(Photo Credit: taroogs.wordpress.com)
Touch by touch, skin to skin at parang all time lover kami ni kuyang stranger habang sabay kaming mahigpit na nakakapit sa estribo ng jeep. Dedma lang. Ang mahalaga ay napagtagumpayan ko ang misyon sa pakikipagsisiksikan. Nagwagi ako sa aking pakikibaka. I can say now na angat ako sa iba dahil habang waiting in vain pa sila, on my way home na ang aking maalindog malusog na katawan. Byaheng langit lang sa pakiramdam.
Hold on tight nga lang ang aking drama. Isang maling bitiw ko lang, laslas pulso, tulo ang dugo ang susunod na eksena.
Ganito ang everyday moment pauwi ng bahay galing sa opisina. Buwis-buhay. Ang lakas maka-3rd world ang ganap.
Dahil ako'y nasa gitna ng lower at middle class section ng lipunan, wala akong K para umarteng member ng Ayala clan. Wala akong chauffeur at hindi ko afford ang araw-araw na taxi unless may okasyon or may budget.
I choose to enjoy my daily experiences taking PUVs. Mostly PUJs o PUBs. Jackpot na 'pag aircon at may TV ang bus. Aliw much!
Minsan naman MRT. Astig ang MRT. Ang bilis ngunit hindi kasing mahal. Mas siksikan nga lang. I know why women are separated from men. Para maiwasan ang intentional at accidental box-out sa mga dede maselang bahagi ng katawan nila ate. May own style din ang mga Beckies. Hands on the side or at the back para sa libreng plantsa sa nagmumurang mga gusot na bukol pantalon nila kuya. Alam na! Bastush much! Of course, extra ingat sa mga kawatan.
Kung real life stories and events lang, samu't sari ang pwedeng ibahagi. May drama, comedy, action, X-Rated, suspense, horror, sci-fi at marami pang ibang genre ang available. Marami ang nangyayari sa isang makamasang commuter.
Watch out for the eggziting collection of stories. Mind you, I met my 1st ever partner sa aircon bus. Sa bandang dulo kung saan hindi matao. May fear of Tagtag kasi ang ilan.
Sariwa pa sa aking alaala ang mga nangyari. Rush hour din noon.
Oooppss... Tsaka na ang buong kwento!
Kapit lang...
