Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Blind Item. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Blind Item. Ipakita ang lahat ng mga post

DA WHO Ang Mga Bloggers Na Itetch?


DA WHO???

This post is inspired by Mecoy's post on First Impressions.
Oooooppps.... Syempre may Twist!

More more borrow ako ng powers ni Fashion Pulis at sa paraang blind item ko gustong ipahatid dahil mas bet kong itago ang pagkakakilanlan ng ilang mga blogerong aking nakasalamuha mapa-online man o in person. Sila lang naman ang mga nag-iwan ng labis na tumatak na marka at worth it na ilathala sa eskinitang ito.

PAALALA: Ako lamang ito. Walang bearing sa inyong pagkatao kaya't ipagpaumanhin ang aking pagiging mapangahas at mapanghusga ng very slight. This might change as I get to know you more. Intiendezitas?

Simulan na ang laglagan!!!

Item # 1
Siya ang blogerong ayaw kong bigyan ng kasarian. Sosyal ang blog niya actually pati siya in person. Kailan lang ay nabiktima ng isang kawatan at nadukutan habang shopping galore sa isang pangmayamang mall sa Taguig. Well, matatalino na ang mga masasamang loob ngayon. Ang perfect victim/s nila ay: Mukhang Mayaman o Mukhang Tanga. Alin kaya siya sa dalawa?

Item # 2
Tawagin natin siyang professional sa larangan ng pagkokomento sa numerous blogsites. Sobrang thankful ka as a blogger 'pag nadalaw niya ang iyong post. Mag-iiwan siya ng comment na ubod ng haba na kadalasan ay mala-nobela. As in. Mas mahaba pa sa actual post. Though may tiyak na aral siyang maibabahagi, hmmmmnnnn.... 'Yun lang! May aral siyang maibabahagi pero mahaba lang talaga. Wordy talaga siyang tao. Kahit kaya in person?

Item # 3
Bipolar ang blogger sa item na ito. Ubod ng ingay sa lahat ng social networking sites at maging sa kanyang sariling tambayan pero in person - patay na bata. Kakambal niya ang kanyang CP at bawal abalahin. Ayaw kong i-explain further dahil baka mahalata niya at magpaka-emo na naman siya. Kumusta na kaya sa kaharian niya? Ayan, giveaway na ang clue! 

Item # 4
Paandar ng Taon Awardee. Adik din sa kape. One of the nicest bloggers I've known. Magaan ang aura. Friends ng lahat. Lagi na lang nanlilibre at kahit pa hindi ka magpalibre, ipipilit niya. Eh, madali naman akong kausap. Kilala mo kung sino ka! Ipon-ipon at tipid-tipid din 'pag may time. Okay? 

Item # 5
'Pag sinabing galaan, dalawang bloggers ang tie na nangunguna sa aking listahan. 'Yung isa, nasa Manila today, tomorrow nasa Cebu, the next day sa Iloilo and after that sa Bacolod or Baguio naman. Runner na walang kapaguran. Bow! Da best niyang ka-partner ay ang Penoy with matching asin and suka. Gets na? 
'Yung isa naman is from far away South na always ready sa pag-absent sa trabaho basta makabyahe lang. 'Wag mo akong titigan ng masama! Send my regards to your best friend na blogger din at may pretty smile kaya crush ng isa pang blogger friend from Laguna. #KiligMuch

Item # 6
Certified Skip Reader!!! Kakagigil lang... Okay lang naman at naiintindihan ng lahat na ang mga bloggers ay may iba pang pinagkakaabalahan sa buhay maliban sa pagsusulat. Flattering ang makakuha ng mga comments pero sana lang talaga, may connect naman sa post ang komento. 'Pag wala, kumpirmadong hindi mo binasa ng buo ang post. Okay lang naman talaga pero sana 'wag na mag-comment. Iniiba mo ang ending ng BnP entry eh. Boom.... Ikaw 'yan! 

Item # 7
Mang-aagaw at gaya-gaya ng Idol. To know this person, go to Glentot's www.wickedmouth.com. Wala namang prize sa pinakamaraming comments pero inuungusan talaga ako ng blogger na 'to in terms of number of comments. Hmnf! Kaya ka walang latest post dahil sa kaka-backread at pagkokomento sa Wickedmouth. Tandaan, una ko siyang naging Idol, so number 2 fan ka lang. Okay? Competitive ako. I'm not willing to share my Number 1 Fan slot! Seriously.

Item # 8
The most torpeng blogger I know. 'Tol, I'm telling you, may pag-asa ka! Marami kaming kinikilig sa love story niyo kaya GO na! Ayaw ko pa kayong pangunahan sa lagay na 'to ha, pero iba eh. May spark! Gusto ko 'yung sagutan at patamaan niyo sa twitter. Daig niyo ang 'It Takes A Man And A Woman' sa level ng kilig factor. Sana talaga magkatagpo na ang medyo matagal nang nag-iiwasang mga puso niyo. Mali ang tsismis na wala siyang puso dahil pangalan lang niya 'yun. Ayaw mo bang madiligan ang tuyong damuhan? Another giveaway clues. Relate much?

Item # 9
Choosy sa pimples ang girl blogger na ito. Sino siya? Matagal ng single until she met a bestman na mukha namang seryoso sa effort pero tila mailap ang matamis na oo from our girl blogger. Why? Dahil may Grand Eyeball ang pimples ni koya. Habang sariwa ang sugat, wala yatang pag-asa. Pero lately, due to trusted and effective derma products, unti-unti namang kumikinis si koya at tila nahuhulog na yata si ate. Abangan kung kailan isusuko ang pinkish cupcakes. Need a clue?

Item # 10
My ultimate crushee... Anlakas makalaglag ng XXXL na underwear ang blogger na ito. Siya lang naman ang aking most recent subject of malisya. Alam kong walang pakialam ang blogosphere sa pagtingin na meron ako sa taong 'to pero wala rin akong pakialam kung dedma ang lahat dahil sa tao lang na ito umiikot ang mundo ko (sa ngayon lang naman). Pagbigyan niyo na ako please... Pagod na akong mag-isa. 'Pag naging kami, jackpot ako! Magpapaliit ako ng waistline! Clue? 'Wag na! #SuperKiligMuch

Marami pang DA WHO entries pero next time na lang ang iba. 

Itutuloy?