7 Things To Do On Valentine's Day If You're Single


Valentine's Day na!

Supsupan na naman ng mga puso! 

Perfect na araw para sa mga lovers out there. Para sa mga uber excited madiligan ng ambon ng kalandian - araw niyo 'to!

Marami na naman ang magiging temporarily taken masabi lang na hindi member ng www.DatelessValentine.org at ng Losers Lane Society.

Mapupuno na naman ang mga mot-motz kaya sa mga walang early reservation, gudlak sa mapupwestuhan.

Sa mga tulad kong kinalimutan na ang pag-asang muli pang kikiligin maliban sa pag-ihi, halina at samahan niyo ako sa itinerary ko ngayon darating na Stupid Cupid Day of Hearts.

1. Mag-register sa Unli
Gawing busy ang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-text buong araw. Gumawa ng personalized Valentine's message sa lahat ng tao na nasa phonebook mo. Sa mga kakilalang taken at masaya sa relasyong meron sila, send them chain text message at 'wag titigil hangga't hindi sila napipikon o kahit maistorbo man lang.

2. Gumawa ng Fake Suicide Note
Just pretend that you hate your life for being single kaya more, more write ka ng suicide note at i-post sa FB wall mo para naman makakuha ka ng atensyon sa mga friends. Para hindi sila mapikon afterwards, sabihin mong na-hack temporarily ang iyong account o kaya ay sabihing in-open ng Ex mong walanghiya. 

3. Dalawin ang Mga Yumaong Kamag-anak
Since nga-nga, gawing makabuluhan ang araw ng mga puso sa pamamagitan ng pagbibigay respeto sa mga dedz na relatives. Kausapin, kumustahin at humingi na rin ng tulong sa kanila at i-wish na sana ay huling taon mo na itong loveless on a Valentine's Day at sana ay matagpuan mo na ang taong kayang pagtiisan ang mga asim at sapak mo sa katawan (inside and out).

4. Do Mountain Climbing
Iwasan ang mga matataong lugar tulad ng mall, park o kahit anung lugar na madalas puntahan ng mga nang-iinggit na 'In a Relationship' ang status. Gumising ng madaling-araw at mag-out of town. Ang perfect place ay sa mga payapang bundok na hindi pa masyadong naakyat ng mga professional climbers. Ituring ang February 14 as your day to think and reflect. Tanungin ang sarili kung ang pagiging single ba ay karma, sumpa o kamalasan.

5. 'ME Time' Moment
Gasgas na libangan ng mga loveless ang pagpa-pamper sa sarili. Ituturing itong self-reward mula sa araw-araw na stress at pressure na kinakaharap kahit na ang totoo naman ay wala lang talagang mapagtuunan ng atensyon. Waaaaaah Losssseeeerrrr! Ituloy lang ang ganitong gawi at mas swak ang quality 'ME Time' moments ngayong araw ng mga puso.

6. Patay-patayan Mode
Kung required ngayong Valentine's na sagutin ang tanong na 'Para kanino ka bumabangon?', magsisimatayan ang mga single boys and girls for sure. Para hindi masyadong tragic, da best thing to do sa pagpatak ng araw na ito ay ang pananatili at pagkukulong sa kwarto. 'Wag kumain, 'wag tumayo, 'wag ng kumilos sa araw na ito at ipagpabukas ang lahat ng gagawin. Ayon sa chinese horoscope, bawal mag-celebrate ang mga single ngayong Valentine's dahil mamalasin at tatanda mag-isa unless mapanlabanan ang kapangyarihang itim.

7. Sadistahan na lang!
Kung matigas ang ulo mo, don't do any of the previous items. Mag-log in sa FB at hanapin ang accounts ng mga Ex mong kundi happily married ay happily taken naman. I-check mo kung gaano sila kasaya nang mas makumprima mo ang nadaramang pangungulila at kalungkutan. Go malling or strolling sa park at tingnan kung gaano ka-sweet ang mga masasayang couples on a date. I-browse ang mga old messages ng Ex sa 'yong Cellphone at mag-moment ka buong araw. Manuod ng mga romantic movies at patayin ang sarili sa inggit. Kung ito ang gusto mo - may problema ka!

Marami pang pwedeng gimik ngayong Valentine's Day kung ikaw ay single and available. I just gave you options but seriously, may mga mas makabuluhan pang mga bagay ang maaaring gawin.

C'mon... You're single and so what?!?
It's just a status not your life. Ang importante ay nakangiti at masaya ka. Nandyan naman ang mga kapamilya at kabarkada to cheer you up.

Dasal-dasal din kasi para makita at makilala si 'The One'...

