YES or NO to Year-End Post

Bakit dapat may year-end post?
-sabay sa uso o taunang panata
-pandagdag post
-perfect time to assess 2013
-heads up to new followers and readers
-redemption from long-time hiatus
-setting the tone of the upcoming year
-recognizing the 2013 accomplishments
-sharing the things you learned 

Bakit hindi kailangan ang year-end post?
-dahil wala namang bago
-kaumay lang
-sayang sa time and effort
-nakalipas na so move-on!
-walang magandang memory ang 2013
-walang may interes na malaman
-hindi kakapulutan ng aral
-karugtong lang ng sabaw-serye moments

Timbangin ang bigat ng bawat dahilan bago gawin.

May year-end post ka na ba?

Mga Astig na Bloggers of 2013

Naging mapalad ang inyong lingkod na magkaroon ng engkuwentro sa ilang mga hinahangaang personalidad sa blogging world. Astig dahil I can say, I became friends to all of them (assuming). Kaya naman bago magtapos ang taong ito, ikinararangal kong muli silang bigyang pugay. Slow clap naman d'yan!

Let me present my Calendar Boys and Girls this year.

JANUARY

FEBRUARY

MARCH
Lili of Thinking Out Loud
Woman of Substance

APRIL

MAY
JH Alms of The Karakas: Salaula sa Tinta
Indie.

JUNE
Essa of Babae Pala Si Satanas
May Bayag.

JULY

AUGUST
Marge of Coffehan
Total package.

SEPTEMBER

OCTOBER

NOVEMBER

DECEMBER
My Photo
The one that matters.

Ang mga panayam sa mga taong ito ay nagbigay ng kulay sa akin ngayong taon.
Maraming salamat sa kanilang pagpatol.

You wanna know my favorites sa 12?
Ikaw muna...

All I Want For Christmas 2013

Hindi naman ako mahilig mamburaot ng mga tropa o kamag-anak para mabigyan ng regalo. Kahit nga wala, sakto lang. People person kasi ako so mas okay sa akin ang gift of friendship.Anlaki kong sweet diba???

At dahil na-TAG ni Kagandahang Marge ng Coffeehan, allow me to present my wishlist for this year. Para kasing chain letter ang ganitong kalakaran. 'Pag hindi mo naipasa, something bad will happen. In this case, mamalasin ang 'yong sex life ng 7 years! Afraid, ayt?

Sabi ulit ni Marge, 'eto ang mga rules (ang arte lang diba?):


  1. Make a post entitled, "All I Want For Christmas 2013," and please use the photo above.
  2. List 6 things that you want to receive as a gift.
  3. Tag 3 friends who will make the same post (no tag backs).
  4. Send me the link so I could check it too (optional).


So, ito na ang aking wishlist:

1. MALAKING ALKANSYA - dahil pangarap ko ang makaipon ng maraming coins... Never ko pa kasing nagawa! Seriously, nais ko lang matutong mag-ipon starting 2014. I'll start with loose change.


2. SOCKS - Why? I just love socks and everything that sounds like... socks! Gusto ko 'yung colorful! Maiba lang!


3. 2014 Desk Calendar  - Dahil makakalimutin, dapat meron nito sa harap ko everyday.

4. BELT - Anything black. Size? If you're a friend, you should know.
5. PERFUME - Basta original at for Men.


6. WORLD PEACE!

'Yan ha... Alam na! Hindi talaga ako high maintenance! I am not even begging my friends to give me gifts dahil alam ko namang may kusa sila.

The tagging starts now... 3 lang daw so I'm choosing...

Para madali, 'yung last 3 bloggers I featured na lang!



and



Halina at magpatulan!!!

My Other Half (Brother)

Dahil Merry Christmas and a Happy New Year, I am inviting everyone to support this event...



Be there! What's the catch???
My half brother is one of the Divas and since there's SOCIAL MEDIA CHOICE AWARD, I badly need your support... Check the link below and please like. 


