SO WHAT: Confession of a Bully

Ano naman kung may ilang naiimbyernadet sembrano o naiirita avila sa mga hirit kong humorous but offensive? My point: kahit may mapikon, basta happy ang madlang people at walang dull moment – push lang! Kung ayaw nilang malait, sana hindi na lang sila lumabas ng bahay. Pwede rin namang ayusin nila buhay nila! Kasalanan ko ba kung nuknukan ng sumpa ang porma, kilos at hitsura nila? Harsh na kung harsh pero wa ko care! 
Bottom and Happy

Kung nakamamatay lang mga salita, daig ko pa yata ang holocaust sa dami ng aking mga nabiktima. Isa akong expert pagdating sa laitan. Ewan ko ba pero hyper ang aking brain cells ‘pag laglagan at trash talking ang labanan. I have learned to master the skill of making fun of other people. Not just recently dahil as far as I remember, mula yata pagkabata, taglay ko na ang talentong ito. Napagyaman pa ng mga taong well deserved na husgahan dahil sa kanilang taglay na tontaness sa katawan.

I'm torn with this pic. I dunno why...

Nariyan ang funny name calling sa kasumpa-sumpang looks ng mga so-so friends, mga spur of the moment na katangahan, nakakasuyang fashion statement na masakit sa mata at marami pang iba. Active at 100% attentive ako sa mga tao at pangyayari sa kapaligiran. Mind you, I have this swag na minsan pati ako, napapahanga ng sarili ko. Real talent. Gifted. I'm proud of myself! I love myself! 

I focus on the saying 'Nobody's perfect.' kaya kahit ibalik man sa akin ang panlalait, okay lang. They just need to make sure na they can do it better than me. Popcorn sa 'kin ang imperfections ng iba. Yummy!

I hope people would understand that by me  being myself, I am just fulfilling my social responsibility and that is to make this world a better place to live in.

A world without Jejemons!

"Break it out!" Jeje

Jeje Emo in the House!

Where Are the JEJEMONS?


Napulot ko online:
The Philippine Daily Inquirer describes Jejemons as a "new breed of hipster who have developed not only their own language and written text but also their new subculture and fashion."

Hindi na bago sa karamihan ang konsepto ng pagiging Jejemon. Isa siyang sikat na Pinoy pop culuture phonomenon. Dahil sa ilang negatibong connotations, unti-unting nagsiwalaan ang mga dating out and proud na Jejes. Sino ba naman ang gustong mabansagang jologs?

Look around. Kahit sa maalinsangang looban o kahit sa ilang eskinita  ng Barangay 176 na aking kinalakhan, parang may malawakang extinction. Parang dinosaur lang. 

Nakakalungkot din ang kanilang pagkawala. Nakaka-miss din ang kanilang colorful presence.

Nasaan na ba sila?

Ayon sa aking source, nag-ibang anyo at sumanib sa ibang katauhan ang kanilang puwersa. Marahil ay dahil sa mapait na social stigma. Biruin mo, even DepEd wanted to kill 'em like Pokemons. Just like that. Tsk. 

Hindi nga kaya sadyang lumayo lang sila sa limelight  pero nariyan lang sila sa tabi-tabi?

Ang hinala ko, immortal ang kanilang breed. Baka naman nag-ala hunyango at humanap lang ng bagong tambayan. Feeling ko, pakalat-kalat lang sila sa... digdig ng blogging? Hindi kaya? Sa tingin mo?

Malay natin nag-level-up lang sila kuno pero when you look closer, angat pa rin ang neon colored blood na nananalaytay sa kanila. Hmmmnn... I have suspects. 

Baka sila 'yung mga wannabe writers aka bloggers na ang hanap lang ay ang makisabay sa uso. 

¤H m¥  ğëě... #!ñđï ķ@¥@ Aķøhz pöhž ûÑ? 
Baka in denial lang me! OK. Let's say I'm one of the Jejemons. Bakit naman ako mahihiya?

May kilala ka bang Jejeblogger/s? Eh, ikaw? Jeje ka ba? Tara! Let's rebuild our clan!

Rush Hour: Da Beginning

(Photo Credit: taroogs.wordpress.com)

Touch by touch, skin to skin at parang all time lover kami ni kuyang stranger habang sabay kaming mahigpit na nakakapit sa estribo ng jeep. Dedma lang. Ang mahalaga ay napagtagumpayan ko ang misyon sa pakikipagsisiksikan. Nagwagi ako sa aking pakikibaka. I can say now na angat ako sa iba dahil habang waiting in vain pa sila, on my way home na ang aking maalindog malusog na katawan. Byaheng langit lang sa pakiramdam. 

