SAY NO TO DRUGS... and LOOM BANDS!

Dahil nasa mood akong mambasag ng trip ng iba, hear me out here!



Let's talk about LOOM BANDS. Trip mo ba ang all of a sudden popularity ng mga kininam na mulit-colored lastiko? 

'Di ko gets! Why oh why? Obsession to the highest level!

Walang benefits. Pang-jejemon. Waste of time and money. KALOKOHAN!
Mas maiintindihan ko kung mga kids lang ang hayuk. May mga bilat pang pauso at sinasama sa jeje fashion statement nila. And look around, all ages na biktima ng pakana ng mga kapitalistang panginoon ng komersyalismo. Katarantaduhang kontrabando ang hinayupak na pausong rainbow looms! Yikes!

Wait, eh kung makachamba ng made in China tapos may lason pala? Jackpot! 


If I know, majority ng mga humaling na humaling eh nakikiuso lang naman. Dahil trending at para maging 'in', go lang ng go. Push n'yo 'yan mga teh! Kunsabagay, it's better than doing drugs. 
Shucks! Thant's the only benefit. BETTER THAN DOING DRUGS! Pero sa gastos at level ng addictive factor, it's a tie!

Kinginameij, uso kasi!!!

Wala namang masamang sumabay sa uso pero this one, Shit lang!

#HaterAngPeg

PASA LOAD

Hindi ka kumibo nang sabihin kong baka ito na ang huli nating pagkikita. Ilang segundong tingin lang ang tugon mo. Hindi ko alam kung okay lang sa'yo o hindi ka lang naniniwala. Baka nasanay ka na sa walang katapusan kong drama. 

'Yun na ang huli nating pagkikita at pag-uusap.

Habang isa-isa kong binubura ang mga text messages mo, isa-isa ring nanunumbalik ang mga ngiti at kilig. Pampalubag-loob ang panandalian at pansamantalang saya. Hindi man naging happy ending, okay na rin 'yung minsan kong inakalang totoo ang ever after. 

Hanggang ngayon ay hindi ako sigurado kung isang malaking joke ang namagitan sa atin. Kung anu't anuman, ayaw ko na ring malaman. Nakakatakot lang at baka hindi pabor sa akin ang katotohanan. 

Kaninang umaga pagkagising, isang missed call mula sa'yo. Dinelete ko ang mga texts messages at contact mo sa phonebook ko pero kabisado ko pa pala mga numero mo. Uy, naalala mo 'ko.

Isang malaking tanong ang pagpaparamdam mo. Na-miss mo ba 'ko o paubos na ang load mo?