Ibalato niyo na sa akin 'to. Pasko naman! 
Okay lang ba?

Hush.. hush... Ang kanyang 'before' picture with his current BF sa left...


Again, please check this FB link and LIKE LIKE LIKE din 'pag may time!



SELFIE ba ang gusto mo?

Masisisi ba kita kung gandang-ganda ka sa sarili mo? Gusto mo 'yan so i-push mo lang!

Sige lang at mag-selfie ka multiple times a day. Kung 'yan ang daan sa katuparan ng mga pangarap mo, GO lang! Pero please lang... Maawa ka naman sa mga FB friends, IG o Twitter followers mo. Be aware na minsan, nakakapanira ka ng araw.

Ang ilan sa mga sumusunod ay gabay na dapat tandaan ng mga selfie addicts...

1. 'Wag Uber Filter
Ang simpleng filter o very light na adobe photoshop ay nakakatulong upang mas maging photogenic pero sana naman, ilapit sa katotohanan. Kilala ka ng mga friends mo so there's no use na pakinisin ang kutis mong pangmasa. 'Wag magbigay ng false hopes sa iba. Ikaw rin, may balik 'yan!

2. 'Wag Abusado
Ok lang kung twice o 3 times a week pero kung araw-araw ang pagpost, may tawag jan - nakakaumay! Oh yes, nakakaumay ang labis na pagmamahal sa sarili!

3. 'Wag off ang timing!
Oh please, iwasan ang magselfie sa gitna na isang disastrous calamity. It's not all about you! Alamin kung kailan titigil. Kung ayaw masabihang attention whore, umarte ng tama.

4. 'Wag Puro Close Up Shots
May binabagayan ang close up shot: kung wala kang pores, uber kinis o perfect ang placements ng mata, ilong, lips, etc. Alamin ang tamang anggulo at para safe, 'wag masyadong ibandera ang pagmumukha lalo na't wala ka namang admirers. 
5. 'Wag Laging Wacky
Dapat may variations ang shots ng mga selfies. Bagay ang wacky shots sa mga taong may sense of humor sa totoong buhay. Hindi masama ang paminsan-minsang sadyang pagpapapangit ng sarili pero hindi magandang libangan. Baka maihipan ka ng masamang hangin at maging permanent.Sige, duck face pa!

6. 'Wag Pamigay Katawan
Unless frustrated porn star, ang pagbibilad ng katawan ay sintomas ng pagiging pamigay. Totoo ang kasabihan, 'If you have it, flaunt it...' Pero please lang, sana wholesome all the time at 'wag gawing libangan. Kung wala kang ganda, malamang ay kabilang ka sa HiponSociety.org.


 7. 'Wag Magkalat
Mag-decide kung sa FB, Instagram o sa Twitter account ipopost ang selfie. Sa isang account lang hangga't maaari. Why? Basta lang. Para hindi flooding.


May idadagdag ka ba?

When Iskwater Meets Sumi Go of The Purple Doll

Ispeyshal ang month of December dahil sa bigating panauhin sa aking tambayan. Ang binibining blogger sa likod ng one of the 100 Pinoy Blogs That Matter of 2013
Heto pa, ilang beses na rin siyang naging panelista o guest reviewer sa Pop Talk ng GMA News TV. Astig, diba?

Walang duda at may puwang talaga siya sa daigdig ng blogging. I had a chance to meet her in person at sobra - walang ere, angelic at super magaan kausap ang taong 'to!

Her blog has been my reference sa mga hit na chibugan sa Metro Manila. 
So far, spot on and useful ang kanyang mga reviews. 

Halina't mas kilalanin natin ang pretty chinta food blogger ng Malabon City.


