emo

Ang bigat lang...
Hindi kailan man ay nakakitaan ng mahinang loob.
Masayahin.
Magandang disposisyon.
Palabiro.
Wala ni kahit mansan ay nagtanong na 'Ayos ka lang ba?'
Ang bigat lang...

Matagal-tagal na rin noong huling umibig.
Sa dami ng luha ay napagod.
Sino ang hindi mapapagod na masaktan?
Ang bigat lang...

Sa oras na ginugol para sa pamilya, ano pa ang kulang?
Hindi ko na alam.
Ang bigat lang...

Hyyyyy... 
Ang bigat lang...

2nd PBO Bazaar For A Cause: Idinaos, Nakaraos, May Napaos!

Walang sawa sa paulit-ulit na spiel: 
"Charity Bazaar! Charity Bazaar! Charity Bazaar!"

Bago pa man sumikat si haring araw up until starry starry night ay to the fullest ang effort ng fellow volunteers last Saturday and Sunday for Pinoy Bloggers Outreach's 2nd Bazaar for a Cause held in QC Memorial Circle.


Celebrity Blogger AXL at ang mga Donated Pre-Loved Items

Accessories Atbp.

Spot your donated items!

Pre-opening look ng aming kiosk...


Over pouring ang bumuhos na suporta at overwhelming din ang pagdumog ng maraming customers to buy some great stuff for very reasonable prices.
Super lucky ang mga nakabili ng slightly used dresses,  branded shoes, best-selling books at iba pa under 200 pesos. Oh yes! Under 200 pesos! 

Kaya naman tumabo ang PBO ng more than Php10K sa unang araw. KUDOS to Day 1 volunteers and supporters!



@Gellyshoso representing Lili of Thinking Out Loud

Glentot of Wickedmouth

Salve of Salbehe


Patok din ang 2nd day promo naming 'Ang lahat ng hawakan, may discount!' which was in line to our Bazaar slogan: "Lahat ng Items ay Discounted na, may discount pa!' We even had customers who decided how much they want to pay... Astig diba? Only in PBO!

Kaya naman walang tigil ang dating ng mga mamimimili...

Dumagsa ang madlang pipol! Obvious ba?

Si Ate, nagulat nang malamang Php30 lang ang hawak niyang shorty shorts!

Sina Mommy, ayaw papigil!

Pili lang ng pili ang mga suki!

Gabi na! Pagod much? Nah! For the Love!

Our total gross sale - Php 17,810! 
Tiyak na malayo ang mararating at marami ang matutulungan! Itaga natin 'to sa bato!

Marami pang highlights and sidelights sa naganap na 2-day Bazaar, watch out for other bloggers to share.

Again, maraming salamat sa mga naging bahagi ng proyektong ito! Hindi sapat ang espasyo sa aking eskinita upang banggitin ang mahabang listahan ng inyong mga pangalan.

Maraming salamat sa pakikiisa sa aming superb na adhikain!

Hanggang sa muli...

Nakadaan ka ba sa aming 2-Day Bazaar for a Cause last Saturday and Sunday? 
Share us your experience!

Like us on Facebook - Pinoy Bloggers Outreach

Photo Credits: Marge Gavan of Coffehan, AXL Guinto and Jimmy Panes

Tamis ng UNANG PUTOK

Mapapa-oooohhhhh ka sa sarap ng Unang Putok!!!

Inihahandog mula sa puso hanggang bagang...




Itataya ko ang maliit na pangalan ko...
Walang habas kong sasabihing tanga lang ang hindi matatawa at matutuwa matapos basahin ang first ever published book ng isa sa pinakamalupit na blogero sa buong universe - Master Glentot.

I am happy and proud to be one of the few who got a copy of this wholesomely dirty na libro ni idol. As expected, havey na havey ang mga kwento. Mapapamura ka sa bangis! Bonus pa ang pagguhit ni Teacher Mots ng Teacher's Pwet na future National Artist o 'di kaya's Walt Disney's animator.

Do the Math: Best Humor Blogger plus Best Illustrator. Saan ka pa?

Bida ang mga sikat na karakter nina Khikhi Ismael, Sasha Fierce at Mudrax Doris. Panalo!

Each story, pinag-isipan! Engaging ang bawat intro at ang astig ng bawat ending! Alamin ang lihim sa likod ng Pitsel.

Kung hindi ka maka-relate, grab a copy now! For only, PHP200, madadagdagan ng kulay ang buhay mo.

Bili na mga suki! Ask me, now na! or visit Wickedmouth's FB Fan Page.

'Pag hindi ka nag-enjoy, let me know and I'll give your money back. Seriously!

MAITAWID LANG

Good Vibes mga kautong!!!


A moment of silence para sa mga biktima ng mga nagdaang sakuna.

Silence... silence... silence...

Kung sinuman ang nagrereklamong mahirap ang buhay - think again! 

Habang may hininga may amoy man o wala, may trabaho at may kapamilya, swak sa sakto pa 'yan! 

Walang lovelife? Keri lang 'yan! Two things, it might be your karma or your destiny. You choose!

Kung sa tingin mo'y pasan mo ang daigdig, look around and you might find yourself lucky.

Kung may idinadaing na karamdaman, don't worry... may RiteMed naman!


Gagaling ka, kapit lang!

Kung ikaw ay kapos sa kaligayahan o dama mong pinagtampuhan ka ng tadhana, chill! Lilipas din 'yan! 

Ano ba ang kulang? Ano ang wala ka? Matagal na bang hindi answered ang prayers mo?

Keri lang 'yan!
Sabi nga, "Life is not fair but it's not fair to everyone so that what makes it fair." Ano raw?

Ano ba ang punto de vista ang nais kong iparating? Simple lang.

Stop asking questions. Do yourself a favor. Relax!



May problema ba? Pera? Pag-ibig? Peace of mind? Sex life?

Worry no more! Think less, rest more! Bawas isip para bawas din ang mga alalahaninsss...

Paano ko itatawid ang post na ito? Beats me...

Ganito, try to consider na sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin sa buhay, at the end of the day, you can always have something to do. Lagi kang may choice.

Mala-delubyo man ang danasin mo, may magagawa ka! 
Plus, it's not the end of the world anyway.

You can have blue-purplish highlights then smile! Malaking tulong, diba? Lakas makagaan ng kalooban!


Ganda much???

May problema ka ba? Tell me. I can help.


Name That Song

Maiba lang ang trip.
Upang maitawid ang kawalan ng creative juices, let's play a game!

If you know these songs, do the guessing without googling...

1. Why do people fall in love and then end up crying?

2. Naaalala mo pa ba ang iyong mga sinabi nung ako'y may problema? 

3. Can't you see I'm a fool in so many ways but to lose all my senses that is just so typically me...?



4. Are we an item? Girl quit playing "We're just friends" What are you sayin'?

5. Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa kanya?

6. Sinong sawa, sinong galit?



7. What's there to look forward to beyond the biting cold?

8. Should we stay or should we say goodbye?

9. Sino ba sila?

10. Ba't ganito, bat gano'n?

Hula-hula na 'pag may time... Mairaos lang!