Letter Para Kay EX

Dear EX,

'Wag mong isiping bitter ako at hindi maka-move-on.
YES! galit ako pero hindi ibig sabihin no'n malaki kang kawalan. Sabihin na nating in denial ako. Eh, ano naman? At least hindi ako asshole like you.

Naalala mo ba noong una tayong nagkakilala? Abnormal ka. Pa-cute at papampam pero ako naman 'tong si tanga, ginusto at eventually minahal ka. 'Yon na yata ang isa sa pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa tanang buhay ko. OK lang. Na-enjoy ko rin naman. Take note: Na-enjoy ko pero very light lang. Sa umpisa lang. After ilang months, aaminin ko, katangahan na.

Unang away natin ay ang difference ng 'litter' at 'loiter'. Ang sabi mo, pareho lang 'yon. Ako pa ang nagmukhang nagmamarunong. Sana ngayon alam mo nang tama ako. Isasampal ko sa'yo ang dictionary 'pag pumalag ka pa.

'Pag iniisip ko, hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa'yo. Looks nga lang ba? Well, sweet ka naman. Lalo na sa tuwing may ipapabili o kaya'y may ipapagawa kang office reports. Ang galing mo ngang magproof read at ikaw pa galit 'pag may typo errors. Sana kasi ikaw na lang gumawa! 

Gaano nga ba tayo katagal? 1 year and 8 months? Feeling ko 10 years dahil sa sobrang dami nating napagdaanan. Tamis, anghang, pait, asim, pakla at lahat na yata natikman ng taste buds natin.  I'll never forget noong sinabi mong tayo lang forever at walang iwanan. Pakyu, stir ka! Iniwan mo ko sa ere pero thankful pa rin ako. You made me stronger when you decided to leave me at my weakest. 

Buti na lang at nahimasmasan ako at na-realize na hindi ka worthy iyakan. In fact, ikinain ko lang. Kaya naman hindi ko alam kung kailan matatapos ang stress eating mode ko. Salamat at dahil sa'yo, may man boobs na 'ko!

Good thing walang third party pero bakit sobrang saya mo at kulang na lang ay magpa-party ka nung wala na tayo? Hayup ka to the fullest! Ako na ang nasaktan at niloko mo, ikaw pa rin ang masaya. Buhusan kaya kita ng ekstrang kape?

Ikina-tumbling ko nang malamang wala pang 3 months ay may bago ka na. Bonus, best friend ko lang naman. Magsama kayo! Mga kampon kayo ni Lucifer at wala kayong kasing pakshet! Na-Bea Alonzo na 'ko, na Kim Chiu pa. Tag team pa kayo mga ungas!

Lastly, I wish the both of you happiness at sana magtagal kayo. Joke lang! Ako pa ba? Bangasan ko mga mukha niyo d'yan eh.  Sana 'wag ko kayong makita within this week or else...

Sa totoo lang, nakakainit kayo ng ulo pero siyempre, hindi rito hihinto ang mundo ko. Mag-iipon ako at pipiliting ipatumba kayo sa kakilala kong riding in tandem. 'Eto hindi joke!

Consider this as my written death threat.

Nagmamapait,
Your EX

P.S. 
Alam mo namang hindi ako pathetic para totohanin ang lahat ng nasabi ko pero who knows... Malay mo magaling ka palang teacher at naturuan mo akong maging gaya mo - Demonyo!

26 (na) komento:

  1. wow. andaming galit ah haha cyberrr huuuuuuuug

    TumugonBurahin
  2. emergerd... hambangis ng sulat mo... may part na natatawa ako sa mga words na ginamit mo... lalo na yung na-bea ka na, na-kim chiu pa

    TumugonBurahin
  3. whoah! hmmm...trending ang mga letters for ex...gives me an idea. :D

    TumugonBurahin
  4. Eto ang tunay na may pinaghuhugutan

    TumugonBurahin
  5. gumuguhit ang latay sa bawat salita.

    TumugonBurahin
  6. May pinanghuhugutan a. lol. tulad ng kanta sa Frozen. "Let it Go".

    TumugonBurahin
  7. one hell of a letter to ex. patunay na ex-lovers cannot be friends lol

    TumugonBurahin
  8. Bravo teh! Tara maghanap na tayo ng riding in tandem para mapasagasaan na yan!

    TumugonBurahin
  9. Ang bitter talaga... pero eto ang gusto ko sa lahat ng salitang binitawan mo.
    "You made me stronger when you decided to leave me at my weakest. "

    TumugonBurahin
  10. ay pakiramdam ko sinampal din at sinapak ako ng post na itey!!!

    virtual hugs!

    TumugonBurahin
  11. member ng riding in tandem here hahahaha

    Usong-uso talaga yang "forever tay" pero sabi nga ni sir Ramil fiction lang yan.

    TumugonBurahin
  12. uma-ampalaya dito but ayos lang yan at least naka-released ;)

    TumugonBurahin
  13. mukhang may pinaghugutan ah.... pero oks ang letter... lakas ng tama....

    TumugonBurahin
  14. Mahirap mag comment, lalu na sa case ko, ako ang nang-iwan. Sorry talaga. We're douchebags. Ang mga circumstances namin ay hindi dahilan para lokohin kayo. Pinagsisisihan ko talaga ang lahat. Hindi ko intention na gawing game ang relationship namin, at walang third party. But still, no excuse yon. On behalf of all the assholes in this world who are truly repentant, i ask forgiveness. Pero sa mga gagong nang iwan, I am willing to be the hired gun ng mga sinaktan ng mga gagong to. For you senyor, service is free! Hehehe!

    TumugonBurahin
  15. cool ka lang Senyor:) The best is yet to come. Don't let that person still ruin your life by thinking of him and being angry. Masira ang beauty mo dyan:)
    Have anice SUnday...see you soon...I hope:)

    TumugonBurahin
  16. i really pleased to be visiting here. may you always be healthy and happy, keep happy blogging always, greetings from Makassar - Indonesia :-)

    TumugonBurahin
  17. Sayang ang kape, Senyor. Mainit na tubig na lang at isang takuri. Kulang yata ang isang tasa.

    You should do this more often. I love open letters.

    TumugonBurahin
  18. Hugs Senyor! Makakakita din siya ng katapat! haha

    TumugonBurahin
  19. You made me stronger when you decided to leave me at my weakest.
    - i like this..

    TumugonBurahin
  20. * clap * clap * clap *... I love it! Bravo!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...