Feature feature din ng A-List blogger 'pag may time...
Tutol ako sa konsepto ng hindi pagpapakila sa mundo ng blogosperyo. For me, isa itong kawalan ng bayag. Why publish something under hidden identity? Labo lang! Unless, R-18 ang mga posts...
'Yun na nga! 'For Adults Only' blogger ang ating tampok ngayong buwan ng Oktubre.
English ang medium kaya nosebleeding moment ang tumambay sa kanyang lungga pero ayos dahil swak sa sakto ang kanyang mga daring and titilating stories.
Pagbabahagi ng kanyang sariling karanasan from A-Z ang istilo ng kanyang paglalahad. Unique diba?
Pasintabi lamang sa mga makikitid ang isip dahil maaaring ang kanyang blog ay may mga maseselang bahagi na pwedeng offensive sa mga imbecile homophobes out there!
Halina't mas kilalanin natin siya...
Full Name: Geoseffe Gatchalian Garcia
Age: 23
Sex: Minsan safe, madalas bareback.
Location: Quezon City / Cavite
Civil Status: In a relationship.
FB E-mail Address: Confidential
Twitter Account: Twitter sucks, in my opinion.
---
Kumusta ka naman?
~Heto, masayang-masaya. Bukod sa maraming magagandang nangyayari sa buhay ko ngayon (family, career, lovelife), happy ako kasi na-execute ko ng maayos ang plano ko sa aking blog. I am very satisfied with it. And I'm sure marami-rami rin ang mga taong napasaya ko thru my stories.
Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
It was like a dream come true. *hahaha* No kidding. Isa ka sa mga idolo at nirerespeto kong blogger, Senyor. Habang binabasa ko yung mga interviews mo sa ibang blogger, ang tumatakbo sa isip ko ay, “May chance kaya na ma-feature din ako rito?” Pero hindi na ako masyado nangarap kasi naisip ko na masyadong malaswa ang mga gawa ko para sa blog mo. Feeling ko ay hindi siya babagay sa tema.
Kaya nung ni-inform mo ako sa balak mo, abot tenga talaga ang ngiti ko. That was totally unexpected.
What’s with the blog name, “Alfabeto Della Mia Vita”?
In translation, it means 'Ang Alpabeto Ng Aking Buhay'. Ginawa kong Italian para tunog classy. *hehe*
Gusto kong maging cryptic somehow ang blog ko, and since mahilig din ako sa symbolism, I chose the alphabet as its theme. I produced stories mula sa kung anong kayang ibigay ng memorya ko. Then I divided them into 2 categories. 'Yung mga significant sa buhay ko and 'yung mga nakuhanan ko ng moral lessons, in-assign ko sa letters. 'Yung mga parang supplementary info lang pero still worth telling nonetheless, ginawa kong letter breaks; paningit or pampahaba kumbaga. Buti na lang at sumakto sila sa 26 letters ng English alphabet.
When did you start blogging?
Actually, in-attempt kong gawin ito nung summer ng 2009. So matagal na siyang concept. Kaso noon, hindi siya ganun ka-organized, at purely in Tagalog siya. Umabot lang 'ata ako sa letter D tapos ni-deactivate ko na yung blog due to reasons already forgotten. Tinamad siguro ako or something.
'Yung ngayon, sinimulan ko ng end of July this year. Bakit naisipan kong gawin siya ulit? Malalaman mo sa susunod na tanong.
Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Earlier this year, bumalik ako sa mundo ng blogging. Isang gabi, habang naghahanap ng steamy stories tungkol sa mga spas and massage parlors (ang halay ko lang talaga no?), napadaan ako sa blog ni McVie. 'Yung 'The Mcvie Show'. Naaliw ako sa mga posts niya. Since nakakabagot ang work ko that time dahil night shift ako, naisipan kong basahin ang buong blog nya. Yes, mula sa kauna-unahang season hanggang sa ika-labing tatlo (ang latest). Inabot din ako ng around 2 months siguro bago mabasa ang lahat-lahat.
Sa panahong 'yon, maraming bagay ang natutunan ko mula kay McVie. Na-inspire ako sa mga kwento at pananaw niya, kaya nagkaroon ako ng idea na ipagpatuloy ang naudlot ko noong blog. Pero this time, sineryoso ko na talaga. Gusto ko rin makaimpluwensya sa ibang tao gaya ng naidulot sa akin ni McVie.
Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
'Yung last letter, 'Z ~ Zenith Achieved'. I really like the way I wrote and presented it. Nakuha ko 'yung gusto kong effect, manipulating the stories leading up to it, para kahit papaano ay maging unexpected siya.
