Aksaya sa Oras
Kung talagang nagmamahalan, pwede namang iparamdam oras-oras o minu-minuto. Anung kalokohan ang meron sa February 14? National pabebe day lang 'to sa mga couple's na nagpapanggap na mahal pa ang isa't-isa pero ang totoo, nagkakaumayan na rin! At para sa mga nagsisimula pa lang, hindi naman tayo sure kung magtatagal kayo. Lilipas din 'yan! Oh, sige kayo na may lovelife!
Hindi Praktikal
Third world country tayo diba? Pambili na lang ng bigas eh ipambibili pa ng bulaklak, stuff toys o kung anu-ano pa! Tapos magrereklamong malaki ang witholding tax eh hindi rin naman consistent sa pagtitipid! Dapat talaga wala nang Valentine's Day! Earth Hour na lang o kaya National Ampalaya Day! Ganern!
Walang Forever
Lahat may katapusan so bakit pa uumpisahan? Bakit pa papatagalin kung wala namang kasiguruhan? 'Wag niyo kong artihan! Hindi kayo Diyos para i-confirm na may forever. Hangga't hindi sure at wala namang proof, 'wag mag-assume! Pramis, wala talagang poreber!
Ang love kung totoo at puro, hindi na dapat bigyan pa ng specific day in a year para i-celebrate. way of life na dapat 'yan!
I love you all!