Hold on tight nga lang ang aking drama. Isang maling bitiw ko lang, laslas pulso, tulo ang dugo ang susunod na eksena.

Ganito ang everyday moment pauwi ng bahay galing sa opisina. Buwis-buhay. Ang lakas maka-3rd world ang ganap.

Dahil ako'y nasa gitna ng lower at middle class section ng lipunan, wala akong K para umarteng member ng Ayala clan. Wala akong chauffeur at hindi ko afford ang araw-araw na taxi unless may okasyon or may budget.

I choose to enjoy my daily experiences taking PUVs. Mostly PUJs o PUBs. Jackpot na 'pag aircon at may TV ang bus. Aliw much!

Minsan naman MRT. Astig ang MRT. Ang bilis ngunit hindi kasing mahal. Mas siksikan nga lang. I know why women are separated from men. Para maiwasan ang intentional at accidental box-out sa mga dede maselang bahagi ng katawan nila ate. May own style din ang mga Beckies. Hands on the side or at the back para sa libreng plantsa sa nagmumurang mga gusot na bukol pantalon nila kuya. Alam na! Bastush much! Of course, extra ingat sa mga kawatan.

Kung real life stories and events lang, samu't sari ang pwedeng ibahagi. May drama, comedy, action, X-Rated, suspense, horror, sci-fi  at marami pang ibang genre ang available. Marami ang nangyayari sa isang makamasang commuter.

Watch out for the eggziting collection of stories. Mind you, I met my 1st ever partner sa aircon bus. Sa bandang dulo kung saan hindi matao. May fear of Tagtag kasi ang ilan.

Sariwa pa sa aking alaala ang mga nangyari. Rush hour din noon.

Oooppss... Tsaka na ang buong kwento! 

Kapit lang...

Letter Para Kay EX

Dear EX,

'Wag mong isiping bitter ako at hindi maka-move-on.
YES! galit ako pero hindi ibig sabihin no'n malaki kang kawalan. Sabihin na nating in denial ako. Eh, ano naman? At least hindi ako asshole like you.

Naalala mo ba noong una tayong nagkakilala? Abnormal ka. Pa-cute at papampam pero ako naman 'tong si tanga, ginusto at eventually minahal ka. 'Yon na yata ang isa sa pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa tanang buhay ko. OK lang. Na-enjoy ko rin naman. Take note: Na-enjoy ko pero very light lang. Sa umpisa lang. After ilang months, aaminin ko, katangahan na.

Unang away natin ay ang difference ng 'litter' at 'loiter'. Ang sabi mo, pareho lang 'yon. Ako pa ang nagmukhang nagmamarunong. Sana ngayon alam mo nang tama ako. Isasampal ko sa'yo ang dictionary 'pag pumalag ka pa.

'Pag iniisip ko, hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa'yo. Looks nga lang ba? Well, sweet ka naman. Lalo na sa tuwing may ipapabili o kaya'y may ipapagawa kang office reports. Ang galing mo ngang magproof read at ikaw pa galit 'pag may typo errors. Sana kasi ikaw na lang gumawa! 

Gaano nga ba tayo katagal? 1 year and 8 months? Feeling ko 10 years dahil sa sobrang dami nating napagdaanan. Tamis, anghang, pait, asim, pakla at lahat na yata natikman ng taste buds natin.  I'll never forget noong sinabi mong tayo lang forever at walang iwanan. Pakyu, stir ka! Iniwan mo ko sa ere pero thankful pa rin ako. You made me stronger when you decided to leave me at my weakest. 

Buti na lang at nahimasmasan ako at na-realize na hindi ka worthy iyakan. In fact, ikinain ko lang. Kaya naman hindi ko alam kung kailan matatapos ang stress eating mode ko. Salamat at dahil sa'yo, may man boobs na 'ko!

Good thing walang third party pero bakit sobrang saya mo at kulang na lang ay magpa-party ka nung wala na tayo? Hayup ka to the fullest! Ako na ang nasaktan at niloko mo, ikaw pa rin ang masaya. Buhusan kaya kita ng ekstrang kape?

Ikina-tumbling ko nang malamang wala pang 3 months ay may bago ka na. Bonus, best friend ko lang naman. Magsama kayo! Mga kampon kayo ni Lucifer at wala kayong kasing pakshet! Na-Bea Alonzo na 'ko, na Kim Chiu pa. Tag team pa kayo mga ungas!

Lastly, I wish the both of you happiness at sana magtagal kayo. Joke lang! Ako pa ba? Bangasan ko mga mukha niyo d'yan eh.  Sana 'wag ko kayong makita within this week or else...

