Paano papatawarin kung walang paumanhin?
Nasaktan ngunit handang lumimot, paano sasabihin?
Wala ni isang paliwanag ang kayang iparating,
Sapat na kayang talikdan at ang lahat ay limutin?
Mga maling nagawa, dapat pa bang itama?
Hindi pa ba sapat, mga sugat na nakuha?
Hinilom ng panahon ang distansyang napala,
Ngayon, tanong ko - ikaw na ba ay handa?
Mawala man ako, tuloy ang buhay mo,
Mag-isa man hanggang bukas, iikot pa rin ang mundo;
Sa mga aberya at naihatid na gulo,
Ayaw na bang ayusin? Ito na ba ang dulo?
Marahil ay nagsawa at ikaw ay napagod,
Sa tulad kong timawa at ubod ng hambog;
Hayaan man kitang lumayo at tumalikod,
Ako'y hanggang sa huli - naglulumuhod.
'Pag May Panahon
Kailan makakamtan ang maalindog na katawan?
Kailan matitigil, katamaran at katakawan?
Hangga't walang sakit na nararamdaman,
Wagas na kapabayaan, 'wag sanang pagsisihan.
Sa yosi at alak ay ayaw papigil,
Mga maling gawi kailan ititigil?
Tadhana ay handang gumanti't maningil,
Hihintayin pa bang buhay ay makitil?
Lakad-lakad, galaw-galaw - matutong mag-ehersisyo,
Masustansyang pagkain, maging bagong bisyo;
Itakwil lahat ng bawal, ituwid ang huwisyo,
Lumayo sa panganib, lumayo sa perwisyo.
Kung ano ka bukas ay sariling desisyon,
Hindi isang sugal ang pagkakataon;
Kalusugan mo'y ingatan, simulan na ngayon!
Gising-gising din, 'pag may panahon.
Kailan matitigil, katamaran at katakawan?
Hangga't walang sakit na nararamdaman,
Wagas na kapabayaan, 'wag sanang pagsisihan.
Sa yosi at alak ay ayaw papigil,
Mga maling gawi kailan ititigil?
Tadhana ay handang gumanti't maningil,
Hihintayin pa bang buhay ay makitil?
Lakad-lakad, galaw-galaw - matutong mag-ehersisyo,
Masustansyang pagkain, maging bagong bisyo;
Itakwil lahat ng bawal, ituwid ang huwisyo,
Lumayo sa panganib, lumayo sa perwisyo.
Kung ano ka bukas ay sariling desisyon,
Hindi isang sugal ang pagkakataon;
Kalusugan mo'y ingatan, simulan na ngayon!
Gising-gising din, 'pag may panahon.
My A to Z: Senyor Iskwater Edition
Nakakahiya naman kung hindi susuklian ang tagging efforts ng dalawa sa mga Dyosa ng blogosphere na sina Mommy Joy of Joy's Notepad and Mel of Mel's Hidden Passion.
Kahit hindi ko masyadong libangan sa aking eskita ang selfie moments, more more grab na ako ng opportunity na ito. Pampadagdag post din. I know 99.9% of readers will skip read.
This is it!
A. Attached or Single?
Attached to singlehood. Suki ako ng nabibiling pagmamahal. 'Yung per kilo!
B. Best Friend?
Isa lang? Wala. Wala na. It's either I'm a loner or masama ang ugali ko.
C. Cake or pie?
Pie. 'Yung sosyal at pangmayaman. Caviar Pie!
D. Day of choice?
Friday! May work pero excited sa weekend kahit wala namang ganap at nga-nga lang sa bahay.
E. Essential Item?
Internet connection. Hmmmnnn... Item ba 'to? I just know it's next to Shelter, Clothes and Food.
F. Favorite color?
Green. Ever since Bioman days. I love Green 2!
G. Gummy bears or worms?
Gummy din ba 'yung worms? Sige, gummy bears na lang.
H. Hometown?
Barangay 176 Bagong SIlang, Caloocan City! Hello friends out there!
I. Favorite Indulgence?
Ano muna 'yung indulgence?
J. January or July?
Bakit walang June? January na lang. I love beginnings.
K. Kids?
I love kids. The cute ones.
L. Life isn’t complete without?
You. Whoever you are, complete me! Now na!
M. Marriage date?
Never. Kung same sex, mas keri para experimental!
N. Number of brothers/sisters?
1 brother. He's older. College graduate. Unemployed.
Motto niya in life: "Chill!"
O. Oranges or Apples?
Apples na kulay orange. May ganun, pwamis!
P. Phobias?
Snake. Literally and figuratively.
Q. Quotes?
Plural dapat? Hala...
Ganito:
- Don't push the river, it flows by itself...
- Live simply so others may simply live...
R. Reasons to smile?
Smile din. Tsaka pala orgasm. Hihihihi... Sinong hindi mapapangiti?