'Yung letter Z ay part ng present ko. Ang ibang mga letra ay pag-aari na ng past. Syempre mas importante ang kasalukuyan kaysa hinaharap, diba? Ang past nandyan na lang 'yan upang magsilbing gabay sa mga desisyon mo sa ngayon at sa hinaharap; upang maiwasan mo na muling magkamali.
What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Una, ang makapagsulat ng interesting entry. 'Yung tipong kahit ako ang makakakita ay babasahin ko hanggang huli at aabangan ko ang mga susunod pa.
Pangalawa, ang layout ng blog. Gusto ko simple lang siya at hindi masakit sa mata, pero at the same time, hindi siya boring, bagkus ay nakakaengganyo dapat.
Pangatlo, 'yung maghahanap ng mga magbabasa ng aking mga kwento. Natural lang naman sigurong gustuhin mong may makabasa ng mga pinaghirapan mong isulat, di ba? Kaya ang ginawa ko ay nag-follow ako ng iba't ibang blogs at pinilit maging aktibo sa mga ito. Hindi ko naman pinagsisihan kasi marami akong nakitang worth it pag-aksayahan ng oras.
At panghuli, ang magsulat gamit ang wikang Tagalog. I don't really know, pero pakiramdam ko sabaw talaga ako pagnagkwento ako gamit ito. Native language ko naman ang Tagalog. *haha* Ang labo lang. Or baka paranoid lang talaga ako?
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Sa totoo lang po, hindi ko alam. Ang orihinal kong plano ay gawin parang mini-novela ito. May simula at may ending. Ngayong tapos ko na ang huling letra, hindi ko pa rin alam. Tingin ko kasi ay wala na akong maikekwento pa. Naibigay ko na lahat ng kaya ko kumbaga. Kaso ayaw ko rin naman tumigil pa sa pagba-blog. So bahala na ang utak ko sa future. Kung ano ang maisipan niya, papatusin ko. Sana lang may maisip siya ulit na unique na concept.
Sa ngayon, ang pangarap ko na lang siguro ay mai-publish bilang isang libro itong mga likha ko. Parang ang cool kasi, 'yung matawag kang author. *hihi*
Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
Tatlo lang talaga? Pero madami akong paborito eh! *sigh* O siya siya...
1. Glen ng 'WickedMouth' (www.wickedmouth.com)
Trip ko ang humor ng blogger na ito. Minsan dark, minsan light, madalas malaswa. Hanga rin ako sa talent niyang magsulat. Magaling siyang mag-organize ng thoughts at alam niya kung paano dadalhin ang kwento. Alam kong hindi ako makakalikha ng gaya ng mga obra niya. Feel ko pwede na niyang palitan si Bob Ong.
2. KalansayCollector ng 'Skeletons In My Closet' (kalansaysaaparador.blogspot.com)
I really like his compositions. May seryoso, may nakakatawa. Ang mga topic niya, napapanahon. Karamihan sa mga likha nya, may twists. Madalas ang ending, unexpected. After reading a few of his recent posts, I was immediately convinced na magba-backread ako.
3. McVie ng 'The McVie Show' (mcvie5.blogspot.com)
Aliw na aliw ako sa kanyang blog. Ang mga experience niya sa bathhouses: maanghang, mainit, at nakaka-pawis. Ang mga pananaw nya: madalas sarcastic at direct to the point. Hanga ako sa husay niya sa paggamit ng English. Marami-rami rin ang influence na nagawa sa akin ng taong 'to, especially with his views about homosexuality and about friendship.
Ano ang iyong pinaka-unforgettable experience as a blogger?
So far, I think ito. Ang ma-feature sa blog mo, Senyor. Nakakataba talaga ng puso. *hehe*
Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
Sa content, wala naman. Though sana mas marami akong time sa pagsusulat, para maganda sana ang naging spacing ng bawat posts. Kaso meron kasi akong sinundan na tight schedule and deadline, kaya wala akong choice kung hindi mag-post ng halos magkakasunod agad. Sa design, meron siguro konti. Gusto ko sanang mas mukhang professional ang blog ko.
Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Kapag nasa work ako, usually kumakain muna ako ng snack before magsimulang mag-type. 'Di gumagana ng maayos ang utak ko kapag gutom. Kailangan ko ng maraming sugar para maging active ang kukote ko. Pero ang pinaka-relaxing na set-up sa akin habang nagko-compose ay 'yung nakahiga ako sa kama. Nakakain, nakaligo, at malapit ng matulog. Pakiramdam ko 'yun ang best condition kung saan gumagana ng lubos ang isip ko.
Usually, sinusulat ko ang isang enty at least a day before ng release niya. Kapag natapos ko na, papasadahan ko ng isang mabilis na reading, looking for syntax errors and if kelangan ko magbawas or magdagdag. Then, ang final editing ay at least an hour before ng publishing nito.
