MEME Days Are Not Over

Pinakabagong paraan to get attention ngayong social media era - MAKI-MEME!!!

Hayaan niyo akong ibahagi ang ilan sa mga na-Sotto kong agaw-eksenang meme's...


Kapikon much?

Havey?

Source: Facebook/Pinoy Laugh Page
Sweet?


Fierce?


No Comment.

Source: Facebook/Pinoy Laugh Page
Gandang Belo?


DA WHO?


KUDOS to all MEME makers!!!

May nais ka bang ibahagi?


Patikim Ka Naman

Hindi lang pagkain ang may lasa at hindi lang mga prutas at gulay ang masustansya. 

Look around and you'll see people na hindi mo na kailangang tikman para sabihing katakam-takam (ang personality).
Yummy?

Halina't namnamin ang ilan at husgahan ang sariling panlasa...
  • MATABANG - kulang sa spices, bland lang, walang personality o walang reaksyon sa mga major issues. It's either no-care type o pinanganak na NR (no reaction) sa mga bagay-bagay. Mas mababa pa sa underacting ang performance. 

  • MAPAIT - laging nanggagalaiti, laging galit at mahirap magmove-on. Dessert niya ang ampalaya at favorite niya ang papaitan. Kadalasan, puno ng bitterness ang mga taong emo at inggitero.

  • MAASIM - pinsang buo ng mga NEGAstars. Laging may hinaing at sa konting kibot, may daing. 1st Honor sa larangan ng reklamo at injustices. Don't expect any good vibes from these people.

  • MAANGHANG - taglay ang mapanakit na dila. Walang preno kung magsalita. Nag-aalab sa init ang mga ibinubuga ng bibig. Hanap ay away. Most of the time, maraming napapaso sa mga hirit na komento. 

  • MATAMIS - close to nakakaumay sa uber sweetness na minsan ay wala na sa lugar. Hatid ay positive energy lalo na kung akma sa pagkakataon. 

  • MASARAP - next to perfection. Delicious!  Pwedeng eye candy due to great looks o taong nutritious kausap dahil sa taglay na over pouring knowledge and wisdom.

IKAW?
Anung lasa mo?
Patikim ka naman...

Kiss w/o Sex or Sex w/o Kiss?

Dahil malamlam ang ulap at tila dinaig ng nagdaang bagyo ang moment ng Buwan ng Wika, atupagin natin ang usaping supsupan.



Kung pitpitan ng bayag o palamugan ng Clay Torres, ano ang iyong pipiliin?

Kiss w/o Sex or Sex w/o Kiss?


Nangalap ako ng kasagutan mula sa mga tropang gising.
Here's what they have to say sa isyung mas may saysay pa sa Pork Barrel Scam:

Kiss without Sex na lang. Ano to porn film? Or naghire ng pokpok? Walang emosyon? 

Not really fond sa kissing. I choose sex w/o kiss. Bakla ako eh. Ayoko ng tweetums na kiss then hug hug, ang bata!

Kiss without sex. I'm a good kisser kasi (sabi nila LOL).. Trained and experienced a lot.. and I find it very comforting, I feel a lot connected when kissing.. Sex is second best.. Pwede naman din kasing both bakit papahirapan ang sarili pumili sa dalawa? Dapat hindi.


I'll go for Sex without Kiss. Why? Because Kiss without Sex happens all the time. It is a normal act we can see even in public.

Kiss w/o Sex . I find it gentle and sweet when I am kissed. The other can happen some other time. As the saying goes, 'Slow and steady wins the race'.


Penigurl Colesio aka @m_penigurl
Sex w/o kiss. Less Drama

I can never have sex without kissing. I can manage kissing without sex.

Crushie JC RM aka @jc_miras
Kiss w/o sex. Kasi kiss is the simplest way of expressing love  and I think that's enough. Kumbaga, close your eyes and let the good feeling handle the situation.



Keith Macapagal aka @ohitsmekeith
Sex w/o kiss. Kisses are romantic and all. But let's get real... In the long run, sex would matter more than the kiss.

Shelly aka @SillyShellykins
Since I have started reading the bible, I realized the sacredness of making love within marriage. I do not want to sound like a hypocrite since I already have a son out of wedlock. But I can say I've grown and matured a lot as a person and as a Christian, and getting married is a dream that I want to fulfill ever since I've learned the concept of loving and being loved back. They say, if you want something you never had, then do something you've never done. And with that said, I am now saving myself for "the one" on our wedding night.


Ikaw? Ano trip mo?

Let your voices be heard and make a stand? 

Napoles Fools

Pawisan na ang aking man boobs sa kakaisip kung anung klaseng karma ang deserve na deserve ni Ate Janet Lim Napoles.

