TOP 10 Great Sources of Sadness


Swak sa sakto ang happiness na mayroon ako sa mga oras na ito. The challenge now is how to sustain this supercalifragilisticexpialidocious feeling. Napagtanto ko lang kasi na nakakalungkot ang pagiging malungkot. Redundant. Nakakatanda. 

Kaya naman nais kong i-spread ang spirit of happiness sa paraang nais ko - sa paglilista. Let me list down the genuine sources of sadness which may lead to depression at 'pag hindi naagapan, malamang na mauwi sa suicide. 

Oh yes! About sadness ang bet kong talakayin dahil boring ang paghimay sa mga dahilan ng wagas na kaligayahan.


Ilan sa mga sources of sadness ay ang mga sumusunod:

1. Walang Pera
Dahil sa masidhing pagnanais na magkaroon ng uber exciting na kaganapan sa buhay, frustrating 'pag walang atik, bread, kuwarta, salapi o kahit ano pang tawag d'yan. Anlakas lang maka-limitado ng kilos 'pag walang pera. Depressing! Walang budget for gadgets, gimmicks, pangkain sa labas, walang pamasahe for travel at walang pambili ng funny but fake friends including lovelife (oh yes, nabibili na rin nowadays). Kaya naman mawala na ang lahat, 'wag lang ang pera dahil dito umiikot ang mundo. Agree? Sa mga hindi naniniwala, it's either forever walang pangarap na hampaslupa o sobra ang yaman na kahit kailan ay never naghikaos. Saan ka?

2. Walang Ganda
Nakaka-umay dahil sa araw-araw na ginawa ng juice ay parehong hilatsa ng sinumpang pagmumukha ang nasisilayan sa salamin. Kahit pa anong effort, hindi kayang taglayin ang gandang hindi inakala. Isa lang ang solusyon, ACCEPTANCE! Tanggapin ang katotohanang kahit pa anung pagpapakabuti ay hindi maba-balance ang equation. Tunay na salat sa looks? Okay lang 'yan. Labas-labas din ng bahay para ma-realize na mas angat pa rin sa iba. Laging tandaang no matter what, mahal ka ng ina mo! 

3. Walang Lovelife
Sawang-sawa at pagod na pagod ka na bang mag-isa? 'Yung tipong nagigising sa madaling araw at more more walling with matching silent hagulgol dahil walang pumupuno sa pusong nangungulila? Walang kayakap sa taglamig. Walang kahabulan sa beach every summer. Ang sad noh? Ask yourself for the last time, "Do I deserve this?" If YES ang sagot, tanggapin hanggang maaga at simulan ang pag-aalaga ng aso para may kaagapay sa pagtanda. 

4. Walang 'Move-On'
Connected ito sa previous item. Kaya naman pala single, hindi malampas-lampasan ang katotohanang minsang nagmahal at nabigo. Naloko, napagtaksilan, iniwan o nadenggoy man, pleeeaaassseeee, MOVE ON! You’ll never be happy if you'll keep on chasing the ghost of your past! If you really can't move on, mag-drugs ka na rin at sirain mo na ang buhay mo ng tuluyan. OR... Gising-gising din para masaya!

5. Walang Sexlife
RATED SPG. Everytime I get to meet people who easily lose their temper, isa lang ang nasa isip ko - malungkot sila. They need to get laid. No further explanation.

6. Walang Family
Irreplaceable ang tender loving care from the family. Unconditional. Kahit gaano kadumi dahil sa putik na mula sa pagkakadapa, laging handa at abot-kamay na mag-aahon ang walang sawang nagmamahal na kamilya. Kung wasak ang relasyon sa Ina, Ama o mga kapatid, saan man makarating - for sure, laging may kulang. Kaya naman make sure to always maintain a good and open relationship with the family. 

