Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Super Mario. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Super Mario. Ipakita ang lahat ng mga post

Bon Voyage Super Mario of UNPLOG

















Minsang nagtagpo at nagkakilala,
Matamis na ngiti, aking nakita;
Mayroong lalim na aking napuna,
Anung nakakubli sa likod ng saya?

KUYA ang tawag sa'yo ng lahat,
Dahil sa MALAKING edad na agwat;
Ngunit sa tindig at hitsurang sapat,
Mga Girls at Beki, ayaw paawat.

Ikaw ang John Lloyd ng PBO,
Sino ang Bea ng puso mo?
Kilala ba namin? 'Wag ng i-sikreto,
Umaasa kasi ang dragong si Deo.

Sa ibang bansa ay magiging dayuhan,
'Wag sanang lumampas ng walong buwan;
'Pag wala ka rito, kami ay kulang,
Bitin ang saya, bitin ang kwentuhan.

We will surely miss our Super Mario!