S. Season of choice?
Summer. Masarap ang nag-iinit.
T. Tag 5 People.
Sunny Toast, Cheeky Piggy, IamMecoy, Arline, Archieviner, Super Mario, Balut Manila, Gracie's Network, Jei Son, Glentot of Wickedmouth, Aldrin of Blindpen, Lili of Thinking Out Loud, JH Alms, Pao Kun, Bagotilyo, Bino of Damuhan, Madz aka Hartless Chick, Cheenee of Kwentong Palaka/Da Secrets, Jay of OrangeWit, Gaston of M2M Experience, EssayNiPayoyo, Bulingit, Joanne, Zai, Raffy, Caryl, Jonathan of Metaphorically Speaking, Marge of Coffeehan, MichyMoo of Dekaphobe, Empi, Nutty and all the bloggers friends in the world.
Ayyy, 5 lang pala!
U. Unknown fact about me?
I have a secret life.
V. Vegetable?
Asparagus and Zucchini. Ang sosyal ko diba?
Ano kaya lasa nila?
W. Worst habit?
I don't wanna share. Bastos eh...
X. Xray or Ultrasound?
Ultrasound. I want to know the feeling. Pati Pap Smear and Raspa!
Y. Your favorite food?
Sherbet. Ice Cream ito ng mga mayayaman. FYI beggars!
Masarap kaya ito?
Aries. It's the best among the re(e)st!
SAKTO LANG
Manhid ka.
Walang pakiramdam.
Hindi masaya.
Hindi malungkot.
Kung ano ka ngayon ay sarili mong pagpapasya.
Pagpapasyang maaring maging pabago-bago depende sa lagay ng panahon.
Natuto kang mag-isa.
Natuto kang lumaban at tumayo mag-isa.
Sa gitna ng mga panghuhusga, wala kang kinapitan.
Hindi ka naghanap ng kakampi.
Alam mo ang pakiramdam na minsang talikdan ng sarili mong bayag.
Alam mo ang pakiramdam na pati ang sarili ay pagdudahan.
Minsan ay walang natirang lakas dahil inubos lahat ng luha.
Ikaw rin ang sumagot sa iyong tanong - kaya mo dahil kinaya mo at kakayanin mo!
Kung ano ka ngayon ay sarili mong pagpapasya.
Kung nasaan ka man ngayon ay dahil may kahapong ayaw mong balikan.
Napagod ka ng yumuko at natutong nakatingala kahit sa mapanghamong sikat ng araw.
Hindi ka na nahihiyang magdala ng payong.
Sa muling pagdating ng ulan - handa ka na!
Oo, manhid ka dahil pagod ka ng masaktan.
Mali silang isiping wala kang pakiramdam.
Isang malaking akala ang sabihing hindi ka masaya.
Desisyon mo ang hindi maging malungkot.
Tulad nila, ikaw ay ikaw dahil may pinagdaanan ka.
Perpekto? Hindi.
Mas piniling mabuhay ng sakto lang.
Walang pakiramdam.
Hindi masaya.
Hindi malungkot.
Kung ano ka ngayon ay sarili mong pagpapasya.
Pagpapasyang maaring maging pabago-bago depende sa lagay ng panahon.
Natuto kang mag-isa.
Natuto kang lumaban at tumayo mag-isa.
Sa gitna ng mga panghuhusga, wala kang kinapitan.
Hindi ka naghanap ng kakampi.
Alam mo ang pakiramdam na minsang talikdan ng sarili mong bayag.
Alam mo ang pakiramdam na pati ang sarili ay pagdudahan.
Minsan ay walang natirang lakas dahil inubos lahat ng luha.
Ikaw rin ang sumagot sa iyong tanong - kaya mo dahil kinaya mo at kakayanin mo!
Kung ano ka ngayon ay sarili mong pagpapasya.
Kung nasaan ka man ngayon ay dahil may kahapong ayaw mong balikan.
Napagod ka ng yumuko at natutong nakatingala kahit sa mapanghamong sikat ng araw.
Hindi ka na nahihiyang magdala ng payong.
Sa muling pagdating ng ulan - handa ka na!
Oo, manhid ka dahil pagod ka ng masaktan.
Mali silang isiping wala kang pakiramdam.
Isang malaking akala ang sabihing hindi ka masaya.
Desisyon mo ang hindi maging malungkot.
Tulad nila, ikaw ay ikaw dahil may pinagdaanan ka.
Perpekto? Hindi.
Mas piniling mabuhay ng sakto lang.
Who's WICKED?
Sampung bagay na hindi mo alam...
