PALALO

Nakailang kumpas ang kaliwa't kanang kamay ng orasan ngunit tulala pa rin akong nakatitig sa aking panulat na nakatungtong sa kawalan. May kung anong pangungusap ang nais idikta ng isip sa aking mga kamay ngunit nagmistulang bingi ang sampung daliri kong mas kaanib yata ng aking dibdib. 

Blanco... Madilim... Walang imik... Ilang katagang sigaw ng aking diwa habang  lihim na dinidinig ang panaghoy na wala ni isa ang nakakapansin. Kahit yata ako ay may takot na imulat ang ulirat. Hindi ko nais na mabatid ang hambalos ng katotohanan. Dahan-dahan kong inilakad ang nakapikit kong utak upang mabatid ang init ng timpla. Sumubok na tikman kung akma sa panlasa ngunit pagsayad pa lamang sa dila ay bumulusok ang karima-rimarim na alingasaw buhat sa hindi matiyak na anino.


Hanggang saan maglalakbay ang talinghaga ng bawat kwentong binubuo ng baliw na multo? Kasing-tigas man ng bakal ang bayag na ibig isampal, hindi pa rin matipa ang walang katapusang daluyong. Kasabay na tatakbo ang hindi mawaring alon tungo sa batuhang magsisilbing himlayan. 

Sasalubuning ang nakabibinging katahimikan. Susundan ng kapayapaang sinuka ng maduming kunsensya. 

Itatanghal kang bayani at ikaw ang babalangkas sa serkulo ng mga tulad mong tinalikdan ng sariling bait. 

15 komento:

  1. Ang lalim naman nito, parang bangin na matarik na may itinatago sa ilalim. Napagisip tuloy si grandma:)

    TumugonBurahin
  2. anyare????? napakalalim mo, di bagay senyor! HAHAHA

    TumugonBurahin
  3. waw! muntik na pumutok pang unawa ko sa post na ito senyor! :) lalim eh hehehe...

    TumugonBurahin
  4. anung meron at iba ata ang pagkagawa ng poste mo ngaun?

    TumugonBurahin
  5. bumped into your blog.. nice entries. keep it up.

    TumugonBurahin
  6. mas lalong naging sabaw ang utak ko sayo eh hahaha missyou!! mwah!

    TumugonBurahin
  7. Haha. Ni-google ko, pero mas lalo pang dinugo ang utak ko lol

    TumugonBurahin
  8. sa sobrang kalaliman ay di ko na maiangat ang katawan kong papalubog sa bawat salita. Teka, pati ako nahawa.

    TumugonBurahin
  9. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com



































    Kumusta Selina



    ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.

    Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.



    AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...