49 (na) komento:

  1. pwede din naman na manood ng sine mag-isa habang ang lahat ay may ka-date. o kaya naman pumunta sa mga pampublikong park at bilangin ang mga magkapareha hanggang maglaway sa inggit ng husto. o kaya bumili ng tsokolate at rosas at ibigay sa sarili dahil wala naman magmamahal sa sarili kundi sarili. O kaya biglang magbago ng status sa facebook para makita ng iba at masabihan na nagpapapansin lang. o kaya, okaya...

    ang dami ko pang naiisip. hahahaha XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha laslas mode ito koyah! lol pero pwedi na rin naman yong change of status sa fb para lang may masabi at in sa valentines na yan pero wag na tayo maging ganyan hahaha bitter lang eh lol pwedi naman pumunta ng lbc at magpadala ng flowers sa opisina para isipin na oyy may nagpapadala pala sayo hahaha

      Burahin
  2. 3, 5 at 6 na lang ang gagawin ko ahahaha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha kung makapag emo eh lol

      Burahin
    2. ahahahha di ako ako emo, sapat lang naman ahaha.

      Burahin
  3. 1. haha kulet neto buti na lang wala ko mxado contacts baka gawin sakin ee

    2. harsh naman neto haha ewan ko lang kung di ka nasapak ng tropa at family mo dito

    3. haha gawin ba naman all saints day

    4. well .pwedw to epektive na advice nga to hahaha pwede ka din mag kulong sa kwartp

    5. 'the greatest love of all is learning to love your self ika nag ng kanta

    6.ito nga ung sinabi ko sa isa haha kulong sa kwarto mag movie marathon
    ung horror para maganda

    7. haha ang bitter neto haha

    TumugonBurahin
  4. Ano iyong Valentine's day? hahahaha! Balak ko lang talaga manuod ng mga romantic movies at mamatay sa inggit! (haha may problema ako!)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. makiiyak ka na rin teh para mas masaya hahaha

      Burahin
  5. Kaloka ang no.2. hahaha!

    May tama ka, so what kung single kung masaya naman. Ang iba nga dyan, in a relationship pero di naman masaya.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. may in relationship ba na hindi masaya? lol di bale single basta happy at walang laslas mode tayo go!!

      Burahin
  6. Haha kwela naman nito. Kung single pa ako ngayon, malamang di ko alam gagawin ko. Well nagdaan ako dyan, pero ordinaryong araw lang sa akin yung V-day, I had friends with me kasi then nag-eenjoy lang sa crush-crush, kilig-kilig ganun. Yung madalas ko marinig noon nagtitipon tipon yung mga single then naka-black sila ng shirts, parang tawag ata nila firing squad, not sure :P

    TumugonBurahin
  7. okay ah! Lapit na nga ang Puso Day....

    Ako naman... madalas manood lang ako ng sine o magyaya ng kaibigan na single din...

    nakaka miss lang....

    astig ang number 2 ah... magaya nga hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha may time ka pa magisip niyan jon! hahaha go ipaglaban na yan! lol

      Burahin
  8. Hay im happily married, pero mag isa ako ngayong darating na araw ng mga puso hihihi.
    Naka sked kc si hubby sa isang importanteng lakad hmp:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. awww ayy hehehe tawagan nalang si hubby bawat minuto para ramdam pa rin ang vday hehe

      Burahin
  9. Hay Valentines day and its been 4 years since the last time i was in relationship

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. huwaw ang tagal naging bitter koyah? maging masaya na pwedi naman makipagcelebrate sa friends na single din!! gawin na yan!

      Burahin
  10. Mas trip ko yong mountain climbing kaso may PASOK!!!!!! Hahaha

    Natawa ako doon sa dalawin ang mga yumaong kamag-anak. Ganun talaga ka-desperado? LOL

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pwedi hihingi ako kay mudra at sa lola at lolo ko ng jowa! char lang!! hahaha haiz darating at darating din yan wag mainip chos!! pweding pwedi ang mountain climbing malayo sa city at hindi ramdam ang vday hahaha ambitter lol

      Burahin
  11. Natawa naman ako sa supsupan ng mga puso.

    Pag dating ng Vday, pagtuunan ang iyong talento pagsingle ka. Hahahaha! Isama mo narin ang mga single sa circle mo para may kabonding, ganyan!

    TumugonBurahin
  12. hahaha senyor, siguro ang pinaka da best sakin jan ung "Me Time" moment. Mas gusto ko pang solo flight at magmuni-muni ng mga pangyayari sa aking buhay :D

    Pinaka hindi ko naman gagawin jan yung Sadistahan Na Lang hahaha. ayaw kong matorture. ang sakit kayang makita na masaya na si ex with someone else. Samantalang ako, still nursing a broken heart. anu daw? chos!!!

    TumugonBurahin
  13. so true sa "It's just a status not your life. Ang importante ay nakangiti at masaya ka. Nandyan naman ang mga kapamilya at kabarkada to cheer you up."

    mag spend pa ng valentine's eh maghihiwalay din naman yang mga pakenambits na magjojowang yan.....
    LOls

    TumugonBurahin
  14. valentines day does not have to be between two lovers. it can be between friends, families, and even with your pet.

    since my colleagues and i did not exchanged gifts this past holiday (do not ask me why, it's a long story), we all decided to do it this coming valentines day. hey, at least i know i'm getting something :)

    before i forget, i need to update my facebook status to "it's complicated" LOL...

    TumugonBurahin
  15. bet ko yung number 2. lakas magpapansin at low eq ang peg.