Sa totoo lang, nakakainit kayo ng ulo pero siyempre, hindi rito hihinto ang mundo ko. Mag-iipon ako at pipiliting ipatumba kayo sa kakilala kong riding in tandem. 'Eto hindi joke!

Consider this as my written death threat.

Nagmamapait,
Your EX

P.S. 
Alam mo namang hindi ako pathetic para totohanin ang lahat ng nasabi ko pero who knows... Malay mo magaling ka palang teacher at naturuan mo akong maging gaya mo - Demonyo!

MAGKAIBA

Magkaiba ang dirty-looking at ang dirty lang
Magkaiba ang pogi/ganda problems at problems lang
Magkaiba ang pakikipagkaibigan at pakikipaglandian
Magkaiba ang opinyon at ang paninirang puri
Magkaiba ang mahal mo na at sa l*bog lang
Magkaiba ang pagmamatyag at ang pamimintas


Magkaiba ang pagpapakatotoo at ang pagiging bastos
Magkaiba ang prangka at madaldal
Magkaiba ang matapang at ang palaaway
Magkaiba ang funny at ang offensive
Magkaiba ang may problema at ang may pinagdadaanan
Magkaiba ang tinutulungan at ang kinakaawaan

May pagkakapareho ba?

Ano pa ang hindi mo naiintindihan sa magkaiba?

PALALO

Nakailang kumpas ang kaliwa't kanang kamay ng orasan ngunit tulala pa rin akong nakatitig sa aking panulat na nakatungtong sa kawalan. May kung anong pangungusap ang nais idikta ng isip sa aking mga kamay ngunit nagmistulang bingi ang sampung daliri kong mas kaanib yata ng aking dibdib. 

Blanco... Madilim... Walang imik... Ilang katagang sigaw ng aking diwa habang  lihim na dinidinig ang panaghoy na wala ni isa ang nakakapansin. Kahit yata ako ay may takot na imulat ang ulirat. Hindi ko nais na mabatid ang hambalos ng katotohanan. Dahan-dahan kong inilakad ang nakapikit kong utak upang mabatid ang init ng timpla. Sumubok na tikman kung akma sa panlasa ngunit pagsayad pa lamang sa dila ay bumulusok ang karima-rimarim na alingasaw buhat sa hindi matiyak na anino.


Hanggang saan maglalakbay ang talinghaga ng bawat kwentong binubuo ng baliw na multo? Kasing-tigas man ng bakal ang bayag na ibig isampal, hindi pa rin matipa ang walang katapusang daluyong. Kasabay na tatakbo ang hindi mawaring alon tungo sa batuhang magsisilbing himlayan. 

Sasalubuning ang nakabibinging katahimikan. Susundan ng kapayapaang sinuka ng maduming kunsensya. 

Itatanghal kang bayani at ikaw ang babalangkas sa serkulo ng mga tulad mong tinalikdan ng sariling bait. 

HEART VS BRAIN

An FB friend once told this through his timeline:
"If ever your mind and your heart get into a fight, always go with your heart."

Disagree ako sa kaisipang ito bilang tao (wow!) hindi dahil pagod na akong magmahal. Hindi rin dahil sa sanay na akong mag-isa. Pwede bang dahil tulad ng ilan, ako ay minsang nasaktan, bumangon at natuto lang? Ew. Corny!


Nangalap ako ng opinyon sa ilang mga kaibigan. Halina't alamin kung ano ang kanilang mas pipiliin sa pagkakataong magtunggali ang Isip at ang Utak.

PUSO... Dahil doon ako mas nagiging masaya.

Mula kay Marge of Coffeehan:
Kung tunay ka nang nagmahal, alam mo na sagot dito. It's the heart. There is always a choice, pero kung meron akong natutunan, yun eh 'pag nagmahal ka, hindi talaga masyadong gumagana ang utak. It's like the heart has a mind of its own. I've always believed that love is not blind, it actually sees everything, kahit yung pinakapangit dun sa tao. Pero dahil mahal mo, tatanggapin mo lang lahat, magtitiis ka, 'wag lang siya mawala sayo. Pathetic? Maybe, pero sa ganitong paraan mo lang pwedeng sabihin na may tao kang minahal nang higit sa sarili mo. Kung kaya mong isakripisyo ang lahat para sa kanya. And that my darling, hindi uubra, kapag nangibabaw ang utak.

