DA WHO Ang Mga Bloggers Na Itetch?


DA WHO???

This post is inspired by Mecoy's post on First Impressions.
Oooooppps.... Syempre may Twist!

More more borrow ako ng powers ni Fashion Pulis at sa paraang blind item ko gustong ipahatid dahil mas bet kong itago ang pagkakakilanlan ng ilang mga blogerong aking nakasalamuha mapa-online man o in person. Sila lang naman ang mga nag-iwan ng labis na tumatak na marka at worth it na ilathala sa eskinitang ito.

PAALALA: Ako lamang ito. Walang bearing sa inyong pagkatao kaya't ipagpaumanhin ang aking pagiging mapangahas at mapanghusga ng very slight. This might change as I get to know you more. Intiendezitas?

Simulan na ang laglagan!!!

Item # 1
Siya ang blogerong ayaw kong bigyan ng kasarian. Sosyal ang blog niya actually pati siya in person. Kailan lang ay nabiktima ng isang kawatan at nadukutan habang shopping galore sa isang pangmayamang mall sa Taguig. Well, matatalino na ang mga masasamang loob ngayon. Ang perfect victim/s nila ay: Mukhang Mayaman o Mukhang Tanga. Alin kaya siya sa dalawa?

Item # 2
Tawagin natin siyang professional sa larangan ng pagkokomento sa numerous blogsites. Sobrang thankful ka as a blogger 'pag nadalaw niya ang iyong post. Mag-iiwan siya ng comment na ubod ng haba na kadalasan ay mala-nobela. As in. Mas mahaba pa sa actual post. Though may tiyak na aral siyang maibabahagi, hmmmmnnnn.... 'Yun lang! May aral siyang maibabahagi pero mahaba lang talaga. Wordy talaga siyang tao. Kahit kaya in person?

Item # 3
Bipolar ang blogger sa item na ito. Ubod ng ingay sa lahat ng social networking sites at maging sa kanyang sariling tambayan pero in person - patay na bata. Kakambal niya ang kanyang CP at bawal abalahin. Ayaw kong i-explain further dahil baka mahalata niya at magpaka-emo na naman siya. Kumusta na kaya sa kaharian niya? Ayan, giveaway na ang clue! 

Item # 4
Paandar ng Taon Awardee. Adik din sa kape. One of the nicest bloggers I've known. Magaan ang aura. Friends ng lahat. Lagi na lang nanlilibre at kahit pa hindi ka magpalibre, ipipilit niya. Eh, madali naman akong kausap. Kilala mo kung sino ka! Ipon-ipon at tipid-tipid din 'pag may time. Okay? 

Item # 5
'Pag sinabing galaan, dalawang bloggers ang tie na nangunguna sa aking listahan. 'Yung isa, nasa Manila today, tomorrow nasa Cebu, the next day sa Iloilo and after that sa Bacolod or Baguio naman. Runner na walang kapaguran. Bow! Da best niyang ka-partner ay ang Penoy with matching asin and suka. Gets na? 
'Yung isa naman is from far away South na always ready sa pag-absent sa trabaho basta makabyahe lang. 'Wag mo akong titigan ng masama! Send my regards to your best friend na blogger din at may pretty smile kaya crush ng isa pang blogger friend from Laguna. #KiligMuch

Item # 6
Certified Skip Reader!!! Kakagigil lang... Okay lang naman at naiintindihan ng lahat na ang mga bloggers ay may iba pang pinagkakaabalahan sa buhay maliban sa pagsusulat. Flattering ang makakuha ng mga comments pero sana lang talaga, may connect naman sa post ang komento. 'Pag wala, kumpirmadong hindi mo binasa ng buo ang post. Okay lang naman talaga pero sana 'wag na mag-comment. Iniiba mo ang ending ng BnP entry eh. Boom.... Ikaw 'yan! 

Item # 7
Mang-aagaw at gaya-gaya ng Idol. To know this person, go to Glentot's www.wickedmouth.com. Wala namang prize sa pinakamaraming comments pero inuungusan talaga ako ng blogger na 'to in terms of number of comments. Hmnf! Kaya ka walang latest post dahil sa kaka-backread at pagkokomento sa Wickedmouth. Tandaan, una ko siyang naging Idol, so number 2 fan ka lang. Okay? Competitive ako. I'm not willing to share my Number 1 Fan slot! Seriously.

