Ang simula ng buwan ay tila isang bisyo na sa aking masikip na eskinita upang magbigay pugay sa isang hinahangaang personalidad na taga-labasan. Isang kapwa blogero.
Mataas ang respeto at paghanga ko sa malikot at may saysay na kaisipan niya. Lubos ang aking pagkamangha na sa kabila ng kanyang murang edad ay may kakayahan siyang maglahad at humabi ng mga kwentong may lalim at tunay na may pinanghuhugutan. Isang talentong hindi angkin ng lahat ng mga makabagong blogero.
Halina at mas kilalanin natin siya...
Full Name: Aldrin Cuevas Espiritu
Age: 21
Sex: Lalaki
Location: Muntinlupa, Rizal, Pilipinas
Civil Status: Single
FB E-mail Address: aldrinespiritu29@gmail.com
Twitter Account: @acedrinn
Kumusta ka naman?
Ayos lang. Ito naghihintay lang ng trabaho haha. Joke, April ko talaga balak mag-apply so busy month ahead sa akin, kapag nasimulan ko kasi 'yan wala talagang tigil hanggang may trabaho na akong makuha.
Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed?
Una, na-eksayt ako. Tapos biglang napaisip, marami nga palang readers si Senyor, karapat-dapat ba talaga ako sa interview niya?
Why Blindpen?
Malayang pagsusulat. 'Yung totoo hindi bastang naging lightbulb 'yon sa ulo ko, nung nag-iisip kasi ako ng gagamiting username sa isang forum site kung saan pwedeng sumulat ng mga maikling kwento, napatingin ako sa nakatambak sa sulok na skateboard ko, ang tatak ng skateboard deck ay Blind. Ganun, sinama ko na yung Pen dahil sa hilig kong magkalat sa pagsusulat.
What’s with the blog name, “Kwentista Blog”?
Dati kasi pinakakorning title ever known to blogging 'yung gamit kong blog name "magbasa muna tayo". Naisip ko dahil hindi naman ako nakakakuha ng hits eh wala naman talaga akong readers, parang nagkukwento lang ako sa kawalan. Sabi ko, ok lang yan, gagawin ko na lang ang hilig kong gumawa ng mga maikling kwento kahit pa wala namang may pakialam, magkukwento ako ng magkukwento sa blog ko. Blog ko, tinawag kong Kwentista Blog.
When did you start blogging?
2011. 'Yung kakilala ko kasing sumusulat din sa isang forum site, nabasa ko yung entry n'ya sa Saranggola Blog Awards, sabi ko, galing mo talaga idol! Sabi niya subukan ko rin daw, bukas naman para sa lahat ng mahilig sumulat ang timpalak. Nauto ako kaya gumawa nga ako ng blog, dun ko nalamang next year pa pala ang sunod na contest kaya pinagpatuloy ko na lang ang blogging, dito na ako sumusulat.
Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
Marami na eh, mga bloggers din. Sa lawak ng blogosperyo may makikilala ka talagang magagaling tulad ni RED, Panjo,Amphie at madami pa. Mga simpleng nagsusulat lang dahil 'yon ang hilig nila, hindi para makakilala ng maraming kaibigan at sumikat. Mga idolo ko at tinitingala.
Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
Kung post ko, 'yung "Saan Tayo Papunta". Nagawa ko kasi ng saglit lang pero andami-dami kong nasabi at nailarawan sa kwento. 'Yung ganong mood ng pagsulat at kakaibang ideya, hindi ko alam kung hahawa pa ulit sa 'kin haha. Sa post naman ng ibang blogger 'yung "Sa Wakas" na sinulat ni Panjo sa www.tuyongtintangbolpen.com. Ang galing kasi tagung-tago 'yung kwento, dun palang ako nahuli talaga ng ending, kasi 'pag nagbabasa ako hinahanapan ko ng butas, 'yun bang clue para sa magiging twist.
What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
Para sa akin ang challenge is 'yung sasabawin ka at tatamarin. Nagsisimula pa lang, tamarin na? Hindi pa nga ako naka-100 posts. Kapag puro literary outputs talaga ang entry na ginagawa, walang random, walang etc. etc., walang repost, at walang kung anu-ano eh sasabawin ka talaga. Binigyan ko ng challenge ang sarili ko, quota system, 5 entries/month haha. Hindi na masama.
What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
Parehas lang kung ano ngayon. Nakakapagshare at nakakasali.'Yun na ako.
Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
RED (http://angatingpagitan.blogspot) - hanga ako sa style niya ng pagsulat. Kakaiba at napabilib ako sa una kong basa.
Panjo (http://tuyongtintangbolpen.com) - anlawak kasi ng pananaw niya sa buhay at mga bagay-bagay
Lahat po 'yan ay kanilang mga kakayahan na gabi't araw kong hinihiling na sana'y meron din ako.
What is your most unforgettable moment as a blogger?
'Yung finally merong nakaisip magbasa sa aking blog, tapos bumalik-balik pa ah haha. 'Yun 'yung nagkakilala kami ni Sir JonDmur sa blogging. Salamat, salamat kaibigan!
Kung may babaguhin kasa iyong blog, ano o anu-ano?
Aww wala akong maisip na pwedeng baguhin. 'Yung ads nalang, choosy na kasi ang nuffnang, lalabas lang ang ads kung -2k hits/day ka na. Baka lolo na ko, hindi pa lumitaw ang ads d'yan.
Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
Karaniwan eh nagdadrafts ako ng mga title na pumapasok lang sa isipan, pwede ring narinig sa kanta o sa TV. 'Pag may oras na, pwede na akong mamili sa kanila kung ano ang gagawan ng kwento o tula. Kaya halos lahat ng entries ko, hindi mawari kung saang lupain hinugot ang title.
For you, paano mo masasabing ang isang post ay worth reading?
Para sa 'kin hindi ko agad masasabi eh. Kailangan ko munang basahin ang isang post at sa huli na itanong sa sarili kung worth reading ba? Para sa akin 'yung worth reading eh yung nag-reflect ang author sa post kahit pa random post lang 'yan. Kapag kung anu-ano lang ang sinasabi na wala namang kinalaman para mas makilala pa natin siya at ang pagkatao niya, ayun 'yung hindi worth reading (para sa akin lang po ah).
Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo!
Hindi. 'Pag nasimulan na, tuloy lang, pero kapag talagang naabala at naputol ang pagbabasa, hindi na 'ko mag-i-skip, hindi na lang tatapusin at hindi na lang ako mag-co-comment.
Anung comment and hindi mo malilimutan?
'Yung mga comments ni Sir JonDmur sa SBA2012 entry ko. Kailangang kailangan ko kasi ang lahat ng luck na pwedeng maibigay sa akin. Pinuntahan niya lahat at ginudlak ako.
Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
Si Richard este Rixophernic. Intindi niya kasi ang pagiging sabaw ko at nand'yan siya 'pag meron akong bagong kinalat.
What do you hate most about blogging?
Wala naman. Ang ayaw ko lang siguro sa blogging eh hindi ko ito magawa using mobile. Kung dun ko man sinulat sa mobile, i-po-post ko pa 'rin gamit ang computer. Eh, wala po kasi akong sariling laptop o PC hehe. Kaya nga po hindi ako makapag-comment ngayon sa mga katha ninyo.
Gaano mo katagal nakikita ang iyon gsarili sa mundo ng blogging?
Hangga't may pwedeng i-kwento nandito po ako.
What will make you quit blogging?
Ang madamot sa time na lablayf yata. Haha joke. Wala siguro. Kung mapapatigil man ako ibig sabihin, it's a matter of life and death na ang kinakaharap ko. (Ganun talaga?) haha
How do you want to be remembered as a blogger?
'Yung blogger na imbes na i-post ang piktyur niya at dumaldal tungkol sa experiences niya sa zipline, sa hiking, sa pamamalengke at kung gaano kaganda ang gerlprend ay gagawa na lamang ng isang maikling kwento, tula o 'di kaya'y sanaysay na sumasalamin din sa mga karanasan sa buhay. Ganon lang, remember me as a kwentista.
Mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin.
Salamat po sa pagbabasa ng mga naikalat ko. Doon lang eh masaya na po ako. Madamot ang panahon at oras, pasensya na kung hindi ko mabisita ang mga tahanan ninyo. Sana po eh 'wag ninyo pong isipin na ginagawa ko ang lahat ng ito para makilala o anumang tulad non, ako naman IRL (in real life) eh 1 of many lang din. Ginagawa lang po ang hilig at sinusubukang makipagsabayan.
Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?
'Yan po 'yung lugar na makalat, madumi, magulo, at nanganganib malagas sa kapangyarihan lamang ng isang palitong posporo. Pero para sa ilan ito ay paradiso, dito matatanaw mo ang buhay bilang easy lang, diskarte ang kailangan, at lahat ng nandoon ay kayang makipagsabayan sa anumang hamon sa buhay.
Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
Oo naman! Proud to be taga-looban. Isa rin sa mga batang naglandi ng lupa, batang ginagabi sa videohan. Hanggang sa ngayon hindi pa natapalan ang butas sa bubungan haha :)
Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso? - Kapuso
Jollibee o McDo? - McDo
Boxers or Brief? Brief
Lights On o Lights Off? Lights Off
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Kiray
Hinaharap o Behind? Behind
MagandangTanga o Matalinong Ugly? Magandang Tanga
Younger or Older? Younger
Payat o Mataba? Mataba
Smoke or Drink? Smoke
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex? Kiss w/o Sex
Mabilisan or Take your Time? Take Your Time
To Eat or To Be Eaten? To Eat
Madam Auring o AlingDionisia? Madam Auring
Maikli o Mahaba? Mahaba
Final Message?
Maraming salamat ulit kaibigan at nabigyan ako ng pagkakataong masagot ang mga tanong na ito at mailathala sa blog mo. Apir!
***
Sa aming maikling kwentuhan ay nasalamin ang pagbuo ng isang matibay na relasyon - pagkakaibigan (hoping lang?). Tulad niya, kaisa ako sa pagnanais na bumuo ng isang pook-sapot na tambayan upang magkalat ng ilang kaisipang matagal ng nananahan sa kaibuturan. Wow, heavy noh?
Please have time to visit his blog!!!
You will certainly enjoy... Click the link below... Now na!
"Hindi ka pwedeng mabuhay sa takot. Hindi ka pwedeng umasa na lang kung saan ka tatangayin ng pamumuhay. Sabi nga nila, mananatiling buhay lang ang takot sa dibdib kung hindi mo sisimulang sumubok. Ganon din para sa akin sa pagsusulat at pamumuhay, wala kang dapat ikatakot, ikahiya, at ikabahala. Ang karanasan ang uukit at patuloy na maga-angat sa 'yong katauhan." - Blindpen