UTAK. Kasi nga, kaya nilagay ng Diyos na mas mataas ang utak kaysa sa puso. Kapag pinairal mo ang puso, pwedeng makasakit ka hindi lang ng isa kundi ng madami pa. Madalas selfish ang puso, kaya dapat kumukunsulta sa utak. Mas mainam pa rin ang dikta ng isipan kaysa dikta ng puso. I, thank you!



Parang wala sa choices 'yung sagot ko. Sa panahon ngayon libog na lang ata ang pinapairal. Lol. Pero for me, utak pa rin. Nakasalalay ang future mo sa taong pipiliin mong makasama habambuhay. Yung mahal mo ngayon, pwedeng bukas hindi na.

Mula kay Iya_khin of When She Cries:
Utak... dahil 'pag nagmahal ka ng totoo, hindi puso ang ginagamit mo kundi utak! Bakit? Kasi you decided to love that person in spite of the imperfection. oh ha! Next lang ang puso... Kasi kung nagdecide na si utak tsaka mo na mararamdaman yung nilalaman ng puso mo.Basta, ganun yun!

Mula kay Bino ng Damuhan:
UTAK. Dahil di pwedeng magisip kung puso ang gagamitin. Ganunpaman, di rin kailangang balewalain ang sinasabi mg puso

BRAIN. It was put on top meant to use it more over heart. Though both must be balance depending on a situation, the brain should still rule over. Mistakes come when u use the heart.


PUSO. Why? Gusto ko lang. Marami kasi pwedeng paggamitan ang utak ko, sayang kung lagi ko gagamitin. Puso nalang.

Ako siguro puso. Kasi 'pag sinunod ang utak, all will make sense to you but won't necessarily matter. 
'Pag puso, although not all will make sense, everything that you'll ever do will matter. These moments are memories that can never be recreated, even with perfect logic.

Mula kay Genskie of Genskie's Written Voices:
Ang hirap naman... Pero sa totoo lang practical akong tao, may pagka-masochist din ako kaya kahit mahirap sa damdamin pipiliin ko ang utak ( bwahahaha) Sa panahon ngayon madami ng nagdusa ng matindi kasi puso ang ginamit. Okay na yung minsanang dusa tapos move on agad kesa yung panay panay. Medyo bias kasi ung puso eh. Dahil emotion ang naghahari tinatanggap natin kahit mali. Madami ng munomentong ipinagawa sa mga martir, congested na ang Manila at wala ng lugar para sa karagdagang monumento. Wala na rin magke-care kung tanga ka kaya maging matalino.... Utak muna ang paganahin.


Ideally, dapat kapwa sila'y magkaakibat sa anumang bagay. 

Technically, utak dahil ito ang sentro ng kontrol sa ating katawan. Emotionally, lalo na pag-umiibig, puso ang nararapat. 



Pero kung ako ma'y papipiliin sa isang di konkretong tanong tulad nito, mas matimbang sakin ang utak. Hindi man nito kayang kontrolin lahat ng parte ng ating katawan (lalo na yaong kusang gumagalaw), ito pa rin ang wari'y tagapatnugot ng ating buhay. Utak ang nagsisilbing gabay natin tungo sa direksyong ating tatahakin. Hinulma tayo ng itaas na may malayang kalooban, tanging katangiang lamang natin sa mga hayop, upang turuan tayong timbangin ang mas nakakabuti sa atin sa ngayon at bukas. 

Matalino't tuso ang utak ng tao kaya lahat ng nais nito ay tiyak na masusunod lalo na may pagpapahalaga parin sa sarili. At kung pag-ibig man ang pag-uusapan, utak ang siyang magtuturo ng kung ano ang dapat at mabuti sayo, hindi yaong mkakabuti sa taong espesyal sayo kesa sa sarili mo. #

Ang puso, pahamak. Kapag puro puso lang ang susundin mo at hindi ka mag-iisip, before you know it, nakagawa ka na ng bagay na pagsisihan mo. Ang paggamit ng utak ay pagiging praktikal, at daig ng praktikal ang mapusok. 


The mind knows reasons which the heart can never feel, and the heart will never understand the reasons of the mind. 

Scientifically speaking we love with our brain and not with the heart. Therefore, we should always consider what the brain thinks.

Biblically speaking, there's a reason why the head was placed above all else, because it has to govern over everything. Accroding to scriptures our will is seated in the mind and that our will can rule over our emotions. In fact, we can read in many passages that we must be self-controlled because we CAN control our emotions.


But such rationalization deprives life of romanticism and God is not a party-pooper or a basag trip kind of deity.

I believe that one must be wise enough to balance the mind and the heart. Such matters are really difficult to approach.