Item # 8
The most torpeng blogger I know. 'Tol, I'm telling you, may pag-asa ka! Marami kaming kinikilig sa love story niyo kaya GO na! Ayaw ko pa kayong pangunahan sa lagay na 'to ha, pero iba eh. May spark! Gusto ko 'yung sagutan at patamaan niyo sa twitter. Daig niyo ang 'It Takes A Man And A Woman' sa level ng kilig factor. Sana talaga magkatagpo na ang medyo matagal nang nag-iiwasang mga puso niyo. Mali ang tsismis na wala siyang puso dahil pangalan lang niya 'yun. Ayaw mo bang madiligan ang tuyong damuhan? Another giveaway clues. Relate much?

Item # 9
Choosy sa pimples ang girl blogger na ito. Sino siya? Matagal ng single until she met a bestman na mukha namang seryoso sa effort pero tila mailap ang matamis na oo from our girl blogger. Why? Dahil may Grand Eyeball ang pimples ni koya. Habang sariwa ang sugat, wala yatang pag-asa. Pero lately, due to trusted and effective derma products, unti-unti namang kumikinis si koya at tila nahuhulog na yata si ate. Abangan kung kailan isusuko ang pinkish cupcakes. Need a clue?

Item # 10
My ultimate crushee... Anlakas makalaglag ng XXXL na underwear ang blogger na ito. Siya lang naman ang aking most recent subject of malisya. Alam kong walang pakialam ang blogosphere sa pagtingin na meron ako sa taong 'to pero wala rin akong pakialam kung dedma ang lahat dahil sa tao lang na ito umiikot ang mundo ko (sa ngayon lang naman). Pagbigyan niyo na ako please... Pagod na akong mag-isa. 'Pag naging kami, jackpot ako! Magpapaliit ako ng waistline! Clue? 'Wag na! #SuperKiligMuch

Marami pang DA WHO entries pero next time na lang ang iba. 

Itutuloy?

63 komento:

  1. Gets ko yung iba, maliban lang sa item#6 #10.. DM me hihi.

    Uy teka, bago layout ng blog mo, mas bet ko yung una nakakapanibago eto e.

    Buti nalang di ako blogger, hay salamat safe ako sa blind item hehe

    TumugonBurahin
  2. ang taray mo naman sa #7 hahahaha parang inaawat ka na ayaw mo pa rin talaga magpaawat!! booooomm!! baanngg!! beeem!! hahahahaa alam ko ang iba hindi ko lang sasabihin hahahaha

    TumugonBurahin
  3. Alam ko ang #10... kaya pala nung pinaguusapan natin siya at nagbibigay ako ng comment eh inaabangan mo kung lalaitin ko sya. May kurot pala sa puso kung sakali ahaha. Magbibigay ba ako ng clue? Saka ma busy pa ako sa pagbasa ng greek mythology eh.

    TumugonBurahin
  4. Alam ko ang #10... kaya pala nung pinaguusapan natin siya at nagbibigay ako ng comment eh inaabangan mo kung lalaitin ko sya. May kurot pala sa puso kung sakali ahaha. Magbibigay ba ako ng clue? Saka ma busy pa ako sa pagbasa ng greek mythology eh.

    TumugonBurahin
  5. ang dami kong kakilala maliban sa numbers..... secret lol

    TumugonBurahin
  6. natawa lang ako... hahaha exciting basahin. cnu kaya si number 10

    TumugonBurahin
  7. naku senyor na intriga ako sa #7 at #10 penge pa ako clue.. tweet mo saken hehehe ^_^

    TumugonBurahin
  8. kelan kaya magkakaroon ng updates about kay #10? hahaha..
    Sana this is it na for you! :)

    yung 2 at 3 lang ata may idea ako.. the rest is history.. hehehe.

    TumugonBurahin
  9. not even going to try to guess. def clueless here.

    TumugonBurahin
  10. oh boy.. katuwaan lang naman, pero wala akong mahulaan kung sinu-sino ang alin.. hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nararamdaman kita, sir JH. Alam ko yung feeling na puro "DA HUUU?" yung bawat item :))))

      Burahin
    2. Isa lang ang ibig sabihin nito, kailngan natin halugarin ang blogworld. Update update din. Mukhang ikaw Payoyo may lovelife na no? Kasi wala ka na naman update hahahaha Peace

      Burahin
  11. Wahahahaha! Naubo ako sa Number 'tot'-'tot' hahahaha....kilala kong lahat ang nasa blind items na ito hahahaha!