For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
Una, kapag napukaw niya ang interes ko mula sa simula pa lang.
Pangalawa, hindi ako napahikab nito hanggang matapos.
Pangatlo, kapag may naramdaman akong emosyon mula sa pagbabasa nito.
At pang-apat, kapag hinalughog ko ng malalim ang laman ng ulo ko dahil sa napaisip ako nito.
Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
Isang malaking OO. Hindi po ako nagbabasa ng mga tula. Minsan lang, kung trip ko yung author. 'Di kasi ako mahilig sa poetry.
Anung comment and hindi mo malilimutan?
Isa pang tanong na mahirap sagutin. Paano ka makakapili mula sa isang libong comments (excluding mine)? *sigh*
'Yung comment ng isang Anon sa letter Y. Sabi nya, “Pls rape me, I beg u!” *hahahahaha!* Biro lang ha, pero napatawa talaga ako ng malakas dito. May saltik lang.
Siguro ang hindi ko talaga malilimutan ay yung galing sa friend kong si Mike ng 'Totoy Guro' (totoyguro.wordpress.com). Sabi niya ay maganda raw ang 'author voice' ko. Personal ang dating at parang nagku-kwento lang. Actually, sa FB niya lang sinabi sa akin 'to, after ko ipabasa sa kanya ang first half ng blog ko. UP graduate siya at Literature ang major niya. So hearing that from him was kind of a big deal for me. His comment gave me some boost pagdating sa pagsusulat.
Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Ikaw, Senyor. If I will base your personality sa blog mo, I find you matapang at hindi plastik. Kung maganda o pangit sa paningin mo ang isang bagay, sasabihin mo ng walang alinlangan; that's how I see you. Kaya I value your opinions. Siguro naman hindi ako nagkakamali, diba?
What do you hate most about blogging?
Alam mo yung meron kang nabasang post na talagang hindi ka sang-ayon or 'yung kaiinisan mo? Madalas hindi ako makapag-comment sa ganon. Hindi kasi ako comfortable sa confrontations at magbigay ng criticisms, kahit constructive pa. Ayaw kong ma-misinterpret na mayabang at atribido. Sabi rin kasi ng magulang ko, kung wala raw akong magandang sasabihin, tumahimik na lang ako. Kaya hindi na lang ako nag-iiwan ng comment, tapos sabay click ng close button.
Isa rin sa mga pet peeves ko ang hindi mapakali kapag may nakikita akong typo or grammar lapses sa posts ng iba. Aminado akong kahit ako hindi perfect sa paggamit ng English, pero OC talaga ako pagdating sa bagay na ito. Sounds hypocritical, right? Wala eh. 'Di ko talaga mapigilan. Ganito talaga ako.
Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
I can't really say, pero sana years. As long as meron akong nababasang interesting stories and articles, I am and will always be a blogger.
What will make you quit blogging?
Gaya ng sagot ko kanina lang. Kapag puro sabaw at corny na ang mga nababasa ko. Pero imposible 'yun. Sa dami ng talented writers, I'm sure hindi ako mauubusan.
How do you want to be remembered as a blogger?
Gusto kong maalala ako bilang isang unique na blogger. Na hindi ako nakikiuso lang. Na meron akong mga kwento na karapat-dapat lang na maipamahagi. Isang blogger na malaki ang naging epekto sa aking mga mambabasa. What is the essence of being a blogger if he can't influence, in one way or another, the lives of others?
Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?
Para sa aking mga masugid na mambabasa, maraming maraming salamat. Without you guys, my blog would be for naught. Cliché man 'yan pero totoo. You contributed sa success ng plans ko. Dahil sa help nyo, sobrang satisfied ako; sana ganun din kayo.
Para sa mga prospective readers, I hope mag-enjoy kayo sa mga kwento ko, at sana ay may mapulot kayong aral. Alam kong hindi para sa lahat ang aking mga istorya, kaya I would perfectly understand kung meron mga hindi magiging interesado, lalo na 'yung mga straight diyan. *hehe*
Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
Lumaki ako sa society na ang tingin sa lahat ng iskwater ay mga walang disiplina, barumbado, bastos, at madumi. Mga salot sa lipunan, 'ika nga. Ito ang kinalakhan ko mula pagkabata. Ngunit bilang isang matured at edukadong tao, natutunan ko na mali ang society.
