*This is inspired by an exciting blogpost. Please 'wag seryosohin!
Hot topic ngayong graduation season ang kumalat na video ni Krisel Mallari, isang estudyanteng pinahinto during her speech. Sabi, she veered away from the pre-approved speech and instead, more-more rant si ate attacking the school system. Bitter much?
Hindi kasi siya ang tinanghal na Big Winner ng Sto. Nino Parochial School QC. Allegedly, may switching of ballots kaya nagkaroon ng dagdag-bawas (daw, yata, malay.). Keri na rin sana ang 2nd Big Placer pero syempre, kung obvious na may anomalya, dapat ba nga-nga lang?
Marami na ang nagbigay ng opinyon tungkol sa isyu. Now is my moment to share mine since libangan ko naman ang makisawsaw.
Una, saludo ako kay Krisel Mallari. Kababaeng tao, may bayag! Go girl! Some might find her bitter. Eh, ano naman if she is? Bawal ba? She could have resorted to just ignore the issue and move on. Kung nagkaganon, boring! Wala tayong topic ngayon. Ang saya kaya! Not to mention na super effort kaya ang lumaban sa sistema. Walang kasiguruhan kung pakikinggan. The worst, mahusgahan ang paninindigan. Clearly, ang main issue is lack of proper communication. Usap kayo! Basta ganun!
Enroll now!!!
At first I was torn. Akala ko nagmaldita at pure bitterness lang si girl. Upon reading the entire undelivered speech, keri naman! Pero, importante rin kasi ang magpasakop sa implementing rules para may maayos na sistema. Mahalaga ang acceptance sa kung ano ang meron. But wait, paano nga kung sa tingin mo ay hindi patas (I hate the word patas. It sounds patatas)? Tatahimik na lang ba? Tatanggapin na lang at iisiping ganun talaga? Give Krisel a chance to be heard. Ayaw pa kasi ipakita ang computation ng grades ng lahat para fair. Nasaan ang transparency? Forever na bang walang closure?
The school (in fairness) has released their statement. Let me quote:
"Halos taun-taon tuwing matatapos ang school year ay mayroon complaints si G. [Ernesto] Mallari [father] at Krisel Mallari. Laging ipinapaliwanag at kinakausap sila ng paaralan tungkol dito," said an official statement of the school signed by its administrators, teachers, and other staff.
Ipinakita na ng paaralan sa kanyang ama na si G. Ernesto Mallari ang mga grado ng kanyang anak at ang computation nito sa bawat asignatura. Ngunit ang gusto niya raw makuha ang grado ng Valedictorian. Ito ay labag sa policy ng paaralan lalo na kung walang pahintulot ng magulang nito."
- end of quote-
I hear your you Sto. Nino Parochial School. OK. Fine. Let's go!
So lastly, ano ang dapat mapulot sa pangyayaring 'to?
- Sarap pag-usapan. Batang may laban.
- Dramatic ang pagpapahinto ng teacher kay Krisel.
- Sana in-off na lang yung audio para hindi naging viral.
- Dapat ay pinabasa at pina-approve na lang din ni Krisel yung speech niya.
- Sumikat ang school. Sumikat si Krisel. Sana makapasok siya sa PBB House.
- Eh kung dalawa na lang sana ang Valedictorian? Pwede naman siguro. Dalawa nga mayors ng Makati eh!
- Kumusta kaya yung 1st Honorable Mention? Tanggap niya kaya?
- Kailan huhupa ang usaping ito? Sana classmates pa rin sila sa college. Exciting!
At the end of this post, wala akong point. May masabi lang din.
Yes, naitawid!