7. Walang Friends
Well, let's admit it, sense of belongingness is one of human's physiological needs. So if you claim that you don’t need any friends, FINE! Ubod lang siguro ng sama ang ugali mo! Mamamatay kang alone and lonely! Bwahahahaha! 
Hmmmnnn… If you think you don’t have friends, look around and surely you’ll find people who can truly take you for who you are. Kahit may saltik ka, may makakasundo ka rin n'yan. Believe me!

8. Walang Bago
HOY! Laging kasama sa wish list mo ang magkaroon ng mga bagong kaganapan sa buhay pero wala ka naman ginagawang iba. Kung satisfied na sa comfort zone, try to do something different and be amazed on how happier you could still get. Wala kang karapatang magsawa sa paikot-ikot na routine ng buhay kung hindi naman sinusubukan ang mag-take ng risks paminsan-minsan. Remember, life is too short so don’t make it too long waiting for the rain to fall or for the sun to shine. Kuha mo? Nalito din ako.

9. Walang Alam
Nakaka-inggit ang mga taong may kakulangan sa mga sobrang basic na kaalaman. Para sa kanila, magaan ang buhay at walang worries. Nakaka-inggit sila pero hindi dapat tularan. Malungkot ang buhay-tanga.  I’ve been there. Seriously. Somebody or I think something woke me up.  Hindi masaya ang kamangmangan plus most of the time, nakakabanas. I don’t want to explain further kasi gets naman for sure ng mga people with average to above average IQ level. Gets mo?

10. Walang Faith kay Papa G
You will never be empty kung healthy and always intact ang spiritual aspect ng iyong pagkatao. I am not saying that atheists can’t be happy pero ang sa akin lang, iba ang decision making skills at intrapersonal intelligence ng mga taong may matibay na kapit sa Itaas. Super sandamakmak man ang wala pero kung may super strong na pananampalataya, alive ang pag-asang darating din ang matagal ng inaasam na kung anuman. Just believe! 


Ikaw? Malungkot ka ba? Why?

Anything you'd like to add?  

33 komento:

  1. atleast na sa akin pa ang kalayaan ko.

    Isa pa siguro sa maidadagdag ko ay ang Walang kalayaan. Walang kalayaan means bigti na lang.

    TumugonBurahin
  2. Walang pangarap.

    A lot of people just go around living without actually living at all. A lot of us live a life of quite desperation.

    TumugonBurahin
  3. wala nang maidadag-dag.

    cge na nga try ko magkaroon ng bago. gusto ko tumogtug nang gitara cno pwede nagturo jan?

    #10 the best. God is the main source of happiness

    TumugonBurahin
  4. wala akong lovelife. period. lol

    TumugonBurahin
  5. oo na, malungkot na ako. :D

    wala akong lovelife. :D

    TumugonBurahin
  6. pasok ako dun sa tatlong issues hahaha

    TumugonBurahin
  7. walang wala.. hahaha..wala na ko madagdag. nasabi mo na lahat.:)
    -cheenee

    TumugonBurahin
  8. I suppose I can call myself happy na after na ma realize ko na I meron ako nang mga sinabi mo to be happy. not overflowing, but enough for me to be thankful and happy.
    To be content with what we have, but still we can be better. Strive to have more , so we can help and bless more people, more stronger in faith to survive the fiery darts of the enemy and more wisdom so that we wil know how to treat others and ourselves fairly .
    Have a nice week end senyor.
    Time for me to do some housecleaning and so on:) opps. Reminded that cleanliness is next to godliness. I think I read it somewhere......

    TumugonBurahin
  9. ako minsan pag nalulungkot, iniisip ko na lang na mas marami pa ring dahilan para maging masaya. normal lang malungkot pero sayang ang time kung mag e-emote lang. enjoy lang dapat ang buhay :)

    may mga bagay na sadyang wala tayo, kailangan lang tangapin at isiping masaya ang buhay :)

    TumugonBurahin
  10. Pag masyado din negative...
    Pag masyado insecure....

