LDR stands for Long Distance Relation-shit!
Naranasan ko na ito nang minsan akong napaibig ng isang adik na taga-Cavite. Mula noon, hindi ko na muling nasubukan. Hindi masaya... Nakakapagod...
Hindi ako expert when it comes to psycho-analysis ng mga relasyon dahil up to now, single-hood is the best policy pa rin ang favorite school of philosophy ko.
So, why am I writing this?
Dahil lang naman sa isang kahilingan ng isa sa mga sampung masugid kong mambabasa. Pagbibigyan ko lang ang hilig dahil parang gusto na rin niyang sumuko sa relasyon nila ng kanyang kasinatahang nag-Japan.
More, more effort ako to ask around and find out kung ano ba ang mga dapat isa-alang-alang kung ikaw at ang iyong bf/gf ay naging physically separated for a long period of time dahil sa 'di maiiwasang oportunidad in a far, far away land.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pointers from the people who were once and are currently in LDR.
1. Hangga't maari, huwag nang pahantungin pa sa LDR status dahil napakahalaga na alam mong nariyan lamang si bf/gf when you need someone to pamper, hug, kiss at pikpakboom. 1 out of 10 lang ang nakaka-survive sa ganitong set-up sabi ni Dr. Margarita Holmes. Aasa ka ba sa maliit na posibilidad na mag-work out? 'Wag na... Break na agad para single and available ka na to fish sa market. Kung babalik na siya for good, balikan na lang uli kung hindi ka taken at kung taken na by that time, at least may option. Si past o si present?Another problem naman.
2. Kung sukdulan ang pagmamahalan at hindi kayang talikdan ang mga sumpaang 'til death do us part, forever, for life o 'til eternity - GO! Push niyo lang pero 'walang sisihan, ha? OA... mahirap talaga. Keri ba ng isa't-isa ma-achieve ang loyalty award?
Scientifically, ang mga adult people ay nakakaranas ng strong sexual desire once a week lalo na't ikaw ay edad trentahin pa lang o pababa. Ito ay ang labis o malubhang pangangati sa katawan na dapat kamutin regularly. You can resort to nakakasawa at walang humpay na pagsasariling sikap, SOP na mahal ang telco cost or show na pang-perverts sa Skype o YM na pwedeng gawin anytime.
Though, nothing beats the actual encounter pa rin.
I'm telling you!
Wait... Hindi lang naman it's all about pikpakboom pero malaking factor ito lalo na sa mga single, bata, sariwa, sabik, hayuk, wild or simply those who are on their sexual peak... Like me?
3. Planuhin mabuti ang mga maaaring mangyari at ang mga bagay na hindi mangyayari on a Long Distance Status. Dapat may timeline kung hanggang kailan upang maihanda ng bawat isa kung gaano katagal ang pangungulila. Da best ang umaatikabong balitaktakan about all angles para both parties would come up with agreements. Bago pa man lumisan ang isa, gawin na ang all positions para may actual references sa mga upcoming virtual and cyber pikpakboom. Gawin ang mga ito sa iba't-ibang lugar. Indoor, outdoor, sa damuhan, sa public CR, sa Bus, sa Park at kung saan-saan basta wildness ang theme. Hindi man mag-work ang LDR in the future, no regrets naman, diba?
4. Dapat talagang maging 100% mutually faithful and honest. Anticipate senseless paranoia pero dapat hindi sabay. 'Pag ramdam na ng isa na tamang hinala si bf/gf, 'wag ng patulan. More more pa-sweet ang iganti or segue agad to a different topic. Paano? Ask her questions that would let her think and talk a lot.
Example 1
BF: Bebe ko, baka paagaw ang dede mo jan sa Japan, ha...
GF: Bebe ko naman... Ang bastos mo! Ikaw lang kaya huling ngumasab sa nipples ko.
BF: Talaga ba?
GF: OO noh... Miss ka na nga nila Bebe ko...
Example 2
GF: Mahal, baka marami ka ng kapikpakboom jan ha...
BF: Ay, mahal, paano nga ulit magluto ng Masarap mong tinola? Pinapatanong ni Mommy kasi darating sila Lola...
GF: Ganito lang...blah...blah...blah...ganun!
BF: Ahhhh... Eh 'yung Arroz Ala Cubana naman?
Effective ito by 99.9%! Try na! Walang quarrel na magaganap.
5. Related sa previous item - Huwag malandi at pamigay. Hindi isang previlege ang absence ni bf/gf para i-explore world of kerengkeng. 'Wag ng mangatwiran na wala kang ginagawang masama dahil cheating nowadays does not only include penetration. Kahit M.O.M.O.L ay counted na. So please, iwasan ang pakikipaglanturan sa iba. Huwag lumandi at huwag magpalandi. Period. Explanation pa?
6. Make the relationship with the bf/gf's family as an assurance ng loyalty sa partner. Dapat laging magpakita at dalawin ang parents para sila mismo ang mga buhay na saksi na hindi ka bibitiw sa inyong matibay na samahan. 'Pag ginawa mo ito, sa prospective in-laws mo mismo manggagaling ang mga good words about you. 'Wag magmaasim lalo na sa mga biyenang hilaw. Sisiraan ka, promise!
7. Expect for the worst, hope for the best and PRAY for the rest... Hindi sa nais kong magpaka-religious pero ang mga taong madasalin at isinasabuhay naman ang utos ni Divine, nothing is impossible. Kapit lang...
Wow! Nahiya naman ako bigla sa ispiritwal na konteksto. Hindi rin ako prepared...
Pito lamang ang mga ito sa proven and tested guidelines upang ang Long Distance Relationship ay maging Super Long Relationship.
Sa huli, kanya-kanyang diskarte pa rin at habang ang tunay na pagibig ay ramdam pa rin ng mga hearty hearts, kakayanin ang lahat kahit pa ang 12/21/12 end of the world prophecy.
Agree? Any pointers you'd like to add?
***