Hindi lang pagkain ang may lasa at hindi lang mga prutas at gulay ang masustansya.
Look around and you'll see people na hindi mo na kailangang tikman para sabihing katakam-takam (ang personality).
Yummy?
Halina't namnamin ang ilan at husgahan ang sariling panlasa...
- MATABANG - kulang sa spices, bland lang, walang personality o walang reaksyon sa mga major issues. It's either no-care type o pinanganak na NR (no reaction) sa mga bagay-bagay. Mas mababa pa sa underacting ang performance.
- MAPAIT - laging nanggagalaiti, laging galit at mahirap magmove-on. Dessert niya ang ampalaya at favorite niya ang papaitan. Kadalasan, puno ng bitterness ang mga taong emo at inggitero.
- MAASIM - pinsang buo ng mga NEGAstars. Laging may hinaing at sa konting kibot, may daing. 1st Honor sa larangan ng reklamo at injustices. Don't expect any good vibes from these people.
- MAANGHANG - taglay ang mapanakit na dila. Walang preno kung magsalita. Nag-aalab sa init ang mga ibinubuga ng bibig. Hanap ay away. Most of the time, maraming napapaso sa mga hirit na komento.
- MATAMIS - close to nakakaumay sa uber sweetness na minsan ay wala na sa lugar. Hatid ay positive energy lalo na kung akma sa pagkakataon.
- MASARAP - next to perfection. Delicious! Pwedeng eye candy due to great looks o taong nutritious kausap dahil sa taglay na over pouring knowledge and wisdom.
IKAW?
Anung lasa mo?
Patikim ka naman...
Anung lasa mo?
Patikim ka naman...