Rush Hour: Da Beginning

(Photo Credit: taroogs.wordpress.com)

Touch by touch, skin to skin at parang all time lover kami ni kuyang stranger habang sabay kaming mahigpit na nakakapit sa estribo ng jeep. Dedma lang. Ang mahalaga ay napagtagumpayan ko ang misyon sa pakikipagsisiksikan. Nagwagi ako sa aking pakikibaka. I can say now na angat ako sa iba dahil habang waiting in vain pa sila, on my way home na ang aking maalindog malusog na katawan. Byaheng langit lang sa pakiramdam. 

Hold on tight nga lang ang aking drama. Isang maling bitiw ko lang, laslas pulso, tulo ang dugo ang susunod na eksena.

Ganito ang everyday moment pauwi ng bahay galing sa opisina. Buwis-buhay. Ang lakas maka-3rd world ang ganap.

Dahil ako'y nasa gitna ng lower at middle class section ng lipunan, wala akong K para umarteng member ng Ayala clan. Wala akong chauffeur at hindi ko afford ang araw-araw na taxi unless may okasyon or may budget.

I choose to enjoy my daily experiences taking PUVs. Mostly PUJs o PUBs. Jackpot na 'pag aircon at may TV ang bus. Aliw much!

Minsan naman MRT. Astig ang MRT. Ang bilis ngunit hindi kasing mahal. Mas siksikan nga lang. I know why women are separated from men. Para maiwasan ang intentional at accidental box-out sa mga dede maselang bahagi ng katawan nila ate. May own style din ang mga Beckies. Hands on the side or at the back para sa libreng plantsa sa nagmumurang mga gusot na bukol pantalon nila kuya. Alam na! Bastush much! Of course, extra ingat sa mga kawatan.

Kung real life stories and events lang, samu't sari ang pwedeng ibahagi. May drama, comedy, action, X-Rated, suspense, horror, sci-fi  at marami pang ibang genre ang available. Marami ang nangyayari sa isang makamasang commuter.

Watch out for the eggziting collection of stories. Mind you, I met my 1st ever partner sa aircon bus. Sa bandang dulo kung saan hindi matao. May fear of Tagtag kasi ang ilan.

Sariwa pa sa aking alaala ang mga nangyari. Rush hour din noon.

Oooppss... Tsaka na ang buong kwento! 

Kapit lang...

23 komento:

  1. hanep ang intro. nice one senyor. kaabang abang tuloy ang mga susunod na kabanata.

    TumugonBurahin
  2. Mabilis. Fast paced and interesting!

    TumugonBurahin
  3. Ano ba to nambitin pa! Medyo surprised ako na magsulat ka about PUV's ah, pag ikaw kasi kasama ko sosyal ang ganap eh, lagi tayong naka-taxi.

    TumugonBurahin
  4. ha ha excited sa mga susunod na ganap ... hmmm ganyan din naman tayo eh ... nakikipagpambuno at wrestling sa ibang mga pasahero para lang makauwi .... kaya iniiwasan q na ang lumabas ng rush hour ... usually ay sa hapon or gabi na ako rumaraket para iwas ragasa he he he

    TumugonBurahin
  5. ahh leche. nag ready na ako ng snacks after reading the first paragraph, to be continued pala.

    TumugonBurahin
  6. Parang soap opera lang hihihi teaser lang.. ABANGAN BUKAS suspense much haha

    TumugonBurahin
  7. Super duper makabitin. Hehe. Tska anj ung tagtag? Di ko nagets.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi ka ba bus rider? Hmnn... tagtag is like mauga...

      Burahin
    2. haha ang shala ni fifty shades! hehe

      Burahin
    3. Haha bus rider naman. Ngayon ko ang naencounter un.

      Tska ano ung shala? Ugh. :))

      Burahin
    4. hahahaha angkyut mo fiftyshades! hahaha

      Burahin
  8. ay bongga ang patikim.

    eeew commuter ka pala? charot. hahaha ang lakas lang makapangmata.
    peyburit ko ang lrt 2! parang never nagsiksikan dun. haha

    ay jusko sa sumpa ng mrt pag rush hour. impyerno levels! lol

    TumugonBurahin
  9. Someday I can fully relate to this when I get to try out those modes of transpo when I get to Manila

    TumugonBurahin
  10. masarap umupo sa likod ng bus kasi hindi napupuno kahit siksikan na at may pasahero sa gitna. may fear of dulo ata ang ilang tao kaya mas cozy at di mainit pag doon pwesto lalo na mahaba ang byahe.

    in terms of rush hour, naku, laging ganyan. pahirapan, amazing race at survivor peg. competition much. nyahaha

    TumugonBurahin
  11. estribo pala ang tawag doon hehe. relate sa rush hour, dati kasi wala, puro provincial napasukan ko lol. ^__^

    TumugonBurahin
  12. Cliffhanger! Hihi. After all the things I heard from Marge about you, to find out that you ride the MRT put me in something of shock... Anyway, gusto ko din ng PUJs. Even PUBs. Ayaw ko sa MRT, kasi I'm confused paano gamitin yung card na sinusuksok somewhere, unless may kasama ako (pauunahin ko siya). BTW, I learned a new word—"estribo"—thanks to you. :)

    TumugonBurahin
  13. Grabe yung favorite line ko kapag buwis buhay eh yung "laslas pulso tulo ang dugo" hahahaha! :D minsan, pag gusto ko pa mabuhay, napapaisip ako ng karayom tapos isasaksak ko sa pulso ko pakonti konti. hahhaha!
    Anyway, nakakaloka ka! talagang binitin mo kaming lahat sa istorya na yan. Hindi naman yan si Ex diba? :P :P

    Ingat!! :)

    TumugonBurahin
  14. uy bagong bihis ang blog mo! galing!

    TumugonBurahin
  15. nakakaentertain naman basahin :)

    TumugonBurahin
  16. Bitin!

    and OMG don't make sabit Senyor! That's too dangerous :(

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...