My Photo

Full Name: Stephanie “Sumi” Go
Age: 22
Sex:  Female
Location: Malabon, Philippines
Civil Status: In a relationship
FB E-mail Address: https://www.facebook.com/thepurpledoll
Twitter Account: @sumirehana013
- o 0 o -
Kumusta ka naman?
Maayos naman. Medyo busy-busyhan lately, pero eto mas lumuluwag na ang schedule kaya kahit paano nakakahinga na. Haha! Kung love life naman ang usapan, maayos na maayos! ;)

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
Sa totoo lang, gulat. May mga nag-interview na rin sa akin dati as a blogger, pero ibang lebel ang interviews mo, Senyor! Halong kaba at saya para sa akin, dahil alam kong di lang about blogging ang interviews mo. Talagang lalabas ang personalities ng interviewees.

Why Food Blog?
Gaya ng marami-rami kong nakilalang bloggers, napadpad lang din ako sa niche ng food blogging. Nagsimula talaga ang “The Purple Doll” bilang personal blog – lungga ng isang kulay kong buhay, mga kakikayan, at kung anu-ano pang gusto kong ipangalandakan sa mundo. Napunta lang ako sa food blogging dahil sa walang kamatayan kong pagtatakaw.
Nung napansin kong puro food-related at restaurant reviews na ang laman ng blog ko, naisip kong mag-rebrand at gawing food blog na talaga ang “The Purple Doll”.

What’s with the blog name, “The Purple Doll”?
Favorite color ko kasi talaga ang purple, kahit parang naging pink-lavender-violet ang color scheme ng blog ko. Toinkz!
Like I mentioned, di ko talaga intended gawing food blog ang “The Purple Doll” kaya nung bumili ako ng domain, naisip kong i-take on ang dainty identity na ito. Plano ko pa nga dati, magpost ng mga make-up looks at reviews saka gumawa ng mga OOTDs.

Eat. Play. Blog... and eat gain?

When did you start blogging?
'Yung totoo, 2005 pa lang nagba-blog na 'ko. Remember 'yung blog feature ng Friendster? Dun ako nagsimula. Then, nasundan ng Livejournal, Blogspot at Multiply. Yun nga lang, dati parang online diary ko lang ang blogging para sa akin. If curious kayo, may latak pa yung mga luma kong blog. You can read them for the lolz. (Here and here.) Haha!   

Noong 2008 or 2009 ata, alam ko gumawa ako ng blog, ThePurpleDoll.com. Self-hosted Wordpress pa yun ah! Yun nga lang, nagka-server issue ang host ko at *poof* nawala na ang blog ko. Noong 2011 habang nag-aantay ng college graduation, naisip kong magblog ulit. Gusto ko sana buhayin ang ThePurpleDoll.com, pero ang mahal na sobra ng domain. (Eto tip, ‘wag niyong pababayaang mag-expire ang domain niyo nang matagal. More often than not, ‘pag gusto niyo na ulit buhayin, overpriced na.)
As you can guess, .net nalang binili ko para mas mura. Haha!


Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
No doubt, it’s my love for writing, photography and graphic/web design! Lahat kasi ng ito magagawa ko sa blogging. Siguro dati, love for writing lang (circa 2005). Pero ngayon, tinitingnan ko na ang blogging as my creative outlet.

Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
Naku, mahirap ‘to for me. Sa totoo lang, wala akong favorite post sa blog ko. Equally kong mahal bawat restaurant reviews at random posts dahil bawat isa sa kanila pinaggugulan ko ng oras at effort di lang sa pagsusulat at photo post-processing, pati na rin sa coding.
Sa kabilang banda, tingin ko wala pa kong favorite talaga dahil para sa akin wala pa akong post na masasabi kong influential o inspirational. Ito yung reason kung bakit nakukulangan pa ako sa blog ko. Siguro dahil sa pagiging trying hard kong maging objective at diplomatic, nawawala ang personal touch.
Live Green. Start with your Hair!

