Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Illegal Settlers. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Illegal Settlers. Ipakita ang lahat ng mga post

Iskwater VS Bianca Gonzalez

Pepektusan ko ang babaeng 'to 'pag nakita ko in person...


Giniginaw? Desisyon mo ang mag-backless!

Ang ganda niya diba? At 'wag ka, brain and beauty ang hitad na ito...
Ilan sa mga credentials ni Ate Bianca Gonzalez ay ang mga sumusunod:
  • UNICEF Ambassador
  • Journalist
  • Celebrity Blogger
  • Endorser
  • TV Host 
  • Communications Graduate from Ateneo De Manila University
Kahanga-hanga kung maituturing until she tweeted this...

Simple lang naman ang mensaheng kanyang nais ipahatid. Isang opinyong nag-ugat sa isang recent news kung saan nagkaroon ng sagupaan sa gitna ng mga pulis at informal settlers ng Brgy. Pag-asa, North Traingle, Quezon City.

Tulad ng inaasahan at dahil bisyo naman talaga ng karamihan ang pumatol (just like me), umani ng reaksyon ang tweet na ito. Hindi naman kasing ingay ng pagkatomboy ni Charice pero sabihin na nating napag-usapan din naman ng ilan at umabot pa sa kaalaman ng pro-poor party list na Damayang Mahihirap o Kadamay. As expected, ikinataas ng kanilang kilay.

Pinahupa ko muna ang maliit na isyung ito at tinimbang ang ilang punto de vista. Bilang isang dugong iskwater ang nananalaytay sa akin, parang sampal sa aking ulirat ang mga usapin gaya nito.

Ganito na lang, I have simple words for you Madam Bianca G. and this goes like this...

Wait, isang kagalang-galang pose muna from her...

Let's work para makaipon...

...At heto pa isa!

Bakit bine-baby ang informal settlers?


Last na'to!

Ganito kataas ang buwis na binabayaran ko...


 OK game, serious na!

Madam Bianca Gonzalez,

Matapos magdulot ng kontrobersya ang iyong tweet na ikina-imbyerna ng mga ka-iskwateran in the metro, nagpahayag ka ng kagustuhang makipag-usap sa mga pro-poor civic groups. Sabi mo pa ay nais mong maunawaan ang  kalagayan ng mga maralita. Very good!!! Slow clap...clap...clap... 
Ang hakbang na ito'y isang pag-aming wala kang alam sa hirap na pinagdadaanan naming mga informal settlers prior to posting the controversial tweet..

Matalino ka at may pinag-aralan upang hindi malamang may masasaktan pero ano nga naman ba sa 'yo ang mga iskwater? Kunsabagay, unfair nga naman sa 'yo. Ikaw na ang tax payer. Ikaw na ang nagkakandahirap magtrabaho.At kami na ang bine-baby!

Kaming mga informal settlers, hindi kami big time tax payers dahil walang malaking halaga ang pwede pang ikaltas sa aming kinikita.

FYI: Tulad mo,we want to have prime lot at bahay. Hindi namin ginusto ang masadlak sa lugar na walang katiyakan kung bukas ay kinatitirikan pa ng aming mga barong-barong. Kung nahihirapan kang magtrabaho, kami rin hirap. In soooo many ways!

Ni hindi nga namin afford ang makabili ng backless, ternong lingerie o 2-piece bikini. Wala nga kaming time na mag-selfie pic na nakataas ang kamay with 'pamigay-dede' pose.

Hayaan na lang nating i-handle ng pamahalaan ang problemang ito. Malalim na kasi ang pinag-ugatan ng problemang naidulot namin. Hindi namin ginustong maging pabigat. 

'Wag mo na kaming masyadong ibaba kung hindi mo naman ikakataas, ok? 


Lots of Love,
Senyor Iskwater and Friends

P.S.
'Pag nagkita tayo Bianca, who you ka sa 'kin! 
Next time, isip-isip muna para iwas kuyog!

Oooopppps... and Bianca Gonzalez responded....







Hmmmnnnn... Nag-sorry na, diba? Natakot naman ako... Kayo na humusga!