When Iskwater Meets Amphie of Modernong Pluma

Talentadong kwentista ang ating panauhing pandangal ngayong buwan ng Setyembre. Quality not quantity ang kanyang blogging style dahil hindi man siya madalas maglimbag ng kanyang mga obra, tiyak namang de kalibre ang katas ng kanyang malulusog na brain cells. Minsan mahalay.

Pinag-isipan... Mabangis... May saysay... ilan sa mga salitang naglalarawan sa mga kwentong naibahagi ng aking tampok na blogero.

Napakapalad ko dahil nagkaroon ng pagkakataong makahuntahan ang astig na nilalang na utak sa likod ng...

modernong pluma

Halina't mas kilalanin natin siya...

Full Name: Amphie Garcia
Age: 25
Sex:  Everyday, este Every night.
Location: Mandaluyong
Civil Status: Married
FB E-mail Address: Modernong-Pluma FB Page
Twitter Account: @modernongpluma


Ang aming munting daldalan...

Kumusta ka naman? 
Oks! Pangarap pa ring pumuti tsaka tumaba.

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed? 
Akala ko yayayain ako pumunta sa PBO, nag-isip agad kung saan uutang ng pamasahe. Nagulat, na-excite, natuwa, naisip ding maraming readers sa iskwater kaya medyo nahiya.

What’s with the blog name, “ModernongPluma”? 
“Wankero” ang unang name ng blog ko. Wanker ako sa Camfrog. Doon din base 'yung unang kwentong sinulat. Bihira ang dalaw ng chiks kaya napilitang magpalit. Kapag sinabing nagsusulat, madalas isipin, literal na nagsusulat. Gumagamit ng panulat. Nagtatayp ako at hindi nagsusulat sa papel. Keyboard ang modernong pluma ko.

When did you start blogging?
November 2010. September sa Tristancafe unang nagpost.

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging? 
Si Ayekaru. Sumulat ng Cabal FanFic na “Two worlds existing as one” Nagpa-autograph ako d’yan. Pinuntahan ko sa bahay nila kasi magkapitbahay lang kami at magkababata hehe.

Ano ang iyong most favorite post so far? Why? 
Jolly Jeep. Ang jolly jeep ang tanging lugar na nakikita kong pantay-pantay ang lahat ng tao. Nakakurbata man o naka-sando, lahat nakatayo at walang upuan.

What are the challenges bilang isang bagitong blogger? 
‘Yung walang mai-kwento. Bihira ako mag-random post. Kadalasan short stories. Kaya kung walang masulat, nagpo-porn na lang.

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba. 
Hindi ko rin alam. Sumusulat lang ako for the sake of having fun. Kung hindi na ko masaya, tigil na.

Wafu ba?

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why? 
Ayekaru, Panjo, and Me (Baka wala nang mag-idol sakin kung di ko pa i-idol sarili ko) .Mahusay silang dalawa. Nagsusulat ng hindi naghihintay ng kapalit. Walang pakialam kung may magbabasa o wala. Nang-chichiks kahit mga taken na.

Ano ang iyongpinaka-unforgetable experience as a blogger? 
Nakasali sa Saranggola Blog Awards. Makita ko lang 'yung entry kong nakahanay sa mga malulupit, kahit walang magbasa, sobrang okay na.

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano? 
Wala naman siguro. Kung meron man, ‘yung “copyright 2009” na lang. Nariyan na ang blog ko dehins pa ko nagsusulat.

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry? 
Naghahanda ng yosi. Minsan nagkakape, minsan hindi. Minsan nagbabasa muna ng gawa ng iba then puputulin sa kalagitnaan. Nag-iiwan kasi sa ‘kin ‘yun ng urge para magsulat. Sa preparation ng kwento, inuuna ko ang ending. Palabok ang umpisa.

For you, paano mo masasabing ang isang post ay worth reading? 
Kapag naka-nganga ka sa ending ('Yung tipong napa-wow, iba kasi yung naka-nganga na hindi naintindihan ‘yung binasa).

Chickboy?

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo. Why? Why not? 
Madalas. Kapag nahulaan ko na ang ending.

Anung comment and hindi mo malilimutan? 
‘Yung mahabang kumento sa isang nobela. Gagawin n’ya raw akong xmas tree. Kaso nawala nung naglipat ako ng disqus.

Sino ang pinaka-favorite mong commentator? 
Si Reily. Laging present. Parang may sahod.

What do you hate most about blogging? 
Wala pa naman.

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?  
Hangga’t may kwentong pwedeng isulat.

What will make you quit blogging? 
Kapag wala ng maisulat.

