DO THE LAUNDRY


Sa aking pagpupumilit na bigyang hustisya ang araw-araw na nakikitang karatuala sa tapat-bahay, isang matinding pagpiga sa aking diwa ang hakbang na aking gagawin.

Isang akda tungkol sa isang Laundry Shop.

Iikot sa tatlong kataga - Wash, Dry and Fold.

Ihalintulad natin sa metamorphosis ng buhay. Upang makaiwas sa dugo-ilong moment, pakaisiping ito'y isang paghalo sa kasabawang sasahugan ng ilang rekadong pampalasa. 

WASH
Hugasan ang pagkatao sa tuwing kinakailangan. Tulad ng damit na atin nang naisuot, hindi ubrang ito'y muling gamitin kahit pa mukhang malinis. Doon tayo sa sigurado. Sa ilang mga ginawa, sinabi o napagdesisyunan sa buhay, laging may konsensiya na palagiang magpapaalala kung ito'y ganap na katanggap-tanggap sa kinikilalang moralidad. Tao, minsan nasa tama at may mga sitwasyong nagkakamali. Maluwag sa loob ang bawat paggawa ng tama habang walang tiyak na katapusang pagkabagabag ang kahit munting kasamaan. It's either you're good or evil. Walang gray area. Saan ka?

DRY
Patuyuin ang utak na minsa'y babad sa kamunduhan. Patuyuing mabuti. Gaya ng ilang labadang salat sa pagbilad, hindi mapapantayan ang kasumpa-sumpang amoy na maaaring danasin nito. Huwag patuyuin sa pilit. Maabot man ang kasukdulan ng karimlan, hindi kailan man huli ang pagpupursiging maabot ang liwanag na siyang mag-aahon mula sa pagkakasadlak sa kasalanan. Kayang-kaya kung nanaisin. Kaya mo?

FOLD
Itiklop ang dating matayog na pagtingala at manikluhod ng buong giliw. Matapos ang paglalaba, pagbabanlaw at pagpapatuyo ay ang pagtiklop upang ilagay sa naaayong sisidlan. Isang tandang ito'y pwede nang gamiting muli at isuong sa panibagong hamon ng bagong araw - bagong paglalakbay. Hindi ba't ang nagpapakababa ay itinataas at ang nagpapakataas ay ibinababa? Hindi lahat ng laban ay hinaharap at hindi prinsipyo ang tunay na taya sa patuloy na pag-ikot ng buhay. Pumili ng laban. Alamin kung kailan titiklop. Ang marunong sumuko ay ang may tunay na tapang. Gets?

SO...

For immediate laundry needs, please contact:

JIREH LAUNDRY SERVICE
Ortigas Extension, Pasig City
Dry Cleaning and Pressing Services Also Available
Tel. No. 0922-875-6415
FREE PICK-UP AND DELIVERY!!!

24 (na) komento:

  1. Wash -magsisi
    Dry - matapos magsisi, magdasal at ihanda ang bagong ikaw
    Fold - lagay sa tamang lagayan. Sa tamang lugar. Sa tamang landas.

    Gud am senyor

    TumugonBurahin
  2. Naku masarap maglaba ngayon, madaling matuyo ang mga labada hehe.

    @topic, ayus yan Senyor! dapat pairalin parati ang pagiging humble para hapi ang mundo :)

    TumugonBurahin
  3. ok may promotion sa baba hahaha.
    .
    .cast out hatred at mag patawad tayo..ehem.. ehm.. ehem..

    TumugonBurahin
  4. galing mo talaga mag isip senyor! kahit labada walang ligtas. nagagawan mo ng topic. :)

    TumugonBurahin
  5. haha nice never ko nakita ang paglalaba sa ganyang perspective!
    which makes a lot of sense naman! nice one senyor!
    ganda ng pagtatagalog mo

    TumugonBurahin
  6. At may kalakip talagang address ng Laundry Service ni Jireh!

    Siguro kailangan ko na ring mag mag palaundry. ;)

    TumugonBurahin
  7. ha ha. ang galing ng pag ka compare from laundry sa buhay. sige dyan ako palaba pag uwi ko uli para mapuntahan kita. katapat lang ng house mo di ba? Dyuk:)
    ANyway, if you want to follow my updates in joysnotepad.blogspot.com ay i follow mo na lang ako by mail, since di na update ang mga post ko don kahit I posted a lot since the last time you visit my blog:)
    then, I created a new one to replace : willyouhearfromme.blogspot.com. The new one's title is " joy's life". joysupsanddowns.blogspot.com. So if you want to follow me there, you are welcome too:) see you around.

    TumugonBurahin
  8. Naks naman sa illustration. Natawa lang ako sa promotion!

    TumugonBurahin
  9. sana bayaran ka sa pagpopromote mo.. hehehe

    TumugonBurahin
  10. taga ortigas ako, pero malayo samin to... sayang hehe ^_^
    at akalain mong pwde pala ihambing sa buhay ang wash dry and fold.. happy friday senyor.

    TumugonBurahin
  11. gusto ko yung linya na yun.. alamin kung kailan titiklop. ika nga nila di porke sumuko ka na eh talo ka na di ba?!

    TumugonBurahin
  12. Ok yung post na ito ah. at parang alam ko yang lugar na yan, nakikita ko yan. taga dyan ka pala banda Senyor. hehehe

    TumugonBurahin
  13. dapat malinis - dapat walang bahid ng dumi ang kataohan - at dapat nasa tamang lugar ka.

    sana ganyan ang mga politiko ngayon -
    mukha lang silang malinis ngunit sa looban - napaka maputik - marumi - mamatay na sila - :-)

    revive marcos! chos! hahaha

    TumugonBurahin
  14. galing naman ng pagkakasulat mo... na i compare mo ang buhay sa paglalaba...

    kailangan nga na hugasan din natin ang ating pagkatao... lalo na ang ating mga kasalanan.....

    TumugonBurahin
  15. Tama ka, pumili ng laban at alamin kung kailan titiklop. Galing ng paghahalintulad, mga aral na gagabay sa buhay.

    TumugonBurahin
  16. Galing! Ang buhay para lang palang paglalaba. Nakakapagod. Hehhe. Ang hirap lang kasi magingabuti at mabait.

    TumugonBurahin
  17. laba laba pag may time!

    bongga ng advertisment te! push! :)

    TumugonBurahin
  18. at dahil may laundry shop kana eto lang ang masasabi ko ading, congrats sa business hehehe.

    TumugonBurahin
  19. Naalala ko talaga tong post mo na to habang naglalaba ako kanina. Sensya na late reply, hindi makacomment sa mobile eh haha...

    Ang galing ng comparison na ginawa mo sa life and laundry washing ah kahit nakakadugo ilong yung tagalog haha...

    TumugonBurahin
  20. Pwede ba ko magpalaba? Haha. Nice! Sa inyo ba yang laundry?

    TumugonBurahin
  21. Haha ang galeng mo senyor, nabigyan mo ng katarungan ang nagsusumamong karatula sa tapat ng inyong bahay. Malaking utang na Loob ang tatanawin natin kay mang Jireh (swak sa spelling) dahil sa kanya ay isa na namang makabagbag damdamin ang ating nakalap at mabuting aral ang sa atin ay tumatak.

    TumugonBurahin
  22. ang seryoso ng topic tapos biglang may advertisement hehe.. pwede din ba kong magpaadvertise sau? ;)

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...