But there's one way that will be helpful in deciding certain matters. Above all else my brothers, EAT. Eat before you love and eat before you analyze, because nothing is done or decided upon smoothly with an empty stomach. Bow. Mwah mwah!

--- o 0 o ---

So far, leading ang Brain over Heart.
Ikaw, ano ang mas gagamitin mo?

Magbago Ka Na! 2014 na!

Umay ka na ba sa mga nagkalat na listahan ng New Year's resolutions ngayong pagpasok ng 2014?


Kung ayaw mong makisakay, walang basagan ng trip! Kung hindi ka fan nito, just shut the F at 'wag uber nega. Feeling mo ba eh resolutions are just meant to be broken or forgotten? I can't blame you.

Ang nakakatuwa lang, bakit 'yung mga dapat na may baguhin ay ang karaniwang walang balak na magtala ng mga sademonyong asim sa katawan? Pwedeng hopeless case na kasi or likas na in denial lang.

Kaya naman, I have enumerated list na maaaring wake up call sa mga usual na makasalanang nilalang on earth. Proposal lang so take it or leave it.


1. MAGTIMBANG
Pwedeng literal. Pwedeng figurative. Get a weighing scale at sa oras na malaman mong obese 1, 2 or 3 ka na, takbo-takbo rin para bawas sebo. Health mo 'yan, ikaw rin...
Kung gustong magpaka-deep: timbangin ang kabuuang pagkatao at ilatag ang mga ugaling kinamumuhian mo sa iyong sarili. Surely, things that you hate about yourself are the same things others do too. (Pakshet. Ang iharap itawid ng English kahit one liner. Help!)

2. MAGBAWAS
Huwag masyadong i-pressure ang sarili. Hindi ura-urada ang pagbabago. Be realistic. Kung hindi kayang magbago instantly, do the art of subtraction. Bawasan ang daldal, ang pagkagahaman sa rice, ang landi, ang pagka-emo, atbp. Bawasan ang dalas ng pagmumura. Kung naka-subscribe ka sa unli-mura daily, gawing 3 times a day lang. Hindi rin magandang P.I. o Sh*t ang ginagawang alternative sa punctuation. Pwede ring magbawas ng friends especially the fakers and the users. Contagious ang mga ugaling 'yan! I'm telling you...

 3. MAGDAGDAG
Damhin ang mga positibong taglay na ugali at payabungin ng bonggang bongga (so gay). On a serious note, may mga nagbabago pero nasasamang ibasura ang kindness at humility. 'Wag ganun! Just change for better.

4. MAGPAYAMAN
Kung walang maisip na babaguhin sa sarili, mag-impok para sa ikagagaan ng buhay mo at ng iba. Magparami ng pera. Admit it, mas maraming ganap 'pag may taglay na yaman. Kung sa tingin mo ay mayaman ka na, don't stop. Hindi nakakasawa ang limpak limpak na salapi. You can buy me, my friends and this blog.
You can have your own definition of 'yaman' then do something to attain it.


5. MAG-ISIP
Isiping mabuti kung may dapat bang baguhin sa sarili at kung walang maisip, mag-isip ulit. Meron 'yan!

Hala! Wala na yata akong maisip na kasunod. Wait lang.

Commercial muna...
Share ko lang muna ang aking New Year's resolution for 2014. Ito ay ang mga sumusunod:

*Iwas Landi
*Quit being madaldal
*Maging sensitive para 'di offensive
*'Wag mang-away... ng madalas!
*Magtipid
*Diet na isang malaking GUDLAK
*Grow up! (Since 25 na ako)
*Kapit pa kay Lord up there pero don't follow the light

OK tuloy na ang paglilista.

6. MAGBAHAGI
Sa bawat taon, siguradong may dumarating na blessings. 'Wag madupang at gawing libangan ang pagtulong sa mga nangagailangan. Not just financial help ah. Pwede ring through sharing your time and effort. May good karma ang mga taong charitable. Pwamis!

On cue:


Join Pinoy Bloggers Outreach o PBO! May Outreach sa February 2 sa Kanlungan ni Maria - Home for the Aged sa Antipolo.
We need sponsors and volunteers.
Contact 09493555570 for more details.

7. MAGDASAL
Sure ka na ba sa mga bagay na nais mong baguhin this year? Aside from ensuring that you'll make it happen, don't forget to seek guidance sa kinikilalang God Almighty. Always pray to be a bettter person.
O kaya, kung assumerang frog ka at iniisip mong wala ka naman talagang dapat baguhin, pray ka pa rin. Ipagpasa-Diyos mo na sana mahimasmasan ka at magising dahil sa totoo lang, makasalanan ka. Sa isip, sa salita at madalas sa gawa. Paano ko nalaman? Ako ang 'yong konsensya!


