Minsang nagtagpo at nagkakilala,
Matamis na ngiti, aking nakita;
Mayroong lalim na aking napuna,
Anung nakakubli sa likod ng saya?
KUYA ang tawag sa'yo ng lahat,
Dahil sa MALAKING edad na agwat;
Ngunit sa tindig at hitsurang sapat,
Mga Girls at Beki, ayaw paawat.
Ikaw ang John Lloyd ng PBO,
Sino ang Bea ng puso mo?
Kilala ba namin? 'Wag ng i-sikreto,
Umaasa kasi ang dragong si Deo.
Sa ibang bansa ay magiging dayuhan,
'Wag sanang lumampas ng walong buwan;
'Pag wala ka rito, kami ay kulang,
Bitin ang saya, bitin ang kwentuhan.
We will surely miss our Super Mario!