Wzzup madlang people?
Hindi kailangan ng mahabang pagpapakilala sa bisita nating blogger ngayong month of March. Since hindi naman siya masalita at feeling ko ay deep na person, pangatawanan na lang ang misteryo ng kanyang pagkatao. Seriously, sabaw kasi me lately kaya walang chance makapag-isip ng maayos na introduction. Basta, may face value siya, 'yun lang!
Eniweis, heto at kilalanin natin siya?
Full Name: Jed Alvin Bagtas Guinto
Age: 24
Sex: Male
Location: Binan Laguna
Civil Status: Single
FB E-mail Address: https://www.facebook.com/jidalbin
Twitter Account: @jidalbin
---o0o---
Kumusta ka naman?
Ok pa naman ako. Nakaka-cope up na ako ngayon sa bago kong work at nag-start na akong ayusin ang buhay ko bago pa man dumating ang quarter life. Kaya lang, less gala dahil may iba akong priorities this year. =)
Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
Parang ayokong tanggapin. Hahaha. Low profile lang naman talaga ako at hindi ako open sa interviews para halungkatin ang buhay ko. Hindi naman din ako pala-share kahit sa totoong buhay. You can attest to that.
Why KLDKRN?
Dahil gusto kong maging Jack of All Trades - - - layo ng sagot. hahaha. Ang KLDKRN ay hindi lamang isang travel blog, kung di para maibahagi ko rin ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay – ang makaladkad ng tadhana at ng mga taong nakapalibot sakin. Tinanggal ko ang vowels dahil masyado nang mahaba 'pag buo 'yung word na ilalagay na watermark sa pictures.
Ang Puti at Ang Sariwa! (...ng hangin at buhangin)
When did you start blogging?
High school days, but it is private and konti lang nakakaalam nun. It started lang as journal, then suddenly, I opened it to the public. Haha
Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Emotions. Ako iyong tipong nakakapagsulat lang pag malungkot o may dinadalang saloobin. 'Pag masaya ako o happy thoughts, nahihirapan na ako magsulat at nawawalan na akong ng bagay na pwedeng paghugutan.
Pero hindi naman talaga ako manunulat. Gusto ko lang magbahagi ng mga larawan ng lugar na aking napupuntahan.
Kung makaliyad, wagas!
Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
More than Just A Blind Spot. Personal post. May kahulugan para sa akin kung baga.
What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
To create a pool of interested readers and to be at par with the existing list of bloggers. Pero it will take time for me to achieve it and I am not in a hurry. =)
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
One direction. Haha. Balang araw! 'Pag naikot ko na ang buong Pilipinas at mundo, madami na akong napatunguhan noon.
Kidding aside, blogging serves as my outlet and personal reflection, this was made not for the reader’s benefit. Given that it was already made public, a part of me was already imparted and it should have started my responsibility to provide them informative posts and entries.
Wow. Japorms.
Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Pinoyadventurista First time kong napuntahan ung site nia and it is very detailed and one-stop-site kumbaga. One of the influences I had to travel all the cities and provinces in the Philippines.
LibreLangMangarap Ok naman 'tong site na 'to, pero may limitations lang. Life starts when you stop dreaming. Dreaming will provide the foundation, but it is your action that will furnish reality.
DavidGuison Di naman ako stylish and not lavish when it comes to fashion, pero matagal ko na siang sinusubaybayan para sa mga latest trend and fad.
Di naman ako net addict talaga, but there are other bloggers I admire and follow. =)
Hindi Siya Mahilig sa Selfie
Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
Everything. May instance lang na instead na ma-enjoy mo ung lugar, parang iniisip ko na dapat maganda ang mga shots ko, dapat ma-aalala ko 'yung details (such as time, name of the contact, etc.).
Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Gusto ko ulitin lahat sa umpisa. Mas gusto kong maging detailed ang bawat post ko na hindi na nila kakailanganing magsearch pa ng ibang sites for info <selfish lang> hahaha. Pero pag-iisipan ko pa kung gagawin ko nalang siyang photo blog instead of a travel blog.
Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Proofread. Preview the draft. Adjust placement of pictures.
For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
Relatable. Mas madaling ma-catch ang attention ng readers if they can relate to the article. But in my case, it is mostly personal, I write not for others, but rather to myself - - - kaya feeling ko, others would not understand.
Ano meron?
Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Yup. Tamad akong magbasa ng article if ung topic eh hindi ako ganoon ka-interested. Will just read a few lines, and if it catches my attention, then I'll read it 'till the end, if not, I'll stop and go the next one.
Ano'ng comment and hindi mo malilimutan?
Coming from an OFW. For someone who works outside the country, nakaka-motivate magsulat para sa kanila. Nalibot na nila ang mundo pero wala silang time para malibot ang Pilipinas. - - - Hindi ko naman sinagot iyong tanong, haha.
Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Wala haha. <sorry na, walang mapulot na matino sakin> haha.
What do you hate most about blogging?
Time consuming. LOL. My site is supposed to be a photography blog pero hindi ko magawang i-post 'yung mga pictures ng walang write-ups.
Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging? What will make you quit blogging?
As long as there is a story to tell and a place to uncover, then I cannot find any reason to quit blogging.
Pakisara naman ang pinto!
How do you want to be remembered as a blogger?
'Pag napadaan kayo sa site ko - - - gusto ko lang naman makita ng mga tao ang mga bagay na maaari rin nilang makita kung bubuksan lang nila ang kanilang mga mata. 'Pag nauunawaan niyo itong mensahe ko, mapa-literal man o hindi, dun ko mapapatunayan na nakapag-iwan pala ako ng marka sa inyo kahit papano.
Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Salamat sa patuloy na pagtangkilik. Paumanhin kung hindi ko malapatan ng oras para ma-update ang mga posts pero binibigyan ko kayo ng kasiguraduhan na sana balang araw ay mainpluwensyahan ko kayong malibot din ang 'Pinas. Sa mga prospective readers, sana madaanan ninyo muna ang page ko. haha
Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Unang pumapasok sa isip ko pag narinig ko ang iskwater ay mga pamilyang nakatira sa malapit ng riles ng tren.
Pagod much? Gala kasi ng gala! Hmnf!
Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Kung ihahalintulad ko ito sa buhay ko, masasabi kong iskwater din naman ako. Hindi man ako nakatira sa tabi ng riles ng tren, pero ito ay ikukumpara ko sa pamumuhay bilang isang kaladkarin. Hindi mo namamalayan na sa dami na ng iyong pinagdaanan, ay kung saan-saan ka na pala nabigyan ng tahanan. Iba-iba ang karanasan, pero sa bawat lugar ay may naiiwang alaala na bibitbitin para sa paninibagong paglalakbay.
Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapamilya
Jollibee o McDo? Jollibee
Boxers or Brief? Brief
Lights On o Lights Off? Lights Off
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Mahal
Hinaharap o Behind? Behind
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong Ugly
Younger or Older? Older
Payat o Mataba? Mataba
Smoke or Drink? Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Kiss w/o sex
Mabilisan or Take your Time? Mabilisan
To Eat or To Be Eaten? To Be Eaten
Madam Auring o Aling Dionisia? Aling Dionisia
Maikli o Mahaba? Mahaba
---o0o---
Tapos na. Salamat at naitawid ko ang buwan ng Marso! Hanggang sa muli!
Please take time to check and follow Jid's blog. Amazing!
Click the link below. Now na!