KIRAY Update


Dahil sabaw mode, more more share ako ng isa sa mga nakakangangang himala...

NASAAN KA KIRAY?


(Photo Credit - PEP.PH, Fanny Serrano Creation)

RANDOMEMA: HarshTags

From Cap A to Cap B ang inilaki ng aking man boobs matapos ang ilang lamunan sessions. Stress eating yata ang tawag dito since uber na naman sa dami ang mga isyung mapanakit sa aking wonderful bangs. Meron din namang sakto lang. Walang masyadong full blast in terms of happiness.

Sa katunayan, walang worth na maging inspirasyon para makapagsulat. Taragis 'yan!

Upang maitawid ang sabaw mode, let me enumerate random memanotes...


1. Tapos na ang Star Magic Ball 2013. Ang pinakamaningning na bituin...

#IsangDangkalNaGanda

2. Upang matiyak ang seguridad ni Napoles at hindi mawala ang atensyon ng publiko sa Pork Barrel Scam, gaganapin ang hearing ng Sandigan Bayan sa Barangay Sta. Barbara,  Zamboanga. #GawingHumanShieldSiNapoles

3. Gets ko na kung bakit wala nang traces ni Hanna Montana si Miley Cyrus ngayon. Kaka-relate much ang pagrerebelde dahil sa hindi matanggap na break-up! Ouch lang!

#NasaDilaAngPuwersa

4. Hustisya para kay Kristelle Davantes na isang advertising executive na pinaslang. At large pa rin ang mga suspek at may reward na P2M sa kung sino ang makakatulong sa paghuli sa mga kininam na halang ang bituka. #LookAround #BakaMayAlamKa


5. Pinag-aaralan na ang pagtatayo ng Subway sa Metro Manila. Kaya lang hindi alam kung paano sisimulan. Ang Traffic kasi! #WishfulThinking 

6. More deny to death si Sen. Juan Ponce Enrile na may blessing niya ang mga transactions ng kanyang former chief of staff Gigi Reyes involving Janet Lim-Napoles and the ghost NGOs. WOW! #PorkBarrelMoDiba #SinongNilolokoNito

7. Bad trip! 1st Runner Up lang ang Peyups sa 2013 UAAP Cheerdance Competion. Pero okay lang kasi NU (Nat'l. University) naman ang Champion. 1st time nila! Who are they cheering for anyway? #NeverHeard #BitterLang

#NapulotSomewhere

8. PNoy just signed Anti-Bullying Law. This will give mandate to schools to conduct rehabilitation programs for victims of bullying. #GoodJob #ButiNaLangWalaNungTimeKo

9. 3rd and 4th Reading na lang, pasado na ang FOI (Freedom of Information) Bill. Tagal na niyan! Pakibilis naman! Sa kabilang banda, will transparency make our government officials honest? #MalakingGoodLuck #ExcitedMuch

10. Nalalapit na ang mapangahas na pagtatapos ng 'My Husband's Lover'... Eh ano naman? #SadAngCBCP

Kayo? Ano ang mga random moments mo lately?

PBO's Bazaar for a Cause

Kami po ay muling lumalapit sa inyong butihing puso.


Sa mga walang sawang sumusuporta sa Pinoy Bloggers Outreach, nais po naming ipaalam na kami ay magkakaroon ng ikalawang Bazaar for a Cause.


Maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod na numero:

SMART: 0999 - 8861796
GLOBE: 0906 - 3617505
SUN:      0925 - 8736967

MANA NI BUNSO

Ang tapang mo Ama’y kanlungan ko’t lakas,
Handa ‘kong harapin ang hamon ng bukas;
Hagupit man ng unos ang sa aki’y iparanas,
Baon ay prinsipyong sa angkan ay likas.

Ang kalinga mo Ina ang sa aki’y nagturo,
Mahalin ang kapwa, gamitin ang puso;
Ang angking pagkatao, ngayon ay buo,
Malawak na unawa, nakaukit sa dugo.

Ang bisig mo Kuya ang naging kapitan,
Saan man tumungo, anuman ang daan;
Ibinihagi mong aral mula sa karanasan,
Nakasilid sa isip at palagi nang tangan.

Ang hagod mo Ate ang siyang nagpadali,
Mga bigat sa dibdib, ikaw ang nagpawi; 
Ngiti’t pasasalamat na ‘di kayang ikubli,
Ginintuan mong asal, nakatanim sa lahi.

Ako si Bunso, huli man sa henerasyon,
Ikarangal ang tahanan ang alay ko’t misyon;
Sa aking mamanahing bukas at ngayon,
Taas-noo sa yaman – malinis na reputasyon.


Ito ang aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 5.


When Iskwater Meets Amphie of Modernong Pluma

Talentadong kwentista ang ating panauhing pandangal ngayong buwan ng Setyembre. Quality not quantity ang kanyang blogging style dahil hindi man siya madalas maglimbag ng kanyang mga obra, tiyak namang de kalibre ang katas ng kanyang malulusog na brain cells. Minsan mahalay.

Pinag-isipan... Mabangis... May saysay... ilan sa mga salitang naglalarawan sa mga kwentong naibahagi ng aking tampok na blogero.

Napakapalad ko dahil nagkaroon ng pagkakataong makahuntahan ang astig na nilalang na utak sa likod ng...

modernong pluma

Halina't mas kilalanin natin siya...

Full Name: Amphie Garcia
Age: 25
Sex:  Everyday, este Every night.
Location: Mandaluyong
Civil Status: Married
FB E-mail Address: Modernong-Pluma FB Page
Twitter Account: @modernongpluma


Ang aming munting daldalan...