    TumugonBurahin
  12. 1-5 lang nakayanan ng malisyosong utak ko.. the rest pinipilit ko pang iabsorb.. hehehehe

    TumugonBurahin
  13. Parang di naman ito blind items kasi giveaway ang mga clues, Malinaw pa sa sikat ng araw at liwanag ng buwan, As in KILALA KO LAHAT. Hahahaha!

    TumugonBurahin
  14. Nakakatampo naman! Bakit di ako napasama dito? Hahahaha

    TumugonBurahin
  15. Buti na lang, di ako nakasama. Hi hi. Parang nahulaan ko na ang marami.
    Meron din nag post na kinilatis mga comments. Ikaw naman mga bloggers. Baka next time may mag post about mga entries naman:)
    Have a nice day senyor and good luck sa lovelife mo.

    TumugonBurahin
  16. HA HA HA You made my day Senyorrrrrrrr sa post na to!!!

    Wala talaga akong masabi sa mga post mo wala kang sabaw moments. Kilala ko lahat pwera lang ang #5 ha ha ha :P Nice one Senyor! More more....

    TumugonBurahin
  17. hmmm...parang kilala ko naman yun iba, para lang. ;P curious ako sa 7, dinalaw ko daw blog ni wickedmouth kaya lang mukhang kelangan ko mag-backread pa eh. ~Tal

    TumugonBurahin
  18. kalurks wala akong kilala ni isa. ako na loser. hahahaha.

    TumugonBurahin
  19. natuwa naman ako doon sa loveteam ng taon... parang gusto ko na lang din tumambay doon sa twetur para malaman kung sino ang love birds na iyon...
    iilan lang ang kakilala ko. Kakaaliw ka talaga mag post.

    TumugonBurahin
  20. ... at dahil hindi na ako active sa pagblog, hindi ako maka-relate.. hehehe!

    TumugonBurahin
  21. Ang nahulaan ko lang sina bloggers 1, 7, and 9, lalo na si 9! Hahaha... Si blogger 7 kinailangan ko pang i-research sa Wickedmouth para makilala haha... Very curious tuloy ako ngayon kay number 10, sumama ba siya dun sa Bahay ni Maria?

    TumugonBurahin
  22. yung ibang blind item kulang na lang lagyan ng picture sa huli.. wahhahaha

    dapat nga may clue din sa last blind item. lol

    TumugonBurahin
  23. Uyyyyyy may kilala ako sa ilan dyan! hahahahahah!!!
    Okay proud ako na at least medyo updated pa ako sa blog world kahit na medyo nawala rin ako sa circle ng almost two years din haha!

    Nakanang si Glentot daming pans. Pa'no yan fan din ako? Makikicompete ako bakit ba? :P

    TumugonBurahin
  24. Parang nate-tempt akong i reveal lahat kaya lang magiging walang saysay ang post na ito ni Senyor kung gagawin ko yun hahahaha. Kaya hindi nalang para marami pa rin ang ma curious esp. dun sa mga baguhan lang at di masyadong kilala si Senyor hahaha

    TumugonBurahin
  25. May idea ako sa iba pero sa number 10 walang wala hehehe. Sino kaya? Hihihi.
    Hmmm kapag napasali ako sa guess who na ito ta tumbling ako hahaha.

    TumugonBurahin
  26. Ayun oh, ganito yun mga post na gusto ko kasi matapang at iilan lang ang gumagawa, kaso parang ako yung number... ^_^ kanya-kanya opinyon talaga.

    TumugonBurahin
  27. Nahulaan ko yung kalahati, pero the rest clueless ako.

    Ang dami kong tawa habang binabasa ko tong mga blind items wahehehe :D

    TumugonBurahin
  28. Everybody is having fun here. i am quite confused, i just got back in blogging. Hello there!

    TumugonBurahin
  29. parang kilala ko ang #3 #4 at #6

    Sure ako dito sa #7 #8 #9, hehehe

    Hindi ako sure sa #10 kasi talagang siya kasi madami ka namang nilalambing. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tanungin mo ako Empi at sasabihin ko sayo hahahaha

      Burahin
  30. di ko ata kilala ang mga nasa da who mo senyor. Pero natawa naman me dun sa isang kumokumpetensya sa pagiging fan. At natawa din me sa XXXL na nalalaglag na undies... :p

    TumugonBurahin
  31. ay naku hulahula lang ako don sa iba. sana i divulge na ni daddy jay yung lahat ng answers. hahaha. nagtext ako bigla ky xoxo_grah about this blind item. nakaka lurky lang.

