Let's all be fresh inside and out ngayong 2014!
Proven Effective ang Xmas Wish na ito ni Cyron of Hindi Ito Wholesome
Simulan natin ng palung-palo at havey na havey ang bagong taon. This is the perfect time to start anew and more more move on sa mga pait ng kahapon. Less Drama and Complications 'ika nga ng iba d'yan.
Magbago ang dapat magbago pero walang sapilitan!
My only wish this year ay ang pagpapalaganap ng spirit of 'Kapit Lang!' at 'Walang Basagan ng Trip!'...
'Yan lang naman ang first point I'd like to raise this year. Second, I have new featured blogger. As usual, isa sa mga astig at kahanga-hanga sa loob at labas ng blogsphere. Kilalang karirista sa mga contest. May K dahil talentado talaga sa paglalahad ng mga kwentong may sustansya.
Ako'y mapalad na mapaunlakan ng isang panayam kapalit ang aking katawan. Oh yes!
Ako'y mapalad na mapaunlakan ng isang panayam kapalit ang aking katawan. Oh yes!
Ladies and gentlemen (and in between)... Your Online Super Hero...
MOISES JOHN BILANG AKA BAGOTILYO
Oha! Registered Nurse na, Blogger pa!
Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Oha! Registered Nurse na, Blogger pa!
Full Name: Moises John R. Bilang
Age: 24
Sex: Bata pa ako para rito. Strict ang parents ko. Wala pa 'kong ipon. 'Di pa ko ready magka-anak.
Location: Cavite
Civil Status: Depende sa nagtatanong.
FB E-mail Address: yahjme_05@yahoo.com
Twitter Account: @bagotilyo ( Don’t follow me , follow God – Nabasa ko lang sa likod ng bus)
---o0o---
Kumusta ka naman?
- Sakto lang. Ikaw kumusta naman?
Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
- In-expect ko na talaga ‘to. Siyempre joke lang 'yun. Masaya, kasi kahit matagal na akong walang update sa blog ko at kahit hindi ko na alam ang mga nangyayari sa blogworld, napili pa rin ako para ma-interview. Salamat sa pagpapaalalang blogger pa pala ako :p
Why Bagotilyo?
- Bagot = kasi madali akong mabagot sa mga ginagawa ko. ( 'yung totoo, maikli lang talaga ang attention span ko . Secret lang natin 'yun haha) . Bagotilyo kasi mabilis ako tubuan ng bigote. Mabuhok ako sa totoong buhay. Basta 'yun na 'yon.
When did you start blogging?
- Hunyo 16,2011 . Matalas ang memory ko kaya binalikan ko pa 'yung blog ko para tignan ang first ever post ko. Hohoho!
Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
- Kung tao, marami. Isama mo na si Bob Ong. (Wala ako sa mood para i-explain). May isang blogger din na kinagiliwan ko at kinainggitan kaya pinasok ko ang pagba-blog. Kasama na rin ang ate kong mahilig magsulat ng tula at sanaysay. Bata pa ko noon kaya 'di ko nage-gets ang mga pinagsusulat niya. Kunwari lang naiintindihan ko. Hindi siya blogger pero alam kong may puso siya sa writing pero pasmado masyado ang kamay para magsulat. Sa ngayon siguro, isa rin sa nag-inspire sa 'kin ay 'yung hamon na binibigay ng blogging . Tamad ako pero mas tamad ang utak kong mag-isip. Gustong gusto kong hinahamon ang kakayanan ko. Walang limitasyon ang imahinasyon at gusto kong malaman kung saang mundo ako kayang dalhin ng pagsusulat.
Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
- Biyaheng Langit na entry ko sa Saranggola Blog Awards last year. Marami pang grammatical errors. Hindi rin pulido ang pagkakahabi ng mga salita at pangungusap. Hilaw pa ang akda pero natutuwa ako kasi habang sinusulat ko 'yon, ramdam kong tinatangay ako ng imahinasyon sa dakong hindi ko pa nararating noon. Sa akda kong 'yon napatunayang marunong ako (kahit konti) magsulat. Active pa ang brain cells. Favorite ko kasi tungkol din kay Lord 'yung kwento.
P.S. Hindi nanalo 'yun sa blog galing ( Basta proud ako at favorite ko 'yun )
Pwede kang magbasa 'pag may time. I click ang link sa baba. Oo . prinomote ko talaga. Halata bang favorite ko siya?
What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
- Noong mga unang buwan ko sa pagba-blog, ang pinaka challenge na na-experience ko ay kung papano makakakuha ng readers. Kalokohan kasing hindi dumating sa punto ng isang blogger na gusto niyang magkaroon ng readers. Kasi kung gusto mo lang magsulat at maglabas ng kung ano-anong sh*t sa buhay mo, sana nag-diary ka na lang. Ganyan. Kontrabida lang. hahaha.