1. Hindi ka masaya. I can tell.
2. Hindi lahat ng kasalanan mo, pwedeng mawala pagkatapos ng 'sorry'.
3. Hindi mo kayang baguhin ang mga tao sa paligid mo kung ang problema ay ikaw mismo.
4. Hindi sa lahat ng oras ay tama ka kahit ilang argumento pa ang ipanalo mo.
5. Hindi ka palagiang maiintindihan lalo na't kung kadalasan ay ayaw mong magpaintindi.
6. Hindi mo ikinayaman ang mga materyal na bagay na mayroon ka.
7. Hindi pareho ang inggit at awa. Sana alam mo!
8. Hindi ako ang problema mo. Marami kami at marami sila.
9. Hindi sa paninira mo matatapos ang ikot ng mundo ko.
10. Hindi sa'yo umiikot ang mundo.
Manghiram ka ng bayag sa mga multong ginawa mo. Ilabas mo ang tapang mo sa paraang kaya mo. Nakakaawa ka.
Don't worry, hindi pa'ko galit nito - wala akong time!
You were wrong to think I am evil - understatement!
*These are the 10 things I have been wanting to tell myself. Wala po akong kaaway!
I AM MOVING (ON)
Dahil sa labis at dalas na nararanasang pag-ulan, ang inyong lingkod ay nagpasyang lisanin ang eskinitang kinatitirikan ngayon ng aking barong-barong.
Ngayon na ang tamang panahon at sa tingin ko ay handa na akong sagupain ang masalimuot na pamumuhay sa siyudad ng Makati. Oras na upang isilid sa kahapon ang mga alaala pati na ang mga taong nakilala sa Pasig. Baon ko ang napakabigat na dalawang basyo ng lumang gulong patungo sa panibagong looban.
Simple lang at walang paligoy-ligoy, ako ay humihingi ng tulong sa mga mambabasa kong higit na yata sa siyam. Maaari sana'y ipagbigay-alam sa akin kung kayo ay may alam na paupahan sa Makati. Kahit studio type. Hindi naman ako pihikan basta sana ay swak sa budget.
Ang ilan sa mga requirements ko ay ang mga susmusunod:
- May signal ang Globe, Smart at Sun
- May sariling palikuran
- Dapat may shower (nakakapagod na ang de tabo)
- Hindi kupal ang Landlord/Landlady
- May malapit na 7-11 or MiniStop
- May yummy na neighbor (at least 3)
- May malapit na Laundry Shop, Carinderia o Fast Food at simbahan
- Walking distance o 1 ride papuntang Ayala
- Hindi madalas ang Riot (acceptable ang at least 2 a month)
- May adjacent na Basketball Court (hmmnnn...)
Wattcha w8ng 4??? Refer na kung may alam ka! Go!
Tatanawin kong isang malaking utang na loob!
Plan A VS Plan B
Do not expect everything to happen according to plan. Kaya naman dapat matutong maging mapamaraan. Sa pagkakataong hindi sumang-ayon ang pagkakataon, maging alisto! Mag-isip agad ng swak at saktong alternatibo.
PLAN A - Nais kong ikutin ang buong mundo bago man lang mag-edad singkwenta.
PLAN B - 'Wag masyadong magpakapagod at tipid-tipid din 'pag aging time.
PLAN A - Makapag-aral muli at maging sikat na abogado.
PLAN B - Run to any public office. No scholastic credentials required. Ask Nancy Binay.
PLAN A - Gusto ko ang asawang may good looks, mabait at mayaman.
PLAN B - Basta mahal ko at may kakaibang dating, kaysa wala, sakto na kahit sino.
PLAN A - Makamit ang dream house at ang dream car!
PLAN B - To have my dream job...
PLAN A - Maging sikat na manunulat sa buong bansa.
PLAN B - Ma-maintain ang blog na ito ng more than 10 years.
PLAN A - Magkaroon ng sexy at ubod ng kinis na katawan.
PLAN B - Maging healthy at 'wag magtaglay ng nakakadiring skin allergy.
PLAN A - Maging mayaman.
PLAN B - Maging bestfriend ng isang ubod ng yaman na nilalang.
PLAN A - Magkaroon ng sariling matagumpay at maunlad na negosyo.
PLAN B - Maging Pulitiko.
PLAN A - Magkatuluyan kami ni crush.
PLAN B - Kahit matikman man lang si crush.
PLAN A - Umabot hanggang 100 years old.
PLAN B - Makabuluhang pagpanaw. 'Wag sana through hit and run.
Accept it peeps, we don't always get what we deserve.
Sabi nga nila, "Life is unfair but it's unfair to everyone so that makes it fair..."
Ikaw?
May Plan B ka na ba sa Plan A mo?
Rant of a Bully
Let me tell you this...
1. It's great to see you suffer.
2. Your weakness strengthens me.
3. Your tears call for a celebration.
4. Your ignorance is my bliss.
5. I am training you how to overcome adversities. LEARN!
6. I am more while you're less.
7. You want a piece of me? Try harder!
8. Your loss is my gain.
9. I can do better - dare me.
10. Am I evil? You're just envious!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)