Nasasaktan
ako ‘pag nasasaktan ka. Mas doble kasi alam kong ako ang dahilan kung
bakit ka umiiyak. Gusto kong putulin dila ko. Nasaktan kita sa mga sinabi ko.
Mas masakit pa sa mura. Nasaktan kita, sinasaktan kita at ang pinakamasakit - hindi
ko alam kung bukas ay patuloy pa kitang sasaktan. Ayoko nang ganito pero bakit
ginagawa ko?