Kilala niyo ba ang lalaking nasa larawang ito?
Ano sa tingin niyo?
Siya ba ay...
Adik?
Barumbado?
Kriminal?
Magnanakaw na kinuyog ng taumbayan?
Malaking pagkakakamali!
Siya ang isa sa mga labis kong iniidolong blogero. Sa unang pagbisita ko pa lamang sa kanyang tambayan, napahanga niya ako sa datingan o bagsakan ng kanyang malayang kaisipan. May likas na tapang. Indie ang vibe ng kanyang mga katha. Sa ilan niyang mga posts, nakuha niya ang aking respeto. Marapat lamang naman dahil kung may isang salita upang ilarawan ang kanyang mga akda - makabuhuluhan.
May sustansiya at pinag-isipan ang kanyang mga ibinabahaging punto de vista. Kung ang world of blogging ay hitik sa mga timawang nakikiuso, ibahin natin itong barako ng Tondo dahil para sa 'kin, angkin niya ang tunay na talento.
Mas kilalanin natin...
Full Name: JH Alms
Age: 33
Sex: male
Location: Tondo, Manila
Civil Status: happily married with three amazing mini-halimaws
FB E-mail Address: pigdandy@live.com
Twitter Account: @pigZdandy
Kumusta ka naman?
Solb lang naman. So far, walang nai-encounter na malupit na pagsubok ‘yung family. Smooth lang ang takbo ng buhay.
Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
Sa totoo lang, bago pa i-offer ‘yung interview, plano ko na ring isara ‘yung Salaula Sa Tinta and leave blogging for good. Nawawalan na ako ng gana. Nung tanungin ako ni Senyor kung pwede raw ako i-feature sa blog niya through this, I thought I want to give it a shot. This made me decide to hang on in a bit. Masaya, first time sa ganito, eh.
What’s with the blog name, “Salaula sa Tinta”?
Salaula sa Tinta, tungkol ‘to sa pagkatao ko, tsaka kung paano ako mag-isip at magbigay ng opinyon sa mga bagay-bagay. “Salaula”, ibig sabihin, walang pakialamanan kahit minsan nakaka-dugyot na ‘yung mga sinasabi ko. Para sa akin, subjective naman kasi ang mga opinyon, eh. Pwedeng may sumang-ayon, pwedeng wala, sa paraang walang pwersahan. Pero hindi ibig sabihin nun, mali ‘yung kani-kaniya nating opinyon. Hindi lang jive kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. ‘Yung “tinta” naman, I have some tattoos, mahilig ako sa vandalism, graffiti, I do sketching and painting minsan, I started my own comic strip (na hindi rin naman naituloy dahil sa katamaran), mahilig akong mag-take down ng notes dati, at any ink-related etc. ‘Pag pinagsama, “salaula sa tinta”, parang “I wanna go wild and express kung ano ‘yung paninindigan ko tungkol sa kung anu-ano through writing, in a very “free-spirited” way”... Parang ganu’n.
Katulad din nito ‘yung isang taong punumpuno ng tattoos ‘yung katawan. ‘Yung iba, pwedeng mailang, unang-unang pumapasok sa utak ng ilan, “sanggano” na kaagad. May paghatol na kaagad sa unang impresyon pa lang. Instrumento ang “Salaula sa Tinta” para sukatin ang utak ng mga mambabasa nito kung paano humusga sa lahat ng bagay. Ang kicker lang dun eh, tulad nga ng sinabi ko, subjective ang lahat ng opinion, kaya hindi rin natin pwedeng basta na lang sagasaan ‘yung ibang taliwas ang opinyon sa opinyon natin.
When did you start blogging?
2007 yata, nag-umpisa sa Friendster.
Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Nag-krus ‘yung landas ng pagsusulat namin noon sa Deviantart. Ang lulupit ng mga ‘yan.
Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
‘Yan ‘yung entry ko sa unang patimpalak na nilahukan ko sa mundo ng blogging. Inabisuhan pa ako nung pasimuno dahil sobra ako sa word count, Kailangan ko raw tapyasan.
‘Eto ‘yung “tapyasado version”:
What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Sa totoo lang, hindi ko na napapansin/pinapansin ‘yung challenges. Siguro, ‘yung “atat” na lang, na gusto kong mag-post regularly pero wala akong maisulat.
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Hindi ko iniisip ‘yung direksiyon. Kung may susundin akong ganun, mapupwersa na. Para sa akin, wala nang silbi ‘pag ganu’n.
Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Nilagay ko na sa itaas ‘yung links. Sila sina Bagyo, Tinz, Moira, at Rob, respectively. One word: Malulupit.
Ano ang iyong pinaka-unforgettable experience as a blogger?
‘Yung sa Deviantart sometime in 2008. Intense ‘yung ideas dun. Na-overwhelm ako dun.
Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Pagkatapos kong idagdag ‘yung “The Karakas” na header (“The Karakas: Salaula Sa Tinta” na ‘yung blog title ngayon). sa tingin ko, wala na akong babaguhin dun. Blog title dati ‘yun ng tumblr blog ko na sinara ko lang recently. Napansin ko, mas marami yata dun ‘yung mga bullshit at walang utak kesa sa mga matitino.
Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Bukod sa kung anu-anong pangkaraniwan nang mga preparations, kailangan ko lang paghandaan ng mabuti ‘yung ideya na gusto kong i-post. I’ll get a real life o toma na lang o kaya, kakailanganin ko nang maghanap ng tunay na kaibigan kung puro reblog lang naman ng walang kakwenta-kwentang pictures ‘yung laman ng blog ko.
For you, paano mo masasabing ang isang post ay worth reading?
Wala akong sinusunod na pamantayan, eh. Tamad ako magbasa, pero kung papansinin, ‘pag nag-comment ako sa isang post, ibig sabihin, na-entertain naman ako. Kung wala akong comment, maaaring hindi ko natapos due to some unexpected shitsnitz, nakaligtaan ko ‘yung post, or hindi lang talaga ako naging interesado.
Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Like I said, wala akong sinusunod na pamantayan, pero after reading hanggang sa second o third paragraph ng isang post eh hindi pa rin ako engaged, hindi na kailangan ang skip-read, close tab na kaagad ‘yun.
Anung comment and hindi mo malilimutan?
Honestly, wala talagang remarkable, eh.
Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Wala akong favorite, sa totoo lang. natutuwa lang ako sa ilan na bihira lang bumisita sa “salaula” pero ‘pag nagkita-kita kami, halimbawa sa isang toma session, they’re like “adre, halimaw ‘yung huli mo”. Tapos konting palitan na ng kuru-kuro tungkol dun. Mas solb ako sa ganun.
What do you hate most about blogging?
One word: TUMBLR
Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
Weird ‘to, kasi kelan lang, plano ko nang isara ‘to. But let’s see, let’s see...
What will make you quit blogging?
‘Pag ‘di ko na talaga maharap siguro tsaka ‘pag naisip ko (ulit) na wala na talagang silbi sa akin ang blogging.
How do you want to be remembered as a blogger?
Kahit sa anong paraan na lang kung paano ako maaalala ng mga nakabisita na sa “salaula”. Andun lahat ng bango, baho, katalinuhan, kabobohan, kasipagan, at katamaran ko. depende na lang sa kanila kung hanggang kelan nila aalagaan sa alaala ‘yung hanga at inis (kung meron man) nila sa akin. Pero sa tingin ko, malabo sa akin na may umabot sa puntong ganito.
Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Sulat lang ng sulat. Kung wala, okay lang. Ugaliing maging tsismoso/tsismosa minsan at makinig sa paligid. May napakaraming kwento ang paligid na naghihintay lang na maisambulat.
Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Pagkumparahin na lang natin ‘yung intelektuwalidad/survivability ng mga taong sabihin na lang nating matagal nang nasa iskwater tapos ihambing natin sa sabihin na lang din natin kayang bumili ng isang pulo sa hundred islands. Kung na-gets mo ‘yung punto ko, alam na. Apir!
Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Sa kung paano mag-isip at magbalanse ng mga bagay-bagay ang mga taga-iskwater, ‘yan ‘yung naging puhunan ko para umabot ako sa kung ano ako ngayon.
Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapuso
Jollibee o McDo? Mcdo
Boxers or Brief? Boxers
Lights On o Lights Off? Lights off
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Mahal
Hinaharap o Behind? Hinaharap
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong ugly
Younger or Older? Older
Payat o Mataba? Mataba
Smoke or Drink? Smoke
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Sex w/o Kiss
Mabilisan or Take Your Time? Take Your Time
To Eat or To Be Eaten? To Eat
Madam Auring o Aling Dionisia? Aling Dionisia
Maikli o Mahaba? Maikli
--- o 0 o ---
Nang matapos ang maikling huntahan, mas tumaas ang antas ng aking pagka-elibs kay Ginoong JH Alms... Speechless... Solb lang!
Hindi matatawaran ang aking pasasalamat dahil nadagdagan na naman ang listahan ng mga bagong kaibigang may wagas na kakayahan sa pagsusulat.
Please check out his blog and take time to back read his 'astig' works of art!!!
Click this link...
"Ang buhay ay parang sa pagmamaneho lang. Hindi lahat nakukuha sa 'Tersera' o 'Quarta' kaagad.. Kadalasan, kailangan mong mag-umpisa sa 'Primera' para mas malakas ang hatak.. Lalo na sa mga sitwasyong puro palusong at puro paakyat... - JH Alms"