Habang tumatagal ako sa blog world unti-unting nawala 'yung focus ko kung may nagbabasa pa ba o wala sa sinusulat ko. Ang naging challenge na sa 'kin ay kung pano magkaroon ng quality post. Kung papaano magkaroon ng kaibigan sa blogworld. Kung papaano ako magiging inspirasyon at kung papaano akong makakatulong sa ibang tao sa pamamagitan ng pagbablog. Oha! Challenges lang ang tanong kung saan-saan na nakarating ang sagot ko.
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
- Semi-chopsuey blogger ako. Kung ano-ano lang ang sinusulat. May personal. May namemersonal. May sobrang personal. May kathang-isip lang. Gusto ko lang maging inspirasyon gamit ang simpleng pamamaraan ng pagsusulat. Mapusok ako. Kung may pagkakataon, gusto kong ma-expose sa lahat ng direksyon . Gusto kong lakaran lahat.
The Long Lost Masculado Member
- Matagal ng walang update ang blogger na ito. Number one ko siya kasi sa kanya ako na-inspire para mag-blog. Personal Experiences . Humor Blogger. Effortless writing. 'Yun siya at nainggit ako sa kanya noon. Hanggang ngayon. hahaha
- Dating jkulisap.com. Walang kinalaman ang paggabay niya sa 'kin sa pagsusulat kung bakit ko siya naging favorite. Favorite ko kasi may laman ang mga sinusulat niya with touch of humor. Hindi pilit ang pag singit ng mga nakakatawang lines. Pakiramdam ko talaga ako 'yung hilaw na version niya. Oo, ambisyoso ako. Libre ang mangarap.
-Halimaw ang utak nito. Basta ibang level. (Hindi yata gumagana ang link na 'yan ngayon)
Marami akong favoritesssss.. Pero dahil tatlo lang , sila muna.
Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
- 'Yung pakiramdam kapag may nagsasabing na-touch sila at na-inspire sa post ko. Sila 'yung mga dahilan kung bakit hindi ko mabitiwan ang pagsusulat. Pati ;yung nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan dahil sa pagba-blog.
Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
- Wala. Meron pala 'yung design ng blog ko . 'Yung header. Nanawagan po ako sa magaling gumawa ng header. Please do the needful. lol
Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
- Kung regular post lang, walang preparations na nagaganap. Kung isasali sa contest , kapag may time at traffic sa edsa dun ako nage-emote sa bus at nago-organize ng concept. Nakikipag-brainstorm din ako sa sarili ko 'pag may topak.
For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
- Simple lang. Kapag may natutunan ka. Kapag na-entertain ka at kapag naapektuhan ka sa binasa mo (in goodway or in not so goodway)
Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
- Hindi. Hindi na mabilang kung ilang beses. Pero bihira ako mag-comment 'pag nag-skip read ako sa post. Oo nagpaliwanag ako at oo defensive ako.
Anung comment and hindi mo malilimutan?
- “ badtrip ka, nasa office pa naman ako. Eto naiiyak , kanina pa ako lumuluha. But seriously thank you sa post. It means a lot. Sana maraming makabasa. Lalo na yung may mga balak na gawin yan.
Kahinaan ko to pre. You got me. Kung hindi ka man manalo sa patimpalak na yan. Yung nagawa mo yang post/short story nay an. Para sakin, panalo ka na.
Goodluck pre. I’m a fan “
Gelo on “Nasaan ba talaga ang langit inay?”
I’ve reached someones heart and soul gamit ang aking writing. Masaya akong natupad 'yung goal na 'yun bilang blogger!
Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
- Si Ate Susan ng sasaliwngawit.wordpress.com . 'Pag nag-comment kasi siya, mararamdaman mong hindi niya lang binasa 'yung post. Nginuyang maiigi. Nilunok. Dinigest ang nutrients. And Presto! May comment na galing sa tiyan este sa puso pala.
What do you hate most about blogging?
- Wala o baka wala lang akong maisip sa ngayon.
Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
- Hangga’t may tinta pa ang bolpen ni Bagotilyo. Hangga’t hindi tuluyang nagagapi ng katamaran ang kasipagan. Hangga’t may pagmamahal pa ko sa pagsusulat. Magba-blog ako. Sinagot ko ba 'yung tanong? Parang hindi.
What will make you quit blogging?
- Kapag nawala na talaga 'yung passion ko sa pagsusulat ( pwedeng mangyari) o kapag dumating sa puntong sobra nang umiikot ang mundo ko rito ( malabong mangyari).
How do you want to be remembered as a blogger?
- Basta hindi makalimutan 'yung mga sinulat ko o 'yung mga aral na itinuro nito (kung meron man), Ok na kahit hindi nila ako ma-remember. Seryoso ako diyan. Pramis!