    TumugonBurahin
  11. tama yan... ilan sa mga yan eh dahilan ng kalungkutan ko hehehe...

    lalo na pag walang pera... at walang sex life hahaha

    Parang naranasan ko na lahat yan.... yan mga dahilan ng aking kalungkutan...

    minsan naman feeling ko mag isa na lang ako...

    TumugonBurahin
  12. agree ako sa number 5 adre.. pwede ko itapon yung iba sa listahan wag lang yung number 5.. hahaha

    TumugonBurahin
  13. base sa karanasan ko rin, yung panglima sagad sa katotohanan yan hahahaha at wag patulan ang mga taong walang sexlife nakamamatay sila :)).

    Yung sa number one, medyo alanganin ako. Nagiging mahalaga ang pera sa akin kapag nagkakasakit pero di rin ako nag-iipon para paghandaan ang pagkakasakit. Boring ang buhay kapag ganun. Madami akong kakilalang ganun. Pero minsan nga kapag may inggit sa puso ko sa mga nakikita ko medyo nagkakaroon ng libog magkaroon ng madaming pera para makabili ng ganito, ng ganun ng pagkain at ng pangtravel. Nagsisipag lang at yun nga tiawala kay Papa G. Di ako mayaman at di rin sa walang akong pangarap, kontento lang sa buhay.

    Magandang gabi senyor!

    TumugonBurahin
  14. malungkot ako dahil papayat na ako! bwahahahaha ang na invest kong food sa katawan ko, nakoh magvavanish na! echos!!! i love this! super love it (empi wake up lol) habang nagbabasa ako nito parang naririnig ko pa ring naglelecture yong professor ko! lol

    TumugonBurahin
  15. 1. Mahirap talaga kapag walang pera kasi seldom where you can find a person that will offer a thing for free, and if that person does, it won't be on a daily basis pa hehe. You have to work hard to earn a living. Kaya tama ka SAD ang walang pera- it's a necessity in a world where money talks/walks.

    2. True pero discrimating ang number 2 mo.

    3. Di naman laging umiikot ang mundo sa lovelife kaya may mga tao pa rin talaga na busy sa ibang mga productive endeavors and their love life has taken a back seat somehow. For me, it's a choice pa rin. You can't be dead having none kasi may tinatawag naman tayong "singleblessedness"

    4. Walang move on? naku diyan na pumapasok ang "nabulag sa pag ibig' hahaha..iniwan lang or nag break lang di na maka get over - inabot ng mga taon bukambibig pa rin ang past niya hahaha..past na nga eh..

    5. Lakas ko ng tawa sa number five mo. Pero di ako agree! No explanation. No further arguments. LoLs.

    6. Eto pa agree ako! Family is my life, without one it's difficult to find happiness. Above all else, this is the 2nd topmost priority - 2nd to God.

    7. It's impossible nga if wala kang set of friends, those who'll stay through sarap at hirap.

    8. Kung walang bago sa buhay mo it means you're not working hard or you're not spicing it up. Dull! or talagang TAMAD ka lang makibaka sa buhay hahaha.

    9. Nakakabano ang 'walang alam' - para sa akin ang walang alam ay yung mga nuknukan ng TAMAD na lang talaga. TAMAD tumuklas at tuklasin ang mga kapaki pakinabang na mga bagay sa mundo.

    10. Super delicate itong aspeto na ito. For me, if you don't have spiritual life, you can easily fall prey to temptations. Your self control won't be that strong. PINAKA IMPORTANTE sa akin ang FAITH.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hi, may I inform you na may nagka-copy paste sa mga sinusulat mo.. Hehe concern lang ako kasi walang credits yung posts nya na galing pala sayo :)

      Burahin
  16. nalulungkot lang ako pag wala akong pera kapag gusto kong tumulong financially or gusto kong manlibre at magbigay ng material things sa mga taong mahal ko at espesyal sa akin. Although love and some words/act of appreciation is enough iba pa rin kasi tlga pag may nabibigay ka sa kanila galing sa bulsa mo maliban sa condom :)
    Bilang wala akong permanent work. Ramdam ko 'to. hahhaha




    ang tawa ko lang dun sa mainitin ang ulo. Bawal pala uminit ang ulo ko pag kasama kita. baka kung anong isipin mo. lol