Hyyyyy... Tama na siguro ang pito.
May idadagdag ka pa ba?

MAGBABAGO KA NA BA?

When Iskwater Meets BAGOTILYO

Let's all be fresh inside and out ngayong 2014!
Proven Effective ang Xmas Wish na ito ni Cyron of Hindi Ito Wholesome

Simulan natin ng palung-palo at havey na havey ang bagong taon. This is the perfect time to start anew and more more move on sa mga pait ng kahapon. Less Drama and Complications 'ika nga ng iba d'yan. 

Magbago ang dapat magbago pero walang sapilitan! 
My only wish this year ay ang pagpapalaganap ng spirit of 'Kapit Lang!' at 'Walang Basagan ng Trip!'...

'Yan lang naman ang first point I'd like to raise this year. Second, I have new featured blogger. As usual, isa sa mga astig at kahanga-hanga sa loob at labas ng blogsphere. Kilalang karirista sa mga contest. May K dahil talentado talaga sa paglalahad ng mga kwentong may sustansya.

Ako'y mapalad na mapaunlakan ng isang panayam  kapalit ang aking katawan. Oh yes!  

Ladies and gentlemen (and in between)... Your Online Super Hero...

MOISES JOHN BILANG AKA BAGOTILYO
Oha! Registered Nurse na, Blogger pa!

Full Name: Moises John R. Bilang
Age: 24 
Sex:  Bata pa ako para rito. Strict ang parents ko. Wala pa 'kong ipon. 'Di pa ko ready magka-anak.
Location: Cavite
Civil Status:  Depende sa nagtatanong.
FB E-mail Address:  yahjme_05@yahoo.com
Twitter Account:  @bagotilyo  ( Don’t follow me , follow God – Nabasa ko lang sa likod ng bus)
---o0o---
Kumusta ka naman?
- Sakto lang. Ikaw kumusta naman?

Ano ang una mong reaksyon when you were offered to be interviewed? 
- In-expect ko na talaga ‘to. Siyempre joke lang 'yun. Masaya, kasi kahit matagal na akong walang update sa blog ko at kahit hindi ko na alam ang mga nangyayari sa blogworld,  napili pa rin ako para ma-interview.  Salamat sa pagpapaalalang blogger pa pala ako :p

Why Bagotilyo?
- Bagot = kasi madali akong mabagot sa mga ginagawa ko. ( 'yung totoo, maikli lang talaga ang attention span ko . Secret lang natin 'yun haha) . Bagotilyo kasi mabilis ako tubuan ng bigote. Mabuhok ako sa totoong buhay. Basta 'yun na 'yon.

When did you start blogging?
- Hunyo 16,2011 . Matalas ang memory ko kaya binalikan ko pa 'yung blog ko para tignan ang first  ever post ko. Hohoho!

Sino o ano ang nag-inspire sa’yo to do blogging?
- Kung tao, marami. Isama mo na si Bob Ong. (Wala ako sa mood para i-explain). May isang blogger din na kinagiliwan ko at kinainggitan kaya pinasok ko ang pagba-blog. Kasama na rin ang ate kong mahilig magsulat ng tula at sanaysay. Bata pa ko noon kaya 'di ko nage-gets ang mga pinagsusulat niya. Kunwari lang naiintindihan ko. Hindi siya blogger pero alam kong may puso siya sa writing pero pasmado masyado ang kamay para magsulat. Sa ngayon siguro, isa rin sa nag-inspire sa 'kin ay 'yung hamon na binibigay ng blogging . Tamad ako pero mas tamad ang utak kong mag-isip. Gustong gusto kong hinahamon ang kakayanan ko. Walang limitasyon ang imahinasyon at  gusto kong malaman kung saang mundo ako kayang dalhin ng pagsusulat. 

Si Bagotilyo on his Sando and Yummy Armpit

Ano ang iyong most favorite post so far? Why?
- Biyaheng Langit  na entry ko sa Saranggola Blog Awards last year. Marami pang grammatical errors. Hindi rin pulido ang pagkakahabi ng mga salita at pangungusap. Hilaw pa ang akda pero natutuwa ako kasi habang sinusulat ko 'yon, ramdam kong tinatangay ako ng imahinasyon  sa dakong hindi ko pa nararating noon. Sa akda kong 'yon napatunayang marunong ako (kahit konti) magsulat. Active pa ang brain cells. Favorite ko kasi tungkol din kay Lord 'yung kwento.
P.S. Hindi nanalo 'yun sa blog galing ( Basta proud ako at favorite ko 'yun )
Pwede kang magbasa 'pag may time. I click ang link sa baba. Oo . prinomote ko talaga. Halata bang favorite ko siya?