Meron lang talagang mga taong sadyang minamalas na ipanganak at manirahan sa ganitong komunidad. Ang iba, nawawalan ng pag-asa, nagiging tamad at pabigat sa iba; inaasa na lamang ang kanilang kapalaran sa gobyerno. Pero alam kong hindi lahat ng iskwater ay pare-pareho. Meron pa ring mga taong nagsisikap upang maiahon ang sarili nila mula sa ganoong sitwasyon. Mga hindi tamad at may disiplina at diskarte sa buhay. Hindi nila hinahayaang hilahin sila pababa ng paligid na nakasanayan na nila.
To summarize this, ang pagiging isang iskwater ay isang matinding pagsubok. Nasa tao ito kung hahayaan niyang tuluyan siyang lamunin ng kumunoy nito o gagawin niya ang lahat upang umangat mula rito.
Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Sa awa ng Diyos, hindi po. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa aking mga magulang. Dahil sa pagsisikap nila, maganda ang disposisyon namin sa buhay.
Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? Kapuso
Jollibee o McDo? Jollibee
Boxers or Brief? Brief
Lights On o Lights Off? Lights On
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Kiray
Top or Bottom? Top
Goodlooking na Tanga o Matalinong Ugly? Goodlooking na Tanga
Younger or Older? Older
Payat o Mataba? Mataba
Smoke or Drink? Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Kiss w/o Sex
Mabilisan or Take your Time? Take your Time
To Eat or To Be Eaten? To Eat
Spit or Swallow? Spit
Maikli o Mahaba? Mahaba
---
Matapos ang aming mahabang kwentuhan, napagtanto ko ang ilang mga bagay kay Sepsep. Wordy siyang kausap... Maraming sinasabi... Daming alam... Pero may karapatan naman dahil may saysay ang mga kaisipang nais niyang ibahagi. Plus, there's a real talent to back it up.
Let's visit his blog and be amazed with his stories....
Let's visit his blog and be amazed with his stories....
"Endings are the ultimate realizers."~Geoseffe Garcia
Yiiiiiiiiiieeeeeh!!! This made my day. Ang laki ng ngiti ko oh, abot tenga! *hahaha!*
TumugonBurahinikaw na ang celebrity
BurahinPS Hindi talaga ako si Anon, pramis
Oh yeah favorite mo pala ako, hahaha! Yun oh mukhang malaki, tara rape me na. Still begging -00-
Burahin*hahaha!* Hanggang dito ba naman. :P
BurahinInteresting blogger. Isa sa mga masasabing may K sa pagbablog
TumugonBurahinYour yhe obe goldilocks!
TumugonBurahinBlog lang ng blog :)
Sayang nakatakip ang muka ...
I cant imagine tlga kung gaano ka kasaya kasi sa buong interview anggang sa comment ang saya mo pa din
May next interview pa yan , alam na ! Hihi
Masayang masaya! :)
Burahinat dahil blogger of the month ka ni senyor, magmula ngayon tambay na rin ako sa crib mo. hehe.
TumugonBurahinwoah!! add on info ito about kay sep sep... ahahahaha
TumugonBurahinNadagdagan na namanang mga ipa-follow kong blog.
TumugonBurahinwow...
TumugonBurahinsiya ata ang bagong nagfollow sa nilalangaw kong bloghouse. lols. :D
naaliw ako dun sa post nia na a-z thingies na title ng posts
Another talented blogger. Buti na lang.di nya ko kilala. Kumusta naman ang grammar ko no? Ganon talaga, di lahat ay matalino, but even the dummest person in the world know something that he didn't. Anyway, good luck to him:)
TumugonBurahin
TumugonBurahinisa ako sa mga silent reader ng blog ni seff.
gusto ko kung paano niya sinagot yung tanung mo sa paano ka gusto makilala bilang isang blogero! ayos na ayos yun!
I admire this writer/blogger for his way of telling stories. Keep it up!
TumugonBurahinwow... kakabilib naman....
TumugonBurahini died after reading this at naressurect again. shet isang superstar blogger fave daw ang blog ko?! shet nakakalaki ng ulo. haha hindi ko alam kung anong nakita mo sa blog ko. hahahaha pero salamat. nakakataba ng puso at nakakabasa ng pepe. chos. :)
TumugonBurahineeh this made my night. hihi nakakakilig.
Nice meeting u!:)
TumugonBurahinPareho kaming hindi mahilig sa tula. haha.
TumugonBurahinKulot si sep?
TumugonBurahinNice to meet you Sep and God Bless!
TumugonBurahinAng bilis ng panahon. Parang kailan lang, naging Miss March ako. Hahaha.
TumugonBurahinAnyway, nice to know ang tampok ng October. :)
i like this guy! hehe wanna meet him parang masarap kausap :-)
TumugonBurahinnice!! :)
TumugonBurahinHis blogs doesn't exist anymore
TumugonBurahin