    TumugonBurahin
  32. boom.. iilan lamang ang mga nahulaan ko dito.. yung iba di ko alam kung tama ako...

    TumugonBurahin
  33. sumakit ang ulo ko, Mejo may nahulaan ako pero di ko sure! kasi ung isa kala ko ee ung isa pero pag dating dun sa isa sya pala ung isa! gets?
    haha dapat i reveal na yan sa next next post

    muntik ko na di mapansin ang pagbababago ng header kasi ba naman seryoso ako sa pang huhula

    TumugonBurahin
  34. Hahahaha, parang ako yata yung skip reader, chos!
    pero sa pag-idol kay glentot, naku! magkakapatayan tayo nyan. idol ko rin yun, pero para iwas gulo, sayo na sya, kainin mo ng buo. peace! hahaha. sino naman kaya ang crush mo? baka naman lalake yan ha? haaha. peace ulit. :-)

    TumugonBurahin
  35. lalo kong naramdaman ang pagiging baguhan at loser, wala akong kilala kahit isa...hahahaha

    TumugonBurahin
  36. ay sino yang #9?! ang choosy naman nyan..pero sure ako maganda yan haha! love this blind item.. more more pa ah!

    TumugonBurahin
  37. una sa lahat, this comment is not related sa entry na to, gusto ko lang ikaw batiin sa bagong muka ng blog mo :) ang neat kasi eh :D yehey!

    ok, since wala po akong time magbloghop ngayon, siguro wala akong kilala sa mga blind items mo. :P kawawa naman ako :( pero gusto kong makilala yung blind item #10 :) titingnan ko po kung malalaglag din yung underwear ko :D

    from Myxilog with love <3

    TumugonBurahin
  38. Sino kaya si number 10......may hula hula ako! :)

    TumugonBurahin
  39. nung isang araw ko pa to binabasa kaso di ko talaga kilala. hehe pero isa lang ang gusto kong malaman! sino si no.10?

    TumugonBurahin
  40. Coming from MEcoy 's blog. I wish I could read that. Follow each other.

    TumugonBurahin
  41. dyan ako mahina... sa hulaan!

    Pero kanya-kanya lang yan.. may strengths and weaknesses ang bawat isa.

    TumugonBurahin
  42. ako'y walang ideya...parang naligaw lng ako...bago pa lng po ulet ako...:)

    TumugonBurahin
  43. Ay angsaya andaming blind items at wala ako kilala sa knila. Lol

    Pero naenjoy ko toh! :-)

    TumugonBurahin
  44. Sino kaya sila noh?...hehehe sana eh mahulaan ko ung iba....napapa research din tuloy kami ni Phioxee sa mga da who?...:)


    xx!

    TumugonBurahin
  45. naamoy ko ang item#10! lol

    -iyah

    TumugonBurahin
  46. natuwa naman ako dun sa blind item number 8. parang kilala ko ata yung mga bloggers na parating bumibiyahe. hehe.

    TumugonBurahin
  47. Clue naman. hehehe. sabagay, medyo mahina rin ako sa pag obserba sa mga bloggers dahil sobrang unique din ng mga tao dito. :D

    Pero ang masasabi ko pala kay Senyor, anlupit ng bago mong pic. Puede nang gamitin sa tarpauline sa pagtakbo mo sa susunod na eleksyon. Iboboto kita at ikakampanya pa. hehehehe

    TumugonBurahin
  48. PM mo naman saken kung sino sina 6, 7 at 10. Hindi ako updated sa chika e, haha

    TumugonBurahin
  49. Yot, kala ko wala kang maichika sa akin at bakit di ko alam yang number 10 na yan? Hmmmph! Sekritib ka na ngayon ha!

    TumugonBurahin
  50. Hahahaha! So number 10 lang ang hindi ko alam. At talagang gigil na gigil ka sa pag kakaagaw ng number 1 spot mo sa wickedmouth! ;) hahaha! At syempre pati sa skip reader na yon! :D hahaha!

    TumugonBurahin
  51. Haha.. Si #2 lang din kilala ko, pero marami akong kilalang #6! XD Nakakagigil oo, pero sige na lang. Nakakapagpataas din naman ng views :)) Ay, sana may makilala din akong #4!

    TumugonBurahin
  52. dahil dyan...nag basa talga ako ng bongga naguluhan ako sa item no 5 and 6! C 10 parang alam na alam ko! hahahahaha! ang harot mo! lol

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...