BANTAY-SARADO SA SENADO: NANCY BINAY EDITION

Tila may nais patunayan ang ating Yaya Senator Nancy Binay.


Mas magandang 'di hamak kay Doris Bigornia

Maliban sa paghihiwalay ng mga puti at de color, pagliligpit ng mga kinainan, pagpapainit ng tubig at pagsamsam ng mga sinampay bago mabasa ng ulan, may bagong Senate House chores siyang nais ibida.


Out of 39 committees, naitalaga si Madam Nancy bilang Chairman ng Social Justice, Welfare and Rural Development Committee. Kasabay nito, nailatag na rin niya ang mga priority bills para sa kanyang unang termino ngayong 16th Congress. 

Halina't pasadahan natin ang ilan sa mga nais niyang maisabatas...
  • The Employers Child Care Centers Act of 2013 -Pwede nang isama sa office ang mga kids! Less work for the Yayas? Havey!
  • Parents in Jail Act of 2013 -May Family Day na sa Bilibid? Yey! Havey!
  • Special Education Act of 2013 -Ngiti ka... Konti lang! Havey!
  • Women’s & Children’s Resource Development & Crisis Assistance Act of 2013 -Paano ang Elders and those with Disability? Weh? Explain mo 'teh!
  • The Indigent Children Free Medical and Dental Service Act -Relate much? Havey!
  • Firecracker Safety Law -Ayaw maputukan? Weh? Explain mo 'teh!
  • Women and Gender Education Act -Hindi pa ba clear? Weh? Explain mo 'teh!
  • The Anti-Corporate Punishment Act of 2013 -Wala nang punishments? Fired agad? Weh? Explain mo 'teh!                                                                     
Taray Ooohhh...
  • The E-Vaw Law of 2013 -Resbak kung Resbak sa Online Haters? Havey!
  • Rest Period for Women Employees -Go Girl Power! Havey!
  • Sex Offenders School Access Prohibition Act -May pinanghuhugutan? Havey!
  • Philippine Arbitration Commission Act of 2013 -Para saan? Weh? Explain mo 'teh!
  • Petroleum Exploration and Development Act -Wow. Push mo 'to para maging prinsesa ka ng krudo. Weh? Explain mo 'teh!
  • Sugar Cane Industry Development Act of 2013  -May tubuhan ba sa Makati? Weh? Explain mo 'teh!
  • The Food Fortification Act  -ito ba 'yung sa Lucky Me!? Weh? Explain mo 'teh!
See? Kasimbilis ng kanyang pagka-senador ang application ng kanyang mga natutunan sa 5-Day Executive Course on Legislation. Fast learner indeed!

Edibensya...

Sana lang ay hindi suntok sa buwan at maging makatotohanan ang mga nais makamit ni Ate Nancy sa kanyang 6-year OJT sa Senado.

Ganito lang naman kadali ang proseso upang maging batas ang isang bill:
  • Filing/Calendaring for First Reading
  • First Reading
  • Committee Hearings/Report
  • Calendaring for Second Reading
  • Second Reading
  • Voting on Second Reading
  • Voting on Third Reading
  • At the House of Representatives - follows the same procedures (First Reading, Second Reading and Third Reading)
  • Back to the Senate
  • Submission to Malacañang -The President either signs it into law, or vetoes and sends it back to the Senate with veto message.
Sincerely, isang malaking gudlak Senator Ma. Lourdes Nancy Binay-Angeles!
Nandito lang kami... We are watching you! 

Ang PDAF pala ay Pork Barrel din at hindi Pedicab Association of the Filipins

21 komento:

  1. pagkabasa ko nito, nagkaroon na rin ako ng simpatiya kay nancy sa ngayon.. sa kabila kasi ng pagiging baguhan sa senado, kahit papaano, may mga ginagawa na rin siya.. mga panukalang batas na may silbi man o wala, at least, nagsisipag naman.. mas olats sa akin 'yung mga hinayupak na senador na tumanda na lang sa serbisyo, puro pagpapalaki lang ng bayag o dyoga at pambubuwaya lang ang ginagawa..

    ayun nga, good luck kay nancy.. magandang araw din

    TumugonBurahin
  2. Sa pag kakaalam ko based sa mga nababasa ko e balak nya din magpasatupad ng batas laban sa mga internet memes! #1 problem ata yun ng pinas based sa nakikita nya e. hahaha!

    TumugonBurahin
  3. Ang haba pala talaga ng proseso para lang makapagpasa ng isang law, no wonder walang naipasa si Pnoy nung kongresista pa lang siya, lol...

    Well, well, well, merong ambisyon si Sen. Nancy at maganda yan. Sobrang wish ko na may maipasa siya para super worth it naman ang pagkaboto sa kanya ng madlang pipol. Pabor ako sa The Employers Child Care Centers Act of 2013 kasi meron talagang employees na hindi afford ang yaya or yung wala talagang mapag-iwanang mag-aalaga sa mga anak nila.

    TumugonBurahin
  4. Bet ko ito...
    Special Education Act of 2013 -
    The Indigent Children Free Medical and Dental Service Act -

    HAAAAAVEEEEY!!!

    TumugonBurahin
  5. hindi ako agree na maipatupad yang putukan law. promise, happiness will change.

    TumugonBurahin
  6. "The Indigent Children Free Medical and Dental Service Act" Ito lang ang nagustuhan ko sa mga nakalinya sa kanya.

    TumugonBurahin
  7. Natawa naman ako sa mga side comments mo sa mga nais niyang isabatas... Anyway, let's give her a chance... Let's see ;)

    TumugonBurahin
  8. i'll still give her a chance. malay natin mas matuto sya

    TumugonBurahin
  9. At least may mga makabuluhan sa mga plano niya...
    Baka commercial lang yung iba... :/

    Improving naman kahit pano.. Hintay hintay pa...

    TumugonBurahin
  10. Pag naipasa nya ito lahat, siya sige siya na ang papalit kay Vice... Pres.

    TumugonBurahin
  11. Hahahahahhaha.. Give her a chance. Pero d ko nagets iba niyang batas. lakas tawa ko dito.

    TumugonBurahin
  12. Kailangan nga nang explanation yong ibang batas na gusto nyang maipatupad! Seriously, wala bang third party na mag re-review nang mga batas na yan?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku bill pa lang naman so dadaan pa 'yan sa bonggang-bonggang scrutiny... eh nasa minority pa siya, she needs to make ligaw pa and everything...

      Burahin
  13. Fearless forecast... hanggang dalawa lang papasa sa mga nabanggit na bill. Yung isa ay nasa bandang taas at yung isa pa kung sakali ay nasa ilalim.
    The rest? Maa-archive lang.

    TumugonBurahin
  14. haha may matindi pa ding galit sa post na to ahh,
    well let her be, haha sana lang ee may magawa sya dyan di tulod
    ni noynoy haha

    TumugonBurahin
  15. Havey angpost mong to hahaha!!!!!!! Bongga nancy binay n nmn!

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...