MANA NI BUNSO

Ang tapang mo Ama’y kanlungan ko’t lakas,
Handa ‘kong harapin ang hamon ng bukas;
Hagupit man ng unos ang sa aki’y iparanas,
Baon ay prinsipyong sa angkan ay likas.

Ang kalinga mo Ina ang sa aki’y nagturo,
Mahalin ang kapwa, gamitin ang puso;
Ang angking pagkatao, ngayon ay buo,
Malawak na unawa, nakaukit sa dugo.

Ang bisig mo Kuya ang naging kapitan,
Saan man tumungo, anuman ang daan;
Ibinihagi mong aral mula sa karanasan,
Nakasilid sa isip at palagi nang tangan.

Ang hagod mo Ate ang siyang nagpadali,
Mga bigat sa dibdib, ikaw ang nagpawi; 
Ngiti’t pasasalamat na ‘di kayang ikubli,
Ginintuan mong asal, nakatanim sa lahi.

Ako si Bunso, huli man sa henerasyon,
Ikarangal ang tahanan ang alay ko’t misyon;
Sa aking mamanahing bukas at ngayon,
Taas-noo sa yaman – malinis na reputasyon.


Ito ang aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 5.


20 komento:

  1. Ang aga magpasa ng entry ah :))

    Goodluck!

    TumugonBurahin
  2. Ang bilis ah! May Entry ka na agad.

    Goodluck Senyor!

    TumugonBurahin
  3. yeeyy!! SBA na!! tagal ko pala nawala.. goodluck kaibigan ^__^ husay!

    TumugonBurahin
  4. naks bilig ng entry sir ah ^_^

    Good luck po! nais ko din sana sumali kaso wala ako
    sapat na kaalaman sa ganyang larangan hehe.. support nalang ako ^_^

    ganda din ng gawa mo ser, thumbs up! hehe

    TumugonBurahin
  5. Ang ganda. Good luck senyor. The importance of a family:)

    TumugonBurahin
  6. early bird senyor! hehe :) tunay na kayaman ang pamilya.

    Good luck! :)))))

    TumugonBurahin
  7. Nice one senyor! Hope you get to the top!

    TumugonBurahin
  8. Panalo na yan!
    Kuhang kuha mo Senyor:)

    TumugonBurahin
  9. gudluck sa entry.

    sa ibang category me sasali, di ko niche ang tula eh. heheh

    TumugonBurahin
  10. nice! ganda ng message ng tula mo.. God bless!

    TumugonBurahin
  11. This is it Pancit! Hope you nail it :D Good luck sayo...

    TumugonBurahin
  12. kumakatawan sa bawat miyembro ng tahanan ang ipinamalas mo dito,mahusay ang pagpapanday ng bawat salitang magkakatugma, nangulangan ako ng kaunti,at sa palagay ko may mga akmang salita dapat mong ginamitdito para mas lalong kuminang ang nais mong ipahiwatig...

    lahat lahat,pasado naman sa akin :)

    from:
    -masugid na tagatingin-

    TumugonBurahin
  13. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com



































    Kumusta Selina



    ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.

    Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.



    AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...