    TumugonBurahin
  16. Supsupan talaga teh? Haha. Favorite ko yun #7. Sadistahan lang. After mong gawin lahat lahat yan, uminom ka ng lason, maglaslas ng pulso at tumalon ka sa 9th floor ng building. Kumpleto ang series ng kagagahan mo. Chos!

    Ayan ka e, matapos kang magbigay ng mga wagas mong tips sa umpisa, bigla ka babawi sa dulo at magbigay ng words of wisdom.. Wag ganun. Hahaha.

    TumugonBurahin
  17. tinitingnan ko ung 7 things...parang wala akong like....chos! deny denyan lang ganon?...kami kasi lahat sa barkada single eh...normal ba? so kami na naman ulit ung mag gro-group date...hindi ako mag iisa...hehehe


    xx!

    TumugonBurahin
  18. Ewan ko ba kung bakit wala talaga akong paki sa Valentines Day. Mas gusto kong kiligin na di ko expected.

    But if you have to choose Senyor, saan sa 7 sa lists ang gagawin mo? I suggest #2. Gusto kong mabasa ang drama mong fake suicide note. LOL.

    TumugonBurahin
  19. lol ang sama naman ng suicide notes baka madepress ang nanay ko pag nabasa nya hahahaha...
    Hindi naman ako loveless kaso dahil sa malayo ang papabols ko siguro manonood na lang ako ng horror movie hahaha

    TumugonBurahin
  20. hahaha di ka naman masyadong Anti ano.. hehehe

    TumugonBurahin
  21. salamat sa options, senyor. touching naman yung concern na pinapakita mo. hahaha feel ko yang last option na bigay mo.

    TumugonBurahin
  22. hay naman ano yes subukan kong gawin yang suicide note at ipost sa fb! bwahahaha charos! pagsaksakin pa ako ng mga relatives ko sa fb. it doesnt matter at all kung single ngayon valentines keber! hahaha may kulang lang sa life ko pero it doesnt mean honglungkot ko to the max, andyan naman kayong mga kaibigan ko na bawat post nio eh napapatawa ako, napapangiti at dinaramdam ang bawat linya ng inyong damdamin habang ginagawa ito. oh yes! basta let's drink to that, cheers let's be happy sa valentines kahit single lang ang peg. ano naman ngayon? chos! hehehe miss u teh! mag ssubadmin ako kaya ano? hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kumusta naman ang pagssa-sub admin teh lala? :P

      Burahin
    2. ewan ko nga jan kay @BoinkyBoink Lala... sub admin daw siya eh

      Burahin
  23. haha kaloka ang dumalaw sa mga tegimon lol!

    naloka din ako sa active pag comment ni Lala sa mga comment! Hi Lala! :)

    TumugonBurahin
  24. Bet ko yung patay-patayan mode... more sleep, more fun.. tapos paggising kinabukasan eh tapos na ang move on na kasi a-kinse na...hehehe....

    TumugonBurahin
  25. Bumili ka ng isang dosenang rosas at ipaalam sa madlang pipol na marami kang admirers. May kakilala akong ganyan :)

    TumugonBurahin
  26. Kung wala ko asawa ay piliin ko me time: read a nice book and pamper myself:)
    For me love is not only in february month. It is all year round:)

    TumugonBurahin
  27. takte yung suicide note at patay patayan mode hehe.. magpapakalasing ako sa feb 13 para tulog ako buong feb 14 hakhak ^__^

    TumugonBurahin
  28. dalawin ang mga yumaong kamag-anak? araw ng mga patay lang ang peg?

    ang pathetic lang ng 6 lalo na yung 7 hehehe :P

    TumugonBurahin
  29. Bat walang "Mag-inuman-magdamag-hanggang-sa-malasing-at-makalimot-sa-sarili?"

    Hehe, matigas ang ulo ko at susundin ko ang no.7 kasi bitter ako, lol.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha... hindi na ba matatapos ang bitterness?

      Burahin
  30. Bahahaha! Bitter ka pre!
    huwag mag mountain climbing. marami ang nagpupunta sa bukid kasi libre lang dun.
    wag rin mag panggap na nahack ang facebook. baka may mag report ng spam sa mga status mo. lagot ka. hahaha

    bumili ka nalang ng aso o pusa para may ka date ka. hihihi.

    TumugonBurahin
  31. Pwede naman matulog na Feb 13 - Feb 15, buti na lang at pagod ako nyan after work..bibili na lang ako chocolate.

    TumugonBurahin
  32. Single bells! single bells! Single all the way...

    Kung hindi ako tsinatsansingan ng lady guard sa opisina, zero talaga ang love lyp ko... ang hirap kasing pumili! naks!

    TumugonBurahin
  33. kalowka! humingi ba ng tulong sa mga dedz relatives! ako plano ko pumunta ng mall at magdala ng ligther bawat makasalubong ko na pa sweet sisinugon ko! join ka!

    But serioudly your right your single so what! You are single because you are single. Simple as that you haven’t made the connection with another heart.


    It’s time for you to focus on your personal growth, your passions, your work, friends and family:)

    So twitt mo ako kung sasama ka sa plano ko! hahaha!

    TumugonBurahin
  34. Fave ko ung number 1 and 3, dami kong tawa :)

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...