What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Aside from getting people to notice your blog, I think personally, ito ang biggest problem ko…
Writer’s block. Sa niche kong food and restaurant reviews, malabo akong maubusan ng topics at potential content dahil araw-araw naman akong kumakain – lutong bahay, fast food, restaurant dishes, etc. Yun lang, dahil madaming material available, mas natatambakan ako at gabundok na ang backlog ko. Haha! Isama mo pa diyan ang stress at kawalan ng oras on certain days… Kahit gusto kong magpost ng bagong entries, may mga instances lang talagang di ko magawa.

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Considered niche ko na ata ang food blogging. But I think with The Purple Doll, I might delve more into lifestyle.
As a blogger naman in general, gusto kong maging active sa personal blog ko – Sumi-Chan.Me. Dito ko susubukang mas magpakatotoo and just write about anything under the sun. Masyado na kasing diplomatic ang tone ko sa The Purple Doll.

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
XiaXue. She’s a controversial blogger in Singapore, with many fans and as many haters. Kahit iba ang niche niya, her honesty and straight-forwardness make me admire her. It’s these values that I want to embody too as a blogger.
Lizzie of Pretty-Ugly. This girl is such a badass, and a dainty lass at the same time. Every entry has a dash of humor and large doses of sarcasm which makes for an amusing and rofl-ing reading. She’s multi-talented too, and not to mention, pretty.
Then there’s also Leslie of Shoot First Eat Later. I know there are a lot of food bloggers in the country, but Leslie’s is the very first food blog I’ve read and followed even before I started The Purple Doll.
Bangs Kung Bangs!

Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
Pwedeng hindi lang isa? Una, ang ma-feature as guest reviewer sa Pop Talk on their “Basta driver, food lover” and “Kapitolyo Food Trip” episodes. Kahit di ko pinangarap ma-TV, nakakataba ng puso na napansin nila ang munting food blog ko. Second, ang makakilala ng mga totoong kaibigan in the blogsphere. At third, ang ma-feature dito sa blog mo, Senyor. Kahit may interviews na rin ako sa ibang blogs, ito ang pinaka-favorite ko! Wala ‘tong halong bola, okay?

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Hmm… Siguro yung ginawa kong branding sa blog ko. Dapat di ko na pinangalandakang food blogger ako at nakuntento na ko sa pagiging general/personal blogger. Ngayon kasing streamlined ako in food blogging, parang gusto kong bumalik sa bigger category para wider ang range of topics ko.

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
  1. Prepare the photos. Pinipili ko muna yung mga magagandang shots, then post-process ng konti para mas mukhang malinamnam, bago lagyan ng watermark.
  2. Upload lahat ng photos sa Flickr, then may isang photo sa TinyPic ko inuupload para yun ang official thumbnail.
  3. Write the entry at coding simultaneously. OC na ko kung OC, pero gusto ko malinis ang html ng posts ko at pantay ang photos sa text.
  4. Minsan, break muna ng ilang minutes. Check ng FB, magtitimpla ng kape, manunuod ng anime, magtetelebabad.
  5. Back to finishing the blog post.
  6. Either hit publish, or ipu-proofread ko muna bago i-publish.
Feeling blue?


For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
Kung may mapupulot ang reader dito, ito’y worth reading. Sa kaso ko, as a food blogger, dapat may nakuha man lang kahit konti ang reader ko – mga restos na magandang kainan, restos na dapat iwasan, itsura at prices ng dishes na gusto nilang i-try, address at telephone number ng establishment, etc.
As a blog reader naman, basta may impact ang post sa akin, masasabi kong di nasayang ang oras ko sa pagbabasa. Pwedeg naaliw ako, nainis, nakakuha ng aral, nakapulot ng bagong words.

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Oo naman! Pero masasabi kong bihira ko lang ginawang mag-skip read. As much as possible kasi, tinatrato ko ang bawat blog in a manner na gusto kong treatment for my own blog. So sorry sa mga blogs na skinip read ko. Talagang hindi ko lang sila kinaya!

