Magbago Ka Na! 2014 na!

Umay ka na ba sa mga nagkalat na listahan ng New Year's resolutions ngayong pagpasok ng 2014?


Kung ayaw mong makisakay, walang basagan ng trip! Kung hindi ka fan nito, just shut the F at 'wag uber nega. Feeling mo ba eh resolutions are just meant to be broken or forgotten? I can't blame you.

Ang nakakatuwa lang, bakit 'yung mga dapat na may baguhin ay ang karaniwang walang balak na magtala ng mga sademonyong asim sa katawan? Pwedeng hopeless case na kasi or likas na in denial lang.

Kaya naman, I have enumerated list na maaaring wake up call sa mga usual na makasalanang nilalang on earth. Proposal lang so take it or leave it.


1. MAGTIMBANG
Pwedeng literal. Pwedeng figurative. Get a weighing scale at sa oras na malaman mong obese 1, 2 or 3 ka na, takbo-takbo rin para bawas sebo. Health mo 'yan, ikaw rin...
Kung gustong magpaka-deep: timbangin ang kabuuang pagkatao at ilatag ang mga ugaling kinamumuhian mo sa iyong sarili. Surely, things that you hate about yourself are the same things others do too. (Pakshet. Ang iharap itawid ng English kahit one liner. Help!)

2. MAGBAWAS
Huwag masyadong i-pressure ang sarili. Hindi ura-urada ang pagbabago. Be realistic. Kung hindi kayang magbago instantly, do the art of subtraction. Bawasan ang daldal, ang pagkagahaman sa rice, ang landi, ang pagka-emo, atbp. Bawasan ang dalas ng pagmumura. Kung naka-subscribe ka sa unli-mura daily, gawing 3 times a day lang. Hindi rin magandang P.I. o Sh*t ang ginagawang alternative sa punctuation. Pwede ring magbawas ng friends especially the fakers and the users. Contagious ang mga ugaling 'yan! I'm telling you...

 3. MAGDAGDAG
Damhin ang mga positibong taglay na ugali at payabungin ng bonggang bongga (so gay). On a serious note, may mga nagbabago pero nasasamang ibasura ang kindness at humility. 'Wag ganun! Just change for better.

4. MAGPAYAMAN
Kung walang maisip na babaguhin sa sarili, mag-impok para sa ikagagaan ng buhay mo at ng iba. Magparami ng pera. Admit it, mas maraming ganap 'pag may taglay na yaman. Kung sa tingin mo ay mayaman ka na, don't stop. Hindi nakakasawa ang limpak limpak na salapi. You can buy me, my friends and this blog.
You can have your own definition of 'yaman' then do something to attain it.


5. MAG-ISIP
Isiping mabuti kung may dapat bang baguhin sa sarili at kung walang maisip, mag-isip ulit. Meron 'yan!

Hala! Wala na yata akong maisip na kasunod. Wait lang.

Commercial muna...
Share ko lang muna ang aking New Year's resolution for 2014. Ito ay ang mga sumusunod:

*Iwas Landi
*Quit being madaldal
*Maging sensitive para 'di offensive
*'Wag mang-away... ng madalas!
*Magtipid
*Diet na isang malaking GUDLAK
*Grow up! (Since 25 na ako)
*Kapit pa kay Lord up there pero don't follow the light

OK tuloy na ang paglilista.

6. MAGBAHAGI
Sa bawat taon, siguradong may dumarating na blessings. 'Wag madupang at gawing libangan ang pagtulong sa mga nangagailangan. Not just financial help ah. Pwede ring through sharing your time and effort. May good karma ang mga taong charitable. Pwamis!

On cue:


Join Pinoy Bloggers Outreach o PBO! May Outreach sa February 2 sa Kanlungan ni Maria - Home for the Aged sa Antipolo.
We need sponsors and volunteers.
Contact 09493555570 for more details.

7. MAGDASAL
Sure ka na ba sa mga bagay na nais mong baguhin this year? Aside from ensuring that you'll make it happen, don't forget to seek guidance sa kinikilalang God Almighty. Always pray to be a bettter person.
O kaya, kung assumerang frog ka at iniisip mong wala ka naman talagang dapat baguhin, pray ka pa rin. Ipagpasa-Diyos mo na sana mahimasmasan ka at magising dahil sa totoo lang, makasalanan ka. Sa isip, sa salita at madalas sa gawa. Paano ko nalaman? Ako ang 'yong konsensya!


Hyyyyy... Tama na siguro ang pito.
May idadagdag ka pa ba?

MAGBABAGO KA NA BA?