Kumusta ka naman? 
Oks! Pangarap pa ring pumuti tsaka tumaba.

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed? 
Akala ko yayayain ako pumunta sa PBO, nag-isip agad kung saan uutang ng pamasahe. Nagulat, na-excite, natuwa, naisip ding maraming readers sa iskwater kaya medyo nahiya.

What’s with the blog name, “ModernongPluma”? 
“Wankero” ang unang name ng blog ko. Wanker ako sa Camfrog. Doon din base 'yung unang kwentong sinulat. Bihira ang dalaw ng chiks kaya napilitang magpalit. Kapag sinabing nagsusulat, madalas isipin, literal na nagsusulat. Gumagamit ng panulat. Nagtatayp ako at hindi nagsusulat sa papel. Keyboard ang modernong pluma ko.

When did you start blogging?
November 2010. September sa Tristancafe unang nagpost.

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging? 
Si Ayekaru. Sumulat ng Cabal FanFic na “Two worlds existing as one” Nagpa-autograph ako d’yan. Pinuntahan ko sa bahay nila kasi magkapitbahay lang kami at magkababata hehe.

Ano ang iyong most favorite post so far? Why? 
Jolly Jeep. Ang jolly jeep ang tanging lugar na nakikita kong pantay-pantay ang lahat ng tao. Nakakurbata man o naka-sando, lahat nakatayo at walang upuan.

What are the challenges bilang isang bagitong blogger? 
‘Yung walang mai-kwento. Bihira ako mag-random post. Kadalasan short stories. Kaya kung walang masulat, nagpo-porn na lang.

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba. 
Hindi ko rin alam. Sumusulat lang ako for the sake of having fun. Kung hindi na ko masaya, tigil na.

Wafu ba?

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why? 
Ayekaru, Panjo, and Me (Baka wala nang mag-idol sakin kung di ko pa i-idol sarili ko) .Mahusay silang dalawa. Nagsusulat ng hindi naghihintay ng kapalit. Walang pakialam kung may magbabasa o wala. Nang-chichiks kahit mga taken na.

Ano ang iyongpinaka-unforgetable experience as a blogger? 
Nakasali sa Saranggola Blog Awards. Makita ko lang 'yung entry kong nakahanay sa mga malulupit, kahit walang magbasa, sobrang okay na.

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano? 
Wala naman siguro. Kung meron man, ‘yung “copyright 2009” na lang. Nariyan na ang blog ko dehins pa ko nagsusulat.

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry? 
Naghahanda ng yosi. Minsan nagkakape, minsan hindi. Minsan nagbabasa muna ng gawa ng iba then puputulin sa kalagitnaan. Nag-iiwan kasi sa ‘kin ‘yun ng urge para magsulat. Sa preparation ng kwento, inuuna ko ang ending. Palabok ang umpisa.

For you, paano mo masasabing ang isang post ay worth reading? 
Kapag naka-nganga ka sa ending ('Yung tipong napa-wow, iba kasi yung naka-nganga na hindi naintindihan ‘yung binasa).

Chickboy?

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo. Why? Why not? 
Madalas. Kapag nahulaan ko na ang ending.

Anung comment and hindi mo malilimutan? 
‘Yung mahabang kumento sa isang nobela. Gagawin n’ya raw akong xmas tree. Kaso nawala nung naglipat ako ng disqus.

Sino ang pinaka-favorite mong commentator? 
Si Reily. Laging present. Parang may sahod.

What do you hate most about blogging? 
Wala pa naman.

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?  
Hangga’t may kwentong pwedeng isulat.

What will make you quit blogging? 
Kapag wala ng maisulat.

How do you want to be remembered as a blogger? 
Si Amphie ng Modernong Pluma. ‘Yung tamad magbasa pero masipag magsulat, naks!

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin? 
Huwag lang puro basa. Sulat sulat din ‘pag may time. May time ka ba? Sulat na!

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater? 
Parang tindahan na sari-sari ang laman. May mabili ka mang expired, luma, o singaw na, e ayos lang basta’t may seksing tindera!

Iskwater ka ba?Bakit? Why not? 
Oo. Lumaki akong tumataya ng ending, pero hanggang ngayon ‘di pa rin tumatama.

BumaBlack and White

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapamilya
Jollibee o McDo? McDo
Boxers or Brief? Boxers
Lights On o Lights Off? Lights Off
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Kiray
Hinaharap o Behind? Behind
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Magandang Tanga
Younger or Older? Older
Payat o Mataba? Payat
Smoke or Drink? Smoke
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Sex without Kiss. Alam na!
Mabilisan or Take your Time? Take your time.
To Eat or To Be Eaten? To eat.
Madam Auring o Aling Dionisia? Madam Auring
Maikli o Mahaba? Mahaba.
---o0o---

Naging payak ang aming naging pagniniig maikling usapan. 
The shortest interview by far. Nakakabitin? 
Hindi. Nabilaukan pa nga ako sa mga masustansya niyang sagot. 
Simple pero Rock! 

Ating dalawin ang kanyang tambayan at galugarin ang mga kapanapanabik niyang mga kwento. Tulad ko, hahanga at mapapanganga kayo sa bangis ng kanyang panitik. Seryoso.

(click click din 'pag may time)






“Walang tutulong sa isang pipi na maintindihan siya, kung hindi sya magmumukhang tanga sa pagkumpas ng kanyang mga kamay.”