Ipinapakita ang mga post na may etiketa na stacy liong. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na stacy liong. Ipakita ang lahat ng mga post

Tunay na Timpla

Lumaki akong hayuk sa kape. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ko naging libangan ang pagtulog ng mahabang oras. Ito rin ang dahilan kung bakit lagi akong kabado.

Laging gising at laging kabado - adik lang. Kailan ko lamang napagtantong hindi maganda sa katawan ang ganitong sistema. Anumang labis o sobra, hindi maganda. Kailangan ng moderation kumbaga.

Kaya naman nang mauso ang Tea bilang mabuting alternatibong inumin, itinuring ko itong pambalanse.

Mabuti na lamang at may natagpuan akong isang establishment na maaring magbigay-hilig sa aking pagkahumaling sa kape habang tinuturuan ang sariling subukan ang linamnam ng milk tea. 

Maraming salamat sa kaibigang Stacy Liong sa pambihirang pagkakataon. Dahil sa iyo, nahanap ko ang tunay na timpla...

>>>trueblends<<<


Tikman ang kanilang best selling products...

Dark Chocolate Cheese Cloud


  
Peach-Mango Yakult / Lychee Nata Green Tea 

My favorite...
Oreo Dark Choco Cheese Cloud

...at may mga yummy sandwiches and sausages pa!!!

Schublig Sausage

Garlic Stuffed Bread

Club House

Take it from me, all products are to die for... As in!
Heto pa, mukhang pangmayaman at mamahalin pero 'wag ka... affordable ang prices!


Kung ikaw ay malapit sa Medical City o Meralco along Ortigas Avenue Extension sa Pasig, 'wag palampasin ang pagkakataong matikman at masubukan ang bangis ng Trueblends Tea + Coffee. Take note: They DELIVER!!!