Anung comment ang hindi mo malilimutan?
Dalawa actually. Una eh yung comment na nareceive ko nung nagsisimula pa lang akong magfood blog. Sinabihan akong gaya-gaya sa photography style. Di ko talaga naintindihan yung point ng commentor, kasi wala naman siyang definition ng ginaya kong style. ‘Pag ba si Blogger A eh mahilig mag-crop ng photo, at nag-crop ka rin, eh considered gaya-gaya ka na? Nung tinanong ko siya na paki-elaborate, di naman nagreply. Personally, I appreciate feedback from my readers ‘cause it’s their critiques that make me grow and help me improve. Pero sana, sabihin nang maayos at ‘wag parang nang-aakusa. Ika nga sa food blogging, don’t just say “It tastes bad,” or “It’s so yummy,” sabihin mo naman bakit pangit lasa o bakit mo nasabing masarap.
Yung pangalawa, di ko na ise-specify. Basta ito yung set of comments na nakaka-wow mali. Yung tipong gusto mong sabihan na, “ma’am/sir, sana di na kayo nagcomment. Napaghahalataan lang tuloy na di kayo nagbabasa.”

Kay Gandang Babae! Sino ang Nanay niya?

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Parang wala naman akong pinaka-favorite. Lahat naman ng nagcocomment sa blog ko, gusto ko. Kahit yung mga napilitan lang magcomment, ginugusto ko na rin. XD
What do you hate most about blogging?
The drama. Di man ako nagcocomment about certain issues within the blogsphere, nakakarindi lang marinig minsan. Pero what can we do? Sa lahat naman ata ng fields hindi ito mawawala.

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
Hangga’t kumakain pa ko, magba-blog pa ko… Sana. Realistically though, hangga’t kaya ko ipasok sa oras ko. 

What will make you quit blogging?
‘Pag wala na ‘kong oras.

How do you want to be remembered as a blogger?
'Yung magandang food blogger. Charot! Hahaha! Seriously, simple lang… as The Purple Doll. 

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Thank you to each and every one of you. Nagsimula akong magblog para lang aliwin ang sarili ko. Di ko naisip na magkaka-readers ako. Thank you sa support, sa visits and sa comments. Hopefully, we’ll have a longer and stronger bonding. I’ll definitely try to make The Purple Doll a better blog!

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Masasabi kong ang iskwater ay klase ng taong mahirap maintindihan. Napaka-kumplikado at puno pa ng irony. Masaya kahit salat, may kotse kahit walang lupa, mabait pero bastos, praktikal pero magastos.

Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Sa superficial na pananaw, hindi. Pero base sa definition ko ng iskwater, oo. Nabubuhay ako na puno ng irony. Pilit ko mang magpaka-sosyal, jologs pa rin ako. Matipid man ako sa damit at mga gamit, magastos naman sa pagkain.

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapuso.
Jollibee o McDo? McDo.
Touch or See?  See.
Lights On o Lights Off? Lights on.
Nora o Vilma? Vilma.
Mahal Mo o Mahal Ka? Mahal ako.
Face o Body? Face.
Gwapong Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong di masyadong ugly.
Younger or Older? Older.
Payat o Mataba? Payat na toned.
Smoke or Drink? Drink.
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Kiss w/o sex.
Mabilisan or Take your Time? Take your time.
To Eat or To Be Eaten? To be eaten.
Maikli o Mahaba? Mahaba.
- o 0 o -
Featuring someone like Sumi is one of my greatest blog experiences. Swabe at siksik sa sustansya ang kanyang mga sagot. Pinag-isipan at dama mong hindi pa-impress. Agree?

Please visit her blog. Now na!


Go… You wouldn’t appreciate life if you’re always too afraid.
Grow… Mistakes and failures will make you stronger, so don’t run away.
Glow… Learn to love yourself and share your radiance with others. Give meaning to your life.
- Sumi Go