aki ng major major di ako magaling sa ganyan ahahhaa

    TumugonBurahin
  4. Haysus wala manlang consolation prize o kaya banner man lang sa mga sumali! Hayst sayang lang ang effort wahahaha bitter lang hihi.

    TumugonBurahin
  5. Hanep, ganda ng mga entries ah and I gotta say, well-deserved nung winners lalo na nung top 3 ang pagkapanalo nila. Congrats guys!

    TumugonBurahin
  6. kabayang RED tig 500 tayo ah, pamasahe ko pa par'yan sagutin mo na haha, joke lang. husay talaga. parang napadaan lang at nagiwan ng pinakamaamoy na marka. lol

    congrats po sa top 10! ^_^

    salamat senyor sa pagkakataong nabuksan dahil sa kaarawan mo, sa pakulong ito na aming nilahukan. pati na sa mga tumulong sa'yo para magsilabasan ang mga makata sa kanilang mga lungga, salamat ^__^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat Blindpen sa mga papuri. Baka maniwala sila. Hehe.

      Congrats din sa'yo! Mahusay.

      Burahin
  7. congratulations! :)

    TumugonBurahin
  8. aha ha pasok na pasok yung dalawang bet ko!

    Ang MAHIWAGANG MAKATA ng Batangas na si Red! at syempre si Juana with the "echosera entry"! - CONGRATS!

    CONGRATS sa lahat ng winner! "I second demonyo este! the motion!" kay Gracie - wala bang banner dyan sa mga sumali? ha ha ha #ambisyosalang :P

    Congrats Senyor for the successful pakulo! isa pa nga :)

    TumugonBurahin
  9. maligayang kaarawan, adre.. at congrats sa mga nanalo (painom este pakape na kayo).. hehehe

    TumugonBurahin
  10. Wow huge congratulations po sa lahat ng nag wagi sa patimpalak na ito :))

    Natakot naman ako dun sa Resbak ni Senyor ahahaha :D

    TumugonBurahin
  11. wow! galing ng mga nanalo.... congrats sa lahat......

    ako lang yata ang walang entry hehehe

    TumugonBurahin
  12. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  13. shet hindi pumasok! LOL hahaha. congrats sa mga nanalo. pagpalain sana kayo ng Juice and Bread. LOL ulit. :-)

    TumugonBurahin
  14. ang gagaling naman.

    TumugonBurahin
  15. Kahanga hanga ang mga tula ng nanalo. Thumbs up ako. Well deserved winners:) Congrats!

    TumugonBurahin
  16. LOOOOLLLLLLLLL!!! Si senyor! Ito pala tinutukoy mo sa twitter ah!!!! Selemet!! Meremeng selemet men. Eng seye seye ke tuloy!!!! THANK YOU din kay glentot! Wow naapreciate niya siguro effort ko ng konti.. hahahahahahahaha! (: Hihintayin ko ang napanalunan ko ah!

    TumugonBurahin
  17. Tiningnan ko pa ulit kung ako ba talaga yung nasa 3rd.. baka mapahiya ako sa unang comment.. lol.

    TumugonBurahin
  18. I forgot about the contest. Sorry!!! :) Let's meet soon na lang. ;)

    TumugonBurahin
  19. congrats sa mga weeennnuuuuurrrrrr!!!!!
    *sabog confetti*

    TumugonBurahin
  20. congratumalations! At mahuhusay nga ang entries na nagwagi. :D

    TumugonBurahin
  21. I'm happy na sa SB GC, kelan tayo magkakape? Hahaha. Congrats to all winners lalo na sa major major.. Galing nun top 3 kaya hindi ako magpaka-bitter, haha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sasama ka rin naman sa kape session nila yong panalo nila eh hahahahaha lol so tama hindi ka bitter sis hahahaha

      Burahin
  22. Congrats sa mga nanalo ang gagaling niyo!
    Sana may consolation prizes hehehe hirir pa?:)

    TumugonBurahin
  23. Congrats sa mga nanalo. Gusto yung sagot ni Red. Deserving :)

    TumugonBurahin
  24. Thank you to the Academy... (umo-Oscar Awards lang), Salamat judge Glentot ng Wickedmouth sa pagpatol sa aking pagmamakata-makataan. Sa'yo ang paghanga ko.

    Salamat Senyor Iskwater sa pakontes na ito at sa mga susunod pa. Salamat sa pagpapaunlak maging iskwater dito kasama mo. Maligayang kaarawan ulit. Kampai ng kape! Maraming salamat.

    TumugonBurahin
  25. pasok pa sa top seven. aabangan kita sa tapat ng bahay niyo para sa GC . lol

    deserving ang mga nanalo :)

    Happy birthday ulit senyor! paulit ulit lang? heheh

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...