Pangunahing Suspek sa P10B Pork Barrel Scam

Gusto kong maniwalang inosente siya dahil mukhang hindi niya afford magpagawa ng makatarungang kilay.

Hanapan natin siya ng matinong anggulo...

Akala ko talaga si Dulce... Ayaw pumayag ni Cristy Fermin!

Munting backgrounder...

Sangkot ang limang senador at 23 kongresita. 'Di umano'y naglagak sila ng pondo sa ghost projects using dummy non-government organizations allegedly lead by Janet Lim Napoles, JLN Corp. President & CEO. Ito'y umabot sa sampung bilyong piso sa nakalipas na sampung taon. 

Ang 1st Honor sa listahan...

Minsan niyang sinubukang mag-comedy, hindi siya nakakatawa!

Ayon sa balita, ibinigay raw ni Revilla ang access sa kanyang Priority Development Assistance Fund o pork barrel nang 22 beses sa firm na dummy NGOs na binuo ni Napoles at nakarehistro sa Securities and Exchange Commission.

Bad ang manghusga, so isipin na lang na ito'y isang black propaganda since he's planning to run for VP sa 2016 election. VP ba o President? Kape kape rin 'pag may time!

Heto pa ang ilan, baka may namumukhaan ka...

'Wag husgahan! Hindi pa Guilty! Hindi Rin Proven Innocent!

Balik tayo kay Ate Janet...

Stop bullying her... Nakakaawa...

Mahaba-haba pa ang patutunguhan ng investigation against Janet Napoles. Ang kanyang kampo ay ilang beses nang sinabing ang kanilang angkan ay old rich. Fine! Sana lang halata!

Kung mapatunayan man, again, what's the sense?

Have we forgotten Marcos, Erap and PGMA? 

They all have the money. They can always file motion for consideration kahit anuman ang sabihin ng korte. Magpapakasasa muna angkan nila. 

'Wag Tularan ang Memeng ito!

Malaking question mark ang hustisya. Ipupusta ko kahit kapitbahay namin!

At tayong mga simpleng tax payers, wala lang! Observe-observe lang!

Nakakapikon diba?

...and wait, no matter how pikon we are, it's bad to bully 'em. It's bad to be judgemental.

Kalma lang!

Usaping May Sense: Kanino ang Bonifacio Global City?

Subukan nating ibahin ang sitwasyon.



Paano kung ang Bonifacio Global City ay isang pugad ng mga informal settlers? Isyu pa kaya kung pag-aari ito ng Makati o Taguig?


Paano kung hindi naging sentro ng komersyo at tambakan lang ng basura ang mahigit kumulang na 26 square kilometers na espasyong ito? Susugal at makikisawsaw pa rin ba ang Pateros?


Hindi pa final and executory ang desisyon ng Court of Appeals declaring Makati City as the owner of BGC. Surely, hahaba pa ang 20-year old dispute sa pagitan ng mga siyudad reclaiming na kanila ang business hub na ito.

Kung negosyante, emplayado o mamamayan ng Makati, Taguig o Pateros, eh ano naman? Liliit ba ang nakakabuwisit na Tax?

May pagbabago ba sa patutunguhan ng makokolektang buwis? Mawawala ba ang Pork Barrel at hindi mapupunta sa ilang mga garapal at kurakot na mga pulitiko?

Bakit hindi natin itanong kay Janet Lim Napoles?

 
Napoles Fools - Sinong may gustong tanggalin ang utong niya using nail cutter?

Bago natin ilihis ang usapin kung kanino ang ano, konsultahin  ang mga Napoles at baka sa taglay na yaman nila, wala na tayong dapat pag-usapan.

Does it make sense? Kung hindi, uso pa ba ang sense?

I'm a Senator. I make sense.

BANTAY-SARADO SA SENADO: NANCY BINAY EDITION

Tila may nais patunayan ang ating Yaya Senator Nancy Binay.


Mas magandang 'di hamak kay Doris Bigornia

Maliban sa paghihiwalay ng mga puti at de color, pagliligpit ng mga kinainan, pagpapainit ng tubig at pagsamsam ng mga sinampay bago mabasa ng ulan, may bagong Senate House chores siyang nais ibida.


Out of 39 committees, naitalaga si Madam Nancy bilang Chairman ng Social Justice, Welfare and Rural Development Committee. Kasabay nito, nailatag na rin niya ang mga priority bills para sa kanyang unang termino ngayong 16th Congress. 