Hindi Siya Mahilig sa Liyad Selfie
Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Hi Mambabasa,
Bawal po mag skip read.
Hi Prospective readers,
Welcome to my world! Are you having fun? Insert Coin.
Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
- Iskwater (noun) : Taong mahilig umiskwat. Ang corny!!!
Eto na seryoso.
- Iskwater (noun) : Sila ang salamin ng realidad ng buhay
- Mga matatapang na taong kayang gawin ang lahat para mabuhay.
- Karamihan sa kanila may pangarap sa buhay pero karamihan din sa kanila walang lakas ng loob para tuparin iyon. Hindi ko nilalahat.
- Masaklap ang realidad ng buhay pero sila ang paalala na maari rin maging Masaya ang buhay sa kabila ng kakulangan.
Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
- Sometimes. Kasi pag nasa work ako sa Quezon city , wala akong sariling bahay. Nangungupahan lang ako. Madalas delay rin ako magbayad kaya kinakatok pa ko ng house landlady sa kwarto kong maliit. Literal na sinagot ang tanong? Hahha.
I’m homeless, please take me home with you (nabasa ko lang din sa shirt ng kapatid ko dati). Harotilyo lang. Pero nagbago na ko ngayon. Mabait na po ako.
I’m homeless, please take me home with you (nabasa ko lang din sa shirt ng kapatid ko dati). Harotilyo lang. Pero nagbago na ko ngayon. Mabait na po ako.
Artist na, Artistahin pa!
Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapamilya
Jollibee o McDo? Mcdo
Boxers or Brief? Boxers
Lights On o Lights Off? Lights on
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Kiray
Hinaharap o Behind? hinaharap
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong ugly
Younger or Older? Younger
Payat o Mataba? Payat
Smoke or Drink? Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Kiss w/o sex
Mabilisan or Take your Time? Take your time
To Eat or To Be Eaten? To be eaten
Madam Auring o Aling Dionisia? Aling D.
Maikli o Mahaba? Maikli
---o0o--
Ouch. I got disappointed sa 'maikli'... Tsk!
Hyyyyy... I'm like super honored sa pagkakataong makadaupang palad si Bagotilyo. Dama ko ang nutrients ng kanyang mga ibinahaging sagot sa mga tanong. Kaka-proud na maging saksi sa kanyang mga matitinik na obra. Sa gitna ng scarcity sa mga matitino at talentadong manunulat sa daigdig ng blogging, nariyan siya upang ipamalas ang bagsik ng kanyang brain cells.
Maraming Salamat, Kaibigan!
So, what are you waiting for? Please click the link below and start following his blog if you haven't... Pramis, sulit!
"Ikaw ang artist at ang buhay mo ay ang iyong obra. - Bagotilyo"
Gusto ko mag comment about kay bagotilyo pero wag na lang... kasi baka sabihin FC ako haha :D
TumugonBurahinhaha .. comment lang nang comment :)
BurahinNgayon ko lang napagtanto kung sino si Bagotilyo.... kahit ka prends sa FB now ko lang nalaman na iisa lang sila hehehe...
TumugonBurahinNice Q & A
Okay din ang mga pics...
Natawa naman ako sa comment mo dahil na disappoint ka sa maikli hehehe..... ano ba ung iniiisp mo hehehe
Galing ng mga questions....
Happy New Year ^^
haha.. ako to!
Burahinewan ko nga rin kung bakit na disappoint c senyor sa maikli.
ano kayang iniisip niya? lol
Perfect blogger for this month. Tagahanga rin ako, pero sayang, wala masyado updates. Good luck Moises John! May you be like Moises and John from the bible. Man of faith:)
TumugonBurahinSana nga po mag ka updates na ang tamad kong utak :D
BurahinGodbless mommy joy.
bakit ka nadissapoint? baka maikli kasi ayaw nia ng mahahabang post ganyan.... lols.
TumugonBurahinSige na nga.. Pogi! Hehe
TumugonBurahinang kukuyut ng mga nafifeature dito! haha hello bagotilyo. hihi
TumugonBurahinang landi ko na naman. tsk. haha
nangangatog na nmn uli yang peanut mo.
BurahinLOL sa tugon ni Cyron.
Burahinboom.
Burahinbwahahahaha oo naman cyron.
Burahinselos ka ba? syempre number 1 ka pa rin sa peanut ko.. este sa puso ko. charot. hahahaha
bwahahahaha oo naman cyron.
Burahinselos ka ba? syempre number 1 ka pa rin sa peanut ko.. este sa puso ko. charot. hahahaha
Eto yung blogger na mahilig magsuot ng wife beater hehehe... I remember you told me you like the name of his blog. Sa totoo lang di ako masyadong napapadpad sa blog nya so ngayon ko lang nalaman na di pala masyado updated. Medyo nagulat din ako sa maikli bit, haha...
