Masisisi ba kita kung gandang-ganda ka sa sarili mo? Gusto mo 'yan so i-push mo lang!
Sige lang at mag-selfie ka multiple times a day. Kung 'yan ang daan sa katuparan ng mga pangarap mo, GO lang! Pero please lang... Maawa ka naman sa mga FB friends, IG o Twitter followers mo. Be aware na minsan, nakakapanira ka ng araw.
Ang ilan sa mga sumusunod ay gabay na dapat tandaan ng mga selfie addicts...
1. 'Wag Uber Filter
Ang simpleng filter o very light na adobe photoshop ay nakakatulong upang mas maging photogenic pero sana naman, ilapit sa katotohanan. Kilala ka ng mga friends mo so there's no use na pakinisin ang kutis mong pangmasa. 'Wag magbigay ng false hopes sa iba. Ikaw rin, may balik 'yan!
2. 'Wag Abusado
Ok lang kung twice o 3 times a week pero kung araw-araw ang pagpost, may tawag jan - nakakaumay! Oh yes, nakakaumay ang labis na pagmamahal sa sarili!
3. 'Wag off ang timing!
Oh please, iwasan ang magselfie sa gitna na isang disastrous calamity. It's not all about you! Alamin kung kailan titigil. Kung ayaw masabihang attention whore, umarte ng tama.
4. 'Wag Puro Close Up Shots
May binabagayan ang close up shot: kung wala kang pores, uber kinis o perfect ang placements ng mata, ilong, lips, etc. Alamin ang tamang anggulo at para safe, 'wag masyadong ibandera ang pagmumukha lalo na't wala ka namang admirers.
5. 'Wag Laging Wacky
Dapat may variations ang shots ng mga selfies. Bagay ang wacky shots sa mga taong may sense of humor sa totoong buhay. Hindi masama ang paminsan-minsang sadyang pagpapapangit ng sarili pero hindi magandang libangan. Baka maihipan ka ng masamang hangin at maging permanent.Sige, duck face pa!
6. 'Wag Pamigay Katawan
Unless frustrated porn star, ang pagbibilad ng katawan ay sintomas ng pagiging pamigay. Totoo ang kasabihan, 'If you have it, flaunt it...' Pero please lang, sana wholesome all the time at 'wag gawing libangan. Kung wala kang ganda, malamang ay kabilang ka sa HiponSociety.org.
7. 'Wag Magkalat
Mag-decide kung sa FB, Instagram o sa Twitter account ipopost ang selfie. Sa isang account lang hangga't maaari. Why? Basta lang. Para hindi flooding.
May idadagdag ka ba?
that moment na one posing style lang tapos sangkaterbang selca (self camera-ing) !!!! anampuchang parang nagtae ang camera.
TumugonBurahintrudis! tama, sana wag araw-araw ang selfies.... kakaumay yung ganun.
TumugonBurahintapos di lang sa isang social media, minsan, meron na sa fb, sa twitter at instagram, push ng push ng selfies.
bwahaha jusko may multiple ngang magselfie na mag-aala atomic bomb na sasabog sa timeline mo.
TumugonBurahinmag-selfie na naaayon sa ganda! yun lang phowz. bow!
Buti na lang hindi ako ma-selfie, siguro i-nunfollow mo na ko. :D
TumugonBurahinBtw, siguro kung may looks at katawan din ako baka maging "Pamigay shot" din ako hahaha.
Saan bang category nagfo-fall yung may mga Facebook albums na 200+ selfies ang laman? Ganito yung isang pinsan ko eh. *hahaha*
TumugonBurahinselfie tapos ang caption " i'm so ugly" or " i'm so fat" . LOL
TumugonBurahinmay binabagayan din ang selfie
TumugonBurahinito ang tamang mga panuntunan para sa mga selfie(sh) lol
TumugonBurahinTeh san mo kinuha yung extreme closeup na pic sa number 4? Naghahanap ka na naman ng away hahaha...
TumugonBurahinSpeaking of, ise-share ko tong post mo sa fb ko nang matauhan ang mga mahilig magselfie dun, charlot hahaha...
lol. I super agree sa post mo na to!
TumugonBurahinika nga nila dapat alam mo kung kailan dapat at di dapat mag selfie...
TumugonBurahinI get so annoyed by the photos of selfie queens on facebook.
TumugonBurahinYung may selfie tapos may quote na wala namang kunek sa selfie. hahaha.
TumugonBurahinPosting a Selfie with a caption: "Walang magawa"..... EH ANO YUNG GINAWA MO? MAGIC? PWE!
TumugonBurahin