How do you want to be remembered as a blogger? 
Si Amphie ng Modernong Pluma. ‘Yung tamad magbasa pero masipag magsulat, naks!

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin? 
Huwag lang puro basa. Sulat sulat din ‘pag may time. May time ka ba? Sulat na!

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater? 
Parang tindahan na sari-sari ang laman. May mabili ka mang expired, luma, o singaw na, e ayos lang basta’t may seksing tindera!

Iskwater ka ba?Bakit? Why not? 
Oo. Lumaki akong tumataya ng ending, pero hanggang ngayon ‘di pa rin tumatama.

BumaBlack and White

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapamilya
Jollibee o McDo? McDo
Boxers or Brief? Boxers
Lights On o Lights Off? Lights Off
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Kiray
Hinaharap o Behind? Behind
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Magandang Tanga
Younger or Older? Older
Payat o Mataba? Payat
Smoke or Drink? Smoke
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Sex without Kiss. Alam na!
Mabilisan or Take your Time? Take your time.
To Eat or To Be Eaten? To eat.
Madam Auring o Aling Dionisia? Madam Auring
Maikli o Mahaba? Mahaba.
---o0o---

Naging payak ang aming naging pagniniig maikling usapan. 
The shortest interview by far. Nakakabitin? 
Hindi. Nabilaukan pa nga ako sa mga masustansya niyang sagot. 
Simple pero Rock! 

Ating dalawin ang kanyang tambayan at galugarin ang mga kapanapanabik niyang mga kwento. Tulad ko, hahanga at mapapanganga kayo sa bangis ng kanyang panitik. Seryoso.

(click click din 'pag may time)






“Walang tutulong sa isang pipi na maintindihan siya, kung hindi sya magmumukhang tanga sa pagkumpas ng kanyang mga kamay.” 


18 komento:

  1. Matagal ng nasa blogroll ko ang Modernong Pluma. 'Yung mga maikling kwento ng blog ni sir Amphie ang isa sa inspirasyon ko para gumawa ng sarili kong kwento dati mas komportable ako sa essay type of blogging pero pwede rin palang payabungin ang tipo ng pagsusulat at 'yung mga kwento sa MP malulupit 'yun kaya lang 3 months na walang update eh, siguro busy sa pag-ibig si Sir Amphie, haha.

    Masaya ang interview parang magkabarkadang nagkukwentuhan lang.
    Dami ko nakikilala sa mga interview sa mga blogger behind their blog thru this. Thanks. Senyor! Sulat ka ulit sir Amphie, naiinip na kami?

    TumugonBurahin
  2. I find his posts really humorous, and with the twists at the end, luv it!

    TumugonBurahin
  3. Aba! Si Kapogi pala andito sa Kwentong Iskwater. As usual astig mga sagot! Yan si Ser Amphie! Dalaw na mga Ka-bloggers sa kanyang lungga!

    TumugonBurahin
  4. recommended! idol ko tong isang toh! ang galing magsulat mapa-short stories oh series.. see it for yourself..dalawin nio blog nya ;)

    TumugonBurahin
  5. isa sa mga blogero na sinusubaybayan ko ng hindi ako nagkokomento dahil speechless ako lagi sa mga posts nya

    TumugonBurahin
  6. Parang tito boy lang ang peg! hehehe!

    TumugonBurahin
  7. shet wankero sa camfrog hhahahaha , follow ko nga siya

    TumugonBurahin

  8. tristancafe di ba ito yung sikat na tambayan ng mga opm music dati kung di ako nagkakamali!

    gusto ko itong sagot niya,‘Yung tamad magbasa pero masipag magsulat'.

    TumugonBurahin
  9. Kung hindi na masaya (sa pagsusulat), eh di tigil na...
    (Yes, ganyan din siguro ako...)
    Pero hanggang may time at may purpose pa, tuloy pa rin...

    TumugonBurahin
  10. Ahahaha, same kami dun sa method nya sa pag-i-skip read. *evil grin*

    Payat ba siya? mukhang malusog naman ah XD

    Nice interview portion Senyor!

    TumugonBurahin
  11. Super helpful talaga ng portion mo na to.. kase naghahanap dn ako ng mga bagong mafofollow.. thank you for recommending blogs na may laman... (:

    TumugonBurahin
  12. parang first time ko sya ma-encounter. wil check!

    TumugonBurahin
  13. salamat ka-poging Senyor! advance thank you na din sa mga magtitiyagang maglamay sa blog. may libreng kape sa bawat balik :D

    TumugonBurahin
  14. Sigurado sulit ang pagdalaw niyo sa blog niya!
    Amphie yan eh.. :)
    Nice feature Senyor!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...