What are the challenges bilang isang bagitong blogger?
- Noong mga unang buwan ko sa pagba-blog, ang pinaka challenge na na-experience ko ay kung papano makakakuha ng readers. Kalokohan kasing hindi dumating sa  punto ng isang blogger na gusto niyang magkaroon ng readers. Kasi kung gusto mo lang magsulat at maglabas ng kung ano-anong sh*t sa buhay mo, sana nag-diary ka na lang. Ganyan. Kontrabida lang. hahaha.
    Habang tumatagal ako sa blog world unti-unting nawala 'yung focus ko kung may nagbabasa pa ba o wala sa sinusulat ko. Ang naging challenge na sa 'kin ay kung pano magkaroon ng quality post. Kung papaano magkaroon ng kaibigan sa blogworld. Kung papaano ako magiging inspirasyon at kung papaano akong makakatulong sa ibang tao sa pamamagitan ng pagbablog. Oha! Challenges lang ang tanong kung saan-saan na nakarating ang sagot ko.

What direction ang nais mong patunguhan bilang blogger? Niche ba.
- Semi-chopsuey blogger ako. Kung ano-ano lang ang sinusulat. May personal. May namemersonal. May sobrang personal. May kathang-isip lang. Gusto ko lang maging inspirasyon gamit ang simpleng pamamaraan ng pagsusulat. Mapusok ako. Kung may pagkakataon, gusto kong ma-expose sa lahat ng direksyon . Gusto kong lakaran lahat.

The Long Lost Masculado Member

Who are your Top 3 favorite bloggers? Why?
- Matagal ng walang update ang blogger na ito. Number one ko siya kasi sa kanya ako na-inspire para mag-blog. Personal Experiences . Humor Blogger. Effortless writing. 'Yun siya at nainggit ako sa kanya noon. Hanggang ngayon. hahaha

- Dating jkulisap.com. Walang kinalaman ang paggabay niya sa 'kin  sa pagsusulat kung bakit ko siya naging favorite. Favorite ko kasi may laman ang mga sinusulat niya with touch of humor. Hindi pilit ang pag singit ng mga nakakatawang lines. Pakiramdam ko talaga ako 'yung hilaw na version niya. Oo, ambisyoso ako. Libre ang mangarap.

-Halimaw ang utak nito. Basta ibang level. (Hindi yata gumagana ang link na 'yan ngayon)

Marami akong favoritesssss.. Pero dahil tatlo lang , sila muna.

Ano ang iyong pinaka-unforgetable experience as a blogger?
-  'Yung pakiramdam kapag may nagsasabing na-touch sila at na-inspire sa post ko. Sila 'yung mga dahilan  kung bakit hindi ko mabitiwan ang pagsusulat. Pati ;yung nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan dahil sa pagba-blog.

Kung may babaguhin ka sa iyong blog, ano o anu-ano?
- Wala. Meron pala 'yung design ng blog ko . 'Yung header. Nanawagan po ako sa magaling gumawa ng header. Please do the needful. lol

Ano ang iyong mga preparations prior to publishing an entry?
- Kung regular post lang, walang preparations na nagaganap. Kung isasali sa contest , kapag may time at traffic sa edsa dun ako nage-emote sa bus  at nago-organize ng concept. Nakikipag-brainstorm din ako sa sarili ko 'pag may topak.

For you, paano mo masasabi na ang isang post ay worth reading?
- Simple lang. Kapag may natutunan ka. Kapag na-entertain ka at kapag naapektuhan ka sa binasa mo (in goodway or in not so goodway)

Ikaw ba ay nag-skip read na? ‘Yung totoo.
- Hindi. Hindi na mabilang kung ilang beses. Pero bihira ako mag-comment 'pag nag-skip read ako sa post. Oo nagpaliwanag ako at oo defensive ako.

Anung comment and hindi mo malilimutan?
- “ badtrip ka, nasa office pa naman ako. Eto naiiyak , kanina pa ako lumuluha. But seriously thank you sa post. It means a lot. Sana maraming makabasa. Lalo na yung may mga balak na gawin yan.
Kahinaan ko to pre. You got me. Kung hindi ka man manalo sa patimpalak na yan. Yung nagawa mo yang post/short story nay an. Para sakin, panalo ka na.

Goodluck pre. I’m a fan  “


I’ve reached someones heart and soul gamit ang aking writing. Masaya akong natupad 'yung goal na 'yun bilang blogger!