Halina't pasadahan natin ang ilan sa mga nais niyang maisabatas...
  • The Employers Child Care Centers Act of 2013 -Pwede nang isama sa office ang mga kids! Less work for the Yayas? Havey!
  • Parents in Jail Act of 2013 -May Family Day na sa Bilibid? Yey! Havey!
  • Special Education Act of 2013 -Ngiti ka... Konti lang! Havey!
  • Women’s & Children’s Resource Development & Crisis Assistance Act of 2013 -Paano ang Elders and those with Disability? Weh? Explain mo 'teh!
  • The Indigent Children Free Medical and Dental Service Act -Relate much? Havey!
  • Firecracker Safety Law -Ayaw maputukan? Weh? Explain mo 'teh!
  • Women and Gender Education Act -Hindi pa ba clear? Weh? Explain mo 'teh!
  • The Anti-Corporate Punishment Act of 2013 -Wala nang punishments? Fired agad? Weh? Explain mo 'teh!                                                                     
Taray Ooohhh...
  • The E-Vaw Law of 2013 -Resbak kung Resbak sa Online Haters? Havey!
  • Rest Period for Women Employees -Go Girl Power! Havey!
  • Sex Offenders School Access Prohibition Act -May pinanghuhugutan? Havey!
  • Philippine Arbitration Commission Act of 2013 -Para saan? Weh? Explain mo 'teh!
  • Petroleum Exploration and Development Act -Wow. Push mo 'to para maging prinsesa ka ng krudo. Weh? Explain mo 'teh!
  • Sugar Cane Industry Development Act of 2013  -May tubuhan ba sa Makati? Weh? Explain mo 'teh!
  • The Food Fortification Act  -ito ba 'yung sa Lucky Me!? Weh? Explain mo 'teh!
See? Kasimbilis ng kanyang pagka-senador ang application ng kanyang mga natutunan sa 5-Day Executive Course on Legislation. Fast learner indeed!

Edibensya...

Sana lang ay hindi suntok sa buwan at maging makatotohanan ang mga nais makamit ni Ate Nancy sa kanyang 6-year OJT sa Senado.

Ganito lang naman kadali ang proseso upang maging batas ang isang bill:
  • Filing/Calendaring for First Reading
  • First Reading
  • Committee Hearings/Report
  • Calendaring for Second Reading
  • Second Reading
  • Voting on Second Reading
  • Voting on Third Reading
  • At the House of Representatives - follows the same procedures (First Reading, Second Reading and Third Reading)
  • Back to the Senate
  • Submission to MalacaƱang -The President either signs it into law, or vetoes and sends it back to the Senate with veto message.
Sincerely, isang malaking gudlak Senator Ma. Lourdes Nancy Binay-Angeles!
Nandito lang kami... We are watching you! 

Ang PDAF pala ay Pork Barrel din at hindi Pedicab Association of the Filipins

Don't Touch Chito's Birdie

Huwag umasang may kalaswaang nilalaman...

Getting Stronger and Tighter?

Happy Fiesta ang netizens upang maki-trending sa dumadagundong na iskandalo.
This time, sangkot ang chinito rockstar vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at ang kanyang uberly hot girlfriend - Neri Naig.

Isang sex scandal nila ang kumakalat ngayon sa iba't ibang social media sites. Kung paano nag-leak ang supposedly for private viewing na video, napag-alamang ninakawan ang kanilang tahanan at nakuha ang hard drive kasama ng iba pang mga gamit.

Isang mensahe mula kay Chito...

NO DENYING

And since very wholesome ang aking pagkatao (at sana kayo rin), ako ay nagpasyang 'wag nang panuorin ang naturang video. Bakit? 'Yun ang 'Trip', 'yun ang gusto ko...

Ang sa ganang akin? Sakto lang.

I grew up as an avid 'Parokya' fan at sobrang trip ko ang bagsakan ng kanilang tugtugan. Hindi mawawala ang aking paghanga sa banda o kay Chito because of this issue. Nabawasan ba ang kanilang talento? Nagbago ba ang katotohanang they're one of the greatest bands our country has ever had?

Weeks or months from now, huhupa rin ito and everyone will eventually move on. 

Take it from Ethel Booba, Katrina Halili, Hayden Kho, Maricar Reyes at Mahal (unfortunately).

Isang panawagan sa mga alagad ni Mang Jose na parang  si Diamos din. Pakilipol ang mga malisyoso't mapanghusang utak. Nawa'y sapian ng kaluluwa ni Buloy ang mga nananamantala sa masalimuot na kinakaharap ng ating idolo.

Inamin na diba? Humihingi na ng paumanhin... Surely, Chito Miranda is not proud of what happened but at least he had the balls to own up to it. If it was yours, would you have the same courage?

Just mind your own balls! Don't touch Chito's Birdie!

Sa pagkakataong maling mikropono ang nagamit ni Chito, bigyang 'Halaga' ang kanyang 'Sorry Na'. Hindi man siya ang 'Mr. Suave' o ang 'Papa Cologne' na inasahan mo, handa pa rin siyang magbigay ng munting 'Harana'... 'Para Sa 'Yo'!