22 komento:

  1. Malapit pala age natin haha :)

    TumugonBurahin
  2. ui, mukang balik ang PBO sa home for the aged.

    hopefully madaming blessing pa sa outreach na yan.

    happy new year senyor.

    TumugonBurahin
  3. Gusto ko mga payo mo senyor:) Good luck sa atin:)

    TumugonBurahin
  4. Marami akong napulot mula sa post na ito. Thanks Senyor!

    ~Sepsep

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. bongga! i lavet!

      ay interested ako sa outreach chururus na yan! kung di ako busy baka ilaban ko. hehe

      Burahin
    2. Ruloy ka lang sa pakikipaglaban! Suportado kita!

      Burahin
  5. nice! I'll do the art of subtraction! sa weight, sa work, sa worries, sa stress, sa lahat ng nega. :) Sana maging successful ang outreach natin sa Feb 2. :D

    TumugonBurahin
  6. since we are being honest here, i don't mind magpayaman....i will definitely buy you, your friends, and this blog. Joking!!!!

    or maybe not :)

    TumugonBurahin
  7. Malaking GUD LAK sa new years reso mo.

    Ang hirap nung number 5. Really. Hahaha!

    Happy new year! :)

    TumugonBurahin
  8. Exactly ang hirp ng numero singko..pero bawi bawi din sa numero sais. FengShui says start the year with a good karma. :)

    TumugonBurahin
  9. Baka di kana namin makilala nyan kapag natupad mo mga gusto mong baguhin hehe, pero kidding aside marami ang susuporta sayo at isa nako dun!

    Idadagdag ko lang yung: Magpalaganap ng WORLD PEACE hehe naalala ko si Balut dito, Peace Balut hehehehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naku Gracie BabyRuth bars ang pinili ni Senyor baka kasi hindi sya sigurado sa pagpapalaganap ng WORLD PEACE! waha ha ha Peace Senyor!

      Burahin
  10. Bet ko ang no.2 and 4 :) Para dumami ang ganap ipon-ipon din :)

    TumugonBurahin
  11. Ayos na sana yung pito may sumingit pang komersyal na hindi kapani-paniwala ha ha ha joke!

    Taraletz lesdudes!

    TumugonBurahin
  12. bet ko yung number 6 kaya sana makasama ako sa February 2 : ) ...sana mahila ko si Ms . Melanie he he he ... at saka number 4 na rin hi hi hi : D

    TumugonBurahin
  13. maganda ung mga new year's resolution mo. for sure kayang kaya mo yang tuparin

    TumugonBurahin
  14. whenever you post an entry like this, it's like you're slapping me back to reality. With feelings. hahaha!

    1. Opo. Magtitimbang na po ako. Hindi lang naman para magdulot libog sa sangkatauhan kundi naisip ko din, life is short na nga, bababuyin ko pa. Mag gulay at ehersisyo naman din pag may time. Ang pagtitimbang sa ugali naman eh constant yan at kailangan talaga maging open din for change, otherwise, tinimbang nga ang budhi ngunit kulang pa rin sa pagbabago.

    2. MAGBAWAS- maliban sa timbang, kailangan ko bawasan ang procrastination. So instead of saying bukas na lang, eh di mamaya na lang. at least within this day gagawin ko.

    3. MAGDAGDAG- dagdagan ko ng positivity ang sarili para hindi ako laging bad trip sa sangkatauhan.

    4. MAGPAYAMAN TALAGA ANG GUSTO KO ABOVE ALL ELSE! More than sex! More than food!

    5. MAG-ISIP- I've been doing this for the last 28 years of my life. Tigilan ko naman siguro ngayon para magkaroon naman ng konting spice ang buhay ko.


    6. MAGBAHAGI- Ah yes of course. I believe in the cause of PBO!

    7. MAGDASAL- I beseech God's grace and power para magbago na talaga ako. Praying for more blessings for you Senyor!

    TumugonBurahin
  15. Sana magbago na rin ako... lalo na mga pangit sa akin.... need ko din magdagdag ng timbang... pumapayat na ako...

    Gusto ko ding magpayaman hahaha....

    Okay lang sa akin kahit madaldal ka... at kahit wag bawasan ang pag landi hehehe...

    Smile always.... ^^

    TumugonBurahin
  16. Intense ang mga recent posts mo lagi, Senyor. :p Happy new year! :P

    TumugonBurahin
  17. magandang new year's resolution yan pre, ung ilan din jan, new year's resolution ko, isa ring malaking goodluck...hahaha...happy new year :)

    TumugonBurahin

Huwag mahiya... Say something... May Pabuya ang Katapatan...