    TumugonBurahin
  17. pwede din kung may sakit diba haha
    4/6 positive ako hahaha, pero ayun nakecarry over naman nung
    faith kaya masaya pa din

    TumugonBurahin
  18. Ayyy nabibilang yata ako sa #1 at #3... ang saklap lungs hahaha :D

    TumugonBurahin
  19. Walang pera ang unang source ko ng kalungkutan. Lol. Kaya inimagine ko nalang na marami ako nito. Kaya sumasaya na rin ako. Power of mind na lang kesa wala.

    Walang lovelife, dati isa rin ito pero hindi na ako aborido ngayon kahit walang lovelife. Kuntento na ako sa bestfren bestfren kuno na samahan. Choz.

    Walang sexlife. Pakiramdam ko nalulungkot din ako, lol.

    Walang bago. Wala akong bagong phone/gadget at bagong post sa blog. Takte.

    TumugonBurahin
  20. ako im very confident na masaya ako as in MASAYA AKO! chos! ... dami mong alam talaga sa mga ganyan ,,,, may pera ako , ganda at sympre bonggang bonggang sexlife ! lolz

    TumugonBurahin
  21. walang friends at walang pera nakakakapagpasad sa akin.... hahaha.

    sige na nga, isama mo na si sexlife, :p

    TumugonBurahin
  22. Walang pera, walang ganda, walang bago, walang alam.
    Ang lungkot ng buhay..

    Buti may Rated SPG kahit papaano. :)

    TumugonBurahin
  23. ang alam ko hindi ako malungkot. situational ang pagiging malungkot ko example pag may nangyaring nag-cause ng sadness ko - but I'm doing things to get over with the sadness...

    TumugonBurahin
  24. Truest yun numbers 6 and 10. They should be constant in our lives. Pag wala yang 2 yan eh napakalungkot talaga. Ung numbers 1 and 2 pwedeng gawan ng paraan haha!

    TumugonBurahin
  25. emo emohan din ako mdalas... at pag nagaganap eto dahil sa number one ang sagot... lintik na malagkit naman kasi eh... hahahaha
    pero never nawala ang number 10 sakin... sya lang talaga ang main source of happiness ko :) maliban sa lablyf

    TumugonBurahin
  26. currently nasa number 1 ako...antagal kasi ng sahod! hahaha... pero siguro what always make me sad e kapag I'm doing my best sa isang bagay, pero hindi nagpapayoff..lalo na kung ang factor nun e mga bullshit na tao sa paligid :'(

    TumugonBurahin
  27. Maraming bagay ang nakakapagpalungkot pro ito ang pinaka.
    Nalulungkot ako kasi hanggang ngayon hindi pa kmi nagkakausap ng aking mudra, sinubukan ko pero siya na nga ang mali siya pa ang matigas. Nakakayamot na di malaman, pero carry carry nlng yan ang importante ay happy ang aking family kasehodang bad ang relationship with mader. Concentrate nlng ako kay fader hehehe

    TumugonBurahin
  28. Family yan ang pinaka malakas makapag palungkot sa akin... mawala na lahat wag lang pamilya ko...

    TumugonBurahin
  29. karamihan naman dito meron ako.. yung ibang wala well malapit na magkaroon bwahaha!

    TumugonBurahin
  30. Hi! May nagka-copy paste ng mga sinusulat mo tulad nito.. Concern lang kasi walang credits posts nya. Wala akong account dito kaya di po ako makapagpakilala >_<

    TumugonBurahin
  31. walang pera...walang sex life...walang Bago...eto ang nakaka depress sakin, pakiramdam ko solo din ako, mahirap ganito pakiramdam pero kelangan paglabanan and ganitong feelings.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...