TumugonBurahinyang tawas na ganyan ang kailangan ko. sana may magpadala sa akin . ehehe
TumugonBurahinAng gandang panimula naman niya sa 2014 :)
TumugonBurahinHappy New Year Senyor!
Blogerong crush ang tawag ko haha den tahimik sa personal diba crush?
TumugonBurahinHindi ako nagskip read ha! (Guilty)
pramis?? hahahha
Burahinlol
BurahinThe link to his blog at the bottom of your post doesn't work :( Its nice to get to know a fellow blogger more :)
TumugonBurahinHi moises kelan ka magpapakita. Haha
TumugonBurahinandito n ko sa likod mo.. lumingon ka! hahha
BurahinGusto ko kung gaano ka-audible at evident ang faith ni Bagotilyo.
TumugonBurahinsalamat sir! Godbless..
Burahinpara na kong pari kung magcomment! haha
Ampuge mo sumagot, pre. Naalala ko nung una kami nitong nagkita (1st ever Project Burger), nakatingin lang siya sa aming lahat tas tahimik lang. Pero pag pumunta ka sa blog nya, bwakanangyan, daming laman ng utak! Nahiya tuloy bangs ko! :))
TumugonBurahinHi PUGEEE :)))))
baguhan p nga ako nun.kung alam ko lang kung gano ako kaswerte at nakadaupang palad ko ng sabay sabay ang mga magagaling magsulat baka lumubog ako sa lupa nun.
Burahin( Pooji ang basa ko dun sa PUGEE) haha
sulat-sulat na ulit... :P
TumugonBurahinhopefully! :)
BurahinAba. Gusto ko ang humor sa pagsagot ni Moises. At pwede ring pang model ha. :D
TumugonBurahinmodel ng ano?? hahah
Burahinhello... happy new year, senyor. teynks for featuring my dear bro john - wala pa ring kupas sa kalokohan ang kumag. pero, teka, ba't ampogi nya sa pics? si bagotilyo ba yan, di nga... hehe. :)
TumugonBurahinposer ko yan ate 'san. pogi naman ako ah sabi ng nanay ko . And mothers knows best :p
BurahinFave ko yan si Bagotilyo eh!
TumugonBurahinHappy New Year
salamat po. Happy new year ^^
Burahinhaha. nice feature. malaking tagahanga din ako. sana ma-feature din yung paboritong blogger ko.
TumugonBurahinPansin ko lang, daming fans/may crush kay Bagotilyo, pwede na siyang tawaging "Crush ng Blogger" hehe,
TumugonBurahinInabsorb kong maigi 'yung "Biyaheng Langit" saka "Nasaan ba talaga ang Langit" 'though hindi nakalusot that does not necessarily mean na hindi ito deserving, it so happen na iba 'yung napili ng judge. Minsan kasi depende rin 'yun sa kung sino ang maghuhusga.
Si Bagotilyo bihira lang magpost pero markado 'yung bawat entry niya, may puso.
Salamat kuya Ramil . Hindi ko sila fans , mga kaibigan ko sila . hahaha
BurahinMas matitinik pa rin ang mga entry mo .
ayun, Sana magkita na tayo sa mata!
Yow, pre! Kumusta? Hehe. Featured na siya oh! Asteg ka pa rin! Maikli? Ang haba kaya ng mga sulat mo! Hahahaha.
TumugonBurahinhaha .. wag k nga . sabaw ako nun kaya mahaba. PAg hindi ako sabaw maikli lang ako mag entry. XOXO
BurahinAntagal na nating hindi nagkikita , baka pag nagkasalubong tayo sa daan di na kita makilala.
kamusta na ang buhay buhay?
Mj, bakit hindi na lang photo album ang ibinigay mo?
TumugonBurahinMaligayang bagong taon sa lahat. :)
ayos bro, keep up the good work :)
TumugonBurahinbuhay pa ung damit na nabasa mo. hehe.. God bless
#04
so bawal mag skip read,,,,lol
TumugonBurahincgro na visit ko yong blog mo mga 5 times..familiar yong name mo at binasa ko tlga 2 ha senyor! na amaze lang ako ang bata mo pa..hahahaa kc ako next inline na ako kay maming D lol...
at ang daming fans mo ha at ayaw mo ng selfie...lol
wishing you both a good year ahead!
At alams na Senyor! try mo photo album nya e post teh...cary yan! kabog lol!
haha,.. nice!
TumugonBurahinganito pala pagsikat na talaga o.. haha.. :D
Sana sa susunod ako naman! (HOPING LNG)..
Pero kung may time kayo guys, pwede naman bisitahin ang blog ko.. walang bayad.. Stories ang laman nun..