Gawing Bisyo si Bagotilyo Ngayong Bagong Taon

Sino ang pinaka-favorite mong commentator?
- Si Ate Susan ng sasaliwngawit.wordpress.com .  'Pag nag-comment kasi siya, mararamdaman mong hindi niya lang binasa 'yung post. Nginuyang maiigi. Nilunok. Dinigest ang nutrients. And Presto! May comment na galing sa tiyan este sa puso pala.

What do you hate most about blogging?
- Wala o baka wala lang akong maisip sa ngayon.

Gaano mo katagal nakikita ang iyong sarili sa mundo ng blogging?
- Hangga’t  may tinta pa ang bolpen ni Bagotilyo. Hangga’t hindi tuluyang nagagapi ng katamaran ang kasipagan. Hangga’t may pagmamahal pa ko sa pagsusulat. Magba-blog ako. Sinagot ko ba 'yung tanong? Parang hindi.

What will make you quit blogging?
- Kapag nawala na talaga 'yung passion ko sa pagsusulat ( pwedeng mangyari) o kapag dumating sa puntong sobra nang umiikot ang mundo ko rito ( malabong mangyari).

How do you want to be remembered as a blogger?
- Basta hindi makalimutan 'yung mga sinulat ko o 'yung mga aral na itinuro nito (kung meron man), Ok na kahit hindi nila ako ma-remember. Seryoso ako diyan. Pramis!
Hindi Siya Mahilig sa Liyad Selfie

Ano ang iyong mensahe sa iyong mga mambabasa at sa mga prospective readers na rin?

Hi Mambabasa,
Bawal po mag skip read.

Hi Prospective readers,
Welcome to my world! Are you having fun? Insert Coin.

Ano ang iyong sariling definition ng Iskwater?

- Iskwater  (noun) : Taong mahilig umiskwat.  Ang corny!!!
Eto na seryoso.
- Iskwater (noun) : Sila ang salamin ng realidad ng buhay
- Mga matatapang na taong kayang gawin ang lahat para mabuhay.
- Karamihan sa kanila may pangarap sa buhay pero karamihan din sa kanila walang lakas ng loob para tuparin iyon. Hindi ko nilalahat. 
- Masaklap ang realidad ng buhay pero sila ang paalala na maari rin maging Masaya ang buhay sa kabila ng kakulangan. 

Iskwater ka ba? Bakit? Why not?
- Sometimes. Kasi pag nasa work ako sa Quezon city , wala akong sariling bahay. Nangungupahan lang ako. Madalas delay rin ako magbayad kaya kinakatok pa ko ng house landlady sa kwarto kong maliit. Literal na sinagot ang tanong? Hahha.

I’m homeless, please take me home with you (nabasa ko lang din sa shirt ng kapatid ko dati). Harotilyo lang. Pero nagbago na ko ngayon. Mabait na po ako.

Artist na, Artistahin pa!

Fast Talk… Quicky Lang... Last na! (pick 1 at walang paliwanag...'wag makulit!)
Kapamilya o Kapuso?  Kapamilya
Jollibee o McDo?  Mcdo
Boxers or Brief?  Boxers
Lights On o Lights Off?  Lights on
Nora o Vilma? Vilma
Kiray or Mahal? Kiray
Hinaharap o Behind? hinaharap
Magandang Tanga o Matalinong Ugly? Matalinong ugly
Younger or Older? Younger
Payat o Mataba? Payat
Smoke or Drink? Drink
Sex w/o Kiss or Kiss w/o Sex?  Kiss w/o sex
Mabilisan or Take your Time?  Take your time
To Eat or To Be Eaten?  To be eaten
Madam Auring o Aling Dionisia?  Aling D.
Maikli o Mahaba? Maikli
---o0o--
Ouch. I got disappointed sa 'maikli'... Tsk!
Hyyyyy... I'm like super honored sa pagkakataong makadaupang palad si Bagotilyo. Dama ko ang nutrients ng kanyang mga ibinahaging sagot sa mga tanong. Kaka-proud na maging saksi sa kanyang mga matitinik na obra. Sa gitna ng scarcity sa mga matitino at talentadong manunulat sa daigdig ng blogging, nariyan siya upang ipamalas ang bagsik ng kanyang brain cells. 

Maraming Salamat, Kaibigan!

So, what are you waiting for? Please click the link below and start following his blog if you haven't... Pramis, sulit!


"Ikaw ang artist at ang buhay mo ay ang iyong obra. - Bagotilyo"
Makuha ka sa One Last Look!