OLD QUESTIONS

(Mga Tanong ng mga Tumatanda)

Alin ang tama o mali kung iba ang iniisip at iba ang gawi?

Kanino manghihiram ng tapang kung sa panaghoy ay walang magpapatahan?

Bakit mo aalisin ang pag-asa kung ito lang natitirang kapitan?

Ano ang saysay ng katarungan kung puri ay labis na nadungisan?

Paano mo yayakapin ang dangal kung ultimo respeto sa sarili ay nababayaran?

Kailan mahalaga ang reputasyon kung mas laging nangingibabaw ang gutom?

Saan lulugar ang pagkapit sa relihiyon kung nasa pera ang taimtim na pananampalataya?

Sino ang salamin ng huwarang pagkatao kung sa sariling anino, ikaw ay multo?

Wala lang... Random thoughts!
Any further questions?

16 (na) komento:

  1. Ang hirap sagutin! Kahit ako na Fiipino ang gamit ay nagbalingoyngoy.

    TumugonBurahin
  2. Those questions that boggle your head for an answer

    TumugonBurahin
  3. Wow lalim di ko masagot, haha... Magdadagdag na lang ako ng tanong.

    "Kung nabubuhay ang tao para maghanap ng kaligayahan, paano kung ang ikaliligaya nya ay mali sa paningin ng iba?"

    Naks dumagdag pa talaga haha...

    TumugonBurahin
  4. Ang hirap naman ng mga tanong, sige bagsak na ako sa Filipino. Next!

    TumugonBurahin
  5. Old Questions... New Answers!

    Kanino manghihiram ng tapang kung sa panaghoy ay walang magpapatahan? - Sariling tapang ang paiiralin, ang panaghoy ay wag supilin!

    Bakit mo aalisin ang pag-asa kung ito lang natitirang kapitan? "False Hope" ay masama, at dapat itugma.

    Ano ang saysay ng katarungan kung puri ay labis na nadungisan? Katarungang tao ang gumawa ay sumasala, sa hukuman sa langit, ang Diyos ang bahala.

    Paano mo yayakapin ang dangal kung ultimo respeto sa sarili ay nababayaran? Pikit matang akapin, ang dangal na inalipin, respetong bayaran ay sarilinin at wag ng uulitin.

    Kailan mahalaga ang reputasyon kung mas laging nangingibabaw ang gutom? Sa lahat ng panahon, mahalaga ang reputasyon, wag magpatay gutom, kung pwedeng kamote ang ibaon.

    Saan lulugar ang pagkapit sa relihiyon kung nasa pera ang taimtim na pananampalataya?Sa paksang relihiyon, ako ay tameme na, baka may masagasaan, ako ay dumugin pa! hashtagafraid lol

    hahaha nang gugulo lang senyor!!! Mga tanong ng tumatanda ito, kaya kailangang sagutin ng bata hahaha

    Musta ka na?

    TumugonBurahin
  6. Ba't tila ba nauuso yata ang mga random questions ngayon huh ?

    Isa pang tanong ha ha ha ha.

    TumugonBurahin
  7. sa sobrang lalim ng tagalog mo tsong mahihiya ang mga taga bulakenyo sa iyo. hahaha

    TumugonBurahin
  8. uso ang pagtatanong ngayon. yung post ko bago ang post ko ngayon puro tanong din. lol.

    TumugonBurahin
  9. Sige may tanong ako, penge ng sagot ha? Bakit ako? Bakit ako pa?

    TumugonBurahin
  10. pakitranslate naman sa modern tagalog lol

    TumugonBurahin
  11. paki-explain! lab u! wahahaha!

    Puri lang ang naintindihan ko beh!! bwahaha!

    TumugonBurahin
  12. ermergerd! napahanap tuloy ako sa Tagalog Dictionary! :D

    TumugonBurahin
  13. kung pagsusulit ito, bagsak na ko.

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...